CHAPTER 1

1594 Words
MALAKAS na ingay ng musika at iba-ibang kulay ng umiikot na ilaw ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa Under Construction Station, isang kilalang club sa Brixton, UK. Maraming mga taong naghihiyawan at nagsasayawan sa gitna ng dance floor. Suddenly a sweet smile appeared on my lips when, from the second floor of the bar, I saw my two friends na kasamahan ko rin sa trabaho. Kahit marami man ang tao sa dance floor, hindi ako nag-atubiling pumagitna roon upang makarating sa kabilang bahagi ng bar at makaakyat sa itaas. May iilan pang mga lalaki ang humarang sa akin at hinawakan ako sa braso at baywang ko upang ayaing sumayaw, pero tinanggihan ko. “I’m sorry!” malakas na sabi ko para marinig ng mga ito ang boses ko. Tinanggal ko rin ang mga kamay na nakahawak sa akin saka naglakad muli, hanggang sa makapanhik na ako sa mataas na hagdan. “Hey!” Sinalubong ako ni Emily, kagaya ko ay model din ito. Ito ang kasabayan ko nang pumasok ako sa agency na nag-alok sa aking maging model, three years ago. “What took you so long?” She asked me and took my hand and led me to the table where Maxine, another one of my model friends, was also waiting. “Girl, you’re an hour late. Where have you been?” Tanong din nito sa akin saka tumayo at hinalikan ako sa pisngi ko. “I’m really sorry. You know, I have bodyguards that I have to elude just to get here,” sabi ko. Kaagad akong umupo. Iniabot naman sa akin ni Emily ang isang margarita. “Your favorite,” sabi nito. “Thank you!” “So, did you call Monroe?” tanong ulit sa akin ni Max. Ang tinutukoy nito ay si Monroe na kasama rin namin sa trabaho. Ang lalaking matagal nang nangungulit sa akin na manligaw. But of course, I don’t like him kaya hindi ako pumapayag. “Why? Will he come here too?” I asked her too. “I told him earlier to come here,” sabi ni Emily. Wala sa sariling napabuntong-hininga naman ako kasabay niyon ang pag-irap ko rito. “What? I thought, our plan is just a girls night out and no boys?” “I’m sorry Shiloh, but Monroe talked to me earlier. He said he wants to talk to you. And I accidentally mentioned to him that we are coming here tonight, so I told him to come here if he wants to talk to you.” Pagpapaliwanag pa nito. I just leaned back in my seat and sipped my margarita. Minsan nakakainis din itong si Emily. Hindi marunong sumunod sa usapan at pangako. She knew I really didn’t want to talk to that guy, but she told him to come here to the bar. How else can I enjoy the night? “Oh, he’s here,” sabi ni Maxine. I followed her gaze below the bar, at the entrance. And there, I did see Monroe. When he saw me, his smile suddenly widened, at nagmamadaling umakyat din upang lumapit sa puwesto namin. Muli akong napabuntong-hininga nang malalim. “Hey girls!” nakangiting bati nito sa amin. He kissed Emily and Maxine on the cheek before sitting next to me. “Hi, Shiloh!” “Hi.” Tipid na ngiti na lamang ang ibinigay ko rito at nakipagpalitan din ng halik sa pisngi. Kahit alam nito na hindi ako interesado sa pagpapalipad hangin nito sa akin, of course pinapakiharapan ko pa rin naman ito ng maganda. Nakapa-rude ko naman kung lagi ko itong de-dead-mahin at hindi kakausapin, samantalang magkasama kami sa trabaho. “I’m sorry I’m late,” he said. “It’s okay, Monroe. Shiloh just arrived too.” Singit naman ni Emily. Naiirita ako ngayon sa babaeng ito sa totoo lang. “Is that so? It’s a good thing.” He then called a waiter who immediately came to our table. “Vodka Martini, please. Thank you.” “Right away, sir.” Anang waiter. “Come Max, let’s dance.” Pag-aaya ni Emily kay Maxine na kaagad din namang pinaunlakan ng huli. Naiwan tuloy kami ni Monroe sa mesa. I don’t want to start our conversation kaya nanatili lamang akong tahimik. I just waited for him to speak to start our conversation. I know, mayamaya lang ay magsasalita na ito. Knowing Monroe, masiyadong madaldal ang lalaking ito. Dinaig pa ako. “Um, are you okay, Shiloh?” tanong nito. I nodded while still sipping my margarita again. “Yeah. Why did you ask?” “Well, I’ve noticed that lately... you seem to be getting more and more elusive to me. Are you still mad at me for forcing you to go on a date with me last time?” Well, isa pa iyon sa dahilan kung bakit mas iniiwasan ko nga ito lately. Ang kulit kasi at parang hindi marunong makaintindi sa salitang No. He let out a deep sigh. “I’m really sorry, Shiloh. I just can’t help myself. You know how much I like you.” “Yeah I know,” sabi ko. At nilingon ko ito. “And you know that I appreciate your feelings for me. I really do. But Monroe, how many times have I told you I’m not interested? I have no plans right now to be in a relationship again. I’m sorry... But I’m not ready yet.” Oh, it’s been three years simula no’ng umalis ako ng Pilipinas. Three years ng hindi ako umuuwi roon. Tatlong taon na ring wala kaming komunikasyon ni Morgon, my boyfriend. Pero hanggang ngayon... Siya pa rin. He kept his word and stopped all communication between us after our argument about me leaving for London to pursue my dream of becoming a model. It hurts a lot for me, because he doesn’t understand my side. He didn’t understand my dream. I left to fulfill the dream that I have wanted to do for a long time, my dream since I was a kid. But instead of supporting me, he was the first person to object to my leaving. He broke up with me. And even though it hurts for me to leave the man I love the most, but I had no choice but to do it. Pinanghahawakan ko na lamang ngayon ang salitang Kung kami talaga ang nakatadhana para sa isa’t isa... Darating ang panahon na muli kaming magkikita at magkakabalikan. But for now, kailangan ko munang tuparin ang pangarap ko. Three years, bukod kay Monroe, marami na rin ang nagtangkang manligaw sa akin. Nagpaalam na kung puwede ay maaya akong maka-date. Pero ni isa ay wala akong pinayagan. I’m still in love with my buttercup. And I missed him so much. I want to see him again; I want to hear his voice again, but I can’t. Because I know until now he is still mad at me. “I’m willing to wait, Shiloh.” Ani nito sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako kasabay nang pag-iling at pag-iwas ko ng tingin dito. “Can I dance with you?” “No.” Walang pagdadalawang-isip na sagot ko. “Please!” Muli akong napatingin dito nang ilahad nito ang kamay sa akin. “I’ve been asking you this for three years... But you never even once allowed me to dance with you,” sabi pa nito at malungkot na ngumiti. Dahil doon, medyo nakaramdam naman ako ng guilt. God! Sa sobrang pag-iwas ko rito kay Monroe, hindi ko napapansin na masiyado ko na palang naaapakan ang ego nito. Masiyado ko na pa lang nasasaktan ang damdamin nito. I mean, he’s a good guy. Of all the people I have met since I came here to London, Monroe stands out the most. He is kind, and he knows how to respect women. “Please!” saad nitong muli. At isa pa, guwapo rin naman ito. Pero, hindi ko talaga makita ang sarili ko na boyfriend ko si Monroe. “Alright.” Sa huli ay napapayag na rin ako. Tinanggap ko ang kamay nito. Biglang lumabas ang mapuputi at pantay nitong mga ngipin nang ngumiti ito nang malapad dahil sa naging sagot ko. Tumayo ito at inalalayan akong tumayo na rin sa puwesto ko. Hahakbang na sana kami upang bumaba sa dance floor, pero bigla namang humarang sa daraanan namin ang dalawa kong bodyguards. Hindi ko man lang napansin ang pagdating ng mga ito. “Miss Shiloh, you need to go home,” sabi sa akin ng isang lalaki na kalbo. They are my bodyguards. Simula no’ng magpunta ako rito sa London, iyon ang isa sa hiniling sa akin ni daddy. Pumayag ito na gawin ko ang gusto ko, pero kailangan ay may bodyguards akong kasama lagi. Kaya nga noong una, nagtataka ang mga kasama ko sa trabaho kung bakit daw laging may nakasunod sa akin na bodyguards. Pero nang tumagal na, nasanay na lamang din sila. “William—” “Your daddy himself ordered us to send you home, Miss Shiloh.” Biglang nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi nito. “Why? Did something bad happen to dad?” I suddenly felt worried. “Just come with us, Miss Shiloh,” sa halip ay sabi nito sa akin. “Mr. Belmore, excuse us.” Saad pa nito kay Monroe saka hinawakan ako sa braso ko at iginiya na upang bumaba. “But, Shiloh.” “I have to go, Monroe. I’m sorry.” Saad ko at nagpatianod na sa dalawa kong bodyguards. Hanggang sa makalabas kami sa bar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD