CHAPTER 3

1804 Words
“ARE you okay, sweetheart?” Napalingon ako kay dad nang marinig ko ito at hawakan nito ang kamay ko na nasa may tiyan ko. Ngumiti ako at tumango. “Yes dad, I’m okay. Kayo po? Hindi po sumasakit ang likod n’yo?” tanong ko rin. “I’m alright, princess,” sabi nito. “I’m just excited.” Dagdag pa nito at masuyong pinisil ang palad ko. Bahagya akong tumagilid upang harapin si daddy. Hinawakan ko rin ang kamay nitong nasa ibabaw ng kamay ko. “Me too, dad,” sabi ko. “Excited na rin po ako.” “Are you sure?” “Of course, daddy. It’s been three years na rin po na hindi ako nakakabalik sa Pilipinas. And... I’m excited to see Ysolde. Pati na rin ang baby nila ni Hideo.” “Iba kasi ang nakikita ko sa mga mata mo.” Unti-unting naglaho ang ngiti sa mga labi ko dahil sa sinabi ni daddy. Nag-iwas din ako ng tingin dito, pagkuwa’y banayad akong nagpakawala nang buntong-hininga. “I know what you are thinking right now, princess.” Saad ni dad. Hindi naman ako nakaimik agad. “I know that you are thinking about him...” “Dad, please... Let’s not talk about him.” Agap ko sa pagsasalita ni daddy. Simula pa man, hindi na talaga naging pabor si daddy para sa relasyon namin noon ni Morgon. Noon ngang nagkahiwalay kami at nalaman ni dad ang tungkol doon, sinabi pa nitong nagpapasalamat daw ito na natapos din ang relasyon naming dalawa. Medyo nasaktan ako sa part na iyon sa totoo lang. Pero hindi ko naman masisisi ang daddy kung ayaw nito kay Morgon noong magkarelasyon pa kami. Alam kasi ni daddy na nasali sa malaking sindekato noon si Morgon, dahil kay Zakh. Ayaw lang naman ng ama ko na mapahamak ako kapag nagkataon. “Alam kong matagal ng natapos ang relasyon ninyo ng lalaking ’yon. At ngayong pabalik na tayo ng Pilipinas, hindi ibig sabihin n’on ay hindi na ako tututol sa kaniya kung sakaling magkita at magkabalikan kayo.” “Dad,” sabi ko nang muli akong tumingin dito. Oh, God! Hindi pa man kami nakakalapag sa Pilipinas, pero heto agad ang iniisip at sinasabi ng ama ko sa ’kin. Kung hindi lamang ako nag-aalala para sa kalagayan nito ngayon, malamang na hindi ko mapigilang makipag-debate na naman. Alam naman nito noon pa man na hindi ako nagpapatalo kapag si Morgon ang pinagtatalunan naming dalawa. Bumuntong-hininga na lamang ako at muling itinapon sa labas ng bintana ang aking paningin. Bakit ba iniisip ni daddy ang mga bagay na iyon? E, alam nga nitong matagal ng natapos ang tungkol sa amin ni Morgon. It’s been three years, malabong... Malabong hindi pa rin siya naghahanap ng iba. Damn it! Bigla akong nakadama ng kirot sa puso ko dahil sa isiping iyon. Three years, but I still in love with him. Hindi talaga ako naghanap ng iba dahil umaasa akong balang araw magkakabalikan din kami. Pero hindi naman sumagi sa isipan ko na... Paano kaya kung naka-moved on na siya at nakahanap na siya ng bagong girlfriend niya? Oh, God! I don’t think na kaya kong tanggapin iyon kung sakali. Ibig lang sabihin n’on ay hindi malalim ang pag-ibig niya para sa akin kung ganoon lang kadali na papalitan niya ako sa puso niya! Hindi ko na napansin ang oras. Dahil sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. ALMOST thirteen hours ang naging biyahe namin bago nakalapag sa airport ng Pilipinas ang airplane na sinakyan namin. Humugot ako nang malalim na paghinga nang tuluyan na kaming makababa sa eroplano. Saglit kong ipinikit ang aking mga mata at bahagyang sinamyo ang hangin sa paligid. Oh! Ngayon ako biglang nangulila sa bansang kinalakihan ko. Three years, pero parang ang tagal-tagal kong nawala rito. Nakakamiss din pala. Iminulat ko ulit ang aking mga mata at iginala ang paningin ko sa buong paligid. Medyo maraming tao. Pero nang matuon ang paningin ko sa isang lalaki na naglalakad papunta sa direksyon ko, bigla akong natigilan at napatitig dito. Hinubad ko pa ang suot kong sunglasses. Parang pamilyar sa akin ang hitsura ng lalaki, although nakasuot din ito ng sunglasses at mahaba at makapal ang balbas at bigote sa mukha. At ang tindig nito, the way he walked, parang... “Shiloh, let’s go. Nariyan na ang sundo natin.” Napalingon ako kay Tito Art nang magsalita ito sa tabi ko. “Um, yeah tito,” sabi ko. Saka nagmamadaling muling nilingon ang lalaki na tinitingnan ko kanina. Pero wala na ito roon. Iginala ko sa buong paligid ang paningin ko, pero hindi ko na ito nakita. Tila may panghihinayang akong nadama sa aking puso. Is that Morgon? Parang siya kasi ang nakita ko kanina. I mean, hindi ako puwedeng magkamali. “Let’s go, princess.” “Yes dad,” sabi ko na lamang. Muli kong isinuot ang pink sunglasses ko at naglakad na upang sumunod kila daddy at Tito Arthur. “BOSS, NAKAHANDA na po ang private jet ninyo.” Mula sa pagkakasandal ng kaniyang ulo sa headrest ng upuan sa backseat ng kaniyang sasakyan, tumuwid sa pagkakaupo si Morgon kasabay niyon ang pagpapakawala niya nang banayad ngunit malalim na paghinga. Saglit niyang tiningnan ang suot niyang wristwatch bago kumilos sa kaniyang puwesto at umibis sa sasakyan. Inayos pa niya ang kwelyo ng suot niyang white long-sleeve polo at tinanggal niya ang isang butones sa tapat ng kaniyang dibdib. Nagsimula siyang maglakad sa basement parking ng airport hanggang sa makapasok sila roon at tinahak ang daan papunta sa departure area kung saan sila lalabas papunta sa private jet na naghihintay sa kaniya. May kasama siyang limang bodyguards at ang lalaking secretary niya. “Sir, si Sir Hideo po, tumatawag.” Saad ng kaniyang secretary at ibinigay sa kaniya ang cellphone. Tinanggap naman niya iyon agad at dinala sa tapat ng kaniyang tainga habang seryoso siyang nakatingin sa kaniyang unahan. “Yes?” bungad niya kay Hideo sa kabilang linya. “Where are you?” “I’m on my way to Colombia. Why?” “Gusto sana kitang makausap ng personal, pero may lakad ka naman. Pagkabalik mo na lang.” “Alright. I’ll call you when I get back.” “Okay.” Kaagad niyang pinatay ang tawag ni Hideo at ibinalik niya sa kaniyang secretary ang cellphone. Hanggang sa makalabas na sila sa departure area at makasakay sa private jet na roon. Kaagad siyang umupo sa single couch na nasa tabi ng bintana. Tinanggal niya ang suot na sunglasses at inilapag iyon sa mesang nasa harap niya. Akma na sana niyang dadamputin ang news paper na naroon, ngunit bigla namang naagaw ang kaniyang atensyon sa magazine na nasa ilalim ng news paper. Nangunot ang kaniyang noo nang makita niya ang kalahati ng mukha ng babaeng nasa cover ng magazine. Sa halip na kunin ang news paper, tinanggal niya iyon doon at kinuha ang magazine. Roon, tumambad nang tuluyan sa paningin niya ang mukha ng babaeng matagal na niyang hindi nakikita. Napatitig siya sa magandang mukha ni Shiloh na nasa cover ng magazine. Mayamaya ay wala sa sariling napatiim-bagang siya. Damn it! It’s been three years simula nang magkahiwalay sila ng dating kasintahan. At aaminin niyang sa loob ng mga taong iyon, ni minsan ay hindi man lang siya nag-abalang tingnan sa picture ang mukha ng iniirog niya noon. He made a promise to himself na hindi na niya kailangang maghabol sa dalaga kung mas pinili pa nito ang pangarap nito kaysa sa kaniya. Hindi niya kailangang maghabol sa babaeng sinaktan lang naman ang damdamin niya. Damn. There’s a lot of girls out there. Madali na lamang humanap ng ipapalit dito. And besides, he moved on. “Boss—” Kaagad niyang binitawan ang magazine at sumandal siya sa kaniyang puwesto. “Throw that one.” “Boss?” “I said throw that damn magazine! Sino ba ang naglagay niyan diyan?” pagalit na tanong niya nang titigan niya ang kaniyang tauhan. Napalunok naman ito ng laway at nagmamadaling kinuha ang magazine. “Pasensya na po boss.” Ani nito. “Get lost!” aniya at dinampot naman niya ang bote ng alak na nasa lagayan at nagsalin sa rockglass. Nakatiim-bagang pa rin siyang nagpakawala nang malalim na paghinga matapos niyang iisang lagok ang laman ng kaniyang baso. “HOME SWEET HOME!” pabulong na saad ko nang nasa sala na kami ng dati naming bahay. Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. It’s still the same. Walang ipinagbago. But it looks clean. Tanging ang caretaker lang ang naiwan dito sa bahay namin para bantayan ito sa loob ng tatlong taon. “Are you happy now, dad?” tanong ko kay daddy nang tapunan ko ito ng tingin. Ngumiti naman ito sa akin. “Beyond happy, hija.” Ani nito. “Thank you at sumama ka sa akin pauwi rito.” Naglakad ako palapit kay daddy at hinawakan ko ang isang kamay nito. “You know I love you so much dad kaya po wala akong gagawin na ikasasama ng loob ninyo sa akin.” Saad ko. “And I love you, princess. Thank you!” Ngumiti ako ng matamis ’tsaka yumuko upang halikan sa noo si daddy. “Go on! Go upstairs. Tingnan mo ang dati mong kuwarto at pagkatapos ay magpahinga ka na muna. I know you are tired too.” “Ihahatid ko po muna kayo sa silid ninyo.” “Hayaan mo na ako. Nariyan na sa labas ang nurse na kinuha ng Tito Art mo para mag-alaga sa akin. Go on,” “Okay, dad. Magpapahinga na po ako.” Pagkasabi ko niyon ay kaagad din akong pumanhik sa hagdan at tinungo ang dati kong kuwarto. Pagkapasok ko roon, siniyasat ko rin ang buong kuwarto. “I miss my old room,” sambit ko. Saka naglakad palapit sa kama ko at umupo sa gilid n’on. Hinaplos ko pa ang malambot na kama ko habang tinitingnan ulit ang mga gamit ko na naiwan doon three years ago. Hanggang sa dumako ang paningin ko sa bedside table ko; sa picture frame na naroon. Kumilos ako palapit doon at kinuha ang frame. Titig na titig lamang ako sa larawan namin ni Morgon. Oh! May naiwan pala akong picture namin noon. Hinahanap ko ito dati no’ng dumating ako sa London, nandito lang pala ito. Umangat ang isang kamay ko at masuyong hinaplos ang mukha niya. Napangiti na lamang ako ng mapait. “I miss you so much, buttercup.” Bulong ko at mabilis na kinagat ko ang pang-ilalim kong labi nang bigla na lamang nag-init ang sulok ng mga mata ko. Damn it! Traydor talaga itong mga luha ko! Basta-basta na lamang lumalabas kapag nakikita ko ang picture niya o hindi kaya ay naiisip ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD