CHAPTER 20

2761 Words
NABABAGOT na ako rito! Wala akong ibang ginawa kun’di ang matulog buong araw, magbasa ng libro, manuod ng palabas na hindi ko naman type. Dalawang araw na ako rito sa isla at bahay ni Morgon. Nandito rin naman siya at hindi siya umalis, pero what’s the use? Hindi ko naman siya kinakusap o iniimik, so parang ako lang din mag-isa ang nandito. Napapanis na lamang ang laway ko. Hindi ako sanay na walang ginagawa sa buong araw, mas gusto ko kasi na kumikilos ako, ang katawan ko pati ang utak ko ay gumagana. Pero sa kabilang banda, medyo natutuwa rin naman ako na nandito ako ngayon sa bahay niya. Somehow, I could take a break from almost a month of work I did. But all I’m worried about... Is daddy. I know he worries me a lot because I haven’t been home for two days. Ayoko naman na lumala pa ang sakit nito sa pag-iisip sa akin. And si Monroe. Ano na lamang ang iisipin ng lalaking iyon? After we talked that night on the beach, I know he expects us to talk again the next day. I am not sure if he is still here in the Philippines or he immediately returned to London. Bumuntong-hininga ako nang malalim at itiniklop ko ang librong nasa ibabaw ng unan na nasa ibabaw rin ng tiyan ko. From leaning on the headboard of the bed, I lazily stood up and stretched for a while and walked around. Later, I checked the time on the wristwatch I was wearing. It was four o’clock in the afternoon. Nagbaling ako ng tingin sa pinto at saglit na tumitig doon bago ako nagpasyang naglakad palapit doon. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at sumilip muna sa labas. Saglit kong pinakinggan at pinakiramdaman kung nasa labas din ba siya. Nang wala naman akong narinig na ingay sa paligid, lumabas na ako at nagdahan-dahan na naglakad papunta sa hagdan. “What are you doing?” “Jesus!” Gulat na sambit ko na napahawak pa sa tapat ng dibdib ko at biglang napapihit sa likuran ko. I saw him standing two steps away from me. Nakapamulsa pa siya habang seryosong nakatitig sa akin. I took a deep breath and closed my eyes then released it into the air. “Damn it, Morgon! You startled me.” “Watch your mouth, Shiloh!” pagalit na saad niya. “Nakakainis ka kasi, e! Nanggugulat ka bigla. Paano kung... Kung nahulog ako rito sa hagdan?” naiinis na tanong ko pa sa kaniya. “Malabong mahulog ka sa hagdan, Shiloh! Limang hakbang pa ang layo mo sa hagdan.” Napaismid ako pagkuwa’y tinarayan ko siya at kaagad na tumalikod. “Pakialam mo ba?” Saad ko at napapahiyang naglakad na papunta sa hagdan. Oo nga naman! Limang hakbang pa ang layo ko! Oh, nakakainis pa rin siya! Naaalibadbaran na ako sa mukha niya ngayon. “I’m leaving tonight,” dinig kong sabi niya habang nakasunod na siya sa akin. “And where are you going?” tanong ko. “May importante akong pupuntahan.” “Be specific, Mr. Montalban.” Saad ko pa nang tuluyang akong makababa. Hinarap ko siya. “Iiwanan mo ako rito ng mag-isa?” tanong ko pa sa kaniya. Hindi pa rin nagbabago ang kaniyang hitsura habang nakatitig sa akin. “I have a meeting to attend to. Pero babalik din naman ako rito.” “What time?” Oh, Shiloh! Stop asking too many questions. Para ka namang girlfriend sa dami ng tanong mo! Hindi agad siya nagsalita para sagutin ang tanong ko. Mayamaya ay naglakad siya papunta sa kusina. I followed him. That’s where I really wanted to go, so I left the room. I want to get something to eat because I’m a little hungry. “I’ll be back around midnight.” “Morgon, this is an island. Nakakatakot mag-isa rito,” sabi ko. “Paano na lang kung may ibang tao ang dumating dito at saktan ako? Or, paano kung may multo rito? I’m scared of ghost.” “First, walang ibang tao ang makakapasok dito sa isla, kaya safe kang mag-isa rito. And second, hindi ka naman sasaktan ng multo rito.” Mabilis na nagkasalubong ang mga kilay ko. “So may multo nga rito?” “Hindi nananakit ng tao ang mga multo, Shiloh.” “Ugh, I hate you, Morgon. You know I’m scared of ghost.” Hindi ko naman nakita ang reaction niya sa sinabi ko dahil nakatalikod siya sa akin. Walang-hiya talaga ang lalaking ito! Alam na nga niyang takot ako sa multo tapos iyon pa ang sasabihin niya ngayon? Muli akong napabuntong-hininga habang nakatitig ako sa likod niya. Oo na! Aamin na akong hanggang ngayon ay nami-miss ko pa rin siya. Even though my heart hurts, no matter how many times I force my mind to forget him, my heart doesn’t want to. I missed him so damn much. And I miss these petty arguments of ours. Kahit noong magkarelasyon pa kami. Madalas kaming magkasagutan sa maliliit na bagay, lalo na kapag hindi kami nagkasundo at nagtagpo sa gitna. Pero ilang minuto lang, maglalambingan na naman kami, bati na naman kami. But now, I can’t do that. Hindi ko na magagawang lambingin ang lalaking iniirog ko dahil pag-aari na siya ng iba! Mabilis kong kinagat ang pang-ilalim kong labi at nag-iwas ng tingin sa kaniya nang bigla siyang pumihit paharap sa akin. Nagyuko ako ng ulo ko at bahagyang sinupil ang sarili ko. “What do you want to eat?” tanong niya. But I didn’t answer him, instead I walked to the fridge and just got something to drink, then quietly left the kitchen and went back to the room. Para mawaglit sa isipan ko ang tungkol sa nakaraan namin, ibinuro ko ulit ang sarili ko sa pagbabasa ng libro kahit ang totoo’y hindi ko na maintindihan ang binabasa ko. Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Kung hindi pa ako napatingin sa may bintana, hindi ko pa malalaman na gabi na pala. Tiningnan ko ang oras sa relo ko. Alas sais na pala! Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga at kaagad naman akong nakaramdam ng pagkalam ng sikmura ko nang kumilos ako sa puwesto ko. Isinarado ko ulit ang libro na hawak ko saka tumayo sa puwesto ko. Lumabas ako ng silid at bumaba sa kusina. Hinanap pa ng paningin ko si Morgon. Napakatahimik kasi ng buong paligid. Pero nang dumako ang paningin ko sa refrigerator niya, roon ko nakita ang isang note na iniwan niya. Kinuha ko iyon nang makalapit ako roon. “Walang-hiya talaga ang lalaking ’yon! Iniwanan niya talaga ako rito ng mag-isa?” naiinis na saad ko nang mabasa ko ang note niya na kanina pa pala siya nakaalis. Oh, God! Talaga bang may multo rito sa bahay niya? Bigla akong nakadama ng takot dahil sa isiping ’yon. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kusina. Nang nasa sala na ako, sakto namang may pumasok sa pinto. Bigla akong natigilan sa sobrang gulat ko. “Shiloh, ayos ka lang ba?” “My God!” Napatili pa ako saka patakbong lumapit kay Jule nang makita kong ito pala ang pumasok. Wala sa sariling niyakap ko ito nang mahigpit. “Oh, thank God you’re here!” “Hey, relax!” Lumayo ako rito kaya nakita ko ang nakangiti nitong mukha. “What are you doing here?” tanong ko. “Tinawagan ako ni Morgon kanina. Nakiusap siya sa akin kung puwede raw na magpunta ako rito kasi may i-babysitter ako ngayong gabi habang wala siya.” Napaismid ako dahil sa sinabi nito. But at the same time, natutuwa rin ako na narito ngayon si Jule. At least may makakasama ako ngayon dito. “Thank you, Jule!” saad ko. “I’m sorry.” Bigla namang nagsalubong ang mga kilay ko. “Sorry? Sorry for what?” tanong ko. Naglakad ito palapit sa sofa kaya napasunod ako rito. Magkatabi kaming umupo roon. “Itong ginawa ni Morgon sa ’yo,” sabi pa nito. Malungkot na bumuntong-hininga ako. “He still mad at me didn’t he?” tanong ko kahit alam ko naman ang sagot doon. Malungkot na tumitig sa akin si Jule. “Mahal ka lang talaga ni Morgon kaya nasaktan siya nang umalis ka.” “Nasaktan din naman ako, Jule,” sabi ko. “And I was even more hurt when I found out that he has a new girlfriend. That means ang bilis niya lang na pinalitan ako sa puso niya. But me until now... I still love him, Jule. Until now, my heart still hopes that we will get back together even though that is very impossible to happen. Tapos heto, he kidnapped me and brought me here to his island. I don’t know if he did this to me to repay me for leaving him before or if he has other plans for me.” “Hey, walang masamang plano si Morgon sa ’yo kaya ka niya dinala rito!” “How can you be so sure about that, Jule? E, pinadukot niya ako sa mga tauhan niya tapos dinala rito.” Buntong-hiningang napailing naman si Jule. “Hindi pa ba kayo nagkakausap?” Umiling ako. “I don’t want to talk to him. I know kasi na mauuwi lang sa pagtatalo ang pag-uusap namin.” “Oh, Shiloh! Kung alam mo lang,” sabi nito. “Gusto ko sanang sabihin sa ’yo ang dahilan niya kung bakit ka niya dinala rito. But I don’t think I’m in the right place to do that. Mabuti pa’y isantabi mo muna ’yang galit o ano mang nararamdaman mo para sa kaniya. You two needs to talk para maging malinaw sa inyo ang lahat. Para kung... Sakali mang hindi talaga kayo ang para sa isa’t isa... At least may closure, ’di ba?” Nakadama ako ng lungkot dahil sa mga sinabi ni Jule. Oh! Ayoko talagang isipin ang tungkol doon. Kasi aaminin kong natatakot at labis akong nalulungkot kapag sumasagi sa isipan ko na hindi si Morgon ang makakasama ko hanggang sa pagtanda ko. Nasasaktan ako! Hindi ko kayang tanggapin ’yon! Lumapit sa akin si Jule at masuyong hinaplos ang braso ko. “Kausapin mo muna siya, Shiloh!” “I don’t know, Jule! I don’t know.” LATAG NA ANG GABI. Napakatahimik ng buong paligid at tanging ang huni ng mga kuliglig, pang-gabing hayop sa paligid at mahinang paghampas ng alon sa dalampasigan ang maririnig. Malamig ang simoy ng hangin, pero hindi iyon alintana ni Morgon habang nakatayo siya sa gilid ng kaniyang yate at nakatanaw sa kaniyang bahay. It’s twelve midnight, but he only got back to the island now because he was busy earlier. Bukas pa nga sana siya ng umaga babalik, kaso kinausap siya ni Sky kanina na pabalikin niya raw agad ang fiancée nito kaya wala na rin siyang nagawa kun’di ang bumalik sa isla dahil walang kasama si Shiloh. There was absolutely no ghost on the island or in his house. He only said that to Shiloh earlier to scare her. Alam niya kasing iyon ang pinakaunang kinatatakutan ni Shiloh. Pagkadaong ng yate sa pantalan, kaagad siyang bumaba roon at naglakad na papunta sa bahay niya habang nakasunod sa kaniya ang ilan sa mga tauhan niya. Nang pagkapasok niya sa sala, kaagad niyang nakita na naroon sa sofa si Shiloh at mukhang mahimbing na atang natutulog, habang si Jule naman ay kalalabas lamang sa kusina at may bitbit na baso ng tubig. “Hey!” mahinang bati niya sa dalaga at muling tinapunan ng tingin si Shiloh. Naglakad palapit sa kaniya si Jule matapos nitong ilapag sa center table ang baso. “Diyan na siya natulog. Ayaw umakyat sa kuwarto niya kasi natatakot daw siya.” Ani nito. Bumuntong-hininga siya at napatango. “Thank you, Jule!” Ngumiti naman ang dalaga at sinulyapan din si Shiloh. Mayamaya ay naglakad ito palabas kaya sumunod din siya rito. “Hindi mo pa pala sinasabi sa kaniya ang totoo!” ani nito. Muling nagpakawala nang malalim na paghinga si Morgon at namulsa siya habang nakatanaw sa madilim na karagatan. “Hahayaan ko na lang siguro, Jule. Tutal naman ay... Kapag nahuli na namin si Borbón, I’m planing to talk to Markus. Hindi ko na rin kailangang sabihin kay Shiloh na isinali siya ng daddy niya sa auction para lang maisalba ang negosyo nito.” “But I know you still love her, Morgon.” Napalingon siya kay Jule. Tinitigan niya ang dalaga. Damn it. Even if he doesn’t want to admit it to himself, but that’s the truth. Sa tagal ng panahon na nagkahiwalay silang dalawa, but until now his love for his ex-girlfriend has not disappeared. He still loves Shiloh. Ang buong akala niya no’ng una ay nakalimot na siya. Pero no’ng araw na makita niya ito sa shop, muling nabuhay ang t***k ng puso niya na tatlong taon ding natulog! He tried to insist to himself that he didn’t care about Shiloh anymore, that he only felt anger for her. But his heart couldn’t deny that he still loved her. At noon ngang malaman niya na ito ang magiging model para sa campaign ng kumpanya niya, he didn’t know what he was going to do. Hindi pa siya handang makita lagi o makasama sa iisang lugar ang dalaga. Pero nang araw na magsimula na ang shoot sa VMI, hindi niya rin napigilan ang kaniyang sarili na hindi silipin ito roon. At doon niya naramdaman ang labis na selos sa puso niya nang makita niya kung paano ngumiti ang dalaga habang kasama nitong si Monroe. Mukhang naka-moved on na ito sa kaniya at nakalimutan na ang pag-iibigan nilang dalawa noon. “Pareho pa rin ang nararamdaman ninyo ni Shiloh para sa isa’t isa, Morgon. Huwag n’yo sanang sasayangin ang naging relasyon ninyo noon. ’Yong memories na magkasama n’yong ginawa. Love is sweeter the second time around, sabi nga nila. At agree ako roon,” sabi nito at ngumiti pa sa kaniya. “Tingnan mo kami ni Sky. Isang taon din kaming nagkahiwalay noon.” Tipid na lamang siyang ngumiti. “Speaking of your fiance, go on, umalis ka na at baka sumugod pa ’yon dito para bawiin ka sa akin. Kanina pa ’yon nangungulit sa akin na umuwi na ako rito para makabalik ka na sa kaniya.” Pag-iiba na lamang niya sa kanilang usapan. Napahagikhik naman si Jule. “He loves me that’s why,” wika nito. Niyakap niya si Jule at hinalikan ito sa pisngi. “Thank you, Juls.” “Welcome. Basta... Mag-usap na kayong dalawa,” wika pa nito. Tumango na lamang siya. “Go on. Ihatid n’yo na si Jule,” aniya sa mga tauhan niya. Saglit niyang tinanaw ang pag-alis ni Jule kasama ang mga tauhan niya. Pagkalipas ng ilang saglit ay bumalik na siya sa loob ng bahay at lumapit sa sofa. Pinakatitigan niya ang mukha ni Shiloh na payapang natutulog sa sofa. Ewan, pero ngayong nasa bahay niya ang dalaga... Nakadama na siya ng ginhawa. Kahit papaano ay hindi na siya mag-aalala para dito. Ilang sandali niyang pinagsawa ang kaniyang mga mata sa pagtitig sa magandang mukha ng dalaga bago siya yumuko para gisingin ito. “Shiloh, wake up!” Ngunit mukhang masarap nga ang tulog nito at hindi man lang nagising. Sa huli ay nagpasya na lamang siyang buhatin ito at dalhin sa silid nito. Mabuti na lamang at hindi ito nagising. Maingat niya itong inihiga sa kama. Pagkatapos niyang ayusin ang kumot nito, akma na sana siyang tatalikod para magtungo na sa kaniyang silid, pero narinig naman niya ang mahinang pag-ungol ng dalaga. Kunot ang noo na nilingon niya ito. Hindi niya naintindihan ang sinabi nito sa una... “Morgon!” What? She’s calling his name? Nananaginip ba ito? Mayamaya ay suminghot ito kaya bigla siyang napaupo sa gilid ng kama at hinaplos niya ang pisngi nito. “Hey! I’m here.” Muling suminghot si Shiloh habang natutulog pa rin ito. “No. Please, Morgon, no!” “Shhh! I’m here, cupcake!” aniya. Saka siya humiga sa tabi nito. Inangat niya ang ulo nito at pinaunan niya sa braso niya at pagkuwa’y niyakap ito nang mahigpit. Masuyo niyang hinaplos-haplos ang braso nito at ginawaran pa niya ng halik ang noo nito. Oh, damn. He’s still in love with her. Big time. Hindi na niya narinig ang mahinang paghikbi ni Shioh, sa halip ay gumanti pa ito ng yakap sa kaniya. Wala sa sariling napangiti siya at muling ginawaran ng halik ang noo nito. “I love you, Shiloh!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD