CHAPTER 21

1673 Words
MASUYO akong kumilos sa hinihigaan ko at nag-inat ng mga braso ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata ko. At ang unang bumungad sa paningin ko ay ang nakabukas na sliding door sa veranda. Isinasayaw na naman ng hangin ang kurtina roon. Ilang saglit akong tumitig doon bago nagsalubong ang mga kilay ko at napatihaya ako sa pagkakahiga. “What? Nandito ako sa silid ko?” takang tanong ko sa sarili ko. I tried to suddenly remember what happened last night. As far as I know, Jule and I were in the living room last night and I slept on the sofa because I didn’t want to go up here. But... Why am I here in the room now? Sino ang naghatid sa akin dito? And when I remembered Morgon, it suddenly occurred to me he might be the one who brought me here. Oh, no! He wasn’t the one who brought me to this room last night. But, Shiloh! Wala naman ibang magbubuhat sa ’yo kun’di siya lang! Si Morgon lang naman ang kasama mo rito. Malabo namang si Jule ang nagbuhat sa ’yo kagabi paakyat dito! Nagtalo na ang isipan ko dahil doon. I took a deep breath and released it into the air as I massage my forehead. At nang magbaling ako ng tingin sa bedside table para tingnan ang oras doon, nakita kong alas dyes na pala ng umaga. Kumilos ako sa puwesto ko para bumangon. Bago tuluyang tumayo, itinali ko muna ang buhok ko at inayos ko ang white long-sleeve ni Morgon na suot ko pati ang pajama niya. Simula nang mapunta ako rito sa bahay niya, mga damit niya lang ang suot ko. I have no choice. Hindi naman kasi ako binilhan ng lalaking ’yon ng mga damit ko. Nakaainis! Pumasok ako sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Pagkatapos ay lumabas na rin ako sa kuwarto dahil nagugutom na ako. Just as I entered the kitchen, I found Morgon there, preparing his breakfast. Sinulyapan niya ako. “Morning!” seryosong bati niya sa akin. Bumuntong-hininga ako at tuluyang pumasok sa kusina. “Anong oras ka dumating kagabi?” sa halip ay tanong ko sa kaniya. Tumalikod naman siya at naglakad lapapit sa lalagyan ng mga plato at kubyertos. Kumuha siya roon at bumalik din sa mesa. “Twelve midnight,” sagot niya. Nagdiretso ako sa refrigerator para kumuha ng maiinom. When I turned to face him, I saw the plate he placed at the other end of the table, where I sat yesterday. Naglakad ako papunta roon. While he sat down in his seat and quietly ate. I just stared at him seriously. Later, I took my plate and approached him. I filled my plate with food and then returned to my seat. Tahimik din akong umupo roon at nagsimulang kumain. Tahimik ang buong apat na sulok ng kaniyang kusina. Walang ibang maririnig kun’di ang tunog ng mga kubyertos namin. Ilang sandali pa ay hindi na rin ako nakatiis na magsalita. Tiningnan ko siya. “Ikaw ba ang nagdala sa akin sa kuwarto ko?” tanong ko sa kaniya. Huminto naman siya sa pagkain niya at sinulyapan din ako. Ilang segundo siyang tumitig sa akin bago sumagot. “Nope.” Nangunot ang noo ko. “Hindi ikaw? E sino?” tanong ko ulit. “Hindi naman puwedeng si Jule dahil hindi niya ako makakayang buhatin ng mag-isa,” sabi ko pa. “You sleepwalked last night, Shiloh.” “What?” gulat na tanong ko at mas lalo pang nangunot ang aking noo. Nagbibiro ba ang lalaking ito? Hindi ako nag-i-sleepwalked sa gabi. “You’re kidding me, Morgon?” Muli siyang tumingin sa akin. Hindi pa rin nagbabago ang seryosong mukha niya. “Hindi kita puwedeng buhatin, dahil alam kong magagalit ka sa akin pagkagising mo. Nakita naman kitang nag-sleepwalked kagabi kaya inalalayan na lang kita na makapanhik sa hagdan hanggang sa makarating ka sa kuwarto mo.” Liar! Hindi ako naniniwala! Pero... Seryoso ang mukha niya. Hindi naman ganoon ang expression ng mukha niya kapag nagsisinungaling siya or pinag-t-trip-an niya ako dati. Ugh, Shiloh! Lahat na lang ay ikinukumpara mo sa dati. Past na ’yon. Wala na kayo ngayon. Malamang nagbabago ang tao! Baka nga nagsasabi siya ng totoo? Banayad akong bumuntong-hininga at kinuha ang baso ng tubig at uminom. “Tapusin mo na ang pagkain mo. Aalis tayo.” Muli akong napatingin sa kaniya. “Aalis? Bakit, saan tayo pupunta?” “Just finish your food, Shiloh!” aniya at itinuloy na niya ang kaniyang pagkain. Wala na rin akong nagawa kun’di ang ituloy ang pagkain ko. After we ate, I immediately went to my room to take a shower. I just put on the clothes I was wearing when Morgon brought me here. When I got down to the living room, I found him there on the sofa and he seemed to wait for me. At nang makita niya akong pababa na sa hagdan, tumayo siya at mataman akong tinitigan. Naiilang man ako sa klase ng paninitig niya, I just ignored that feelings and just raised my forehead while also staring at him. Mayamaya ay tumikhim siya at inayos ang kwelyo ng suot niyang white button-down shirt. “Are you done?” tanong niya nang makababa na ako nang tuluyan sa hagdan. “Where are you taking me, Morgon?” tanong ko ulit sa kaniya. “Just... Come with me.” At naglakad siya palapit sa akin. Nagulat pa ako nang hawakan niya ang likod ko at iginiya niya na ako palabas ng kaniyang bahay. I wanted to protest, but I didn’t. Oh! I missed this gesture of his. Ang pagiging maalalay niya sa akin kapag naglalakad kami. Dati, kapag may pupuntahan kami o hindi kaya ay magde-date kami sa labas, bago pa man kami makaalis sa condo niya, hawak-hawak na niya ang kamay ko o hindi kaya ay nakapulupot na sa baywang ko ang braso niya, hanggang sa makasakay kami sa kotse niya at makarating sa pupuntahan namin. Ayaw niya na hindi kami magkadikit kapag magkasama kami. Mas gusto niya raw kasi na nararamdaman niya ang init ng katawan ko kasi napapanatag siya at sigurado siyang nasa tabi niya lang ako. Humugot ako nang malalim na paghinga at pinakawalan ko iyon sa ere. Ipinilig ko ang aking ulo upang iwaglit ang mga alaalang iyon. Nang nasa balkunahe na kami, napahinto ako sa paglalakad. “What?” tanong niya nang lingunin niya ako. “Um.” Napalunok ako saglit at bahagyang yumuko upang tingnan ang suot kong three inches heels. “I can’t walk on the sand if I’m wearing heels,” sabi ko. Mas malambot kasi ang buhangin dito sa isla niya kaysa roon sa beach na pinuntahan namin no’ng isang gabi kaya mahihirapan akong maglakad ngayon. Tiningnan niya rin ang paa ko. Pagkatapos ay walang sabi-sabi na yumuko siya at binuhat ako na parang bagong kasal. “Morgon!” nanlalaki ang mga mata at gulat na saad ko. “Put me down,” sabi ko pa. “Hindi ka kamo makakapaglakad sa buhangin na ganiyan ang suot mo. So, let me carry you,” wika niya. Saka siya kaagad na bumaba sa hagdan. Tututol pa sana ako sa kaniya, pero wala na akong nagawa kun’di ang mapatitig na lamang sa mukha niya at hinayaan siyang maglakad sa buhangin papunta sa pantalan. Oh! I really missed you, Morgon! Paghuhumiyaw ng aking puso. He’s so near yet so far! Hindi ko siya maangkin sa sitwasyon naming ito. God! I still love this man. I really do. Hindi ba puwedeng... Maging akin na lang siya ulit? Please! Bago pa man mag-init ang sulok ng mga mata ko, mabilis kong ipinilig sa dibdib niya ang ulo ko at kinagat ang pang-ibaba kong labi. Hanggang sa makarating kami sa pantalan. Doon niya lang ako ibinaba. Inayos ko ang suot kong damit at saglit siyang sinulyapan. Sa hindi ko inaasahan, tumayo siya sa harapan ko at inayos niya ang buhok ko na bahagyang inililipad ng hangin. Napatitig ako nang mataman sa mukha niya. At siguro nang mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya ay kaagad siyang tumigil at lumayo sa akin. Halata sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa ginawa niya sa akin. Mabilis siyang tumalikod at naglakad na palayo sa akin. Lihim na lamang akong napangiti at sumunod na sa kaniya. Nang makasakay kami sa yate niya, pareho kaming tahimik. Nakaupo lang ako sa isang upuan habang siya naman ay nasa isang upuan din at kausap ang tauhan niya. I still have no idea where he’s taking me. Iuuwi niya na ba ako sa bahay namin? Makikita ko na ba si daddy? I let out a deep sigh as I focused my eyes on the sea. I smiled as I watched the beautiful scenery around. Mula sa kulay green na dagat hanggang sa puting buhangin na natatanaw ko sa dalampasigan ng karatig na isla, pati ang kulay green na mga puno. Ang sarap tingnan! Nakaka-relax! Dahil naaliw na ako sa tinatanaw ko, hindi ko na namalayan na nakadaong na pala kami. Kung hindi pa niya ako nilapitan, hindi pa ako kikilos sa puwesto ko. “Come here!” Napatingala ako sa kaniya. “Uupo ka na lang ba riyan?” tanong pa niya. Tumikhim ako at saka tumayo na sa puwesto ko. “Saan mo ba talaga ako dadalhin, Morgon?” nakailang tanong na ako sa kaniya, pero hindi niya pa rin sinasagot ang tanong ko. “I have a meeting to go to. I can’t leave you there because you’re afraid of ghosts.” “Umaga naman, a!” Tumingin siya ulit sa akin. “Tatlong araw akong mawawala. Kung okay lang naman sa ’yo—” “Of course, it’s not okay with me.” Pinutol ko agad ang pagsasalita niya. “Like I expected,” sabi niya. “Let’s go then.” Nang magpatiuna na siya ay kaagad akong sumunod sa kaniya hanggang sa makababa kami sa yate niya. Sumakay rin kami sa kotse niya. Magkatabi kami sa backseat. Again, tahimik na naman kaming pareho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD