MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere nang maalimpungatan ako at magmulat ng aking mga mata. Ang kaagad na bumungad sa aking paningin ay ang mataas at kulay puting kisame at sa gitna ay may chandelier at malaking ceiling fan. I was stunned for a moment, but later my forehead quickly furrowed. Napagbalikwas pa ako nang bangon.
“Where am I?” nag-aalalang tanong ko at inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid.
Malawak ang kuwarto na purong kulay puti lamang ang makikita. May iilang gamit lamang dito. Isang malaking flat screen tv na nakadikit sa pader at malaking closet. Sa bandang kaliwa naman ng kuwarto ay mayroon doong manipis na kulay puting tela na isinasayaw ng hangin. Sa likod niyon ay ang veranda. My forehead furrowed even more as I slowly moved to get up. I felt the soft carpet as I stepped on. I walked towards the door. And as soon as I came out, I was immediately greeted by fresh air. I can hear the waves crashing on the beach. And when I finally got close to the edge of the veranda, I saw the vast ocean and the white sand on the beach.
Napamaang na lamang ako dahil sa ganda ng nakikita ko ngayon.
Where am I?
Mayamaya ay naalala ko naman ang nangyari sa akin... Kagabi or kanina? I don’t know. I do not know how long I’ve been asleep, and what time it is now. I remember the argument Morgon and I had nang puntahan niya ako sa silid na pinagdalhan sa akin ng mga lalaking dumukot sa akin. Ah, yeah! Siya nga marahil ang may pakana nito.
Muling nabuhay ang galit ko para sa kaniya nang maalala ko ang nangyaring iyon kahapon.
I released a deep sigh into the air again as I fixed my hair that was blown by the wind. Muli kong inilibot ang aking paningin sa buong paligid, lalo na sa dalampasigan at sa kulay asul na dagat. Damn. If only I wasn’t in this situation now... I would have appreciated the view I see now. It’s so beautiful.
“You’re awake!”
Napakislot ako at biglang napalingon sa may pintuan nang marinig ko mula roon ang boses ng lalaki. And there... I saw Morgon standing in the middle of the doorway. He was wearing a white button-down shirt and pants. The sleeves are rolled up to his elbows while the two buttons on his chest are open. Nakasuksok din sa bulsa ng pantalon niya ang isang kamay niya. Damn. He’s so hot! Bagay na bagay sa kaniya ang suot niya.
Oh, Shiloh! Dapat mo ba talagang purihin ang lalaking iyan?
Nagsalubong ang mga kilay ko bago ako nag-iwas ng tingin sa kaniya. At mula sa gilid ng mata ko, nakita kong humakbang siya palapit sa akin.
“Are you hungry?”
“Bakit mo ako dinala rito, Morgon?” sa halip ay tanong ko sa kaniya.
“Nakahanda na ang pagkain sa kusina. Come here habang mainit pa ’yon.” Hindi niya rin sinagot ang tanong ko sa kaniya.
Muli akong lumingon sa kaniya. Pinipigilan ko ang sarili ko na huwag magalit sa kaniya ngayon, dahil sigurado akong hindi na naman kami magkakaintindihan.
“I’m not hungry,” mariing sabi ko.
Pero bigla rin namang kumalam nang malakas ang tiyan ko kaya napahawak ako roon. Napatingin naman siya sa tiyan ko saka umangat ang tingin niya sa mukha ko.
Bumuntong-hininga siya. “Let’s go downstairs,” wika niya. Saka siya tumalikod na at umalis.
Ugh! I really hate that man!
Ayoko sanang sumunod sa kaniya dahil ayoko siyang makita o makausap o makasabay sa pagkain, but in the end I couldn’t do anything but step into the room. My stomach growled even more. Nagugutom na nga ako nang husto!
Nang lumabas ako sa kuwarto, isang high ceiling din ang bumungad sa akin habang may mahabang chandelier naman sa gitna niyon. I know sala ang nasa ibaba niyon. Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid, from where I was standing, I saw three more bedroom doors to my right. I started walking towards the stairs. As I was going down the glass stairscase, inililibot ko ang aking tingin sa sala. Wala man lang ako nakitang mga gamit doon maliban lang din sa malaking flat screen tv, mamahaling puting sofa, dalawang malaking figurine, at dalawang indoor plants na nasa malaking paso. Bukod doon, wala na ibang gamit sa loob ng bahay na ito.
Is this his house? Noon kasi, nang magkarelasyon pa kami... Hindi naman niya nabanggit sa akin na may ganito siyang bahay. Or maybe... Bago lamang niya itong binili o pinagawa? Kasi sa nakikita kong hitsura ng bahay, mukhang bago pa nga ito.
When I finally got down the stairs, I looked around to find where his kitchen was. And when I saw a door, I walked towards it. I immediately saw Morgon sitting at the head of the table. He was obviously waiting for me.
Sumulyap siya sa akin. “Come here, Shiloh,” aniya.
Nakasimangot akong naglakad palapit sa lamesa. Pero sa halip na umupo ako sa isang silya na nasa kanang bahagi niya, hindi ako pumuwesto roon. Sa kabilang kabisera ako umupo.
Kunot ang noo na tumingin naman siya sa akin. “Seriously?” tanong niya.
Pero hindi ko siya sinagot. Sa halip ay inilibot ko ulit ang paningin ko sa buong paligid. I like the design of his house though. Ganitong mga design ng bahay ang gusto ko! Nag-iipon na nga rin ako ng pera para makapagpatayo ako ng bahay na pangarap ko. Just like this house.
“Come on, Shiloh! Lumipat ka na rito. Wala naman akong nakahahawang sakit para lumayo ka sa akin.”
Muli kong itinuon sa kaniya ang paningin ko. “Dito ko gustong umupo, may magagawa ka ba?”
Kahit may distansya sa pagitan namin, kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya dahil sa sinabi ko. Humugot siya nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Walang salita ay nag-iwas siya ng tingin sa akin at nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato niya. Hindi na siya nakipagdiskusyon sa akin. Pinagmasdan ko siya saglit.
“Just eat, Shiloh! Hindi ka mabubusog kung tititigan mo na lang ako.” Kahit nakatuon naman sa pagkain niya ang kaniyang paningin.
May mata ba sa ulo niya kaya nalaman niyang nakatitig ako sa kaniya?
Nang kumalam na naman ang sikmura ko, napatingin ako sa platong nasa malapit sa kaniya. I have no choice kun’di tumayo sa puwesto ko at lumapit sa kaniya. Nilagyan ko iyon ng pagkain at pagkatapos ay bumalik ulit sa kabilang kabisera. Tahimik din akong kumain.
KASABAY NANG pagtayo ko mula sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama ay bagot na bumuntong-hininga ako at naglakad palabas ng silid. Dalawang oras na akong nagkukulong dito sa kuwarto. Pagkatapos kasi naming kumain kanina ay kaagad din akong pumanhik. Ayoko kasi talaga siyang makausap. Mabuti na nga lamang at pareho lang kaming tahimik kanina.
Nang makalabas ako ng silid ay kaagad akong bumaba sa sala, hinanap siya ng paningin ko, pero hindi ko naman siya nakita. It was silent all around and I couldn’t hear anything but the waves on the beach. Naglakad ako palabas ng bahay. Just like earlier on the veranda, the fresh air greeted me again. I let out a light breath as I looked around.
Nasaan ba kami ngayon? Isla ba ito? Wala kasi akong makitang ibang bahay sa paligid. Puro din dagat ang nakikita ko. Walang-hiya talaga ang Morgon na ’yon! Ano ito... Ginaya niya ang style ni Hideo noong dinukot nito si Ysolde at dinala sa private island nito?
Nagsimula akong humakbang palabas ng bahay at naglakad-lakad sa buhanginan habang inililibot ko pa rin ang aking paningin sa buong paligid.
Oh, I love the place! Ganitong lugar din ang gusto ko; tahimik lang at maganda ang tanawin sa paligid. Noon pa man ay pangarap ko na talagang tumira sa ganitong lugar.
“Nasaan na kaya ang lalaking iyon?” mayamaya ay tanong ko sa sarili ko. “Oh, Shiloh! Ayaw mo siyang makita at makausap, tapos ngayon naman ay hinahanap mo siya. Ayos ka lang ba?” pagalit na saad ko pa sa sarili ko.
Hindi ko na namalayan at napalayo na rin ang paglalakad ko mula sa bahay. Dinala ako ng mga paa ko sa bandang dulo ng isla. Hinubad ko ang aking tsinelas at binitbit iyon nang maglakad ako papunta sa dagat. I even smiled when little waves hit my feet. Somehow, I felt relief. I feel like everything I’ve been feeling for the past few days has vanished. Suddenly, my chest felt lighter. Nilaru-laro ng mga paa ko ang buhangin at ang maliliit na alon. Nang maingganyo ako na maligo dahil sa ganda ng dagat, bumalik ako sa dalampasigan at inilapag ko roon ang tsinelas ko. Hinubad ko rin ang suot kong long-sleeve na tingin ko ay kay Morgon iyon. Tanging ang panty at bra ko na lamang ang suot ko nang lumusong ako ulit sa tubig. Lumangoy, sumisid... Nag-enjoy akong mag-isa sa dagat. Malapad pa nga ang ngiti sa mga labi ko. Oh! I thought hindi ko na ulit mararanasan ito. When I was in London, I didn’t have a chance to go to the beach because I was always busy. So now I am thrilled. Somehow, something good happened to me that Morgon brought me here.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naglunoy sa dagat. Nang makadama ng pagod ay roon lamang ako nagpasyang umahon. Binitbit ko ulit ang tsinelas ko pati ang damit na hinubad ko kanina. When I was near Morgon’s house, I was suddenly stunned when I saw him standing at the doorway and looking at me seriously. Ilang segundo ko siyang tinitigan bago ako nag-iwas ng tingin sa kaniya at ipinagpatuloy ang paglalakad ko.
“Hindi ka nagpaalam sa akin na lalabas ka at maliligo ng dagat.”
Napahinto ako nang nasa tapat niya na ako. Seryosong tingin ulit ang ibinigay ko sa kaniya.
“Why didn’t you tell me earlier that I’m not allowed to leave your house without asking your permission? I wish I hadn’t left the room.” Mataray na saad ko sa kaniya.
Nagtiim-bagang naman siya at bumuntong-hininga habang hindi pa rin inaalis ang seryosong tingin sa akin.
“May sasabihin ka pa?” tinaasan ko pa siya ng isang kilay.
Pero sa halip na sagutin ang tanong ko... Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko, pababa pa sa katawan ko. Magre-react na sana ako dahil sa klase ng paninitig niya sa akin... Pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka mamaya ay may sabihin na naman siya sa akin na hindi maganda. Kagaya na lamang no’ng umagang nagising ako na nasa condo niya.
Namaywang ako at nagtaas ng noo. “Why are you looking at me like that?” tanong ko. “Hindi ba ganito kaganda ang katawan ng girlfriend mo?”
Muling bumalik sa mga mata ko ang paningin niya. Kitang-kita ko pa ang paglunok niya ng kaniyang laway.
“I...”
“You what?” tanong ko.
Bumuntong-hininga siya at nag-iwas ng tingin sa akin. Hind ko naman napigilan ang sarili ko na lihim na mapangiti pagkuwa’y nilagpasan siya. But when I entered the door, I stopped and looked at him again.
“Kung gagawin mo akong preso dito sa isla mo. Sana man lang binilhan mo ako ng mga gamit at damit ko. I don’t have anything to wear, Mr. Montalban.” Pagkasabi ko niyon ay pumihit siya paharap sa akin. “Maliligo ako, pero wala man lang ako susuotin. I can’t walk around here naked.” Kaagad akong tumalikod at ipinagpatuloy ang paglalakad ko hanggang sa makapanhik ako sa hagdan.