CHAPTER 18

1949 Words
SERYOSO nakatitig si Morgon sa lalaking pumasok sa function hall. Mag-isa lamang ito at hindi na kasama ang babaeng sinasabi nina Ulap kanina. Saglit na iginala ng lalaki ang paningin nito sa buong paligid hanggang sa dumako ang paningin nito sa kaniya. Bigla naman itong ngumiti sa kaniya saka inayos ang suot na mamahaling tuxedo at naglakad na. Diniretso nito ang direksyon ng kaniyang puwesto. “Mr. Montalban! Long time no see. Sabi ko na nga ba at hindi ka rin magpapahuli sa auction na ito.” Ani nito sa kaniya. Ngunit nanatiling seryoso ang kaniyang mukha habang nakatingala siya kay Borbón. “Hindi ko inaasahan na dadalo ka rin pala sa auction na ito, Borbón,” wika niya. “You know me, Morgon. Sa mga ganitong pagtitipon, alam mong lagi akong dadalo. Hindi ako puwedeng hindi magpunta lalo pa at may importante akong bibilhin ngayong araw na ito.” “Really?” “Yeah. And I’m willing to pay any amount in this auction.” “Good for you, Borbón.” Saad na lamang niya. Pero sa kaniyang loob-loob, nagpipigil siya na huwag dukutin ang kaniyang baril at paputukan ito sa noo upang tuluyan ng tapusin ang buhay ng lalaking ito. Matagal na nila itong kaaway, pero sadyang mailap ang lalaki kaya hindi nila mahuli-huli. Kagaya nila, malaki rin kasi ang hawak na organisasyon nito na nagbebenta ng mga illegal na druga at mga armas. Isa ito sa malaking kaaway nila kahit noon pa mang si Hideo pa ang namumuno sa kanila. “Well, any minute ay magsisimula na ang auction. So I need to go to my sit.” Tiim-bagang na bumuntong-hininga siya at tumango na lamang bago tumalikod si Borbón at naglakad na papunta sa puwesto nito. Mayamaya nga ay may lalaking umakyat sa maliit na stage na nasa unahan. “Good afternoon, everyone!” bati nito sa kanilang lahat. “All the guests are already here in this function hall, so let’s start this auction.” Umayos si Morgon sa kaniyang pagkakaupo. Pero mula sa gilid ng kaniyang mata’y binabantayan niya si Borbón. “Ano ang balita riyan, Morgon?” ang tinig ni Sky ang kaniyang narinig. “Kakasimula pa lamang.” “Alright. Steady lang kami. Just give us a signal kapag nagkaroon ng problema.” “Yeah.” Nakatuon ang kaniyang paningin sa unahan, pero hindi na muna niya binigyang pansin ang mga naunang item na inilabas ng MC. Wala siyang interest sa mga bagay na iyon. Iisa lang naman ang ipinunta niya roon. Iyon ay ang makuha si Shiloh! Pagkatapos mabenta ang sampong naunang items na hindi bumaba sa sampong milyon ang halaga ng bawat isa, inanunsyo na rin ng MC ang last blind item daw sa auction na iyon. Nagbulungan ang mga taong naroon sa function hall na iyon. Maliban marahil sa kaniya at kay Borbón, wala ng may nakakalaam sa mga businessman na nagpunta roon kung ano ang blind item na sinasabi ng MC na ’yon. Mayamaya ay may lalaking umakyat sa stage habang may bitbit na isang bagay na natatakpan ng itim na tela. Inilagay iyon sa gitna ng stage. “Gentlemen, handa na ba kayong malaman kung ano ang nasa likod ng itim na telang ito?” tanong ng MC. Muling nagbulungan ang mga taong naroon. Siya naman ay seryoso lamang na nakatitig sa bagay na nasa stage. Inaabangan niya na matanggal ang telang nakatakip doon. Naglakad ang MC palapit sa gitna ng stage. Tumayo ito sa tabi ng stand. “I know... Karamihan dito sa inyo ay hindi magdadalawang-isip na magbitaw ng pera para lang makuha ang last item natin ngayong araw na ito.” Saglit na katahimikan ang namayani habang nakangiting inililibot ng MC ang paningin nito sa buong paligid. At mayamaya, hinila nito ang itim na tela. And as he expected... It was Shiloh’s picture. “Oh, beautiful!” “Is that Markus’ daughter?” “I have never seen such a beautiful face in my entire life.” Samo’t saring komento ang narinig niya mula sa mga kasama niyang naroon. Bigla man siyang nakadama ng galit dahil sa ibang mga komento na narinig niya na hindi niya nagustohan... Pinilit niyang pakalmahin ang kaniyang sarili. It’s not the right time para magalit siya. Baka hindi niya makuha si Shiloh kung paiiralin niya ang galit niya ngayon! “Huwag na natin patagalin ito...” Anang MC. “One million dollar.” “One million dollar!” anang isang lalaki na nasa unahan. Napatingin doon si Morgon. Magsasalita na sana siya, pero may mas nauna naman sa kaniya. “Two millon dollar!” Napatingin siya ulit sa isa pang lalaki. Hanggang sa may nagtaas ulit ng number... “Five million dollar!” “Six million.” Napatiim-bagang siya at lihim na napabuntong-hininga nang malalim. Oh, damn! Mukhang hindi lang pala si Borbón ang interesado kay Shiloh. “Fifty million dollar.” Mahina man ang pagkakasabi niyon, ngunit sapat iyon upang marinig ng mga kasama niya na naroon sa pribadong silid na iyon. Napalingon sa kaniya ang mga kalalakihan... Nasa mukha ng mga ito ang labis na pagkabigla dahil sa malaking pera na sinabi niya. Maging ang MC ay gulat ding napatingin sa kaniya. Natutok sa kaniya ang isang spotlight. “F-Fifty million dollar.” Anunsyo ng MC na nasa unahan. Tiningnan nito isa-isa ang mga taong naroon at kasama sa bidding na nangyayari ngayon. “How about fifty-one million dollar? Do we have—” “Fifty-one million dollar!” anang Borbón. Natuon din dito ang isa pang spotlight. Ngumiti pa ito nang tumingin sa kaniya. Tila nang-aasar at ayaw patalo sa kaniya. Muli siyang napatiim-bagang at lihim na naikuyom ang kaniyang mga kamao na nasa ibabaw ng kaniyang mga hita. Hindi nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang muli siyang tumingin sa MC. Tamad na bumuntong-hininga siya. “One hundred million dollar.” Walang pag-aalinlangang saad niya. Biglang nagbulungan ang mga taong naroon. Mas lalong hindi makapaniwala sa laki ng perang sinabi niya uli. Maging si Borbón na naglabas ng fifty-one million, magkahalong pagkabigla at pagkadismaya ang mababakas sa mukha nito ngayon. Hindi ba nito kayang tapatan ang one hundred million dollar niya? Ilang saglit na katahimikan ang namayani sa buong silid bago nagsalita ang MC. “Gentlemen, one hundred million dollar?” tanong pa nito. “Final call, one hundred million dollar. No one?” bumuntong-hininga pa ito bago tumingin sa kaniyang direksyon. “Final bid at one hundred million dollar, going once... Going twice... Sold to Mr. Montalban!” I’M STILL CRYING SILENTLY. I don’t know where I am now. Wala akong ideya kung saan ako dinala ng mga lalaking kumuha sa akin kanina sa kuwartong iyon. Until this moment, my heart is still filled with fear and worry. I am still silently praying that nothing bad will happen to me and that daddy will find me to save me from here. Mayamaya ay napakislot ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng silid na kinaroroonan ko ngayon. I’m still wearing a blindfold kaya hindi ko makita kung sino ang pumasok. Labis na tinambol ulit ang aking dibdib dahil sa kaba at takot. “How are you?” My heart stopped when I heard the familiar voice. What? Is that Morgon? Kahit nakasuot pa rin ng blindfold, nangunot ang noo ko. “M-Morgon?” mahinang sambit ko sa pangalan niya. “Kalagan siya.” Dinig kong utos niya. Mayamaya ay may humawak nga sa mga kamay ko at tinanggal ang tali roon. Ang akala ko ay pati ang panyong nakapiring sa akin ay tatanggalin din, but that did not happen. I waited for a moment before I removed it from my eyes. My vision was blurry, but I was sure that Morgon was the man I saw standing beside of the bed; in front of me. Hanggang sa luminaw ang paningin ko. “Morgon!” mahinang sambit ko sa pangalan niya. “How are you, Shiloh?” Oh, God! Ilang araw na rin simula nang huling beses kaming nagkita. Natapos na lang ang photoshoot namin para sa VMI, pero hindi na ulit siya nagpakita sa akin pagkatapos nang makita ko siya sa function hall the next day pagkatapos ng pagtatalo namin noong umagang iyon sa condo niya. I don’t know how I should feel right now. Naghalo-halo ang emosyon ko. Nagagalit ako sa kaniya dahil muli ko na namang naramdaman ang kirot sa puso ko nang maalala ko na naman ang mga sinabi niya sa akin that morning. Pero sa kabilang parte ng puso ko, natutuwa rin ako na muli ko siyang makita. Oh, damn it! Ang sabi ko sa sarili ko ay kalilimutan ko na siya. Pero heto na naman ang puso ko! When I felt the heat in the corner of my eyes, I immediately bit my bottom lip. No! Hindi na ako puwedeng umiyak sa harapan niya. That’s enough, Shiloh! “Come on, Shiloh! Let’s go.” Biglang nagsalubong ang mga kilay ko nang muli kong marinig ang sinabi niya. Wait! What is he doing here by the way? Hind kaya... Oh, my God! Siya ang nagpakidnap sa akin? Siya ang may pakana nito? Muling nabuhay ang galit sa puso ko dahil sa ideyang ito. “How dare you, Morgon?” galit na tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman ang pagsasalubong ng mga kilay niya. “What?” “Ikaw ang may kagagawan nito! Ikaw ang nagpakidnap sa akin.” “What? Of course—” “How dare you!” Galit na saad ko pa at sinugod ko siya. Kaagad ko siyang pinagpapalo sa dibdib niya, pero mabilis naman niyang hinuli ang mga kamay ko. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. “Shiloh, enough!” “I hate you, Morgon! What do you really want to happen to me?” I asked him, full of resentment. “Since then, until now... I have felt nothing but pain in my heart! You broke up with me. At simula nang umuwi ako rito at magkita ulit tayo, you always made me feel it was my fault why we broke up. Then now... You even kidnapped me! Do you know how scared I felt because of those men? Tapos ngayon... Ngayon malalaman ko na lang na ikaw pala ang may pakana nito!” galit na saad ko sa kaniya at mariing binawi sa kaniya ang mga kamay ko. Lumayo ako sa kaniya. “What are you talking, Shiloh?” tiim-bagang na tanong niya. “Wala akong kinalaman sa—” “Oh, yeah! Wala ka na namang kasalanan ngayon! And it’s my fault that this happened to me! Fine, Morgon! Blame it all on me if that’s the only way to get rid of your anger towards me for what happened before.” Pinunasan ko ang mga luha sa mga pisngi ko. Hindi naman na siya nagsalita at sa halip ay nagpakawala siya nang malalim na paghinga habang seryosong nakatitig sa akin. Muli kong nakita ang pagtiim-bagang niya. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya habang mabigat pa rin ang pakiramdam ng puso ko. Nanginginig pa ang buong katawan ko dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. “Come on, Shiloh!” “Please... I wanna go home.” Pumiyok pa ang boses ko. “You can’t go home, Shiloh! You need to go with me.” Matalim na titig ang ipinukol ko sa kaniya. “Morgon—” “Huwag ka nang makipagtalo sa akin ngayon, Shiloh. We need to leave.” Pinutol niya ang pagsasalita ko at humakbang siya palapit sa akin. Umatras ako. Pero agad namang umikot at nandilim ang paningin ko. Mayamaya lang ay tuluyang nanghina ang buong katawan ko at nawalan ako ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD