CHAPTER 4

1891 Words
“SHILOH!” Mula sa itaas ng hagdan ay nagmamadaling bumaba si Ysolde nang makita ako nitong nasa sala ng bahay nila at naghihintay rito. Kararating ko lang dito at sinadya kong hindi ipaalam na nakauwi na ako ng Pilipinas kahapon at dumating ako sa bahay nito para bisitahin ito. A wide smile appeared on my lips as I stood up from my seat. “Oh, my God! You’re here?! Kailan ka pa dumating? Bakit hindi mo sinabi na uuwi ka pala?” sunod-sunod na tanong nito sa akin. But instead of answering those questions right away, I hugged her tightly when she finally got close to me. “Hey! I missed you, sissy!” nakangiting saad ko. “I missed you, too. My God! Ginulat mo naman ako. Akala ko kung sino ang bisita na sinasabi ng kasambahay namin.” Ani nito nang magbitaw kami sa yakap namin. Tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa. Mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ko. “Look at yourself, mas lalo kang naging sexy at gumanda.” “Thank you, sissy,” sabi ko habang hawak-hawak ang isang kamay nito. “How are you? Where is Hideo? Where is my inaanak Baby Iskander, and your little princess?” tanong ko pa. “I’m fine. Come, let’s sit down.” Hinila ako nito pabalik sa sofa, roon ay magkatabi kaming umupo. “Nasa labas si Hideo kasama ang dalawang anak niya. Namamasyal kasi sila sa park kapag ganitong oras.” “Ganoon ba? So, sino ang kasama mo rito ngayon?” “Ang isang kasambahay lang namin. Wala rin kasi sina Manay Salve at Jule, e!” “How was Jule and Manay Salve pala?” “Okay naman sila. Teka nga,” sabi nito at tinitigan ako nang mataman. “Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito ka. I thought hindi pa tapos ang trabaho mo roon?” I leaned back on the sofa and sighed softly. “Yeah. Hindi pa talaga tapos ang trabaho ko.” “So, nagbakasyon ka lang dito?” “Kinda,” kibit-balikat na sabi ko. Nagsalubong naman ang mga kilay nito at mas lalo pa akong tinitigan. “Kasama ko si daddy sa pag-uwi kahapon.” “Really? Kumusta naman si tito?” “He’s sick that’s why gusto niyang umuwi rito. Ayaw naman niyang pumayag na maiiwan ako roon ng mag-isa and... You know naman na hindi ko rin mahihindian ang daddy.” Tumango-tango naman si Ysolde dahil sa tinuran ko. Alam kong kilala rin nito ang ugali ng dad. Mayamaya ay ngumiti ito at muling inabot ang kamay ko. “Namiss talaga kita. Akala ko matagal ka pang uuwi rito, e!” “Namiss din kita, kayong lahat.” I hugged her again. “So that means, magtatagal ka rin dito?” “I’m not sure. Pero kung pagbabasehan lang ang kalagayan ni daddy, baka magtagal-tagal din ako rito.” “That’s nice. I mean, matagal ka ring hindi umuwi rito kahit magbakasyon man lang. I’m sure na namiss mo nang husto ang Pilipinas, pati na rin ang mga tao rito.” Kilala ko si Ysolde. At sa sinabi nito ngayon sa akin, alam kong may nais itong tukuyin pero ayaw lang akong diretsahin. Dahil tatlong taon din akong hindi nakabalik sa Pilipinas, marami agad kaming napag-usapan ni Ysolde about sa mga nangyari sa buhay-buhay namin habang magkalayo kami. At natutuwa akong malaman na maayos na ang buhay nito ngayon kasama si Hideo at ang dalawa nilang anak. Pareho na kaming nag-enjoy sa pagkukuwentohan namin kaya hindi na namin namalayan ang oras. Kung hindi pa nga dumating si Hideo hindi kami matitigil sa pag-uusap namin. “Hey, Shiloh! When did you arrive?” I stood up from my seat and greeted him. We exchanged a kiss on the cheek. “Kahapon lang,” sagot ko. “How are you?” “I’m good. Heto, tagapag-alaga sa dalawa ko pang commander.” Nakangiting saad nito at nilingon ang dalawang yaya na may karga sa dalawang anak nila ni Ysolde. “Oh, nakatulog na pala ang dalawa kong anak.” Anang Ysolde at kaagad na lumapit sa isang yaya upang kunin dito ang bunsong anak na two years old pa lang. “Napagod ba sila sa paglalaro sa park, Love?” “As always,” sagot ni Hideo. “Akin na ’yang anak ko, ako na ang bahala sa kaniya. Mag-usap na muna kayo riyan ni Shiloh. I know you miss each other so much.” Ani nito at kaagad na kinuha kay Ysolde ang baby nila. Napangiti akong muli habang pinagmamasdan silang dalawa. Oh, so sweet! Nakakainggit naman si Ysolde at nakahanap ito ng isang Hideo. I know and I can see it in their eyes kung gaano sila kasaya sa relasyon nila. And I know na mabuting asawa si Hideo kay Ysolde, at ama sa dalawa nilang anak. “Maiwan ko na kayo riyan, Shiloh.” “Yeah. Go ahead. Masarap ang tulog ng dalawa kong pamangkin kaya hindi ko sila malalaro ngayon.” Saad ko. Sinundan ko pa ng tingin si Hideo at ang dalawang yaya habang paakyat na sa mataas na hagdan. “You’re so lucky, you know that?” saad ko kay Ysolde nang tingnan ko ito. Matamis naman itong ngumiti. “I know that,” sabi nito. “E, how about you and Morgon? Nagkita at nagkausap na ba kayo?” tanong nito. Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa naging tanong nito. Nagbuntong-hininga rin ako nang malalim saka laglag ang mga balikat na umupo ulit sa sofa. “To be honest, Ysolde... Since I left and he broke up with me, we never saw each other again. We never spoke again.” Malungkot na saad ko. Umupo rin ito ulit sa tabi ko. Tipid itong ngumiti sa akin. “I’m sorry to hear that,” sabi nito. “How is he?” sa halip ay tanong ko. After three years, of course gusto ko ring malaman kung kumusta na siya? Kumusta siya sa mga taong hindi kaming magkasama? Although, alam ko naman na hindi niya pababayaan ang kaniyang sarili. Gusto ko pa rin malaman mula kay Ysolde kung kumusta na ang mahal ko?! “I guess he’s fine. I mean, simula nang umalis ka... Lagi naman siyang busy sa trabaho niya.” Muli akong nagpakawala nang malalim na paghinga kasabay niyon ang pag-iwas ko ng tingin kay Ysolde. Ayoko lang na makita nito ang lungkot sa mga mata ko. “Shiloh.” Ani nito at hinawakan ang isang kamay ko. “I know you still love him.” Nag-angat akong muli ng mukha ko at tumingin dito. Mayamaya ay biglang nag-init ang sulok ng mga mata ko. Upang pigilan ang nagbabadyang mga luha ko, kinagat ko ang pang-ilalim kong labi. “Now that you are here, that you are back, why don’t you try to talk to him?” “Kakausapin niya kaya ako, Ysolde?” “I mean, why not?” “I hurt him before kaya—” “Before ’yon. And you have a valid reason why you left.” “Valid reason na hindi niya naman sinuportahan.” Malungkot pa ring saad ko. “I’m sure na hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin. Baka nga...” Saglit akong huminto. I heave a deep sigh. “Baka nga may iba na siyang mahal. Baka naka-moved on na siya sa akin.” “Who knows? Hindi natin masasabi. Malay natin ikaw pa rin pala ang mahal niya hanggang ngayon! Kasi alam naman natin, alam mo sa sarili mo kung gaano ka kamahal ni Morgon. Just... Try to talk to him kapag nagkita ulit kayo.” “I don’t know, sissy. Hindi ko nga alam kong ano ang gagawin ko kapag nagkita kami ulit e.” “Oh, I feel bad for you.” Ani nito at kinabig ako sa balikat upang yakapin ulit. “OH, MY GOD! ’Di ba siya si Shiloh Fuentes?” Mula sa likuran ko, narinig ko ang boses ng isang babae. I was in a store na nasa loob ng mall at namimili ako ng ibang gamit ko especially ng make-up ko. Hindi ko kasi dinala ang lahat ng make-up kit ko kaya ngayon ay kailangan kong bumili para may magamit ako. “Talaga? ’Di ba nasa London naman siya? Ano ang ginagawa niya rito?” curious na tanong din ng kasama nito. “Baka hindi ’yan. Baka kamukha lang.” “Ano ka ba bes, sigurado akong si Shiloh ’yan. Super fan ako kaya alam kong siya ’yan,” sabi pa nang babae. I smiled while still choosing make-up and lip sticks that I endorsed in New York. “Wait lang at lalapitan ko. Magpapa-picture ako. Sure akong si idol ito, e!” And, from the corner of my eye I saw the woman walking towards me. “Miss, excuse me lang, huh!” Lumingon naman ako rito ng nakangiti. Ngumiti rin ito. “’Di ba ikaw si Shiloh Fuentes?” tanong nito na parang nahihiya pa. “Shiloh Fuentes? Who is that?” kunwari ay tanong ko. “’Yong sikat na model sa ibang bansa? E, hawig po kasi kayo. Ikaw ’yon ’di ba?” Mas lalo akong napangiti. “Yeah,” sabi ko. “I’m Shiloh.” Bigla itong tumili at hinawakan ako sa braso ko. “Ahhh! My God! Bes, sabi ko na sa ’yo, e!” Ani nito nang lingunin nito ang kasama. “Siya nga. Hala! Puwede pong magpa-picture? Sobrang idol ko po kayo, e!” Bigla pang nanginig ang boses at kamay nitong may hawak na cellphone. “Sure. Come, let’s take a selfie.” “My God! Hindi ako makapaniwalang nakita na po kita sa personal.” “Another one.” Saad ko matapos itong mag-picture ng isang beses. Pagkatapos nito ay lumapit din sa akin ang kaibigan nito at nagpa-picture din sa akin. “Thank you so much, Miss Shiloh. Ang ganda n’yo po sobra sa personal.” “Thank you! Bye.” Saad ko na lang at kumaway pa sa mga ito bago ako naglakad palayo. Medyo nakakakuha na kasi ako ng atensyon ng iba pang customer doon. Baka magkagulo pa kaya aalis na lang ako. Naglakad na ako palapit sa entrance para sana lumabas na at babalik na lang ako sa ibang araw, but before I even reached the entrance, I suddenly stopped when I saw a familiar figure of a man coming in. He’s wearing navy blue long-sleeve and black trouser. Nakatupi hanggang sa siko niya ang manggas ng kaniyang damit. Nangunot ang noo ko habang nakatitig sa lalaki. If I’m not mistaken, ito ’yong lalaki na nakita ko sa airport no’ng isang araw. And if I’m not wrong... He’s Morgon. My love. Napatulala ako habang nakatitig sa kaniya. Tila, biglang nag-slow motion ang buong paligid ko habang naglalakad siya papasok. Just like the old times, ganito lagi ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siyang naglalakad palapit sa akin. And my heart pounding so fast. Parang tinatambol iyon. Oh, finally! After three years, nasilayan ko ulit ang mahal ko. Although, puro nga balbas at bigote ang mukha niya. “Morgon!” mahinang sambit ko nang papalapit na siya sa akin. Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi ko nang magtama ang mga mata namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD