“ARE you okay, Shiloh?” kunot ang noo at nag-aalalang tanong sa akin ni Monroe nang magkita kami ulit sa VMI nang lunes para ituloy ang natitirang shoot namin.
Pinilit kong ngumiti at tumango. “I’m fine, Monroe,” sagot ko.
Pero mas lalong nangunot ang noo nito at pinakatitigan ako lalo sa mga mata ko. “But your eyes are swelling.”
Lintik kasi ang Morgon na ’yon! Dahil sa nangyari kahapon sa condo niya, hanggang sa makauwi ako sa bahay ay panay tulo pa rin ang mga luha ko. The whole day I did nothing but lock myself in my room and cry because I was really hurt by what he said to me that morning. Until late at night, my tears still didn’t stop. Fortunately, I fell asleep from exhaustion, so I stopped crying. Pero nang magising naman ako nang madaling araw na, hindi na lamang ang puso ko ang labis na kumikirot, pati ang mga mata ko. Sobrang namamaga iyon. Ayoko nga sanang pumasok ngayong araw... Or better to say, I don’t want to come in today to continue the contract I signed with his company. Pero lalabas naman akong unprofessional at baka sabihin pa ng mga taong kasama ko ngayon sa trabaho na ganito ang ugali ko. I don’t want my name to be ruined just because of my swollen eyes now and because of the anger I feel towards Morgon. Bahala na kung panget man ang kalabasan sa mga shoot na gagawin namin ngayon. The hell I care! Advertisement niya naman ito. Basta bayaran niya lang ako, tapos!
“I’m fine, Monroe. My eyes are just swollen, but I’m fine.”
“Are you really sure?”
Tumawa ako ng pagak. “Ang kulit mong lalaki ka!”
“What?” tanong nito nang hindi nito maintindihan ang tagalog na sinabi ko.
“I said, let’s have a dinner date tonight.”
Bigla naman itong natigilan at napatitig lalo sa akin. Pero mayamaya ay ngumiti ito nang malapad. “R-Really?” hindi makapaniwalang tanong nito.
Tumango naman ako.
I guess, kailangan ko ng mag-entertain ng ibang lalaki na nagpapakita ng interest sa akin. Kung mananatili lang ako sa isang sulok at hahayaan ang puso ko na umasang magkakaayos pa kami ni Morgon... Ako lang ang labis na masasaktan. I need to move on. Seriously! Sa mga sinabi niya sa akin kahapon; sa mga masasakit na salitang binitawan niya sa akin; I don’t deserve them. And I don’t deserve Morgon either.
“Oh, my God! Are you serious, Shiloh?”
Muli akong natawa. “I’m dead serious, Monroe.”
“Damn.” Ani nito at bigla akong niyakap na labis kong ikinagulat, maging ng mga taong kasama namin sa function hall. Mga nagtatakang nakatingin sa amin. “Oh, I’m sorry guys!” paghingi ni Monroe ng pasensya sa mga ito. “I’m just happy because of Shiloh. I mean...” Nakangiting ani nito at tinapunan ulit ako ng tingin at masuyong ginagap ang kamay ko.
Sakto namang paglingon ko sa may pinto ng function hall, I saw Morgon. His face was emotionless as he looked in my direction. Ayoko siyang makita kaya mabilis din akong nag-iwas ng tingin at ngumiti ulit kay Monroe.
“Ano raw ang ganap, bakla?”
“Parang sinagot na ata ni Miss Shiloh si Monroe.”
“Ay, wow! Sinagot mo na siya, Shiloh?” nakangiting tanong sa akin ni Sasa nang lumapit ito sa akin.
Ano’ng sinagot? Si Monroe sinagot ko?
“My God! Congrats sa inyo. Guys... Let’s congratulate the new couple. Wala tayong kaalam-alam na nililigawan na pala ni Mr. Benedict si Shiloh. At ngayon, witness tayo sa pagsagot ni Shiloh sa kaniya.” Malakas na saad ni Sasa sa mga kasamahan namin.
Hindi na ako nakatutol sa sinabi nito nang muli akong lumingon sa direksyon ni Morgon. Galit ang mukha niya!
“Wow! Congrats Miss Shiloh, Mr. Benedict.”
Iyon ang mga nakuha naming pagbati mula sa mga kasama namin. I didn’t explain to all of them that Monroe was not courting me at misunderstanding lang ang inakala nilang sinagot ko ito. Hinayaan ko na. Lalo pa at naroon pa rin si Morgon. Para malaman niya na hindi lang siya ang dapat na maging masaya ngayon.
Our shoot started with me smiling. I force myself to put the things that happened between us yesterday out of my mind. And even though Morgon was there watching throughout our shoot, I just ignore him and did my best for this last photoshoot here at the function hall. Bukas kasi ay sa labas na raw ang shoot namin para sa video. Iyon ang sinabi ni Sasa sa akin.
“Okay. Congrats sa atin guys! Finally! Natapos na rin ang photoshoot natin.” Masayang saad ng director namin.
Nagpalakpakan naman kami.
“So, pack-up na muna tayo ngayon tapos bukas, video naman ang gagawin natin. I’m sure na mas maganda ang kalalabasan ng video natin dahil real couple na ang mga models natin...”
“Real couple?” nagtatakang tanong sa akin ni Monroe na nasa tabi ko.
Mahina naman akong tumawa at in-explain dito ang maling pagkakaintindi ng mga kasama namin dahil sa sinabi nito kanina.
“Oh, really?” tanong nito na natatawa na rin. “I’m sorry Shiloh. I—”
“No it’s okay. There’s no problem with me, Monroe.” Pigil ko sa sinabi nito.
Mas lalo itong ngumiti sa akin at pagkuwa’y hinawakan ang baywang ko.
Nang sumulyap ako sa direksyon ni Morgon. Kitang-kita ko na naman ang seryoso niyang mukha. Napapatiim-bagang pa siya. At mayamaya ay bigla siyang tumalikod.
“MARKUS, kahit sino pa ang lapitan mo para humingi ng tulong para isalba ang kumpanya mo, wala ng may mag-aaksaya ng oras at pera. Lubog na ang kumpanya mo. Wala ka na ring empleyado. Ano pa ba ang mapapala ko kung sakaling tutulungan kita at maglalabas ako ng malaking pera? Wala na! Malulugi rin ako.” Anang matandang lalaki na kausap ni Markus Fuentes.
Tiim-bagang at malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan ng ama ni Shiloh dahil sa mga sinabi ng lalaki. “Ito lang ang hinihiling ko sa ’yong pabor, kumpadre. I promise you na babalik sa dati ang kumpanya ko. Wala lang ako sapat na pera ngayon. Pero kung tutulungan mo ako, sigurado akong makakabangon ako ulit at hindi masasayang ang pera mo.” Pagpapaliwanag pa nito. “Just give me a chance, kumpadre. Tutal naman at may pinagsamahan tayong dalawa.”
“Oo naroon na ako, Markus! We are best friend. Pero kung ganitong usapan naman ang hihilingin mo sa akin... I don’t think I can give what you want, Markus. Ayokong sumugal na pagsisisihan ko sa dulo.”
Matalim na titig ang ipinukol ni Markus sa kaibigan. Lihim din nitong naikuyom ang mga palad nito.
Mayamaya ay dumating si Shiloh.
“Hi po, dad!”
Bigla namang ngumiti si Markus nang makita nito ang anak. “Hija, narito ka na pala!”
“Maaga pong natapos ang shoot namin,” sagot nito. “May kausap po pala kayo.”
“Siya na ba si Shiloh, Markus?” tanong ng lalaki.
Tumingin naman dito si Markus at tumango. “Yeah.” Seryosong sagot nito.
“Aba’y napakagandang bata.”
Ngumiti naman si Shiloh. “Thank you po.” Ani nito. “Maiwan ko po muna kayo rito. Dad.”
“Yes, princess. Go upstairs.”
Sinundan pa ng dalawang lalaki ng tingin si Shiloh habang paakyat na ito ng hagdan.
Mayamaya ay tumikhim ang lalaki at muling tinapunan ng tingin si Markus. “Kung gusto mo talagang ibalik ulit ang negosyo mo... Ito lang ang maitutulong ko sa ’yo Markus.” Ani nito. “May auction na magaganap next week. Puwede mong i-trade ang anak mo.”
Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Markus. “What?” hindi makapaniwalang tanong nito. “What are you talking?”
“I mean, kung gusto mo lang naman gawin ang suggestion ko, alang-alang sa kumpanya mong gusto mo ulit ibangon. Trade your daughter in this auction. Sigurado akong malaking salapi ang makukuha mo, Markus! Naroon si Borbón. I’m sure na hindi ’yon magdadalawang-isip na bigyan ka ng malaking halaga ng pera na kailangan mo kapag nakita niya ang anak mo.” Pagpapaliwanag pa nito.
MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Morgon sa ere habang nakaupo siya sa kaniyang swivel chair at nakatitig lamang sa marmol na sahig. May hawak-hawak siyang rock glass na nangangalahati ang lamang whiskey. Alas otso na ng gabi, pero nasa VMI pa rin siya. Kanina pa siya roon at marami ang iniisip. Isa na roon si Shiloh. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari sa kaniyang sarili ngayon. Simula nang unang araw na nalaman niyang nagbalik na ang dating kasintahan niya, hanggang sa naging pagtatalo nila sa condo niya kahapon... Hindi na ito nawala sa kaniyang isipan. Ang buong akala niya, sa tatlong taon na hindi nila pagkikita ay nakalimutan na ito ng puso niya. Ang akala niya’y nakatulong sa kaniyang pagmo-move on ang galit na itinanim niya sa kaniyang puso simula no’ng araw na makipaghiwalay siya sa dalaga, pero mali pala siya. Ngayong muling nagtagpo ang landas nilang dalawa, hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Mahal pa rin ba niya si Shiloh? Kasi kung oo... Iisa lang ang ibig sabihin sa galit na nararamdaman niya nitong mga nakaraang linggo, sa tuwing nakikita niyang nakangiti na nakikipag-usap ito kay Monroe. He’s jealous!
Bumuntong-hininga siya nang malalim at ipinilig ang kaniyang ulo. Muli niyang dinala sa kaniyang bibig ang baso.
“You’re not jealous, Morgon! You moved on.” Mariing saad niya sa kaniyang sarili.
Napatiim-bagang pa siya.
Mayamaya, inisang lagok niya ang natitirang alak sa baso niya at pagkatapos ay tumayo siya sa kaniyang puwesto at nilisan ang kaniyang opisina.
Habang naghihintay na mag-green ang traffic light, isinandal niya ang kaniyang ulo sa headrest ng upuan sa driver’s seat. At saktong pagbaling niya sa kanan niya’y sakto namang may huminto na sasakyan sa tabi ng kotse niya. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay niya at napaupo siya nang tuwid nang makita niya si Shiloh, ito ang nagmamaneho ng kotse habang nasa front seat naman si Monroe. Parehong nakangiti ang dalawa habang nag-uusap.
At kagaya sa lagi niyang nararamdaman kapag nakikita niya sa function hall ang dalawa na magkasama, sumikdo na naman ang galit sa dibdib niya.
Napatiim-bagang siya at napahawak nang mariin sa manibela.
Oh, yeah! In-announce pala ng dalawa kanina na sinagot na ni Shiloh si Monroe. Magkarelasyon na pala ang dalawa. Malamang na galing sa date ang mga ito!
Dahil sa nararamdamang galit sa dibdib ay hindi na niya namalayan na lumipat na pala sa green light ang traffic light at bumubusina na ang sasakyang nasa likuran niya. Roon lamang siya nabalik sa kaniyang sarili at kaagad na pinaharurot ang kaniyang sasakyan.
Damn.
“Hey, bro!” bati sa kaniya ni Ulap nang dumating siya sa Hang Out. Ang bar na pag-aari ni Judas.
Katatapos niya lamang mag-inom sa opisina niya, pero hayon at pinaunlakan na rin niya ang imbitasyon sa kaniya ni Guilherme. Kasama nito si Arn at Giulio.
“What’s the problem?” tanong ni Sky nang umupo siya sa tabi nito.
“One whiskey,” sa halip ay sabi niya sa bartender.
“Ayos ka lang ba, bro?” tanong din ni Arn.
“I’m fine.” Tipid na saad niya.
“Come on, Morgon! Para naman tayong walang pinagsamahan at hindi kilala ang isa’t isa. I know problemado ka ngayon,” sabi ni Ulap na nasa tabi niya rin. Pinagigitnaan siya ng magkambal habang katabi naman ni Ulap si Arn. Nasa bar counter sila.
“Baka problema kasi umalis ang girlfriend papunta sa Nigeria.” Nakangiting saad ni Arn.
Bumuntong-hininga siya. Mga tsismoso talaga itong mga kaibigan niya kahit kailan.
“Hindi babae ang pinoproblema ko,” sabi niya. “Tuloy ba ang auction next week, Giulio?” tanong niya nang balingan niya ng tingin si Sky.
“Yeah,” sagot nito. “But I’m not sure kung pupunta si Borbón. Wala pang confirmation galing sa tauhan natin.”
“Alright. Sana this time ay mahuli na natin siya.”
“I hope so.” Ani nito. “Masiyadong mailap ang lalaking iyon. Mabuti nga at wala siyang ginawang hakbang nang magpadala siya ng banta kay Kidlat no’ng nakaraan.”
“Don’t worry guys. Mahuhuli rin natin si Borbón.” Anang Ulap.
“At kapag nangyari ’yon, e ’di tuloy na ang kasal ninyo ni Jule?” tanong naman ni Arn.
“Wala ng iba, Arn! Kaya nga nangangati na akong mapatay ang lalaking ’yon. Dahil hanggat hindi ko siya napapatay, hindi ako pakakasalan ni Jule.”
Lihim na lamang siyang napangiti dahil sa sinabi ni Sky. Natutuwa siya para sa love life ng kaniyang kaibigan. Samantalang siya... Matagal na niyang gustong lumagay sa tahimik; magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya. Pero hindi pa naman nangyayari. Naudlot pa ang plano niya noon kay Shiloh.