CHAPTER 16

2387 Words
WHILE our shoot has not yet started, Monroe and I practiced the scenes and lines we will do for the video. Ang sabi ni Sasa sa amin kanina ay baka hindi na abutin ng isang linggo ang shoot namin kaya makakapagpahinga na rin kami sa halos isang buwan na trabahong ginawa namin ni Monroe kasama ang mga staff. Although, I had a fortunate experience with this job compared to my previous photoshoots in London, but I really want to finish this job so that I don’t have a reason to go back to VMI and see Morton again. Buo na talaga ang naging pasiya ko. I will move on from him. At pagkatapos ng trabaho ko sa kaniya... I made a promise to myself I will start a new life. Aalisin ko na siya sa isipan ko lalo na sa puso ko. And I will entertain new suitors too para maibaling ko na sa iba ang isipan ko, lalo na ang puso ko. I know the process I will go through to move on will not be easy for me, pero gagawin ko ang lahat makalimutan ko lang siya. Naging busy kami sa buong araw at sa sumunod na mga araw pa. Laking pasasalamat ko na lamang talaga at hindi na nagpunta sa location namin si Morgon para panuorin ang shoot namin. Sa last day ng shoot naman namin, we celebrate para sa success ng project naming ito. “Many thanks to everyone involved in this project, especially to Miss Shiloh and Mister Benedict.” Nagpalakpakan ang mga kasama namin pagkatapos magsalita ng director. Nasa beach pa rin kami kung saan kinunan ang last video namin kaninang hapon. Nakangiting inilibot ko naman ang aking paningin sa buong paligid upang magpasalamat sa mga kasamahan namin. “Naging madali at sucessful ang project na ito dahil magaling ang ating mga model. Kaya labis akong nagpapasalamat na pumayag ka na tanggapin ang trabahong ito, Miss Shiloh.” “Well, to be honest, I really have no intention of accepting this project because the termination of my contract in London is still in process. I just came back here to the Philippines to accompany my daddy to recover from his illness. And Sasa also knows that I don’t want to accept this, but I was also forced because Marl, he’s my manager in London, forced me. But I’m happy that I accepted this job because I got to know you and spent a month with you guys. I enjoyed working with you. Really. So I will going to miss you after this.” Nakangiting nakatingin sa akin ang lahat habang nagsasalita ako. Hindi man sila magsalita para sabihin sa akin na masaya rin sila na makatrabaho ko, pero kitang-kita ko iyon sa mga mata nila, lalo na sa mga ngiti nila. “So, thank you so much guys.” “Maraming salamat din, Shiloh! Hindi namin akalain na ganito ka pala kabait at kasayang katrabaho,” sabi ni Sasa. “Ang akala talaga namin, lalo na itong mga kasama ko ay suplada ka talaga. Pero... Pinatunayan mo sa amin ang salitang don’t judge the book by its cover. Mukha ka lang pala maldita at suplada, pero napakabait mo pala.” Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Sasa. “My God! Hindi ko akalain na all these time ay iniisip n’yo pa lang maldita ako. Nakakainis, huh!” kunwari’y nagtatampong saad ko. “Kaya masuwerte tayo at nagkaroon tayo ng chance na makatrabaho si Miss Shiloh, guys! Maganda na nga, tapos napakabait pa.” Saad ng isang kasama naming lalaki. Muli akong napangiti. “How about you, Mr. Benedict? What can you say about our successful photoshoot, and your experience working with Filipinos like us?” tanong ni Sasa kay Monroe. Tumikhim naman ito at lumingon sa akin pagkuwa’y ngumiti. “Well, Marl also told me about this project. Just like Shiloh, I would not have accepted Marl’s offer to me because I have never been here in the Philippines. Although, I really want to come here to visit Shiloh, but it is not in my plan to go here this year. But when I found out that Shiloh would be my partner, I didn’t hesitate to accept the contract. And, I am happy that I had the experience of working with the Filipinos like you guys. You work differently than people in London, in New York. You are kind and fun to work with. And I am also grateful to those who helped me so that I could visit the tourist spots here. Shiloh was right. It’s more fun in the Philippines. From the first day I arrived here until these moments, I have felt nothing but happiness and enjoyment. Thank you so much guys for the wonderful experienced.” Nagpalakpakan ulit kami pagkatapos magsalita ni Monroe. After our little speech, we continued our fun. We enjoy the party, the music and the drinks. “Hey!” Napalingon ako kay Monroe nang marinig ko ang boses nito. Nakaupo ako sa buhangin habang nakatanaw sa madilim na karagatan. Lumayo na muna ako sa mga kasama namin dahil medyo nakakaramdam na ako ng hilo. Naparami na rin kasi ang alak na ininom ko. Nang makalapit sa puwesto ko si Monroe ay umupo ito sa tabi ko. “I was looking for you. What are you doing here?” tanong nito. Banayad akong bumuntong-hininga at muling itinapon sa malayo ang paningin ko. “I want to relax for a while. I’m a little dizzy,” I said. “You drank a lot, Shiloh.” “I enjoyed the party, Monroe.” “Well, so am I,” nakangiting sabi nito. Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Monroe. Mayamaya ay narinig kong nagpakawala ito nang malalim na paghinga. “Are you going back to London after this?” I shrugged my shoulders. “I’m not sure. Daddy has not fully recovered yet. I can’t just leave him.” From the corner of my eye, I saw him turn towards me. And just later I felt he holds my hand that was resting on my thigh. Tumingin ako roon at pagkuwa’y binalingan ko ito ng tingin. Seryoso itong nakatitig sa akin. “How about us, Shiloh?” he asked. “I mean, I know there is no label between us yet. But... These past few days, we are always together, Shiloh. And I felt you gave me a chance to introduce myself to you even more. And you have been treating me differently these past few days compared to when we were still in London. So, I thought that maybe... Maybe you are giving me a chance to court you and become your boyfriend.” I just stared intently into his eyes. Later, I took a deep breath, then slowly released it into the air. In the past few days, I have proven to myself that Monroe is a good person. He is kind, caring, considerate and very sweet. If I had given him a chance to introduce himself to me before, I’m sure I would have liked him even then. I don’t know why a smile suddenly appeared on my lips. And because of that, Monroe also smiled at me and his face slowly came closer to mine. I couldn’t move or stop him until his lips lightly touched mine. That kiss was only for a moment and he immediately moved away and smiled even more at me as he let go of my hand and put his arms around me, and pulled me closer to him. I leaned my head on his shoulder and sighed again. I closed my eyes tightly. TIIM-BAGANG na bumuntong-hininga si Morgon habang tinatanaw niya mula sa dalampasigan si Shiloh kasama si Monroe. Ewan, pero nagngingitngit ang kaniyang kalooban ngayon lalo na nang makita niya ang paghalik ng lalaki sa dalaga. May kung anong tinig sa kaniyang isipan ang nagsasabing lapitan niya ang dalawa at hilahin palayo si Shiloh kay Monroe at upakan ang lalaki dahil sa ginawa nitong paghalik sa dalaga. Pero hindi niya naman magawang humakbang sa kaniyang puwesto. Darn. Ano na lamang ang sasabihin sa kaniya ni Shiloh kung susugod siya roon at pagagalitan ito dahil hinayaan nitong halikan ni Monroe ang mga labi nito? Magmumukha lamang siyang katawatawa! Of course, hindi magagalit si Shiloh na halikan ito ni Monroe dahil nobyo naman nito ang lalaki. Nagngingitngit na naikuyom na lamang niya ang kaniyang kamao at humigpit din ang pagkakahawak niya sa rock glass niya. May kalahating oras na simula nang dumating siya sa beach na iyon upang makausap ang mga empleyado niya tungkol sa katatapos lamang na project para sa campaign ads nila. Pero hindi niya naman inaasahaan na ganoon pala ang madadatnan niya. Muli siyang napabuntong-hininga at dinala sa kaniyang bibig ang baso at inisang lagok ang laman niyon. Nang makita niyang tumayo na ang dalawa at magka-holding hands pang naglakad pabalik sa mga empleyado niya, mas lalo siyang nakadama ng panibugho. “f**k! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?” galit na tanong niya sa sarili habang sinusundan ng tingin ang dalawa. Mayamaya ay biglang tumunog ang kaniyang cellphone kaya dinukot niya iyon sa bulsa ng kaniyang pantalon. At nang makita niyang si Ulap ang tumatawag sa kaniya, kaagad niya iyong sinagot. “Yeah?” “Confirm, bro! Nasa auction bukas si Borbón.” “Okay. Let’s get ready. I’m on my way.” “Okay. Hihintayin ka namin.” Kaagad niyang pinatay ang tawag sa kaniya ni Ulap saka niya muling tinapunan ng tingin si Shiloh at Monroe na nakiki-party na naman. Itinapon niya sa buhanginan ang basong hawak niya saka siya tumalikod at nilisan ang lugar na iyon. “THANK YOU AGAIN for this wonderful and unforgetable party, guys!” sabi ko nang tumayo ako sa puwesto ko upang kunin ang atensyon ng mga kasama namin. Alas dose na ng gabi, pero malakas pa rin ang energy ng mga kasama ko. Ako pa lang ata itong tinamaan na ng alak dahil nahihilo na talaga ako at gusto ko ng matulog. “But... I think I need to go to my room and I want to rest. So, you guys enjoy the party!” nakangiting sabi ko pa. Pagkatapos kong magpaalam sa mga kasama ko, tumayo na rin si Monroe sa puwesto nito at hinawakan ako sa braso ko. “Are you okay?” tanong nito. Ngumiti naman ako habang nakahawak ako sa sentido ko. “Yeah, I’m okay, Monroe.” Tinapik ko pa ang balikat nito. “I’ll accompany you to your room—” “No need, Monroe,” sabi ko upang pigilan ang pagsasalita nito. “I can manage myself. Just... Stay here and enjoy the party.” “But—” “Don’t worry about me. Kaya ko pang maglakad.” “What?” Sa halip na sagutin ko pa ito, hinalikan ko ito sa pisngi at ngumiti ulit. “Enjoy the party, Monroe. Good night.” Pagkasabi ko n’on ay dahan-dahan na akong tumalikod at naglakad. Kahit ramdam ko talaga ang pagkahilo ko ay pinilit kong maglakad nang straight. “Opps!” Natawa pa ako ng mahina nang muntikan na akong matumba sa buhangin habang naglalakad na ako papunta sa hotel. Saglit akong huminto sa paglalakad at humugot nang malalim na paghinga at pinakawalan iyon sa ere. Sinupil ko muna ang sarili ko dahil mas lalo akong nakadama ng pagkahilo. Pero mayamaya, bigla na lamang may dalawang lalaki ang tumabi sa akin. Ang isa ay inakbayan ako at ang isa naman ay hinawakan nang mahigpit ang braso ko. Kahit medyo may tama ako ng alak, bigla akong nakadama ng takot nang balingan ko ng tingin ang dalawang lalaki. “Huwag kang sisigaw miss, kung ayaw mong ibaon ko sa tagiliran mo ang kutsilyong hawak ko.” Anang lalaki at naramdaman ko nga ang dulo ng patalim. “W-Who are you? A-Ano... Ano ang kailangan ninyo sa akin?” utal at natatakot na tanong ko habang hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa labis na gulat at takot. “Sumama ka na lang sa amin.” Pagkasabi ng isang lalaki, bigla nitong tinakpan ng panyo ang ilong at bibig ko. Sa ilang saglit lang ay bigla akong nawalan ng malay. “ANO’NG ORAS daw magsisimula ang auction bukas?” tanong ni Morgon. “Alas tres ng hapon. Sa Ortigas,” sagot ni Giuseppe habang nakaupo ito sa isang single couch. “But, there is something you should know, bro.” Biglang nagsalubong ang kaniyang mga kilay at napatingin kay Ulap. “What do you mean?” Saglit itong tumikhim at bumuntong-hininga saka tinapunan ng tingin ang kakambal at si Arn. “May ibinigay sa akin na bagong impormasyon ang tauhan ko na nagtatrabaho sa Casino kung saan gaganapin ang auction bukas.” “What is it?” tanong niya. “Ayon sa tauhan ko, may idinagdag daw na blind item sa auction. And... It was Shiloh.” Halos mag-isang linya ang kaniyang mga kilay dahil sa sinabi ni Ulap sa kaniya. Tinitigan niya nang mataman ang kaibigan. “Straight to the point, Guilherme,” aniya. “Isinali raw ni Markus sa auction si Shiloh para makakuha ng malaking salapi at magamit para sa muling pagpapatayo ng kumpanya niya. At ang target daw ni Markus na makakuha kay Shiloh ay si Borbón.” Wala sa sariling napatiim-bagang siya at naikuyom ang kaniyang mga kamao dahil sa kaniyang nalaman. Damn. Para sa kumpanya at salapi ay gagawin ni Markus na ibenta ang anak? Galit na tanong ng kaniyang isipan. “Bro, mas lalong kailangan nating mag-isip ng magandang plano kung paano mahuhuli si Borbón. Lalo pa ngayon at kasali si Shiloh sa auction. I mean, I know you still love her—” “Does he?” singit na tanong ni Arn. Tinapunan naman ito ng seryosong tingin ng tatlong binata. Bigla itong ngumiti at nag-peace sign. “Sorry. Nagtatanong lang naman,” sabi nito. “Akala ko kasi... Okay fine.” Ani nito nang paningkitan ito ng mga mata ni Ulap. Pinapatahimik ito dahil sa biglang pagbabago ng hitsura ni Morgon. Mayamaya ay tumayo si Morgon sa puwesto niya at walang imik na lumabas sa silid na iyon. Kailangan niyang bumalik sa beach upang kunin si Shiloh doon bago pa may ibang makakuha sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD