CHAPTER 11

1732 Words
“WHY are you crying?” Napapitlag ako nang marinig ko ang tanong ni Morgon. Sunod-sunod akong kumurap at nakita ko siyang nakatayo pa rin sa harapan ko. Oh, I thought... He kissed me. Nag-i-imagined lang pala ako na hinalikan niya ako. And when I felt my tears flowing down both my cheeks, I suddenly raised my right hand and wiped it away. I didn’t realize that I was in tears earlier. Damn. I can still feel the pain in my heart. Jesus! Why do I have to be hurt like this? Why do I have to go through this pain? Do I deserve this pain I’m feeling right now? Nanginginig ang katawan ko na nagpakawala ako nang malalim na paghinga at mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. “Miss Fuentes—” “Excuse me.” Mabilis na saad ko at kahit nanlalambot pa rin ang mga tuhod at binti ko, I immediately stepped out of his office. I didn’t pay attention to him calling my name. Dire-diretso akong lumabas. “Hi, Miss Shiloh! Puwede po bang magpa-picture?” Nang makita kong nag-aabang sa paglabas ko ang mga empleyado ni Morgon, mabilis akong ngumiti at sinupil ang sarili ko. Sana lang talaga at hindi nasira ang make up ko dahil sa pag-iyak ko kanina. Nakakahiya kasi kung makikipag-selfie ako sa kanila tapos ang panget na pala ng hitsura ko. “Sure. Let’s take a selfie.” Masiglang saad ko. Isa-isa namang lumapit sa akin ang mga naroon at naghihintay sa akin. In-entertain ko naman silang lahat. I love my fans. Because if it wasn’t for them, I wouldn’t have been known and become a famous model. So, wherever I go and when someone recognizes me and wants to take a picture, lahat ay pinagbibigyan ko, basta kaya ng oras ko. “Come on, Shiloh. Ihahatid na kita sa labas.” Anang Sasa nang lumapit ito sa akin. Ngumiti naman ako. “Thank you, Sasa.” “Thank you po, Miss Shiloh. Good luck po sa photoshoot ninyo bukas.” Ngumiti ulit ako at kumaway pa sa mga katrabaho ni Sasa bago ako naglakad na at sumabay sa akin si Sasa patungo sa elevator. THE NEXT MORNING, I went back to VMI early again for my photoshoot schedule. Ang sabi rin kasi sa akin ni Sasa kahapon bago kami naghiwalay, may partner din pala ako sa photoshoot na ito at ngayon ko makikilala. “Good morning, Shiloh!” “Good morning, Sasa!” nakangiting bati ko rin dito. “Let’s go sa function hall. Naroon na ang team natin. Pati ang partner mo.” “Alright.” Saad ko at sumunod na rin ako rito. May PA na ibinigay sa akin kahapon si Sasa kaya iyon ang may bitbit ngayon sa mga gamit ko para sa photoshoot na ito. Pagkarating nga namin sa malawak na function hall, naroon na ang mga kasamahan namin at puro busy na ang mga ito sa pag-p-prepare para sa first day of photoshoot. Our photoshoot will happen in a month because there are also videos to be made for video advertisement planned by Morgon’s company. Sasa also gave me the script needed for the video, so I studied it when I got home. That’s not a problem for me and I can memorize easily and somehow I know how to act. Excited na nga rin ako para doon, e! “Come here, Shiloh. Nandito si Mr. Benedict.” Sumunod ulit ako kay Sasa papunta sa magiging puwesto namin. Naroon na rin ang mga make up artist na mag-aayos sa akin. Malayo-layo pa man ay nakita ko na ang lalaking nakatalikod at nakaupo sa isang folding chair. My forehead furrowed slightly as I stared at the man. He seems familiar to me. And when he turned in my direction, I saw his wide smile at me. “Shiloh!” “Monroe?” gulat na sambit ko. Tumayo naman ito at naglakad palapit sa akin. What is he doing here? Si Monroe ba ang sinasabi sa akin ni Sasa na magiging partner ko sa photoshoot na ito? The wide smile on his lips still hasn’t disappeared. While I was stunned and could not believe that we would meet today. I didn’t expect to see him today. “Hi!” “What... What are you doing here?” nagtataka pa ring tanong ko. Mas lalong lumapad ang ngiti nito sa mga labi at pagkuwa’y niyakap ako at hinagkan ang magkabilang pisngi ko. “How are you, Shiloh?” Sumilay na rin ang ngiti sa mga labi ko. “I’m fine. How are you? I mean... What are you doing here?” ulit na tanong ko. “Well, two days ago, Marl talked to me about VMI looking for a male model. He asked me if I wanted to accept. He said it was a one month photoshoot. And right now I’m on leave. And when Marl told me that the company is based here in the Philippines and that you will be my partner, I didn’t hesitate to accept his offer.” Nakangiting paliwanag nito sa akin. “I mean, this is my chance to take a vacation here in the Philippines and to see you again. I missed you.” Dagdag pa nito. Muli akong napangiti. Oh, well... I missed him too. Lalo na ang pangungulit nito sa akin. “Welcome to the Philippines, Monroe.” Saad ko. “Thank you. And... I’m excited to work with you again.” “Me too. Me too.” “So, you two really know each other already?” Napalingon ako kay Sasa nang marinig ko ang tanong nito. “Well, Monroe is my colleague and... He is also a friend of mine.” “Kaya pala...” Tumango-tangong saad nito. “It’s good that you are friends. So you don’t have to adjust to be with and work with each other.” “Yeah.” Si Monroe ang sumagot sa sinabi ni Sasa. Itinuloy namin ni Monroe ang usapan habang inaayusan na kami ng mga make up artist dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang photoshoot namin. First day ng trabaho namin, naging okay naman agad. The photoshoot became easy for me because Monroe was my partner. As Sasa said earlier, hindi na kami nag-adjust para sa isa’t isa. At iilang araw pa lang simula no’ng umuwi ako rito sa Pilipinas, pero namiss ko agad ang trabaho kong ito. “Are you tired?” nang lapitan ako ni Monroe. Nilingon ko naman ito. “Not really,” sagot ko. Naka-break kami ngayon at isang shoot na lang ang kailangan naming gawin para matapos ang schedule namin ngayong araw. “Water.” Iniabot nito sa akin ang bote ng tubig. “Thanks, Monroe.” Umupo rin ito sa upuang nasa tapat ko. “Pinoys are fun to work with.” Nakangiting saad nito. Ngumiti rin naman ako. “Yeah,” sagot ko. “Filipinos are fun to work with. Because even though what we are doing is serious, it is still inevitable to have fun and joke with each other. So look... No matter how many hours we’ve been here standing in front of the cameras, we still don’t feel exhausted, right?” Tumango-tango naman ito. “Yeah. I agree. Not like in London. People are too serious.” That’s true. Pero kahit naman gaano kaseryoso ang isang trabaho, kung gusto mo ang ginagawa mo, mag-i-enjoy ka pa ring gawin iyon. “By the way... Can I invite you to dinner later?” tanong nito mayamaya sa akin. Tumingin naman ako rito. “Please.” Ani nito. “Maybe you can accept my offer now. After all, we are here in the Philippines. I mean, for three years I’ve asked you, but you didn’t even say yes once. And... We’re friends now, right?” Bigla namang nangunsensya ang isang ito. Pero kung sabagay... Tama naman ito! Tinanggap ko na ang pakikipagkaibigan nito sa akin bago pa ako umuwi rito sa Pilipinas so, ano pa ang dahilan ko para tumanggi? At isa pa... Kaya lang naman ayokong i-entertain itong si Monroe noong una, kasi nga umaasa pa rin akong magkakaayos pa kami ni Morgon. But now... I should move on. And when I looked at the door of the function hall, I saw Morgon enter there. Saglit niyang inilibot ang kaniyang paningin sa buong paligid at nang dumako sa direksyon ko ang paningin niya, saglit ko siyang tinitigan bago ko ibinaling kay Monroe ang paningin ko at ngumiti. “Sure. I have nothing to do tonight.” Sumilay rin ang malapad na ngiti nito sa mga labi dahil sa sinabi ko. “Oh, yes! Finally.” Masayang saad nito. Para namang nanalo sa lotto ang lalaking ito! “You can’t take back the answer you gave me, Shiloh.” Nakangiting tumango-tango naman ako. “Of course.” “Um, excuse me, Shiloh, Monroe.” Napalingon kami kay Sasa. “Let’s start again.” “Oh, yeah.” Anang Monroe at kaagad na tumayo. Lumapit ito sa akin at inilahad ang kamay sa akin upang alalayan akong tumayo. Kaagad ko naman iyong tinanggap. At pagkatayo ko, muling nagsalubong ang mga paningin namin ni Morgon. Seryoso siyang nakatingin sa direksyon namin ni Monroe. Nagtiim-bagang pa siya. “Let’s go.” Napatianod na ako kay Monroe pabalik sa puwesto namin kanina para tapusin na ang last shoot namin. Ang akala ko ay kaagad na aalis si Morgon sa function hall at hindi na niya panunuorin ang photoshoot namin. But I was wrong. Kung kanina ay masaya akong ginagawa ang mga poses namin ni Monroe, hindi ako naiilang at kinakabahan... Pero ngayon, oh, God! Parang feeling ko, sa bawat galaw ko ay nakasunod ang mga mata ni Morgon. Hindi ko nga magawang tumingin sa kaniya dahil natatakot akong salubungin ang mga mata niya. Kaya kahit malakas na kumakabog ang puso ko, pinilit kong ayusin ang ngiti at mga poses ko. Hanggang sa matapos kami. “Sasa!” Halos lahat ata kami ay napatingin sa kaniya nang marinig namin ang galit niyang boses. “Y-Yes, Chairman?” halata sa mukha nito ang kaba. Saglit siyang sumulyap sa ’kin bago siya tumalikod. “In my office.” Galit na saad niya. Nagmamadali namang napasunod dito si Sasa. Oh, ano na naman kaya ang problema niya? Bakit galit na naman siya? Napabuntong-hininga na lamang ako nang malalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD