“WHAT happened?” nagtatakang tanong sa akin ni Monroe nang lumapit ito sa akin.
Nagkibit naman ako ng mga balikat ko. “I don’t know,” sagot ko.
“He’s the chairman of this company, right?”
Tumango naman ako. “Yeah. He’s Morgon Montalban.” I said and sighed as I glanced at the door of the function hall. “Let’s go. We are done with our first day photoshoot.” Mayamaya ay pag-aaya ko rito.
Bumalik kami sa puwesto namin kanina para ayusin na ang mga gamit namin at pagkatapos ay sabay na rin kaming lumabas sa function hall. When we passed Morgon’s office, the door was closed. Marahil ay nasa loob pa sila ni Sasa. Did he scold Sasa? Mukhang hindi malabong mangyari iyon dahil kanina pa lamang ay mababakas na sa mukha niya ang galit na hindi ko malaman kung saan nanggaling.
Bumuntong-hininga na lamang ako nang malalim.
“Let’s go, Shiloh.”
I approached Monroe, and we walked together again to where the elevator was, until we got out of the building.
“Bye! See you tonight, Shiloh.”
Nakangiting tumango naman ako. “Bye! See you.”
Lumapit pa ito sa akin at hinalikan ako sa magkabilang pisngi ko bago ako naglakad papunta sa kotse ko.
When I got home, I found daddy in the living room talking to two men. Mga kaibigan ata nito sa business.
“Hi, dad!” I greeted with a smile. I even kissed his cheek when I got close to his seat.
“Hi, sweetheart.”
“Siya na ba si Shiloh, kumpadre?” tanong ng isang lalaki.
Nakangiting tumango naman si daddy. “Yes, kumpadre. Siya na nga ang unica hija ko.”
“She’s so beautiful. Manang-mana sa mommy niya.” Saad din ng isang lalaki.
Napangiti naman ako nang malawak. “Hello po sa inyo!” bati ko sa mga ito.
“Of course, kumpadre. Saan pa naman magmamana ang anak ko kun’di sa nanay niya.” Pagsang-ayon naman ng daddy.
“Well, iiwan ko po muna kayo dad. Mukha busy po kayo.”
“Sure, hija. We’ll talk later. Magpahinga ka na muna roon.”
“Excuse me po!” Saad ko sa dalawang kasama ni daddy saka ako pumanhik sa hagdan at tinungo ang silid ko.
Exhausted from the whole day of our photoshoot, I didn’t realize that I had already taken a nap when I laid down on my bed. I just woke up because of the sound of my cellphone that was next to me. I took it and looked to see who was calling... It was Monroe. But before I could answer the call, it died on the other line.
Kumilos ako sa puwesto ko upang sumandal sa headboard ng kama ko at nagpadala na lang ng text kay Monroe.
Ilang saglit akong nanatili sa puwesto ko bago ako nagpasyang bumangon at inayos ang sarili ko pagkatapos ay bumaba ako para puntahan ang daddy.
“Alright! Just let me know kung kailan ang schedule. Okay. Thank you so much.”
Dinig kong sabi ni daddy sa kausap nito sa cellphone nang pumasok ako sa silid nito.
Bahagya akong tumikhim upang kunin ang atensyon ni dad. Lumingon naman ito sa akin.
“Princess, nariyan ka pala!”
Ngumiti ako at humakbang palapit dito. “Who are you talking with, dad?” tanong ko at umupo sa gilid ng kama nito.
“Ah, business partner ko noon. Gusto ko kasi makipag-meeting sa kaniya dahil may business proposal akong ibibigay sa kaniya.”
“Dad... Hindi n’yo pa po kaya. Magpahinga na po muna kayo.”
“Princess, I’m fine. Medyo... Malakas na ang katawan ko ngayon kumpara no’ng nasa London tayo. Kaya okay na sa akin na magtrabaho na naman ako. At isa pa... Alam mo namang mas lalong nanghihina ang katawan ko kapag maghapon lang ako na nakaupo.”
I sighed lightly and stared intently at daddy. “Daddy naman po, e! Kaya nga po tayo umuwi rito sa Pilipinas para po magpahinga muna kayo at gumaling kayo nang tuluyan. Tapos—”
“Shiloh, anak... I’m really fine.” Pinutol nito ang pagsasalita ko. “Magaan na ang pakiramdam ko ngayon unlike nitong mga nakaraang araw at linggo. Marahil, masiyado ko lang din nami-miss ang Pilipinas kaya... Lumalala ang kondisyon ko roon. Pero ngayon, I feel better, sweetheart. Although, mino-monitor pa rin naman ako ng Tito Art mo. So, don’t worry, okay?”
“Hindi ko po magagawang hindi mag-alala para sa inyo, daddy.”
He smiled at me and stood up from his seat and walked towards me. He also sat next to me and held my hand on one of my thighs.
“I know you are worried about me. Pero okay na ako, anak.”
I stared intently at daddy for a moment before I put my head on his shoulder. “Just make sure you don’t miss your medicines. And sundin mo po ang lahat ng sasabihin sa ’yo ni Tito Art para gumaling na po kayo nang tuluyan, alright daddy?”
“I promise, princess.” Ani nito at hinalikan pa ang noo ko.
“I love you, daddy.”
“I love you, too.”
Mayamaya ay inilayo ko ang ulo ko sa balikat ng dad. “By the way po... Hindi po ako makakpag-dinner dito mamaya.”
Nangunot naman ang noo ng dad. “And why?”
“Monroe asked me on a dinner earlier, dad.”
“Monroe? Your friend in London?”
Tumango ako. “Opo, dad,” sagot ko.
“Nandito rin pala siya sa Pilipinas?”
“Yes po. Actually, siya po ang partner ko sa photoshoot na ginagawa ko ngayon. Si Marl po ang nagpadala sa kaniya rito sa Pinas.” Pagpapaliwanag ko.
“Oh, really? Bakit hindi mo siya imbitahan dito sa bahay? Bukas ng gabi ay rito na siya kamo mag-dinner.”
“I’ll tell him, dad,” saad ko. “So, si Tito Art na lang po ang isabay ninyo sa pag-dinner mamaya. Tatawagan ko po siya.”
“No need, hija. I can eat alone. Basta, mag-enjoy ka sa date ninyo ni Monroe.”
Ngumiti na lang ako. Well, dati pa man ay lagi ng sinasabi sa akin ni Daddy na gusto nito si Monroe para sa akin. Pero ayokong sang-ayunan ang sinasabi nitong makipag-date ako rito.
After Daddy and I talked, I went back to my room and took a shower. It’s already five-thirty in the afternoon. I need to prepare because Monroe and I talked earlier that we would meet at seven o’clock.
After I showered, I immediately looked for something to wear. After, I also put on makeup. Twenty minutes before seven, I was already done and ready to leave.
Saglit lang akong nagpaalam kay daddy bago ako lumabas at lumulan sa kotse ko.
“Hi!” Malapad ang ngiti sa mga labi ni Monroe nang salubungin ako nito sa entrance ng exclusive restaurant sa BGC. Kitang-kita ko ang kakaibang ngiti nito sa mga labi. Marahil ay labis pa rin itong natutuwa dahil sa pagpayag ko sa dinner date na matagal na nitong hinihiling sa akin.
“Hi!” bati ko rin dito.
He kissed me on the cheek before grabbing my back and taking me to our table. But even before we finally got there, the smile on my lips suddenly disappeared when I looked at the table right next to the table where Monroe and I would be sitting, and I saw Morgon’s very serious face as he looked at me, he was with his girlfriend.
What? Nandito rin siya? I mean, lagi na lang ba? No’ng una, nang magkita kami ni Sasa, naroon din siya sa restaurant na pinagkitaan namin ni Sasa. Tapos ngayon... Kung saan kami magde-date ni Monroe, nandito rin siya!
Habang magkasalubong ang mga mata namin, hindi napigilan ng puso ko ang malakas na pagkabog niyon. Lalo na nang makita ko ang pagtiim ng kaniyang bagang.
Is he mad? Sa klase kasi ng titig niya ngayon sa amin ni Monroe... Mukhang galit na galit siya.
“Come here, Shiloh!”
Nag-iwas lang ako sa kaniya ng tingin nang marinig ko ang boses ni Monroe.
Muli akong ngumiti rito nang ipaghila ako nito ng upuan. And oh, bakit naman ang puwesto ko ay nakaharap kay Morgon? Kitang-kita ko tuloy ulit ang seryoso niyang mukha.
“Thanks!” saad ko na lamang.
Gusto ko sanang makipagpalit ng puwesto kay Monroe, pero hindi ko na ginawa dahil nakaupo na rin ito sa puwesto nito.
“Thank you again, Shiloh!” ani nito habang malapad ang ngiti sa mga labi.
Ngumiti ako lalo. “Stop saying thank you, Monroe.”
“I can’t help myself. I’m just happy.” Ani nito. “So, let’s order?” mayamaya ay tanong nito sa akin.
Tumango ako.
When Monroe called a server, I casually glanced in Morgon’s direction. His face was still serious, but he was talking to his girlfriend now.
Ganoon na ba talaga ang ugali niya ngayon? I mean, dati naman... Nang kami pa, mabait siya. Kapag nagde-date kami, hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya at lalo na sa mga mata niya. But now... He is no longer the Morgon I knew then and loved from then until now.
Iyon ba ang nangyari sa kaniya nang magkahiwalay kami at umalis ako papunta sa London? I think napakalaki ng ipinagbago niya. Isa pa sa ugali niya na bigla-bigla na lang naninigaw. Kagaya sa nangyari kanina sa photoshoot namin. Sinigawan niya si Sasa.
Lihim akong bumuntong-hininga at inalis na sa kaniya ang paningin ko.
Tahimik akong nag-order nang lumapit na sa mesa namin ang waiter.
Ilang minuto lang ang hinintay namin ni Monroe at dumating na rin ang pagkain namin. Kung anu-ano lang ang mga napag-usapan namin habang kumakain. Marami akong ikinuwento rito na magagandang pasyalan dito sa Pilipinas. At excited naman itong puntahan ang mga lugar na iyon. Iyon nga lang ay gusto rin nitong ako ang kasaman. Ang sabi ko naman ay titingnan ko muna kung may extra free time ako.
“Oh, wait.” Mayamaya ay saad nito at binitawan ang kubyertos na hawak nito at kinuha ang isang napkin na nasa tabi ng plato nito. Iniunat nito ang kamay palapit sa akin at banayad na pinunasan ang gilid ng labi ko.
Nagulat man ako sa ginawang iyon ni Monroe, pero ngumiti na lang ako. “Thank you!” saad ko. And when I looked behind Monroe, I saw Morgon’s stern face. If earlier he was glaring at me and Monroe, now he was looking at me sharply and coldly.
Why?
Oh, my God! Is he jealous because of Monroe? Oh, Shiloh! Huwag ka ngang mag-isip ng ganiyan! Of course he’s not jealous. Why would he be jealous? E, may girlfriend na siya. At isa pa... Naka-moved on na siya sa ’yo. Galit siya sa ’yo... Hindi nagseselos. Huramentado ng isipan ko.
Muli akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at pilit na ngumiti ulit kay Monroe. Mayamaya ay nakita kong tumayo siya sa puwesto niya at inalalayan niya ang girlfriend niya. Naglakad na sila palabas ng restaurant.
Oh, mabuti naman! Makakahinga na ako ngayon nang maluwag.
Ilang minuto pa kaming nanatili ni Monroe sa loob ng restaurant bago ako nag-aya na lumabas na.
“Do you want to go somewehre?” tanong nito sa akin nang nasa labas na kami.
“I’m sorry, Monroe, but we should go home. We have a photoshoot tomorrow morning,” sabi ko.
Bumuntong-hininga naman at tumango. Pero ngumiting muli. “Oh, yeah. I’m sorry. I just got excited.” Ani nito. “So, thank you again for accepting my offer, Shiloh.”
“I enjoy our dinner.”
“Me too.” Ani nito. “Hopefully, it will happen again next time.”
I smiled. “I hope so.”
“Oh, I will remember what you said, Shiloh.”
Bahagya akong tumawa. “Good night, Monroe.”
Lumapit naman ito sa akin at hinalikan ako sa magkabilang pisngi ko. “Good night, Shiloh. See you tomorrow.”
“See you tomorrow.”
Pagkasabi ko niyon at tumalikod na rin ako at naglakad papunta sa kotse ko. Kaagad kong binuhay ang makina nang makasakay ako sa driver’s seat. Si Monroe din ay sumakay na rin sa taxicub na nasa labas ng restaurant at naghihintay.
Hindi pa man nakakalayo ang sasakyan ko sa restaurant ay bigla akong napapreno nang may biglang sumulpot na sasakyan sa unahan ko. My God! Kung hindi ko pa naapakan ang preno, malamang na bumangga ako sa kotseng iyon.
Tinambol nang malakas na kaba ang dibdib ko. At nang tumingin ako sa kotseng nakaharang sa kotse ko, nakita ko kung sino ang ang driver niyon. It was Morgon.
What the heck? May balak ba siyang patayin ako?
Kahit kinakabahan, nilukob din agad ng galit ang puso ko at nagmamadali akong tinanggal ang seatbelt ko at bumaba.
“What are you doing? Are you planing to kill me?” galit na tanong ko sa kaniya.
Nakabukas naman ang bintana sa tabi niya kaya rinig na rinig niya ang galit ko.
Sa halip na sagutin niya ang tanong ko, tinanggal niya rin ang seatbelt niya at kagaya ko ay lumabas din siya sa kotse niya.
“Are you crazy, Morgon?” galit pa ring tanong ko sa kaniya. “I almost hit your car and—”
Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na matapos ang pagsasalita ko nang inilang hakbang niya ang natitirang espasyo sa pagitan namin. He quickly grabbed my waist and neck and without saying a word he kissed my lips firmly.