I WANTED to close my eyes when I felt his warm and soft lips, but I stopped myself from doing so. Even though I was surprised by the kiss he gave me, I gathered all my strength and then raised my hands and pushed him hard into his chest. Nabitawan niya naman agad ako. At nang makabawi ako dahil sa halik niyang iyon... Malakas na sampal ang ibinigay ko sa kaniya. Sa naging reaction niya ngayon, halatang hindi niya inaasahan na gagawin ko iyon sa kaniya!
“How dare you!” Singhal ko sa kaniya.
His eyebrows quickly met, and he fixed a sharp gaze on me and hold his cheek. “Why did you slap me?” galit na tanong niya.
“Why did you kiss me?” sa halip ay balik na tanong ko sa kaniya.
Napatiim-bagang naman siya at hindi agad nakasagot sa akin.
“How dare you, Morgon!”
“Why can’t I kiss you, Miss Fuentes? You’re my ex.”
Aba’t... Loko pala ang lalaking ito! Por que ex niya ako ay puwede niya na akong halikan ng ganoon-ganoon lang? Nagpuyos bigla ang galit ko sa kaniya. Walang-hiya! Ibang-iba na nga siya sa Morgon na nakilala ko noon. What happened to him?
“Oh, because you have a new boyfriend, so I can’t kiss you anymore?” patuyang tanong niya sa akin.
Nagsalubong din naman ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Ayos lang ba siya? I mean, ano ang akala niya... Because I’m his ex ay okay lang na halikan niya ako? And... New boyfriend? Oh, si Monroe! He thought Monroe is my new boyfriend? Humugot ako nang malalim na paghinga at pinakawalan ko iyon sa ere. Just like him... Matalim na titig din ang ibinigay ko sa kaniya.
“May boyfriend man ako o wala... Wala kang karapatan na halikan ako, Morgon! Matagal na tayong tapos.” Galit na saad ko sa kaniya. “At isa pa... You also have a new girlfriend. Don’t you feel sorry for her at nanghahalik ka pa ng ex mo?” mapanuyang tanong ko rin sa kaniya.
He didn’t speak. Instead, he just stared at me for a few more seconds before he spun around and went back inside his car. Mabilis niya iyong pinaandar.
Nagpupuyos pa rin ako sa galit ko habang sinusundan ko ng tingin ang sasakyan niya, hanggang sa makalayo na siya. Only then did I slowly calm down. And I don’t know why my right hand suddenly rose, and I touched my lips that he claimed earlier.
Oh, damn! Why did he kissed me? Mas lalo ko tuloy siyang namiss. Walang-hiya siya! Gusto ko na ngang mag-move on at kalimutan nang tuluyan ang mga nangyari sa amin dati... Tapos ngayon bigla-bigla na lamang siyang manghahalik?
I couldn’t sleep all night at laman lamang ng isipan ko ang ginawa sa akin ni Morgon. Kahit ano’ng pilit ko ay ayaw talaga akong dalawin ng antok ko. I was just tossing and turning in my bed. Uminom na rin ako ng gatas pero ayaw talaga. Every time I close my eyes, I always see Morgon’s face and the kiss that happened earlier!
Kaya nang kinaumagahan, pagkapasok ko sa VMI, antok na antok ako. I don’t drink coffee, pero napilitan na akong magpabili sa PA ko para lang maibsan ang antok ko.
“Are you okay, Shiloh?” tanong sa akin ni Monroe.
Malalim na paghinga ang pinakawalan ko sa ere nang mag-angat ako ng mukha upang tingnan ito. Nakayuko lang kasi akong nakaupo sa folding chair habang naghihintay na magsimula sa shoot namin.
Marahan akong tumango.
“You seems not.” Kunot ang noo na saad nito. “Are you really fine or are you sick?” tanong pa nito.
“I’m fine, Monroe,” sabi ko. Mababa kasi talaga ang energy ko ngayon. Hindi kagaya kahapon nang magsimula ang photoshoot namin ay hype ako. But today...
“I’m just worried about you.”
“Don’t worry about me, Monroe. I’m really fine. I just didn’t sleep last night, so I don’t have the energy today.”
Nang magsimula na ang photoshoot namin, pinilit kong itaas ang energy ko. Mabuti na lang at naging maganda naman ang outcome ng mga poses namin. All day, even though we were busy at work, I still couldn’t get over the kiss that Morgon and I had the other night. At ewan ko ba sa sarili kung bakit... Parang hinihintay ko siyang dumating sa function hall. I waited for him to come para masilayan ko ulit ang mukha niya. Pero natapos na lang ang trabaho namin at oras na ng uwian ay hindi ko man lang siya nakita.
Naiinis ako sa sarili ko! Kasi... Gusto ko na siyang kalimutan, pero ito namang puso at mga mata ko ay gustong-gusto na makita siya ulit.
“Sasa!” tawag ko rito nang palabas na kami sa function hall.
“Yes, Shiloh?”
“Um,” bahagya pa akong tumikhim. “W-Where is Morgon?” hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong. Feeling ko kasi... Hindi ako matatahimik mamaya kapag nakauwi na ako at hindi ko man lang malalaman kung nasaan siya at kung bakit hindi siya pumunta sa photoshoot namin. Or maybe... Nasaktan siya sa ginawa kong sampal kagabi kaya hindi siya pumasok sa trabaho niya?
“Ah, wala si chairman,” sagot ni Sasa.
Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. “Wala? Where... Where is he?”
“Flight nila kanina ni Ma’am Eba papunta sa Nigeria. Inihatid niya ang jowa niya kasi may mission daw na gagawin doon... Something like that.”
“Mission?” Tanong ko pa habang magkaagapay na kaming naglalakad sa hallway.
“Pediatrician si Ma’am Eba. E, may medical mission daw ang ospital na pinagtatrabahuan niya kaya isa siya sa kasama. I think, a couple of months ata siyang wala rito sa Pilipinas kaya inihatid siya ni Sir Morgon.”
Nakadama naman ako ng lungkot at kirot sa puso ko. Ganoon? Pero ’yong sa akin dati... He couldn’t even support me for my dream! But now... Lalayo rin naman pala sa kaniya ang girlfriend niya, pero okay lang sa kaniya. Inihatid pa nga niya. Well, kung sabagay... Months lang naman daw sabi ni Sasa. Not like me na five years ang kontrata ko. Pero nakakalungkot pa rin. I mean, he had money even before. So, it will not be difficult for him to buy an airplane ticket and visit me in London or stay there to accompany me. But he didn’t do it. Instead, he broke up with me.
I quickly bit my lower lip when I felt the heat in the corner of my eyes. I also took a deep breath and released it into the air.
“Are you okay, Shiloh?” tanong sa akin ni Sasa nang bigla akong natahimik.
Bigla naman akong ngumiti ng pilit. “Yeah. I’m fine,” sagot ko.
“Alam mo, napaka-swerte talaga ni Ma’am Eba kay Sir Morgon. Bukod kasi sa guwapo at mayaman si chairman, yummy pa. I’m sure... Masarap siya sa kama.” Pabulong na saad pa ni Sasa mayamaya at humagikhik.
At ito namang utak ko ay awtomatik na gumana. Biglang nag-flash back sa isipan ko ang mga panahong kami pa ni Morgon. Damn. Pareho kaming mahilig mag-make love. When we are together, especially when we are in his condo, we are inseparable. Maya’t maya ang paglalambingan at lovemaking namin. I’m sure we went around his entire condo and we did every position. Walang kasawa-sawa sa isa’t isa!
Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko habang inaalala ang hubad naming mga katawan ni Morgon habang nasa ibabaw ng kama.
Oh, God! Mabilis kong ipinilig ang ulo ko upang tanggalin sa utak ko ang bagay na iyon.
“Nako, kung ako lang ang maikama ni chairman, kahit isang beses lang... Puwede na akong mawala sa mundo.”
Dinig kong saad muli ni Sasa nang makasakay na kami sa elevator.
“What is she talking about?” tanong ni Monroe na ngayon ay nakahabol na rin sa amin.
Lumingon ako rito. Si Sasa naman ay mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi.
“Nothing. We are just talking about... Nasty things.”
“Oh, I love nasty things.” Nakangiting saad nito.
Muli akong napailing na bumuntong-hininga.
MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw. Dahil hindi pa rin bumabalik sa Pilipinas si Morgon, naging magaan ang pagtatrabaho ko. Hindi ko na nga namalayan na three weeks na pala kaming busy sa photoshoot namin. Isang linggo na lang ay tapos na kami. And next week, video na lang ang gagawin namin then we’re done.
And it’s Saturday night. Jule called me earlier to meet her at the bar. She invited me to drink. After all, since I came back here to the Philippines, Jule and I have only met twice, so pinagbigyan ko na. At isa pa, Linggo naman bukas. Wala kaming schedule kaya okay lang na mag-unwind muna ako ngayong gabi.
I’m wearing knee high white boots. While a white crop top is under the coat I’m wearing and short shorts are my bottom. Naka-ponytail din ang buhok ko.
Pagkababa ko pa lang sa kotse ko ay kaagad na natuon sa akin ang paningin ng mga taong nasa labas ng Hang Out. It’s Judas’ bar. Kaibigan siya nina Hideo at Morgon kaya naging magkaibigan na rin kami. Mga babae at lalaki man ay nakatingin sa akin lalo na nang maglakad na ako papasok sa entrance.
The loud music and people dancing on the dance floor was what I immediately saw when I entered. Sanay na ako sa ganitong night life style. In London, when we have free time, Max and Emily always invite me to go to the bar. Pero hindi naman ako ganoon kalakas sa alak. Lady’s drink lang ang iniinom ko.
Kaagad kong nakita si Jule na nakaupo sa isang round table sa sulok at may kasama itong isang babae. Kumakaway ito sa akin. Mabilis na sumilay ang ngiti sa mga labi ko at naglakad palapit dito.
“Hi!”
“How are you?” tanong nito sa akin at mahigpit akong niyakap.
“I missed you.”
“Namiss din kita.” Ani nito. “By the way, this is Natalija. Kaibigan ko.” Pagpapakilala nito sa akin ng kasama nitong babae.
“Hi. I’m Shiloh!”
“My God! Jule, hindi mo naman sinabi sa akin na si Shiloh Fuentes pala ang sinasabi mong kaibigan mo!” halata sa mukha nito na hindi makapaniwalang nakita ako nito. Tumayo ito. “Alam mo bang idol na idol ko siya?”
“Oh, thank you!” saad ko.
“I’m a big fan, Shiloh!” ani nito. “Natalija pala!” inilahad nito sa akin ang kamay nito.
But instead na tanggapin ang kamay nito, I hug her. Gulat man ito sa ginawa ko ay gumanti na rin ito ng yakap sa akin.
“My God! Hindi ako makapaniwalang nakita at nayakap ko na ang idol ko.”
Napangiti na lang ako lalo dahil sa cute na reaction ni Natalija. She seems nice.
Nag-party na nga kaming tatlo. Hindi boring kasama ang dalawang ito. Ang ingay-ingay namin sa mesa namin even sa dance floor. We enjoy the night.
“Wait. I need to go to the comfort room.” Paalam ko sa dalawa.
“Sasamahan na kita, bes.”
“No need, Jule. Just stay here.”
“Sure ka?”
“Mmm!” tumango pa ako at tumayo na sa puwesto ko. Kahit medyo dizzy na ako dahil naparami na ang alak na ininom ko, pinilit kong maglakad papunta sa banyo. God, naiihi na ako! Hindi puwedeng dito ako maihi sa short ko.
“Pare, ’di ba siya si Shiloh Fuentes?” dinig kong saad ng isang lalaki.
“Oo nga, pare! Wow! Talagang sexy siya sa personal.”
Hindi ko na lamang pinansin ang dalawa at nagtuloy ako sa paglalakad ko. Pero hindi pa man ako nakakalagpas sa puwesto ng mga ito ay hinarangan ako ng isang lalaki.
“Hi, Shiloh!”
“Um, can you please excuse me first? I need to pee.” Malumanay na saad ko.
“Saglit lang. Gusto ka lang namin makausap.” Ani nito at kaagad na hinawakan ang kamay ko.
Bigla naman akong naalerto. Matalim na titig ang ipinukol ko rito. “Let me go!” mariing saad ko. Nakadama rin agad ako ng takot nang makita ko ang hitsura ng lalaking may hawak sa kamay ko.
“Pre, medyo may tama na ng alak. Madali na ’yang kunin.” Anang isang lalaki na lumapit din sa tabi ko.
“W-What?”
“Saglit lang, Shiloh!”
“Let me go! Ano ba!” Nagpumiglas ako bigla nang akma na sana ako nitong hihilahin.
“Sige na! Sumama ka na muna sa amin—”
“Huwag n’yong pilitin kung ayaw sumama sa inyo ng babae!”
I spun to the man who spoke, who had just come out of the comfort room. I frowned. Nakatungo ang lalaking nakasuot ng itim na sumbrero. Purong itim din ang suot niyang damit at pantalon.
“Pre, huwag ka ng makialam dito at—”
Hindi na natapos ng lalaki ang pagsasalita nito nang biglang humugot ng baril ang lalaki at itinutok iyon sa direksyon namin.
Maging ako man ay biglang kinabahan.
“Pre... N-Nagbibiro lang kami.” Anang lalaki.
Naramdaman ko naman ang pagbitaw ng mga ito sa kamay ko at nagmamadaling umalis.
Nanatili akong nakatayo sa puwesto ko. Sa labis na gulat at takot ko dahil sa baril na itinutok ng lalaki sa direksyon ko, biglang nanghina ang mga tuhod ko. Bigla ring umikot ang nandidilim kong paningin kaya nang mag-angat ng mukha ang lalaki, hindi ko na nakita ang mukha nito. Hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay.