CHAPTER 9: SMALL WORLD

2802 Words
Nang matapos ako sa aking ginagawang paglilinis ay naisipan kong lumabas ng bahay. Naglalakad na ako patungong gate upang makabili ng bagong sim card sa tindahan malapit dito. “Brie, saan ka papunta?” Napatigil ako sa paglalakad at napalingin sa tumawag sa akin. Nakita ko sina Ella at Mildred. Mukhang mas matanda sila sa akin ng ilang taon pero hindi naman ganoong kalayuan ang edad namin. “Sa tindahan lang, bibili ako ng sim card,” sagot ko sa katanungan nila kung saan ako papunta. “Sama kami. Gusto kong bumili ng soft drinks,” sabi naman ni Mildred bago sila lumapit sa akin at sabay-sabay kaming lumabas ng malaking gate ng bahay ng Benavidez. Naglakad pa kami ng kaunti bago makarating sa isang tindahan. Agad akong nagtanong kung may sim card ba sila at sinagot naman ako na mayroon daw. Nagbayad ako at kinuha iyong sim card na binili ko. Sina Mildred at Ella ay umiinom ng soft drinks. Umupo pa sila sa upuang kahoy sa gilid ng tindahan. Napansin ko na wala pa silang balak umalis kaya’t nanatili lang din muna ako roon. Wala na naman ako masyadong gagawin sa bahay ng mga Benavidez. “Hmm, anong ginagawa ng maraming magagarang sasakyan na iyon doon?” Napatingin ako sa itinuturo ni Ella. Napataas ang aking noo nang mapansin nga ang mga sasakyan na tinutukoy niya sa hindi kalayuan. “Aling Shirley, anong mayroon doon?” tanong ni Mildred. Sumilip iyong babae sa tindahan at nakuha niya naman ang sagot sa tanong ni Mildred. “Ah, sa mga Daza iyan. Hindi ba’t may lupain silang binili tatlong taon na ang nakakaraan dito? Tapos hinayaan na lang muna nilang ipagamit sa mga taong gustong magtayo ng bahay. Ngayon ay pinapakiusapan nila na umalis na dahil mukhang gagamitin nila ang lupa.” Nakuha ng babaeng natitinda ang aking atensyon dahil sa isang sinabi niya. Daza? “Ah! Iyong mga Daza na tinangkang kalabanin ang mga Benavidez? Naandito na pala ulit sila matapos silang mapahiya,” natatawang sabi ni Mildred. Naalala ko na sa aming tatlo ay si Mildred ang pinakamatagal nang nagta-trabaho rito sa mga Benavidez. “Anong mayroon, Mildred? Share naman ng chika riyan,” sabi ni Ella at muling uminom ng kanyang soft drinks. Nakinig na rin ako, nagbabakasakali na mali ang aking iniisip. “Ganito kasi. Nang mapadpad dito ang mga Daza, nagkaroon sila ng interes sa lugar na ito, kasi nga tahimik pero mayaman sa lupain. Nakita niyo naman, hindi ba? Bago ka lumabas o pumasok sa bayan ay maraming palayan. So, gusto nilang bumili ng mga lupa, para lumaki ang impluwensya nila. Alam mo naman dito sa atin, kapag marami kang lupain ay sikat ka, mas sikat ka pa sa mayor!” natatawang sabi ni Mildred. “Kaya lang, mayoria o karamihan sa mga palayan at lupain dito sa Victoria ay pagmamay-ari ng mga Benavidez. Nang malaman iyon ng mga Daza, gusto nilang bilhin ang halos kalahati ng lupa na mayroon ang mga Benavidez. Ayaw namang pumayag ng mga Benavidez dahil pamana iyon ng kanilang angkan. Bukod pa roon, natatakot ang mga Benavidez kung papayag sila ay marami sa mga nagta-trabaho sa kanila ang mawalan ng trabaho dahil sa mga Daza.” “Oh, tapos?” Nagulat ako kay Ella dahil kung kanina ay soft drinks lang ang mayroon ang kamay niya, ngayon ay may kinakain na siya. “Ayon, sinubukan ng mga Daza na daanin sa dahas. Akala siguro nila na matatalo nila ang mga Benavidez dahil lang mayaman sila.” Tumawa si Mildred at uminom. “Eh mas mayaman at makapangyarihan ang mga Benavidez. Ang kausap kasi ay si Sir Santi lang nang una kaya akala nila masisindak nila ito kapag tinakot nila. Alam niyo naman si Sir Santi, sobrang bait. Akala mo hindi makabasag ng pinggan. Kaya lang, nalaman ng mga kapatid ni Sir ang ginagawa ng mga Daza. Pumunta ngayon dito iyong apat na kapatid ni Sir Santi. Madalang na kasi ang mga iyon dito sa mismong bahay at madalas ay sa Maynila o sa ibang lugar sa Laguna naglalagi. Ang dami naman kasi nilang mga bahay.” “Tapos? Tapos? Nalaman ng mga kapatid ni Sir Santi. Anong nangyari?” Napailing ako kay Ella. She’s enjoying this. “E ‘di dumating nga ang apat na kapatid ni Sir. Sina Sir Javier, Sir Vincenzo, Sir Lucio, at si Sir Alexander. Nako girl! Naandoon ako nang dumating sila, nanginig ang tuhod ko. Nakakatakot ang presensya nila. Iyong hindi pa man sila nagsasalita ay aatras ka na dahil aura pa lang nila katatakutan mo na. Ibang-iba kay Sir Santi ang mga kapatid niya.” Umakto pang nanginginig sa takot si Mildred bago magpatuloy. “Si Sir Javier ang nagsalita, ang sabi nila, subukan daw ng mga Daza na galawin ang kahit na isang lupa na pagmamay-ari nila ay baka raw hindi na makatungtong muli ang mga ito sa Victoria—hindi pa, sa Laguna. Ganoon sila ka-powerful!” Tumawa na rin si Ella at ako naman ay napapailing na lang. Gusto kong makisabay sa kwentuhan nila kaya lang ginugulo pa rin ako ng apelyidong Daza. Hindi naman siguro ganoong kaliit ang mundo para maging pamilya iyon ni Don Benedicto, hindi ba? “Sino ba iyang mga Daza na iyan? Parang sa tagal ko na rito, halos dalawang taon na ay ngayon ko lamang sila nakilala,” anas naman ni Ella. Nakaramdam ako ng pangangalay kaya naman naupo na ako roon sa katapat ng inuupuan nina Ella. Dahil interesado rin akong malaman kung sino iyon at kung konektado ba sila sa mga Daza sa amin ay nakinig pa rin ako. “Hmm, magkapatid lang iyong nakilala ko. Barbara Daza ang pangalan ng babae at iyong nakatatandang lalaki na nakausap nila Sir ay Benadicto Daza ang pangalan. Ang alam ko ay taga Quezon Province talaga sila,” sagot ni Mildred na halos magpasamid sa akin sa sarili kong laway. Nanlalaki ang aking mga matang tumingin sa kanila. “Oh, hindi ba’t taga Quezon Province ka rin, Brie. Kilala mo ba iyong mga Daza na tinutukoy ni Mildred?” Pagtingin sa akin ni Ella. Maging si Mildred din ay napatingin sa akin. Pilit akong ngumiti sa kanila at dahan-dahang tumango. Kumalabog ang aking dibdib dahil sa narinig. Sobrang liit naman ng mundo? Na kung pati rito ay magku-krus ang landas namin ng mga Daza? s**t! “Pero sa pagkakaalam ko ay si Barbara Daza lamang ang naandiyan ngayon,” pagsingit ni Aling Shirley sa usapan. Nanatili akong tahimik, but my eyes will tell you that I am terrified. Matapos ang sandaling pahinga namin sa tindahan ay nagdesisyon na kaming bumalik sa bahay ng mga Benavidez na sa tingin ko ay magandang ideya rin dahil pakiramdam ko ay hindi ako ligtas doon lalo na’t may Daza na naririto sa lugar na ito. My brain isn’t functioning normally and is clouded. Pakiramdam ko ay napuno ng kaisipan tungkol sa mga Daza. Natatakot ako na baka isang araw ay makita ko na lang sila sa harapan ng bahay na ito at hinahanap ako dahil technically, binili na ako ni Don Benedicto Daza sa aking ama-amahan sa halagang sampung milyon ngunit tumakas ako. Kaya nang araw na iyon ay ginawa ko na lang ang mga trabaho kahit hindi ko naman trabaho. Gusto ko lang na magkaroon ng distraksyon sa samo’t saring kaisipang napasok ngayon sa isipan ko. Gusto kong mawala ang kabang nararamdaman ko. Hindi ako maaaring bumalik sa poder ni Tiyo Alfonso hangga’t hindi ko na nalalaman ang kinaroroonan ng aking ina. Ang balak ko ay mag-iipon ako ng pera habang naandito ako kina Ma’am Leonor at sa oras na mahanap nila ang aking ina ay aalis kami at magpapakalayo. Malayo kay Tiyo Alfonso, malayo sa Polilio. Ang mga utang namin ay binabalak ko ring bayaran. Hindi naman kasi ganoong kalaki ang utang na mayroon kaming mag-ina. Kaya lamang lumalaki ay dahil sa utang ni Tiyo Alfonso na pati sa akin ay inaasa at pinababayaran niya. “You must be in deep thought that you can’t even hear me calling you.” Napatalon ako nang may mainit na hiningang tumama sa likod ng tainga ko kasabay ng mga pagbulong niyang iyon. Dumistansya ako kay Gio at agad siyang nilingon. Hindi ko man siya lingunin ay alam ko na namang si Gio siya dahil sa malalim ngumit may pagkapilyo niyang boses. Ngumisi siya dahil siguro sa reaksyon na nakuha niya mula sa akin. Kumunot naman ang aking noo dahil sa pagngisi niya. “May kailangan po kayo, Sir?” tanong ko sa kanya. Magulo ang buhok ni Gio ngunit makikita mong basa iyon. Halatang bagong ligo ito. Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi na nakangisi pa rin hanggang ngayon. Nakakainis! Ano na naman bang kailangan niya ngayon? “Sa lahat ng kasambahay ay ikaw lang ata ang walang masyadong ginagawa—or I’m wrong?” Pakiramdam ko sa tono ng pananalita niya ay inaasar niya ako o may gagawin siyang makakapagpainis na naman sa akin. Sana ay mali ako. Malinaw pa sa akin ang sinabi niya kagabi na hindi na niya ako guguluhin. “Wala naman po, Sir. May ipag-uutos po ba kayo sa akin?” The way I talk to him and what’s running inside my head are two different things. Hindi ko naman siya pwedeng sagutin ng pabalang dahil amo ko siya. “Good. Please come to my room. I need someone to clean it up,” utos nito bago ako talikuran. Kunot noo naman akong sumunod sa kanya. May dala na rin akong gamit para sa paglilinis. Nakarating kami sa tapat ng kwarto niya. Hindi na ako magtataka bakit mas pinipili niyang matulog sa guest room na tinutuluyan ko ngayon sa tuwing lasing siya. Nasa pinakadulong bahagi naman pala ng pangalawang palapag ng bahay ang kanyang kwarto. Binuksan niya ang pinto at sineyasan akong pumasok. Saglit akong tumingin sa kanya bago tumuloy sa loob ng kanyang silid. Napansin ko naman na nakahilig siya sa gilid ng kanyang pinto. Nakahalukipkip ito habang pinagmamasdan ako. Tiningnan ko siya saglit. Hindi ko man pinapahalata ay nakakunot ang aking noo. Is he planning to watch me clean his room? I heard him chuckle. I glance at him. Pakiramdam ko ay inaasar na naman niya ako. Kung wala na naman siyang gagawin dito pwede naman na siyang umalis para makapaglinis na ako. Wala naman akong pakekealamanan sa mga gamit niya. “Don’t worry, I’m not going to watch you while you clean. I just have some instruction to give.” At dahil sa sinabi niyang iyon ay pumirmi ang tingin ko sa kanya, hinihintay kung ano mang sasabihin niya. “The drawer at the lower part of my side table. Don’t open it.” Ngumiti siya sa akin, isang makahulugang ngiti. Matapos iyon ay umalis na siya at hinayaan akong maglinis. Napatingin ako sa tinutukoy niyang drawer. Ano namang pumasok sa isipan niya para maisip na balak kong buksan iyon? Napairap ako at nagsimula nang maglinis. Sa katunayan ay hindi naman marumi ang loob ng kwarto niya. It’s actually neat and…it smells good, just like him. Hindi naman talaga maitatanggi na mabango talaga si Gio. Iyong tipo na kapag lumalapit siya sa akin at naamoy ko siya ay kumakapit sa ilong ko ang amoy niya. That’s a compliment, but I’m not going to say it on his face. Ayokong makita ang ngisi niya at ang proud look niya. Mabi-bwisit lang ako. Gayunpaman, hindi ko man sabihin ay sa tingin ko naman alam na niya iyon. Matapos kong magwalis-walis at mag-vaccum ay pumasok na ako sa banyo upang maglinis din doon. Kung tutuusin ay hindi naman madumi ang kahit saang sulok ng kwarto ni Gio. Nakakapagtaka na nagpalinis pa siya rito. Kinuha ko ang basurahan niya sa banyo niya at inalagay sa dala kong trash bag. Matapos iyon ay kinuha ko na rin iyong basurahan niya sa kwarto niya malapit sa kama niya. Napataas ang isang kilay ko nang makita iyon. Bakit ang daming tisyu rito? Nagkibit balikat na lang ako kahit na nagtataka ako roon. Inilagay ko iyon sa trash bag. Napansin ko na medyo nayuyukos iyong kama niya kaya naman nagdesisyon ako na ayusin iyon. Nag-alcohol muna ako bago ayusin ang kama niya. Nahihiya mang umakyat dito ay kinailangan ko upang maayos ko ang gitnang bahagi. Masyado kasing malaki ang kama niya kaya’t hindi ko maabot kapag nasa gilid lang ako ng kama niya. May narinig akong tumikhim kaya’t agad ko itong tiningnan. Nagmamadali akong tumayo nang makita kong muli si Gio na nakahilig sa may pinto. s**t! My butt was facing him which is so embarrassing! “S-Sorry Sir, inaayos ko lang iyong kama niyo,” nahihiyang sabi ko. Nahihiya ako dahil naabutan niya ako sa ganoong posisyon. “No, it’s okay. May kukunin lang naman ako.” Umayos siya ng tayo at naglakad na papunta sa side table niya upang kunin iyong lighter niya. Tumingin siya sa akin at ipinakita pa iyong kinuha niya bago muling umalis. Umismid naman ako nang makaalis siya. Magkahalong pagkainis at pagkahiya ang nararamdaman ko dahil sa eksena kanina. Alam ko na may damit naman ako pero hindi ako komportable na naabutan niya akong nakatuwad sa ibabaw ng kama niya. Matapos kong linisin ang kanyang kwarto ay agad na akong lumabas. Inilagay ko sa tamang lagayan ang dala kong mga panlinis at tiningnan kung may kailangan pa ba akong gawin. Alas tres na ng hapon, sa tingin ko ay okay lang naman kung magpapahinga ako kahit sandali. Nalaman ko na umalis pala sina Ma’am Leonor kasama si Sir Santiago. Si Hara naman ay nagtungo sa bahay ng kaklase dahil may gagawin daw. Ibig sabihin ay si Gio lamang ang naiwan dito sa bahay. Naabutan ko siya malapit sa may pool side. Nakaupo lamang siya roon habang naninigarilyo. Hindi ko na naisipan pang lapitan siya dahil wala naman akong kailangan sa kanya. Nang mapadaan ako sa may front door ay napansin ko na may pumaradang isang mamahaling sasakyan sa harapan. Kumunot ang noo ko, iniisip kung sino iyon. May lumabas na isang lalaki. May ngiti ang mga labi nito at naka-shades pa. Magulo at may pagkakulot ang kanyang buhok. Sa tingin ko ay natural iyong pagkakagulo nito. “Omg! Naandito si Sir Avion!” Nagulat ako nang may magtilian sa aking gilid. Tiningnan ko sina Mildred at nakita kong tinitingnan din nila ang lalaking papunta na ngayon sa pinto ng bahay. “Ako na ang magbubukas ng pinto!” Agad na tumakbo si Mildred. “Ang daya! Ako!” Nakipag-agawan naman si Ella at ilan pang babaeng katulong sa pagbubukas ng pinto. “Good afternoon, Sir!” they greeted him in unison. The man smiled at them and took off his shades. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa magaganda niyang mata. He has this brown and expressive eyes. Mapapansin mo agad kung anong emosyon ang mayroon siya. “Hi,” bati nito kina Mildred na nagkukumpulan pa rin sa may pintuan. “Si Gio?” Napatingin siya sa akin. Bahagyang kumunot ang noo niya sa akin dahil siguro nagtataka ito kung sino ako. Ako rin nagtataka kung sino siya. “Nasa may pool side po, Sir Avi,” sagot ni Ella, halatang kinikilig. Nag-iwas na ng tingin sa akin ang lalaki at nagpasalamat kina Ella bago maglakad papunta sa kinaroroonan ngayon ni Gio. “Sino iyon?” tanong ko kina Mildred na mukhang nanaginip pa ng gising habang patuloy ang pagtitig sa pinuntahang direksyon ng lalaki. “Si Sir Avi. Pinsan nina Sir Gio. Ang gwapo talaga ng lahi nila,” sagot naman sa akin ni Ella na siyang mas nagpakilig sa kanya. Napangiwi naman ako dahil sa inakto nito. “Oo ‘no. Sarap magpalahi,” natatawang sabi ni Mildred. Napatingin naman ako sa kanila at natawa na rin. “Nako, Brie! Kapag nakita mo pa sina Sir Silas, Sir Hati, at Sir Zavian, baka mapaluhod ka na lang talaga.” Nagtawanan sina Ella dahil sa mga pinagsasasabi nila. Umiling ako at agad napatakbo nang suwayin kami ni Manang Sonia. “Naandiyan pala si Avi. Dalhan niyo ng makakain iyong dalawa,” utosi ni Manang nang makarating kami sa kusina. “Ako na, Manang, ang magdadala!” masayang pagboboluntaryo nina Ella at Mildred na agad namang hindi sinang-ayunan ni Manang. “Huwag na kayo! Ang haharot ng mga batang ito.” Tumingin sa akin si Manang at iniabot sa akin iyong tray na may pagkain. “Ikaw na ang magdala roon, Brie.” Nanlaki ang mata ko. Bakit ako? Ayoko nga! Ay joke! Bawal pala akong umangal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD