“I see, so that’s what happened,” tumatango-tangong sabi ni Mr. Santiago nang marinig niya ang aking kwento. Nakita ko naman ang para bang naaawang ekspresyon ng mukha ni Ma’am Leonor. Parang gusto niya akong hatian sa kung ano mang nararamdaman ko ngayon.
“Yes po,” magalang kong pagsagot sa kanya.
Muli siyang tumango at tiningnan ang asawa. Tinapik nito ang kamay ni Ma’am Leonor na hawak-hawak niya.
“Don’t worry, we’ll find her,” sabi ni Mr. Santiago sa amin ni Ma’am Leonor. Para naman akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya. Kahit papaano ay lumalaki na ang chance na mahanap at malaman ko ang kinaroroonan ng aking nawawalang ina.
“Thank you po.” Halos lumuhod ako at itungo ang ulo sa kanilang dalawa. Sobrang laking pasasalamat ko sa kanila.
“And you want to work as a maid? Hindi mo kailangan iyon, Bryleigh. You can just stay here until everything’s settled down—”
“Nako, huwag po. Ayoko pong maging pabigat sa inyo. Kaya kung maaari ay kahit magtrabaho na lang po ako bilang katulong dito habang naghihintay po ng balita sa akin ina,” sabi ko sa kanya. Napansin ko ang kanyang pagbuntong hininga.
Matapos ang ilan pang pag-uusap ay nagkaayos na kami. Sinabi nila na rito na lang ako sa Victoria manatili para mas ligtas. Hindi na rin naman ako umangal. Kahit saan as long na ligtas ako ay okay lang. Sinabi rin nila sa akin na madalas daw kasi ay si Hara lamang ang natitira rito sa bahay kaya mas matutuwa sila kung may makakasama siya rito maliban sa ibang katulong.
Sa isang guestroom ang aking magiging kwarto dahil punuan na raw ang maid’s quarter at wala pa akong mape-pwestuhan doon. Nakakahiya man na parang naiiba ako sa iba nilang katulong ay wala na rin naman akong magagawa.
Inihatid ako ng mayordoma nila rito sa bahay nila sa Laguna sa magiging kwarto ko. Naibigay na rin niya sa akin ang magiging uniporme ko.
“Salamat po,” pasasalamat ko doon sa mayordoma na si Manang Sonia. Ngumiti naman siya sa akin at sinabi na magpahinga na muna ako at bukas na magsimulang magtrabaho. Tatawagin na lang din daw niya ako mamaya sa hapunan.
Umalis na siya at ako naman ay agad na dumiretso sa aking magiging kama. Ang lambot nito. Ibang-iba ito sa hinihigaan ko noon sa dorm noong sa isla pa ako nagta-trabaho.
Nakarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto kaya’t agad ko iyong binuksan. Nakita ko naman si Ma’am Leonor. Nagulat ako nang makita ko siya dahil akala ko ay tapos na kaming mag-usap. Ngumiti naman siya sa akin.
“Wala kang mga damit na dala, hindi ba? Gamitin mo muna ang mga ito. Sa tingin ko naman ay kasya sa iyo ang mga iyan. Bumili na lang tayo ng mga damit mo sa susunod na araw.” Iniabot niya sa akin ang mga damit na agad ko namang tinanggap.
“Thank you po, Ma’am.”
Bumagsak ang balikat niya pero hindi nawala ang ngiti sa mga labi niya. Alam ko na sinabihan na niya akong huwag siyang tawagin Ma’am noon pero hindi ko kaya. Sa ngayon ay hindi lang ako basta anak ng kaibigan niya, katulong na nila ako sa bahay.
Nagulat si Hara na malaman na naandito ako ngunit mas ikinagulat niyang malaman na magta-trabaho na ako sa kanila. Ganoon pa man ay masaya niya akong binati at ikinatuwa ang pagtuloy ko sa kanila. Sinabi ko rin kina Ma’am Leonor na huwag nang sabihin sa mga anak niya dahil pakiramdam ko naman ay hindi na nila kailangang malaman ang mga nangyari sa buhay ko.
Matapos kong kumain ng hapunan kasama ang mga makakasama ko sa trabaho ay mas lalo akong naging komportable sa bahay. Lahat sila rito ay mabilis pakisamahan.
Dumiretso na rin ako sa kwarto upang magpahinga. Naglinis ako ng katawan at makalipas ang ilang oras ay nakatulog na rin.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto kalagitnaan ng tulog ko ngunit hindi ko iyon pinansin. Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako. Hinayaan ko na lang mawala ang ideya na baka nga may nagbukas ng pinto ng kwarto ko at bumalik na lang sa pagkakatulog—ngunit nang gumalaw ang kabilang bahagi ng kama ko ay kumunot na ang noo ko. Imposibleng nananaginip pa rin ako?
Muling gumalaw ang kama kaya’t nagmulat na ako ng aking mga mata at halos lumuwa ang aking mga mata nang makakita ako ng isang lalaki na nakahiga rin sa kama ko.
“N-No way…” mahina pa ang pagkakasabi ko nito. Pinoproseso pa ng utak ko itong nasa harapan ko ngayon. Nang mapagtanto ko na talagang may nakahiga talaga sa tabi ko ay agad na akong sumigaw.
Napatayo ako sa pagkakahiga ko habang patuloy sa pagsigaw. Nagmulat ng mga mata iyong lalaki, mukhang nagising sa pagsigaw ko. Hindi ko siya makilala dahil na rin sa dilim ng paligid. Hindi kasi ako nagbukas ng ilaw.
“What the—”
Hindi na niya natapos ang sasbaihin niya nang mahulog siya sa kama dahil sa pagsipa ko sa kanya. Narinig ko naman ang samo’t saring mura niya dahil sa pagkakahulog niya.
Bumukas muli ang pinto at ilaw ng kwarto ko. Nakita ko sina Ma’am Leonor dito, mukhang nagising ko sila sa pagsigaw ko. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya.
“What’s happening—Oh my god, Gio! Anong ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong ni Ma’am Leonor.
Tiningnan kong muli iyong lalaki at dahil maliwanag na ang paligid ay nakilala ko na iyong lalaki at si Gio nga iyon.
Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Hindi makapaniwala na siya pala iyong lalaking sinipa ko at pumasok dito sa kwarto.
“Aba, malay ko bang may iba na pa lang tao rito. f**k, I’m sober now!” Tumayo siya sa pagkakaupo sa sahig ngunit nakahawak pa rin sa may balakang. Mukhang nasaktan siya sa pagkakahulog niya sa kama.
Kunot ang kanyang noo ngunit may tanong sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Nagtataka siguro siya kung anong ginagawa ko rito ngayon.
Nahihiya naman ako sa ginawa ko ngunit hindi ko magawang humingi ng tawad sa kanya. May kasalanan din naman siya dahil bigla siyang pumasok dito, ah?
“And that’s what happened, Gio. From now on, Brie will work here. Hindi ka na pwedeng basta-basta pumasok sa guest room na iyon,” pangaral at paalala sa kanya ng kanyang ina.
Naandito kami ngayon sa living room. Ang dami kasing tanong ni Gio kaya rito kami napunta para ipaliwanag sa kanya ang lahat—hindi kasama ang pagtakas ko sa stepfather ko. Sinabi na lang namin na kinailangan ko ng ibang trabaho.
Nakapatong ang isang braso ni Gio sa sandalan ng sofa nila habang nakikinig sa mga magulang. Ako naman ay nakaupo sa tapat na sofa. May mga oras na tumitingin siya sa direksyon ko ngunit mas pinipili kong yumuko o mag-iwas kaysa ang labanan ang paninitig niya.
“Gosh, Kuya! Bakit ba kasi roon ka pumasok? Ganoon na ba naalog utak mo para malito ka sa kwarto mo at hindi mo kwarto? Palibhasa ang dami na kasing pinto ng kwarto ng mga babae mo ang napasukan mo kaya ka siguro ganyan,” sumbat ni Hara sa kapatid. Tiningnan naman siya ng masama ni Gio.
“Hara, don’t talk to your brother like that, and your language, young lady.”
Itinikom na lang ni Hara ang kanyang bibig dahil sa paninita ng kanyang ina sa sinabi niya.
“Malay ko bang may ibang tao na roon. Wala man lang nagsabi sa akin. Ang sakit pa naman ng ulo ko,” angal ni Gio habang hinihilot ang sentido niya gamit ang isang kamay.
“Hindi rin naman namin akalain na uuwi ka ngayon, eh,” saad ni Ma’am Leonor bago tumingin sa akin. “Pasensya ka na, Bryleigh, ha? Hindi sinasadya ni Gio iyon. He usually sleeps in that room whenever he’s drunk at naandito siya sa Laguna. Iyon kasi ang pinaka-unang kwarto sa pangalawang palapag kaya’t mas pinipili niyang doon na lang matulog kaysa maglakad pa papunta sa kwarto niya.”
Ngumiti ako kay Ma’am Leonor. Alam ko naman na hindi niya sinasadya.
“And Gio, don’t tell me you drive all the way here from Manila, drunk? What did I tell you? Huwag kayong magmamaneho ng lasing. Paano kung nadisgrasya ka?” Bahagyang tumaas ang tono ng pananalita ni Ma’am Leonor habang pinagagalitan si Gio.
“Save your breath, Mom. Kuya won’t listen. Isa pa, baka mas matakot pa sa kanya ang disgrasya,” umiirap na saad ni Hara bago magsimulang maglakad. “I’m going back to sleep. Good night.”
Ipinatong ni Gio ang kanyang isang paa sa kabilang hita niya, ang mga isang braso niya ay nanatili pa rin sa ganoong posisyon.
Tumayo na rin si Ma’am Leonor at si Mr. Santiago. Nagpaalam na sila na babalik na rin sila sa kani-kanilang kwarto.
“You two should go to your rooms and rest.” Muling paglingon sa amin ni Mr. Santiago bago sila umalis. “Gio, your room, okay?” Pagdidiin niya sa salitang “your”. Napaismid lang naman si Gio sa sinabi ng ama.
Nang mawala ang mag-asawa ay huminga ako nang malalim at naisipan na rin na bumalik sa kwarto ko upang matulog—kung makakabalik pa ako sa pagtulog. Medyo malalim na rin ang gabi at sa tingin ko ay matatagalan pa bago ulit ako dalawin ng antok.
“Oi!”
Napatigil ako sa paglalakad dahil alam ko na para sa akin ang pagtawag niyang iyon.
Nilingon ko si Gio. Hindi nagbabago ang posisyon niya ngunit ang kanyang ekspresyon ay oo. Tumaas ang isang kilay niya habang nakatingin sa akin ng diretso. Kumunot ang aking noo dahil hindi ko gusto ang kung ano mang ekspresyong mayroon ang mukha niya ngayon.
“I’m not buying that you need a new job that’s why you’re here.” Tinanggal niya sa pagkakapatong ang isang paa niya sa kanyang hita at tumayo. Ako naman ay pinapanood lamang ang bawat galaw niya. “What’s the real deal, Bryleigh Ainhoa Acosta?”
Kinilabutan ako nang banggitin niya ng buo ang aking pangalan. Saan niya nalaman iyon? Hindi ko matandaang ibinigay ko ang buong pangalan ko sa kanya. Baka kay Ma’am Leonor? I don’t know.
Hindi ako nagsalita. Hindi ko naman sigurong obligasyong sagutin siya, hindi ba? Ang obligasyon at responsibilidad ko rito ay ang maglinis ng bahay nila.
Dahan-dahan siyang naglalakad papalapit sa akin. Ako naman ay yumuyuko lamang. Ayoko talagang nakikipagtitigan sa kanya. May kung ano sa mga mata niya na hindi ko maintindihan kaya’t mas gugustuhin ko na lang na mag-iwas sa kanya.
Nagulat ako nang mapansin ko na malapit na siya sa kinaroroonan ko. Napalunok ako ngunit hindi ko pa rin siya tinitingnan.
“Hmm, what’s wrong? Way back on the island, I remember that you have a smart mouth. Anong nangyari? Bakit hindi mo ako makausap ngayon?” Sinubukan ko siyang tingnan dahil sa sinabi niya ngunit muli ko lamang ibinagsak ang tingin ko sa sahig.
Hindi na naman siya nakakuha ng sagot mula sa akin. Bumuntong hininga siya dahil sa pagkabigo niya sa pagkuha ng kasagutan sa akin. Napansin ko ang paglayo niya ng kaunti.
Nanatili pa siya roon. Kung anong ginagawa niya ay hindi ko alam dahil hindi ko naman siya tinitingnan.
“If you don’t want to answer, it’s fine. I will not bother you anymore. I am not someone to push myself to a woman who already rejected me and hate me.” Napatingin ako sa kanya nang magsimula siyang maglakad.
Tumigil siya kaya’t muli akong nag-iwas, inaakala na lilingunin niya akong muli ngunit hindi iyon nangyari. Hindi niya ako nilingon.
“And next time, you should lock your door. Madalas ay may ibang taong pumupunta rito dahil sa amin ni Dad. Hindi na masamang mag-ingat, hindi ba? That’s all.” Naglakad na siya pagkatapos niyang sabihin iyon.
Pinanood ko lamang naman siyang umalis. Nakatingin lang ako sa likod niya kahit na alam ko naman na wala akong mapapala sa pagtingin ko roon.
He said some words na aakalain mong may concern siya sa ‘yo. But still, I hate him and his arrogant attitude. Iyong personalidad niyang sumisingaw na kahit sinong babae ay makukuha niya. Good thing, sinabi niya na hindi na niya ako gagambalain pa.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising, pasalamat na lang din sa alarm ko.
Napagdesisyunan ko na rin na buhayin muli ang cellphone ko at hindi nga ako nagkamali. Maraming tawag doon ang aking ama-amahan. Tinanggal ko nalang iyong sim card at itinago. Bibili nalang ako ng panibago. May malapit naman na tindahan diyan sa labas.
Naligo na ako at nagbihis ng uniporme. Medyo fit iyong uniporme sa may dibdib ko pero pasalamat na lang din ako at nagkasya pa ito ngayon. Limang uniporme ang mayroon ako kaya’t hindi ko kailangang maglaba araw-araw.
Itinali ko ang buhok ko at agad na nagtungo sa kusina kung saan naandoon sila halos lahat. Ang ilan ay kumakain na at ang ilan naman ay nagluluto ng umagahan.
“Brie, kumain ka na rin. Para mamaya kapag gising na sina Sir at Ma’am ay may mag-aasikaso na sa kanila,” sabi sa akin ni Manang Sonia. Tumango ako at sumabay na sa pagkain sa mga kumakaing kasamahan ko.
Mabilis lang iyon at naghugas na rin kami ng pinggan. May ilan naman na inayos na iyong dining area para kapag nagising na sina Ma’am at Sir ay ihahain na lang ang mga pagkain.
“Magtitimpla ba ng kape? Naandiyan daw si Sir Gio, eh. Lasing ba iyon kagabi?” natatarantang tanong ni Mildred, isa sa mga katulong dito. Hindi ako sumagot. Sa tingin ko naman ay kagabi pa hulas ang isang iyon.
“Oo, magtimpla ka,” sabi ni Manang Sonia.
“May ginagawa pa ako, Manang.” Tumingin sa akin si Mildred. “Brie, okay lang na magtimpla ka ng kape para kay Sir Gio? Baka kasi magkape iyon.”
“Para kay Sir Gio lang?” pagtatanong ko. Tumango si Mildred sa akin.
“Oo, si Sir Santi kasi ay paniguradong magta-tsaa iyon kaysa kape.” Tapos ay itinuro niya sa akin iyong coffee maker. Hindi iyon iyong madalas na ginagamit naming coffee maker.
Nespresso. Iyon ang nakita ko sa coffee machine sa harapan ko. Sasabihin ko pa lang sana kay Mildred na hindi ako marunong gumamit nito ay agad na siyang nawala sa tabi ko. Mukhang inihahain na nila iyong mga pagkain.
Iginala ko pa ang paningin ko upang magpaturo kung paano ito gamitin dahil ayokong unang araw ko rito ay masira ko lamang itong coffee machine nila.
Huminga ako nang malalim at nagtimpla na lang ng mano-mano at walang ginagamit na kahit na anong machine. Black coffee lang naman siguro. Kung may gustong timpla si Gio sa kape niya ay siguro naman sasabihin agad ni Mildred iyon sa akin, hindi ba? Bahala na. Kung mainis siya dahil sa kape ko ay edi good morning din.
Saktong pagkatapos ko sa pagtitimpla ng kape ay sinabihan ako ni Ella na naandoon na raw ang mga Benavidez at hinihintay na nga ni Gio ang kape niya. Huminga ako nang malalim bago lumabas at dalhin kay Gio iyong kape.
Ngumiti sila sa akin nang makita ako maliban kay Gio. Nakahawak kasi ito sa ulo niya at panay ang inom ng tubig. Ni hindi niya nga ata ako napansin sa gilid niya. Umatras ako upang hayaan na silang makakain at nag-abang na lang kung may ipag-uutos pa ba sila.
Nang mapansin ni Gio ang kape sa gilid niya ay agad niya iyong kinuha upang inumin. Hinipan niya iyon para hindi siya mapaso sa mainit na kape.
Matapos makasimsim ng kape ay tinitigan niya ang tasa. Kahit gilid lamang ng kanyang mukha ang nakikita ko sa kinaroroonan ko ay nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
“Who made my coffee?” tanong niya.
Napatalon ako nang marnig iyon. Kinuhit pa ako ni Mildred na katabi ko dahil sa itinanong na iyon ni Gio. Agad akong lumapit sa kanya.
“Ako po,” magalang na sagot ko. Bakit? May problema ba sa kape ko? Confident kaya ako sa pagtitimpla ko ng kape.
Tumingin siya sa akin. Kunot pa rin ang noo niya at halatang hindi maganda ang gising. Saan ba siya naiirita? Sa kape ko o dahil sa hangover na mayroon siya ngayon?
“Bakit po? May problema po ba sa kape?” Hindi ako makakapayag kung iinsultuhin niya ang kape ko.
“No,” his face slightly softens. “It tastes good.” Pagpapatuloy niya sa unang pahayag bago mag-iwas ng tingin sa akin.
Natulala ako sa sinabi niya. Parang kabigla-bigla sa akin ang marinig ang papuri niya.