When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Ilang linggo na rin makalipas ang nangyaring iyon. Idinidiin pa rin ng mga Benavidez na ang mga Daza ang may kagagawan ng nangyari rito, ngunti dahil wala silang sapat pang ebidensya na makakapagturo sa mga Daza ay hindi pa sila makagawa ng aksyon. Ang mga lalaki kasing nahuli na pumasok dito sa bahay ay ayaw magsalita. Sa mga nagdaang araw ay mas naging maayos ang pakikitungo sa akin ni Gio. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa nangyari sa akin nang gabing pasukin kami rito ng mga hindi kilalang lalaki kaya kung itrato niya ako ngayon ay parang isang maling kilos ay mababasag ako o dahil may character development siya? Hindi ko na kasi nakikita iyong mala-bossy at manipulative na side niya. May oras pa rin naman na ganoon siya pero madalang na at mas nakokontrol niya iyon. May mga pagkak