Matapos naming kumain na dalawa ay agad tumawag si Gio ng maglilinis ng pinagkainan namin. Nang may kumatok sa pinto niya ay nataranta ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Naisipan ko na lang na magtago sa banyo niya. Kinakabahan talaga ako na may makakita sa amin na magkasama, not to mention, in his goddamn room! Ano na lang iisipin ng kung sino mang makakakita sa akin dito, ‘no. “I want ice cream. Kahit anong ice cream. Ibili niyo ako ng dalawa.” Narinig kong sabi ni Gio sa kung sino man iyong naglinis ng pinagkainan namin. Narinig kong isinara niya ang pinto kaya’t nakakasigurado na akong wala nang ibang tao roon kung hindi siya lang. Sumilip ako at nakita ko ang nakapamaywang na si Gio. “What are you doing?” Hindi mo malaman kung natatawa ba siya sa akin o ano. Nahiya naman ako sa