May mga mamahaling alak, mga nagsasarapang pagkain, at nakakatakam na mga panghimagas. May nakita pa kaming chocolate fountain na kinasabikan naming tatlo nina Mildred at Ella nang makita namin. “Gusto ko na agad kumain. Ack, nakakagutom ang amoy!” sabi ni Mildred. Sa hindi kalayuan ay nakita rin namin sina Sir Santiago na nag-iihaw na siyang mas nagpagutom sa amin. Tinutulungan siya nina Isaac sa pag-iihaw. Nang matapos ang pag-iihaw ay nagtawag na sina Manang na kakain na muna raw bago iyong pagbibigay ng mga regalo. Tapos may mga kakanta pa raw dahil may karaoke silang inihanda. “Ay nako, huwag niyong ipapahawak sa akin ang mic dahil baka kagalitan lamang tayo ng patron ng mga ulan!” natatawang sabi ni Ella na siyang ikinatawa rin ng karamihan. Napatigil ako sa pagtawa nang mapas