Naglagay na ng kanta niya si Gio. Tumahimik naman ang lahat nang magsimula nang mag-play iyon. Halatang lahat ay inaabangan ang kanyang pagkanta. Narinig ko na iyon noon kaya’t alam kong maganda ang boses ni Gio. Ganoon pa man ay kinakabahan ako. Noong una ko kasing narinig ang boses niyang kumakanta ay iba ang naging responde at reaksyon ng katawan ko…ng puso ko. Lalo na ngayong alam ko na may nararamdaman ako sa kanya. Baka mamaya ay mangisay na lang ako rito. Nagsimula na siyang kumanta at ako naman ay nagsimula na ring maghanap ng bagay na tititigan dahil ayokong tumingin sa kanya habang kumakanta. It’s just too much for me. Pakiramdam ko ay mapapaso ako sa simpleng pagkanta lamang ni Gio. Panay pa rin ang pagtingin-tingin ko sa ibang bagay nang bigla akong hawakan sa braso ng mga k