Ilang araw matapos ang pagpunta ko ng Maynila ay hindi pa muli ako nakakatanggap ng kahit na anong balita mula kay Ma’am Leonor. Madalas tuloy ay wala ako sa sarili. Idagdag mo pa ang minsang pag-iisip ko kay Gio. Hindi pa ulit kami nag-uusap na dalawa. Hindi ko na alam kung nag-text pa ba siya matapos kong ipadala sa kanya ang huling mensahe ko noon o hindi na. Wala rin akong ideya sa kung tumatawag ba siya sa cellphone ko dahil magmula nang patayin ko iyon ay hindi ko pa ulit binubuksan. “Manang, nakakatawa si Kuya,” sabi ni Hara. Nakatambay siya ngayon sa kusina at nakikipagkwentuhan kina Manang. Ako naman ay tahimik lamang na nakikinig sa kanila. “Bakit?” pagtatanong ni Manang sa alaga. Nililinis ko lamang iyong counter ng kusina dahil kakatapos lamang naming maggayat ng mga rekad