Sa pamamaraan niya ng pagte-text sa akin ay parang wala na akong magagawa sa oras na napagdesisyunan niya. Okay na ako sa alas-diyes, eh. Bakit binago pa niya? Dahil alam ko rin na wala na akong magagawa upang baguhin pa ang napagdesisyunan niyang oras ay hinayaan ko na lang. Hindi na ako nag-reply pa at nagdesisyon na lang na matulog. Sa kondisyon ko kasi ngayon ay nararamdaman ko na mahihirapan akong matulog kaya kahit maaga pa ay pipiliin ko nang matulog upang mahaba-haba ang oras na mapilit ko ang aking sarili. Nakailang balik ata ako sa banyo kinaumagahan ng Sabado. Sa hindi malamang dahilan ay hindi ako mapalagay. Pakiramdam ko ay may mali sa aking ayos. Ayokong mag-ayos masyado at isipin pa ni Gio na pinaghandaan ko siya but at the same time, gusto ko rin naman maging presentable