CHAPTER 7: GET HELP

2895 Words
Hindi ko na alam kung ilang oras na ba ang lumipas simula nang umalis si Tiyo Alfonso dala ang perang ibinigay sa kanya ni Don Benedicto. Ramdam na ramdam ko pa rin ang galit sa kanilang dalawa ngunit tsaka ko na iyon iisipin. Ang kailangan kong gawin ngayon ay ang makatakas. Kapag nagawa kong makatakas ay hahanapin ko si Inay o magpapatulong ako sa paghahanap sa kanya. Habang pinagmamasdan ko ang paligid upang makahanap ng maaaring makatulong sa akin, naalala ko ang mga salitang binitawan sa akin ni Ma’am Leonor bago sila umalis noon ng isla. Na handa siyang tumulong sa amin basta sabihan ko siya. Nag-iwan din siya sa akin nang maaari kong tawagan na numero. Wala ako sa posisyong mahiya. Kaya kahit hindi ko ugaling dumepende sa ibang tao para makaligtas ay gagawin ko iyon. Kailangan ko ng tulong nila upang makawala sa kadenang inilagay sa akin ng aking ama-amahan na nakakonekta kay Don Benedicto at upang mahanap na rin ang aking ina. Aminado naman ako na kahit wala akong masyadong ipagmamalaki sa buhay ay mataas ang aking pride. Ganoon pa man, alam ko kung kailan ko kailangang ibaba at lunukin ito, at ngayon ang oras para gawin iyon. Napatigil ako sa pagtingin-tingin sa paligid nang makakita ako ng isang cutter sa hindi kalayuan sa aking posisyon. Makapal man ang tali sa aking kamay ay mapagtitiisan ko na ito, umaasang makakatulong upang maputol ang lubid. Nilapitan ko ito. Hindi ko pa ganoong malapitan dahil hindi ganoong kahaba ang tali pero pinilit ko pa rin. Gamit ang aking mga ngipin ay kinagat ko ang dulo ng cutter, ngunit dahil sa kakulangan sa distansya ay nahulog lamang ito sa sahig. Bumalik ako sa pagkakaupo ko sa sahig at inabot iyon gamit ang aking paa. Kahit nararamdaman ko ang sakit sa aking palapulsuhan dahil sa tali ay hindi ko iyon ininda. Napangiti ako nang kahit papaano ay maabot ng aking paa iyong cutter. Pinagpatuloy ko lamang iyon hanggang sa mapalapit iyon sa kinaroroonan ko. Tumalikod ako at kinapa ang kinaroroonan ng cutter. Nasugatan pa ako sa pagtatangkang hawakan iyon dahil sa matulis nitong dulo. Pasalamat na lang din ako at naging daan ko ito upang mahawakan ng maayos ang cutter. I groan in frustration and desperation, that even cutting the rope means experiencing pain and having cuts in different areas of my hand, my body will keep moving and will never stop. I heaved a deep sigh when I successfully cut the rope. Agaran akong tumayo at lumabas ng kwarto. Hinanap ko ang bag ko at nakita ko iyon sa may gilid ng sofa at nakakalat ang ilang laman ito sa sahig. Pinagmasdan ko munang mabuti kung nakabalik na ba si Tiyo Alfonso bago ako pumunta sa unang palapag ng bahay dahil nakakasigurado ako na itatali niya lang ulit ako o ikulong kapag nakita niya ako. Nang masigurado ko na hindi pa rin siya nakakabalik ng bahay ay nagmamadali kong kinuha ang mga gamit ko na nakakalat sa sahig at inilagay iyon sa loob ng bag ko. Nakakasigurado ako na inilagay ko rito ang numero ni Ma’am Leonor kaya hinanap ko muna iyon at nang makita ay tsaka lamang ako umalis. Ramdam ko pa rin ang hapdi ng aking pulso at ilang mababaw na hiwa sa aking kamay. Dahil alam ko naman na makakatakbo pa rin ako at makakaalis kahit sumasakit iyon ay hindi ako tumigil hanggang makakita ng sasakyan papunta ng bayan. Namamanhid ang aking dibdib dahil sa halo-halong nararamdaman ko. Hindi ko mapigilang mapahawak dito dahil nararamdaman ko ang paninikip nito. May pera pa naman ako at umaasa ako na makakaabot ako ng Maynila. Ang alam ko ay taga-Manila sina Ma’am Leonor. Kapag naandoon na lang ako tsaka ako tatawag sa kanila. Wala na rin kasi akong oras dahil papaalis na ang sakayan papuntang Infanta. Doon ako sumakay papunta ng sakayan papunta ng Manila. Inabot din ako ng ilang oras sa byahe. Kina-umagahan na ako nakarating sa Manila. Ang problema ko ngayon ay kung saan ako pupunta. Naghanap ako ng telepono kung saan ko maaaring matawagan sina Ma’am Leonor dahil ang aking telepono ay pinatay ko kagabi. Alam ko kasi na kapag nalaman ni Tiyo Alfonso na nakatakas ako ay walang humpay akong tatawagan nito. Nakahanap ako ng paraan para matawagan si Ma’am Leonor. Kinakabahan pa ako dahil baka hindi niya iyon sagutin o baka abala ito at hindi mapansin ang aking tawag. “Hello?” Laking tuwa ko nang sagutin niya ang tawag na iyon. Huminga muna ako nang malalim upang makapagsalita nang maayos. “Ma’am Leonor, si Bryleigh po ito.” Sinubukan kong magsalita ng normal, na parang wala akong problema ngunit kahit anong gawin ko ay hindi iyon sapat upang pigilan ang panginginig ng aking boses. “Bryleigh? Napatawag ka? Anong nangyari?” nag-aalalang tanong sa akin ni Ma’am Leonor. Ginapangan man ako ng hiya ngunit alam ko na sa sitwasyong mayroon ako ngayon ay hindi ako dadalhin kahit saan ng hiya ko. Kailangan ko ng tulong niya. “Nasa Maynila po ako, Ma’am. Umalis po ako sa amin.” Pinigilan ko ang mapahikbi. Ito ang hirap sa akin. Kapag mas lalong inaalam ang kondisyon ko o kung ayos lang ba ako ay lalo lamang akong naiiyak. “Nasaan ka sa Maynila? Kasama mo ba si Laila?” May kinausap siya sa kabilang linya. Hindi ko lang naintindihan kung anong sinabi niya. Tumingin ako sa paligid. Hindi pa masagot iyong pangalawa niyang tanong. Hindi ko kasama si Inay. Ni hindi ko nga alam ang kinaroroonan niya sa ngayon. “Nasa terminal po ako ng mga bus. Gil Puyat po,” sabi ko nang makita ko iyong isang karatula kung anong tawag sa kinaroroonan ko. “May Mcdo po sa malapit.” Iyon ang pinaka-landmark na masasabi ko. “Okay, okay. We’ll be there. Hintayin mo na lang kami, kahit sa may Mcdo. Do you have enough money with you? Baka nagugutom ka. Kumain ka muna. Papunta na kami.” Matapos iyon ay natapos na ang tawag. Sinunod ko ang sinabi niya sa akin at nagtungo sa may Mcdo. Ganoon pa man ay wala akong ganang kumain kaya’t hindi ako bumili ng pagkain. Halos kalahating oras din siguro ang hinintay ko nang may isang sasakyan ang tumigil sa harapan ko. Agad na bumaba si Ma’am Leonor at lumapit sa akin. Niyakap niya ako at agad na tinanong ang kalagayan ko. “Have you eaten yet? Oh my god, what on earth happened to you?” nag-aalalang tanong niya sa akin. Hindi naman ako nakapagsalita. “Come, sumama ka na muna sa amin.” Nagpahila na lang ako sa kanya. Wala na akong lakas. Pakiramdam ko ay ano mang oras ay mawawalan na ako ng malay. Wala akong maayos na tulog at wala ring maayos na kain dahil hindi ko magawang makakain. Sinamahan akong maupo ni Ma’am Leonor sa likod ng kotse at sinabihan niya naman ang driver na magsimula nang mag-drive pauwi siguro sa bahay nila. “Good thing, nasa Makati lang ako. I have some food here. Please, eat some, Bryleigh. Halatang hindi ka pa kumakain nang maayos. You might pass out.” Sumunod na lang ako sa lahat ng sinasabi niya. Wala na talaga akong lakas na tumanggi pa. Nakarating kami sa isang bahay matapos ang matagal-tagal na byahe. Bumaba si Ma’am Leonor kaya’t bumaba na rin ako. Pinagmasdan ko iyon. Inaasahan ko nang malaki ang bahay nila ngunit hindi ako makapaniwala na ganito iyon kalaki at sa tingin ko ay bahay lang nila ‘yon dito sa Manila. Kumapara sa magarbong mansyon sa Polilio na pinuntahan namin noon, mas moderno ang disenyo nito. Iyon isang bahay nila ay mahahambing mo sa isang makalumang mansyon o hacienda. “Halika, Brie. Pasok ka.” Tumango ako kay Ma’am Leonor at pumasok na kaming dalawa sa loob ng malaking bahay. May mga bumati sa aming kasambahay nang pumasok kami sa loob. Agad niya naman akong iginaya sa living room. Ang mga paningin ko ay gumagala sa buong bahay. Bawat sulok na mahahagip ng aking mga mata ay tinitingnan ko talaga. Ang mga gamit ay nakakatakot hawakan dahil mukhang mamahalin. Ang tiles ay nakakatakot apakan dahil sa kintab nito. Iyong klase palang ng tiles ay masasabi mo na agad na mamahalin talaga iyon “Can you tell me what happened, hija?” Napatingin ako kay Ma’am Leonor dahil sa itinanong niya. Bakas muli sa kanyang mukha ang pag-aalala. Natutuwa akong malaman na may ganito kaibigan si Inay noong kabataan niya. “Nawawala po kasi ang nanay ko. Ang sabi po ni Tiyo Alfonso, iyong stepfather ko, ay naglayas daw po si Inay. Hindi ko po alam kung saan siya hahanapin. Gustuhin ko man pong hanapin siya bago magtungo rito sa Manila ay natatakot po ako na makita ako ni Tiyo Alfonso at sapilitang iuwi sa bahay.” Sa tingin ko naman ay hindi ko na kailangang sabihin pa sa kanila iyong tungkol kay Don Benedicto. Hindi ko na dapat pang dagdagan ang isipin ni Ma’am. Bumagsak ang tingin niya sa sahig, halatang nag-iisip. “Umalis si Laila? Saan naman kaya siya pupunta? Sana ay nasa maayos na lagay siya.” Natahimik ako. Iyon lang din ang iniisip ko. Na sana ay maayos ang lagay ni Inay. “Nasa ibang bansa lang si Santi. Once na makauwi siya ay pasisimulan na namin ang paghahanap kay Laila. Habang ginagawa iyon, you can stay with us. Don’t worry.” Hinimas niya ang aking braso. Ngumiti naman ako sa kanya. Ganoon pa man ay ayokong tumira ng libre sa kanila. Gusto ko kahit papaano ay makahanap ako ng trabaho. Napatingin ako sa kasambahay na naghatid sa amin ng maiinom namin. Pinagmasdan ko lamang siya hanggang sa umalis bago muling tumingin kay Ma’am Leonor. “Ma’am, naghahanap po ba kayo ng kasambahay? Pwede po ako. Para habang nanatili ako sa inyo ay nagta-trabaho ako.” Iyon agad ang naisip kong sabihin sa kanya. Wala naman kasi akong ibang mapapasukang trabaho nang ganoong kadali. Napansin ko ang pagkagulat sa kanya. Halatang hindi niya inaasahan na sasabihin ko iyon. “Bryleigh, hindi mo kailangan—” “Gusto ko pong magsilbi sa inyo habang naandito ako sa inyo.” Ayoko naman kasi abusuhin din ang kabaitan ni Ma’am Leonor. Napabuntong hininga siya at mukhang wala nang magawa sa naging desisyon ko. Tumango siya sa akin. Ilang oras pa ang makalipas ay may tumawag kay Ma’am Leonor. Nagpaalam muna siya sa akin upang kausapin kung sino iyong tumawag sa kanya. Panay ang buntong hininga ko. Nakatakas man ako ngayon kay Tiyo Alfonso at kay Don Benedicto ay hindi pa rin ako kampante dahil alam ko, binabalak nilang hanapin ang nanay ko para ipanakot sa akin at bumalik doon. “Brie, you can use the guest room. Magpahinga ka muna. Magpapaayos na rin ako ng ilang damit na pwede mong magamit. Rest. Halatang wala ka pa ring maayos na pahinga. Mamayang hapon ay paalis ako at uuwi ng Laguna dahil doon na didiretso si Santi pagkagaling sa airport. Do you want to come with me? Pag-uusapan natin ang tungkol sa paghahanap kay Laila at sa kagustuhan mong magtrabaho sa amin,” nakangiting sabi sa akin ni Ma’am Leonor. Pinasamahan niya ako sa isang katulong papunta sa guest room. Pumasok ako roon at nahiga. Maya-maya pa’y may kumatok muli at nagbigay ng mga malilinis na damit na maaari kong maipamalit ngayon. Naalala ko na wala nga pala akong nadalang gamit at lahat ay nasa Balesin. Matapos kong magpahinga ng ilang sandali ay napag-isipan kong maligo muna. Pakiramdam ko ay ang dungis-dungis ko na. Nakakahiya namang matulog ako sa malambot at malinis na kamang iyon na ganito ako. Baka madumihan ko lamang. May sariling banyo ang kwarto kaya’t hindi ko na kinailangan pang lumabas. Naligo na ako at nilinis ang katawan. Hindi ko mapigilan na mapatingin sa mapulang palapulsuhan ko dahil humapdi na naman iyon nang mabasa. Mabuti na lang at hindi iyon nakita ni Ma’am Leonor. Masyado na siyang nag-aalala, ayoko nang mas mag-alala pa siya. Nakatulog ako matapos kong magpatuyo ng buhok. Nagising ako nang may kumatok sa pinto ng silid at sinabing kakain na raw ng tanghalian. Halos ilang oras din pala akong nakatulog. Dinala niya ako sa dining hall kung saan naabutan kong mag-isang nakaupo si Ma’am Leonor. Inaasahan ko na wala ang asawa niya dahil ang sabi niya nga ay nasa ibang bansa ito at mukhang pauwi pa lang ngayon, ngunit nasaan ang mga anak niya? “May problema ba, Brie?” tanong sa akin ni Ma’am Leonor nang mapansin ang aking pagkatulala. Agad akong umiling at nahihiyang ngumiti sa kanya. “Kayo lang pong mag-isa rito? Nasaan po ang inyong mga anak?” Inaasahan ko kasi na kahit isa man lang sa tatlong anak niya ay makikita ko rito ngunit mukhang nagkamali ako. “Oh, si Sera ay may sariling condo kaya madalas ay hindi namin siya nakakasama. Ganoon din si Gio ngunit mas madalas umuwi si Gio sa bahay. Si Hara naman ay nasa Laguna, nag-aaral pa kasi iyon.” Tumango-tango ako. Biyernes ngayon kaya inaasahan ko na talagang may pasok si Hara. Nagsimula na kaming kumain. Nakikipag-usap naman sa akin si Ma’am Leonor at halatang pinapagaan ang aking loob. Kahit papaano naman ay nakakalimutan ko ang ilang pinoproblema ko. “Napaano ang palapulsuhan mo?” Agad kong itinago ang kamay ko nang mapansin niya iyon. Mapula pa rin naman iyon pero hindi kagaya kahapon ay nawawala na ang pamumula nito kahit papaano kaya akala ko ay hindi na nila mapapansin pa. Tumingin sa akin si Ma’am Leonor. Nag-iwas naman ako ng tingin habang patuloy sa pagtatago ng aking kamay sa ilalim ng lamesa. “Bryleigh, come on, tell me. What happened to you? Can I have a look?” Napalunok ako sa sinabi niya. Wala na akong nagawa pa at muling ipinakita sa kanya ang kamay ko. Nagulat pa siya nang makita na hindi lamang iyong pamumula ng palapulsuhan ko ang mayroon doon kung hindi mga ilang maliliit na sugat din na natamo ko roon sa cutter. “Itinali po ako ng stepfather ko.” Iyon na lang ang sinabi ko. Ayoko nang magsabi pa ng iba bukod doon. Ayokong idamay sila sa malaki pang problema ng buhay ko. Okay na sa aking tulungan nila akong mahanap ang nanay ko. Nakita ko ang takot sa kanyang reaksyon. Napatakip siya sa kanyang bibig. Ang takot ay naging pangamba at pag-aalala. “I-I’m sorry to hear that, Brie. I don’t know how to react. Naninikip ang dibdib ko,” sabi niya sa akin. Natakot naman ako sa sinabi niya, turns out masyado lang siyang natakot para sa akin, dahil sa naging karanasan ko sa stepfather ko. Kumalma na rin ako dahil doon. Muli kaming nagpatuloy sa pagkain na dalawa. Umalis kami ng bahay nila sa Maynila ay halos mag-a-alas-tres na ng hapon. Tahimik lamang kami at minsan ay kinakausap ako ni Ma’am Leonor. Nakatitig lamang ako sa bintana nang maramdaman kong inaantok akong muli. Hindi ko iyon nalabanan kaya marahan kong ipinatong ang ulo ko sa may bintana ng kotse at natulog. May maingat na tumapik sa aking balikat. Nagulat ako at napabalikwas. Nakita ko sa gilid ko si Ma’am Leonor. Nakangiti siya pero parang nahihiya siya sa ginawang paggising sa akin. “Naandito na tayo. Sa loob ka na magpahinga, Brie.” Tumango ako sa sinabi niya. Napahaba ata ang aking tulog. Naandito na pala kami sa bahay nila sa Laguna. Bago ako makababa ay sumilip muna ako sa may stereo ng kotse kung anong oras na at nagulat akong makita malapit mag-ala-singko ng hapon. Matagal din pala ang byahe, halos dalawang oras. Sumabay ako sa pagpasok sa loob ng muling malaking bahay nila. May ilang bayan akong alam dito sa Laguna ngunit itong bayan na ito ay hindi pamilyar sa akin. “Saan po tayo sa Laguna, Ma’am?” Hindi ko mapigilang tanong sa kanya. Nilingon niya ako bago muling maglakad. “Victoria,” matipid at nakangiting sagot niya sa akin. Hindi nga pamilyar sa akin. “Hi, hon,” pabati ni Ma’am Leonor kay Mr. Santiago. Agad kaming sinalubong ni Mr. Santiago. Nataranta naman ako sa presensya niya kaya’t nang una ay hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung babatiin ko ba siya o magalang na lang iyuyuko ang ulo? “Hi,” bati niya pabalik sa asawa. Tiningnan niya ako at nakita ko rin ang pagngiti niya sa akin. “Hello, Bryleigh.” Nanginginig ang aking labing nginitian si Mr. Santiago. “Okay, shall we discuss what we need to discuss? Ang sabi mo ay may sasabihin ka sa akin?” tanong ni Mr. Santiago sa kanyang asawa habang nakapulupot ang kamay niya sa baywang ni Ma’am Leonor. Tumango si Ma’am Leonor at tumingin sa akin. “Let’s go, Brie,” nakangiting sabi niya habang inaabot ang aking kamay. Nahihiya akong hinawakan iyon at nagtungo na kaming tatlo sa malaki nilang living room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD