“Every damn time!” inis na sabi ni Gio bago magtungo sa pinto upang pagbuksan iyong kumakatok sa kanyang pinto. Marahan naman akong tumawa sa kanyang naging reaksyon. Nagtungo ako sa banyo niya upang magsimula na ring kunin iyong kalat at maglinis. Nagulat naman akong makita na hindi magulo o makalat dito kaya naisipan ko na kunin na lang iyong basurahan upang itapon ang laman nito sa trash bag na dala ko. “Sabihan mo si Henry na siya na ang pumunta riyan. Kaya na niya iyan. Magsama na lang siya ng ilan sa mga tauhan natin for back-up.” Iyon ang narinig ko kay Gio nang makalabas ako sa kanyang banyo. Napansin ko ang isang lalaki na kausap niya. Si Adonis pala iyong kumatok ng kanyang kwarto. Napatingin si Adonis sa akin at agad na ngumiti. Matipid ko rin naman siyang nginitian. Agad na