Tumango ako sa kanya, wala pa rin sa sarili. Hindi ko kasi inaasahan na magpapakita siya rito. Napasilip ako sa may pintuan ng pantry at doon ko napagtanto kung sinong dahilan bakit naririto si Adonis ngayon. Nakasilip sina Ella at Mildred at mahinang bumubungisngis habang nagta-thumbs up sa akin. Napailing ako sa kanila. “Thanks.” Iyon na lamang ang sinabi ko kay Adonis bago lumabas ng pantry. Agad akong inasar nina Ella at Mildred kay Adonis kahit na hindi ko iyon binibigyan ng pansin. Kung gusto ni Mildred si Adonis, bakit hindi na lang kaya sila? Kaysa ipilit nila ito sa akin ganoong hindi ko naman ito gusto. Hindi ko nilalait o kung ano man si Adonis. Wala lang talaga akong maramdaman sa kanya bukod sa kasama ko siya sa bahay dahil pareho kaming nagta-trabaho sa mga Benavidez. Iyo