CHAPTER 42: MERRY CHRISTMAS!

2819 Words

Hindi kami sa direksyon papuntang Maynila. Padireksyon kami papuntang Pila, Sta. Cruz, at mga bayan sa Laguna na hindi ko pa nararating kaya hindi ako pamilyar. “Buti pinayagan ka nina Ma’am Leonor.” Bigla kong pagsasalita sa gitna ng katahimikan sa aming dalawa habang nasa byahe. “Oo, basta raw at sa Bagong Taon ay kasama nila ako.” Iniliko niya iyong sasakyan niya sa isang kanto bago mabilis na tumingin sa akin at ngumiti. “Anong sinabi mo sa kanila?” nag-aalalang tanong ko sa kanya. Natatakot kasi ako na baka kung anong sinabi niya kay Ma’am Leonor na makapagbigay ng ideya sa kanila na kaming dalawa talaga ang magkasama. “Sabi ko ay sa condo lang muna ako o kaya ay pupunta sa ipinapagawang bahay ko sa Caliraya. Patapos na kasi iyon. May ilang adjustments na lang na gagawin, but alre

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD