Huminga ako nang malalim bago buksan iyong photos sa cellphone ko. Muli na naman akong kinabahan dahil baka laitin ako nitong lalaking ito. May pagkapasmado pa naman ang bibig nito. Tiningnan ko iyong mga litrato. Hindi naman iyon karamihan kaya hindi ganoong karami ang pagpipilian ko. “I like this one,” aniya sabay turo roon sa isang litrato ko na nakaupo habang nakatuon iyong gilid ng ulo ko sa palad ko. “Ito?” paninigurado ko. “No, I change my mind. I like this more—how about this—f**k, huwag ka na lang kayang magpalit?” giit niya. Natawa ako sa sinabi niya habang siya naman ay parang naiiyamot na nakatingin sa akin. “Bakit? Pangit ba?” nag-aalalang tanong ko dahil baka nga pangit kaya’t hindi siya makapili nang maayos. “Hindi,” panimula niya. “Kapag nakita ng iba ang mga litrato