Hinugasan ko ang mga platong ginamit namin sa pagkain. Si Gio naman ay pumasok sa kwarto at kung bakit ay hindi ko alam. Iniisip ko nga na baka matutulog na siya pero nang matapos na ako sa paghuhugas ng mga pinagkainan namin at pumunta sa may living room ay nakita ko siya roon. Tahimik lamang na nakaupo si Gio at para bang may pinagmamasdan sa kanyang kamay. “Anong tinitingnan mo riyan?” Mabilis na gumalaw ang kanyang kamay at para bang itinago iyong tinitingnan niya. Kumunot ang aking noo dahil doon pa lamang sa kilong niyang iyon ay may iba na akong kutob. Para siyang may itinatago sa akin. “Are you done?” tanong niya. Hindi niya sinagot ang tanong ko sa kanya kaya naman napanguso ako at tumango. Napansin ko ang pagtapik niya sa kanyang hita kaya roon ako naupo kaysa sa mismong sof