Nagising ako na may nararamdamang mabigat sa may bandang baywang ko. Sinilip ko iyon para lang makita na braso pala iyon ni Gio. Nag-angat ako ng tingin at laking gulat ko na makita siya sa tabi ko na mahimbing na natutulog. Wala siya suot na pang itaas at ako naman ay naka-tshirt lamang. Ang ulo ko ay nakapatong sa isa niya pang braso na tila ba ginagawa iyong unan. Tinitigan ko lang ang payapa niyang mukha habang natutulog. Kailangan ko pang tumingala dahil nakatapat ang mukha ko sa dibdib niya. Hindi ko maiwasang mapangiti. I don’t have any hint why the hell I’m smiling while staring at his peaceful and sleeping face. But just by doing that, my heart is at ease. Na parang iyong iritasyon at inis na nararamdaman ko kagabi ay isang dahilan lamang, na parang wala lamang. May kung anong