Dumating na ako sa HQ at dumaan muna ako sa Finance Department para puntahan si Blue at kamustahin. Nakita ko si Antonia kaya siya ang nilapitan ko.
"Si Blue?" Tanong ko sa kan'ya.
"Uhm, kasi, aabsent na muna raw siya ngayon, baka dahil sa nangyari kahapon, tawagan mo na lang siya kung gusto mo siyang kamustahin," tanging sagot ni Antonia.
"Sige."
"Mauna na ako, Pogi," paalam niya at tumalikod na siya sa akin. Agad naman akong nalungkot sa sinabi niya kaya agad kong kinuha ang cellphone at nagtipa ng numero.
Sinagot naman agad ni Blue ang cellphone niya.
"Hey!" Bati niya sa akin.
"Hindi ka papasok ngayon?" Tanong ko sa kan'ya.
"Oo eh, magpapagaling muna ako sandali, baka this Monday makakapasok na ako," masiglang sagot niya.
"Ano ba kasi ang nangyari sa 'yo, Blue? Hindi mo naman sinabi sa akin ang nangyari sa 'yo."
"Sorry, Zac, hindi ko pa masasabi sa 'yo ang nangyari, medyo confidential pa rin," tugon niya sa kabilang linya.
"Nasabi mo pang confidential, Blue? Subrang alala na namin sa 'yo kahapon tapos nagawa mo pang sabihin 'yan? Blue naman, eh!" Napataas ng kaunti ang boses ko. Natahimik siya sa kabilang linya.
"Sorry sa tono ng boses ko, I just can't..."
"Ayos lang, naiintindihan kita, Zac, salamat sa pag-alala mo kahapon, sa effort niyo, pasensya na kayo sa akin," mahinang saad niya. Bumuntong-hininga ako.
"Sige, see you on Monday na lang, Blue, magpagaling ka, ha," pampalakas loob na sabi ko.
"Sige po," masiglang saad niya, ramdam kong nakangiti siya, nakikita ko ang ngiti niya sa isip ko.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Kasalukuyan kami ngayong nasa meeting. Nandito ang Board of Directors at mga secretaries nito. Ako, ang President at ang kan'yang secretary, ang VP at ang secretary niya.
"Kailan ba magpapakita ang CEO?" Paglipat ng tanong ng isa sa mga Directors.
"Hindi natin siya mapipilit kung magpapakita ba siya o hindi, nandito na rin naman ang Secretary niya, kaya siya na lang ang kausapin mo," sabi ni President Lucas Camero.
Napatingin sa akin ang Director na 'yun. Bumuntong-hininga siya.
"Fine, tell your boss to come here. Mag-uusap kami," galit na saad ng Director na 'yun sa akin.
"Are you mad, Mr. Alvarez? Saan ka galit, sa CEO or sa amin?" Mapang-asar na tanong ni Pres.
Natahimik ang Director na 'yun kasi sa totoo lang, kaming lahat ng mga tao at mga trabahante dito sa Lyxeeries ay takot sa CEO, kahit hindi namin siya kilala at hindi pa namin siya nakikita, pero natatakot kami sa kan'ya. Alam namin kung gaano siya ka makapangyarihan, kontrolado niya kami rito kaya hindi talaga puwedeng magalit sa CEO.
"It's none of your business, Mr. Camero," pilosopong saad ni Mr. Alvarez at nag-cross arm sabay iwas ng tingin. Nagulat naman kami nang humalakhak ang President sa harap kaya napatingin kaming lahat sa kan'ya.
"Do you think na hindi alam ng CEO ang mga pinagsasabi ninyo rito? Do you really think na hindi niya kayo nakikita? Well... You all such an innocent human being," napa-iling iling naman si Mr. President.
"Don't you dare say that to me, puwede ka naming patalsikin sa puwesto mo kahit Presidente ka pa sa Company na ito!" Napipikong sigaw nung Director sa President namin, natahimik kaming lahat.
Nakatayo na si Mr. Alvarez dahil sa inis. Pasimple namang tumayo si Pres at ngumisi.
"Kakampi ko ang CEO, Mr. Alvarez, we have a connections, nag-uusap kami ng harap-harapan ng hindi niyo nalalaman," mapang-asar na boses ang iginawad ni Pres kay Mr. Alvarez kaya lahat ng mga Director ay nagulat sa sinabi ng President.
"Palagi ko ng nakikita ang CEO, harap-harapan kong nakikita ang pagmumukha niya, kilala ko siya, kilala ka niya, kilala niya tayong lahat. Walang ni isang empleyado mula sa akin papunta sa mga janitor at janitress ang hindi niya kilala, lahat tayo sa kompanyang ito, sa Pilipinas man, o sa ibang panig ng mundo, lahat ng empleyado niya walang kahit ni isa ang hindi niya kilala, kilala niya tayong lahat sa Lyxeeries. Kaya, huwag kang magkamaling kalabanin siya, baka sa susunod o mamayang gabi, babangungutin ka na niya," nakangising litanya ni Sir at napahalakhak siya ng subrang sama dahil sa pinagsasabi niya kaya lahat kami ay natahimik at ramdam ko ang takot na bumabalot sa aming lahat dito.
Anong klaseng tao ang CEO namin? Para siyang diyos! Grabe! Walang ni isang empleyado ang hindi niya kilala, sa pagka-alam ko, mahigit sa daan-daang libo ang empleyado ng Lyxeeries na nasa iba't ibang negosyo ng Lyxeeries. Grabe, kilala niya kaming lahat.
"Iharap mo rito ang CEO," matigas na saad ni Mr. Alvarez.
"You are fired!" Isang malalim na boses ang biglang nagsalita. Agad namin hinanap kung saan 'yun nanggaling. Biglang dumilim ang screen sa likod ng President kaya lahat kami napatingin doon. Doon galing ang boses.
"Hindi mo ako mapipilit na magpakita hanggat hindi ko gustong magpakita," subrang lalim na boses ang naririnig namin ngayon. 'Yung boses na parang in-edit. Naririnig ko ang mga ganitong boses lalo na kapag sa mga balita at imbestigasyon para hindi makilala ng mga tao o manonood ang boses. Basta, parang may device na ginagamit dito para maging iba at maging malalim ang boses nila.
"What?! No! No!" Pagmamatigas ni Mr. Alvarez.
"You heard me, Alvarez, now get out!" Sigaw nung tao na nasa likod ng madilim na screen.
"Anong ibig sabihin nito?" Naguguluhang tanong ni Maxine.
"The CEO, palagi siyang nakikinig at nanonood sa meeting natin ng hindi niyo nalalaman. Sa likod ng screen na 'yan, d'yan nakikinig at nanonood ang CEO natin. Araw-araw, oras-oras, naka monitor siya sa atin, baka nga siguro, na sa opisina niya siya ngayon," nakangising saad nung Presidente.
"After 9 years, sa loob ng 9 years, ngayon lang nagsalita ang CEO sa kalagitnaan ng meeting natin. Ngayon lang siya nakipag-usap sa inyo. Kaya, huwag kayong magmamatigas at magreklamo dahil naririnig niya ang reklamo ninyong lahat," patuloy pa nung Presidente. Prente siyang umupo at agad niyang inikot ang swivel chair at humarap sa screen na nasa likod niya.
"Boss, ano na ang gagawin mo kay Mr. Alvarez?" Walang takot na tanong ni Sir Lucas, na para bang close na close na sila nung CEO.
"Palayasin niyo siya," simpleng sagot nung CEO at biglang nawala ang itim na screen at bumalik yung maliwanag na screen na kung saan nakikita ang malaking L na kulay itim at may luxurious background ito.
"Narinig mo siya, Alvarez, now get out," ma-awtoridad na saad ni Sir Lucas at itinuro ang pinto ng Conference Room. Hindi na nagdalawang isip si Mr. Alvarez na umalis at padabog na sinarado niya ang pinto ng Conference Room.
"Hayop! Hindi gan'yan manira ng pinto!" Sigaw nung malalim na boses. Galing iyun sa speaker na nasa kisame ng Conference Room kaya gulat na gulat kami sa pagsigaw ng CEO. Napa-hawak kaming lahat sa dibdib dahil sa gulat.
"Now, sino gustong sumunod kay Mr. Alvarez? Free lang kayong umalis," naka-cross arm na saad ni Sir Lucas at naka-ngisi pa ito.
Natahimik kaming lahat at walang balak na sumunod. After isang oras ay natapos na ang meeting naming lahat. Hingal na hingal kaming lumabas sa room, ako, si Dakota, si Zyraine, at si Sir Lucas.
"Grabe, nakakatakot si Boss M, kanina pa tumatayo ang balahibo ko nung bigla siyang magsalita sa screen," kinakabahang saad ni Zyraine sabay haplos sa braso niya.
"Scary pala itong si Boss M, grabe," hindi makapaniwalang saad ni Dakota at ginaya niya si Zyraine na hinahaplos ang braso niya.
"Totoo po ba lahat ng sinasabi mo, Sir Lucas?" Tanong ni Zyraine.
"Totoo nga, paulit-ulit, Ms. Helveno?" Sarkastikong saad ni Sir Lucas.
"Sorry na, Sir," mapakamot naman sa batok si Zyraine.
"Mauna na kayo, tatawagan ko pa ang CEO. Shoo shoo!" Taboy sa amin ni Sir Lucas.
"Puwede pahingi ng number ni Boss M, Sir?" Nag-puppy eyes naman si Dakota.
"Bawal," tugon ni Sir at umirap kay Dakota.
"Pogi po ba si Boss M? I-reto mo naman ako, Sir, oh, sige na..." Niyug-yog ni Dakota ang balikat ni Sir Lucas.
"Shut up and stop it, Dakota, gusto mo sumunod ni Mr. Alvarez?" Pagbabanta ni Sir Lucas sa kan'ya.
Umiling si Dakota, "Hindi po."
"Pwes, umalis na kayo. Zac, dalhin mo na nga ang mga bubwit na ito sa opisina niyo at makapag-usap na kami ng Boss mo," utos sa akin ni Sir Lucas.
"Sir, yes, sir!" Matigas na saad ko. Agad ko hinawakan ang kamay ng dalawang babae at pinaghahatak ko na sila. Nakarating na kaming tatlo sa opisina namin.
"Alam niyo, kayong dalawa, magsitigil na kayo," saway ko sa kanila.
"Akin lang si Boss M!" Sigaw ni Zyraine kay Dakota.
"No! Akin lang siya!" Sigaw pabalik ni Dakota. Napasapo na ako sa noo ko dahil na-iistress na ako sa dalawang babaeng ito.
"Malapit lang kami ni Boss M, ako yung secretary ni Pres at palagi kaming magkasama at alam kong irereto ako ni Sir kay Boss M!" Dugtong pa ni Dakota at pinagmamalaki niya ang pagiging secretary niya kay Pres.
"Ako ang mas malapit, ako ang Secretary ng CEO," sabat ko sa usapan nilang dalawa.
"Ew... Lalaki si Boss M, lalaki ka rin, 'di kayo bagay, at isa pa, usapang babae 'to at lumagpas kana sa boundary, oh, hanggang dito lang, 'di ka kasali," mataray na sagot ni Zyraine at gumuhit ng imaginary line sa gilid nila Dakota na sinasabi niyang boundary.
Napasapo ulit ako sa noo ko. God, I'm done with these girls. Hindi ko alam kung paano pinatulan at kinaibigan ni Blue ang mga bruhang ito. Palagi na lang nagbabangayan at pagdating sa lalaki ay nag-aaway-away.
"Magsitigil na nga kayo! Ang iingay niyo! Kung gusto niyong mag-agawan, hala sige puntahan niyo si Boss M sa opisina niya at magdabog kayo roon," sita ko sa dalawa kaya napatigil ang dalawa at nagmamadaling umalis sa opisina namin. Agad ko silang sinundan at lumabas din ng opisina.
Nag-aagawan silang dalawa sa elevator. Hinayaan ko sila at pareha silang nakapasok sa loob. Ako naman ay sumunod at sumakay sa isa pang elevator. Pagdating ko sa ika-50th floor ay nagtatakbuhan ang dalawang bruha sa corridor papunta sa opisina ni Boss M na nasa pinaka dulo.
Sinundan ko sila ng tingin. Sabay silang nakarating sa pinto ng opisina ng CEO at sabay-sabay nilang kinatok ito.
"Boss M! Anakan mo ako!" Pagsisigaw ni Dakota.
"Umalis ka riyan bruha, Boss M! Ako ito si Zyraine, ang pinaka magandang babae sa balat ng lupa! Busugin mo ako ng siyam na buwan!" Sigaw ni Zyraine sabay tulak kay Dakota palayo sa pinto at nagpupukpok siya sa pinto.
Naglakad ako palapit sa kanila.
"Boss M!!!! Anakan mo kami!" Sabay-sabay na sigaw ng dalawa. Bigla na lang bumukas ang pinto at niluwa rito si Sir Lucas.
"Magsitigil na nga kayo! Nagngangalit na sa inis ang CEO sa loob at kayo ang iingay niyo!" Galit na sita ni Sir Lucas sa dalawa.
"Boss M! Boss M! Anakan mo ako, si Zyraine ito!" Pagsisigaw ni Zyraine at pilit na sinisilip ang pinto. Hindi kasi nila makita ang kung ano sa loob kasi nakaharang sa daan si Sir Lucas.
Nagtutulakan ang dalawa at pilit na pumapasok sa loob. Hindi nila matinag si Sir Lucas dahil sa laki ng pangangatawan nito.
"Boss M!" Sigaw ni Dakota at pilit na pumapasok sa loob.
"Zac, ano 'to? Di ba sabi kong ligpitin mo ang mga bubwit na ito?" Utos ni Sir Lucas sa akin.
"Dakota, Zyraine, magsitigil na nga kayo! Hali na kayo!" Hinatak ko ang dalawa gamit ang mga braso nila. Hindi sila makawala sa hawak ko dahil hindi nila natitinag ang laki ng mga braso ko.
"Boss M!" Sabay na sigaw ng dalawa at sinarado na ni Sir Lucas ang pinto ng opisina ng CEO.
"Magsitigil na nga kayo! Mga desperada na talaga kayo, 'no? Gusto niyo bang magalit ang CEO at lahat tayo papalayasin sa trabaho? Gusto niyo bang mahiya sa harap ng Presidente at CEO dahil sa pinag-gagawa niyo? Next time, please, please, hindi na kayo mga bata, nandito tayo sa Lyxeeries para magtrabaho at hindi lumandi!" Saway ko sa dalawa nang makapasok na kami sa elevator.
Natahimik ang dalawa dahil sa sinabi ko. Sumasakit ang ulo ko sa mga pinag-gagawa nila.
"Sorry po, hindi na po mauulit."
"Sorry," mahinang saad nilang dalawa.
Bumuntong-hininga naman ako. Mabilis kaming nakarating sa 49th floor at nauna na akong lumabas sa elevator at sumunod naman sa akin ang dalawang babae.
Buong araw ko silang hindi pinansin at natahimik naman silang dalawa pagkatapos nu'n. Mabuti na lang talaga at hindi katulad nila si Blue. Medyo tahimik lang 'yun at may sariling mundo.
Oo nga, 'no, si Blue nga pala. Kinagabihan, dumating ako sa Finance Department at nakita ko si Blue na kakalabas lang mula sa pinto.
"Blue!" Tawag ko sa kan'ya. Agad napalingon si Blue sa gawi ko at agad niyang pinalabas ang matamis niyang mga ngiti.
"Hey! Sup?" Pareho kaming naglapitan sa isa't isa.
"Dinner?"
Umiling siya.
"Let's go?"
Tumango naman siya.
Agad kaming umalis at sabay na pumasok sa elevator. An hour had passed.
Kasalukuyan kami ngayong naglalakad sa park. Pinapakiramdaman namin ang malamig na hangin mula sa mga puno sa paligid. Madilim na ang paligid at tanging ilaw na lang sa park ang nagbibigay ilaw pati na rin ang buwan at mga bituin sa langit.
Tumigil ako at kasabay nu'n ang paghawak ko sa kamay ni Blue. Subrang lambot ng kamay niya.
"Blue."
Napatigil din siya at lumingon sa akin, "Yes?"
"May sasabihin ako," nakangiting saad ko. Nadala naman siya sa mga ngiti ko kaya napangiti na rin siya.
"What is it?" Nakangiting tanong niya. Hindi niya kayang pigilan ang sarili niyang ngumiti.
"Gusto ko sanang..."
Napapihit ng kaunti ang ulo ni Blue at nag-aantay sa susunod na sasabihin ko.