General POV
Agad nilapag ni Violet ang cellphone niya sa lamesa ni Maxine, ang boss niya.
"Ma'am, tingnan niyo po ito," saad ni Violet kaya napalipat ang tingin ni Maxine mula sa laptop niya papunta kay Violet. Bumaba ang tingin ni Maxine patungo sa cellphone na inilapag sa lamesa niya.
Napakunot ang noo niya sa nakita niya. "Appointment pala, ah, tsk, gusto lang talaga makasama si Blue," napa-iling iling si Maxine sa sinasabi niya.
Ang picture na nakita niya ay ang picture ni Blue at Zacxheus na nandoon sa Restaurant kagabi at masayang kumakain.
Isang oras ang nakalipas. Kakalabas lang ni Blue sa cubicle nang biglang may humawak ng mahigpit sa braso niya. Agad siyang napatingin dito at bumungad ang galit na galit na mukha ni Maxine.
"Ma'am, aray, nasasaktan po ako," daing ni Blue kaya napa-ngisi naman si Maxine at mas lalong hinigpitan ang hawak niya sa braso ni Blue.
"Malandi!" Malakas na itinulak ni Maxine si Blue kaya napasandal ang likod niya sa wall ng CR. Parang nawalan ng hininga si Blue dahil sa lakas ng impact ng likod niya sa wall. Napasinghap naman siya dahil sa na tamo ng likod niya.
Agad siyang sinugod ni Maxine at pinisil ni Maxine ang magkabilang pisngi ni Blue gamit ang isang kamay niya.
"Layuan mo si Zac! Kung ayaw mong araw-araw na mangyari sa 'yo ito!" Nanlilisik na mga mata ang ipinupukol ni Maxine.
Hinawakan ni Blue ang ulo ni Maxine dahil mas matangkad si Blue kaysa sa kan'ya. Malakas na itinulak ni Blue si Maxine gamit ang paghawak niya sa ulo nito.
"Huwag kang kakalaban sa taong mas matangkad sa 'yo, at baka bubuhatin lang kita at ihulog sa rooftop ng building na ito," pagbabanta ni Blue at bigla na lang na may matigas na bagay na inihampas sa batok niya kaya napadaing siya sabay hawak sa batok niya.
Agad napalingon si Blue sa likod niya at nakita niya si Violet na may dalang baseball bat.
"Ah!" Daing ni Blue at pekeng tumawa.
"Mga baliw! Kala niyo—" hindi natapos ang sasabihin ni Blue nang bigla siyang hinampas ulit gamit ang baseball bat. Mabilis na nasalo ni Blue ang baseball bat.
Agad siyang tinadyakan ni Maxine sa likod kaya napaluhod si Blue sa sahig. Hinampas ulit ni Violet si Blue sa ulo kaya agad siyang natumba at napahiga sa basang sahig ng CR.
Agad puma-ibabaw si Maxine kay Blue at sinakal niya ito. Mahigpit niyang hinawakan ang leeg ni Blue at ginamitan niya ng kuko para mas lalong masakit.
"Ah! Ano ba ang kasalanan ko sa inyo?!" Nahihirapang saad ni Blue at pilit na kumakawala mula sa pagkakasakal ni Maxine.
"Layuan mo si Zac! Akin lang siya! Akin! Naiintindihan mo?!" Gigil na sambit ni Maxine.
"P-Paano k-kung ayaw ko—ah!" Mas lalong hinigpitan ni Maxine ang pagkakasakal niya kay Blue.
Isang malakas na bagsak ng pinto ang nagpatigil sa pagkakasakal ni Maxine kay Blue. Isang matangkad na lalaki ang dumating, may bughaw itong mga mata at naka suot ito ng mahabang tuxedo na abot hanggang binti.
"Get off your hands of her!" Sigaw ng lalaki. Mahahabang mga hakbang ang ginawa nung lalaki kaya mabilis siyang nakarating sa puwesto ng dalawa.
Malakas na itinulak nung lalaki si Maxine kaya napa-alis si Maxine mula sa pag-iibabaw niya kay Blue. Agad lumuhod ang lalaki sa harap ni Blue at dahan-dahan niya itong inalalayan at binangon niya ito.
"Get out!" Sigaw nung lalaki sabay tutok niya ng baril kay Maxine at Violet. Agad nagtakbuhan ang dalawa dahil sa ginawa nung lalaki.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ng lalaki kay Blue. Agad isinuksok nung lalaki ang baril sa likod niya.
"I"m here, I'm here," pagpapakalma nung lalaki at agad niyakap nung lalaki si Blue at hinagod niya ang likod nito.
Zacxheus POV
Tinawagan ko ang phone ni Blue. Nag-ring na, balak ko kasi siyang yayain mag lunch. Ilang sandali pa lang ay sinagot na ito.
"Blue, lunch tayo?" Bungad ko ka-agad.
"Who's this?" Isang boses ng lalaki ang narinig ko sa kabilang linya.
"Sino po sila? Asan si Blue?" Takang tanong ko sa lalaki.
"She was sleeping, you can call her later," tipid na tugon ng lalaki sa akin.
"Pero, nasaan siya?" Tanong ko ulit.
"It's none of your business, just call her later. Give her some time, just 1 hour, okay? And call her again." Hindi na niya ako hinayaang magsalita pa dahil binaba na niya agad ang cellphone.
"Wh— sino ba yung lalaking 'yun? Bakit hawak niya cellphone ni Blue?" Bigla akong kinabahan kaya dali-dali akong tumayo mula sa swivel chair ko at lumabas na agad ng opisina. Nagtungo ako sa baba at pumunta ako sa Finance Department.
Buti naman at nandoon si Sean.
"Sir Sean, asan si Blue?" Takang tanong ko sa kan'ya.
"Hindi ko rin alam, Zac, kanina ko pa siya hinahanap, tinatawagan ko siya pero pinapatay naman 'yung mga calls ko," sagot din naman ni Sean.
"Tinawagan ko rin siya, sinagot 'yung tawag ko pero ibang tao ang sumagot," nag-aalalang sambit ko.
"What do you mean?" Kunot-noong tanong ni Sean sa akin.
"Lalaki, lalaki ang may hawak sa cellphone niya, may kasama siya ngayong lalaki, sa pagkakarinig ko, parang hindi Pilipino, may accent kasi ang boses," sabi ko kaya mas lalong nangunot ang ulo ni Sean sa sinabi ko.
"At anong sabi nung lalaki?"
"Sabi niya, natutulog daw si Blue. Tatawagan ko raw ulit siya after 1 hour," sagot ko naman. Lalo kaming kinabahan, tinawagan namin 'yung mga kaibigan namin kaya nandito kami ngayon sa opisina ni Sir Sean.
"Hanapin natin si Blue, feeling ko parang nanganganib ang buhay niya, kailangan niya ng tulong mula sa atin," sabi ni Sean at pinakalma kaming nagpa-panic dito.
"Saan naman natin siya hahanapin?" Tanong ni Cedrick.
"Malamang, dito sa building," pilosopong tugon ni Zyraine sabay cross-arm.
"Hoy, bruha, ang laki ng building na 'to tapos anim lang tayong maghahanap sa kan'ya?" Reklamo ni Dakota.
"Sige ka, kung ikaw kaya 'yung nawawala at hindi ka namin hahanapin, ano kaya mangyayari sa 'yo, parang hindi kaibigan!" Inis na sambit ni Antonia kay Dakota.
"Magsitigil na nga kayo, walang silbi 'yang bangayan ninyo, hindi natin mahahanap si Blue kung mag-aaway kayo!" Saway ko sa dalawa.
"Ayan kasi!" Sigaw ni Antonia.
"Tumigil na nga kayo!" Sita ko sa kanila at napatahimik naman si Antonia.
"Sige ganito ang plano natin..." Saad ni Sean. Nagsimula na kaming magplano kung paano namin hahanapin si Blue. Nagtungo agad kami sa CCTV room para matuntun namin si Blue kung saan siya unang nakita.
"Ayon! Ayon siya!" Turo ni Dakota sa isang video kaya napabaling ang tingin naming lahat doon. Ang lugar na nilalakaran ni Blue ay ang corridor papuntang CR.
Maya-maya ay may sumunod, napasingkit ang mata kong tiningnan kung sino yung pumasok.
"Ang bruha!" Gigil na sigaw ni Antonia nang makilala niya na kung sino itong dalawang babaeng pumasok.
"Bakit sila nandyan, e may CR naman doon sa floor niyo, 'di ba, Zac?" Sambit ni Sean.
"Alam ko na ang balak nila, gan'yang mga galawan, alam ko na 'yan," gigil na saad ni Dakota.
Maya-maya ay may lalaking naka coat na mahaba ang pumasok sa CR ng mga babae.
"Hala?! Bakit may lalaki?!" Gulat na gulat na saad ni Zyraine at patuloy lang kami sa panonood.
Ilang sandali ang lumipas at bumukas ang pinto ng CR ng mga babae at nakita ko si Maxine at Violet na nagtatakbuhan paalis sa CR.
Maya-maya ay lumabas ang lalaki at buhat-buhat niya si Blue na parang pangkasal na buhat. Agad akong napatayo dahil sa nakita ko.
"Sino ang lalaking 'yun?" Nagtatakang tanong ni Cedrick habang pinapanood ang dalawa.
Sinundan namin sila ng tingin sa kabilang video hanggang sa pumasok sila sa isang silid. Ilang segundo ang lumipas at lumabas 'yung lalaki.
Hindi namin siya nasundan ng tingin kasi na sa blind spot siya. Mga isang minuto ang dumaan at bumalik 'yung lalaki at may dala siyang isang maliit na bagay. Hindi namin maaninag kung ano 'yun, malabo kasi at medyo malayo ang CCTV.
Mga limang minuto kaming nag-aantay kung ano pa ba ang mangyayari at lumabas silang dalawa sa silid na 'yun, akay-akay nung lalaki si Blue. Nakita ko sa porma nilang dalawa na parang pareha silang dalawa nahihirapan sa sitwasyon nila. Ano kaya ang nangyari kay Blue?
Sinundan pa namin sila ng tingin sa kabilang video hanggang sa hindi na namin sila makita kasi wala ng CCTV ang pintong pinasukan nila.
"Bakit walang CCTV yung silid na pinasukan nila?" Takang tanong ko.
"At saka, paano sila nakapasok sa pinto na 'yun na kahit kailan ay hindi 'yan p'wedeng pasukin?" Takang tanong ni Dakota.
Napatingin naman ako sa kan'ya. "What do you mean?"
"Ganito kasi 'yan, ang room na 'yan, hindi 'yan puwedeng pasukin ng kahit na sino, pati nga si Pres bawal pumasok diyan. Naka-lock ang room na 'yan at wala ni isa sa amin ang may susi n'yan, pero 'yang lalaking 'yan na hindi namin kilala na ngayon lang namin nakita ay nakapasok sa room na 'yan at kasama niya pa si Blue," paliwanag ni Dakota.
"Oh my! Oh my!" Napatili si Zyraine.
"Oh, ano na naman Zyraine?" Tanong ni Antonia.
"May bagong theory kana naman?" Sabat ni Dakota.
"Oo, mayroon," nakangising saad ni Zyraine.
"Ano?!" Sabay na tanong naming lahat sa kan'ya.
"Hindi ba kaya, ang silid na pinasukan nila bago natin sila hindi na makita ay ang daan papunta sa secret lagusan ni Boss M? At hindi ba kaya, ang lalaking kasama ni Blue ay siya si Boss M? Kasi 'di ba sabi ko, baka lalaki si Boss M base sa sinabi mo sa amin kahapon, 'di ba, Dakota?" Paliwanag ni Zyraine. Ngayon, napagtagpi-tagpi na namin ang lahat.
"Baka nga, baka ang CEO 'yung lalaking 'yun," sang-ayon naman ni Dakota.
"Grabe, kung ang CEO man 'yun sana all sa 'yo Blue, parehas na kayo ni Mr. President, sana all!" Tili ni Zyraine.
"Sana all, Blue, sana all!" Sang-ayon naman ni Antonia at silang tatlong babae ay nagpalakpakan naman.
I can't believe it, maybe, maybe, tama ang mga theory o hinala ni Zyraine. Baka ang lalaking 'yun ang CEO, baka ang silid na 'yun ang secret way papunta sa sinasabi nilang lagusan kasi bakit ang taong hindi namin kilala at hindi taga rito ay nakapasok sa silid na 'yun? Tama, siya nga ang CEO. He is the CEO, that man, that man is the CEO of Lyxeeries.
Kinagabihan. Nag-aabang ako sa Finance Department at nagbabakasakaling lalabas na si Blue. Ilang sandali ay lumabas si Antonia.
"Antonia," tawag ko sa kan'ya kaya napahinto siya at lumingon sa akin at saka lumapit.
"Bakit, Pogi? Hinahanap mo si Bughaw?" Tanong niya sa akin.
"Oo, eh," nahihiyang tugon ko.
"Naku, hindi pa bumabalik, 'di ba kanina pa siyang umaga nawawala," saad niya.
"Tinawagan ko siya pero hindi siya sumasagot," nag-aalalang sambit ko.
"Nag-text siya kani-kanina lang. Sabi niya, babalik daw siya rito mamaya, nagpapahinga pa siya," simpleng saad ni Antonia kaya medyo gumaan naman ang nararamdaman ko sa sinabi niya.
"Mauna na ako, Pogi, chat or text ka na lang kapag nandito na siya, uuwi na kasi ako, eh," lagpaalam niya sa akin.
"Sige, ingat, Antonia!" Kumaway ako sa kan'ya at saka siya ay kumaway habang paalis na.
Kalahating oras akong naka-upo doon sa bench na nasa labas ng Finance Department. Tayo, upo, lakad dito, lakad doon lang ang nagagawa ko at tingin din sa cellphone ko, nagbabakasakaling mag text or tatawag si Blue sa akin.
Napasapo na lang ako sa aking mukha habang ang dalawang siko ko ay naka-patong sa mga hita ko.
"Zac?" Isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin kaya napa-angat ang tingin ko. Blue!
Napatayo ako ng wala sa oras at niyapos siya ng yakap. 'Yung yakap na puno ng pagkasabik at puno ng pangungulila.
Hinaplos niya ang likod ko. "Where have you been, Blue? We've been looking for you," nag-aalalang sambit ko at hindi ko pa rin siya binibitawan sa yakap namin.
I miss you, Blue. I miss you, so much!
Nauna na akong kumalas ng yakap at tiningnan siya ng mariin. Kita ko sa mukha niya ang pagod at may kaunting pasa at sugat sa mukha.
"Ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit may pasa ka sa mukha? Bakit may sugat ang labi mo? Ano ba ang nangyayari sa 'yo, Blue?" Sunod-sunod kong tanong. Ngumiti lang siya ng tipid, puno ng pait at sakit ang ngiti niya.
"Ayos lang ako, Zac, don't worry," pagsisinungaling niya. Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos ito. Ang lambot ng kamay niya, subrang lambot.