Chapter 7

2258 Words
"Gusto mo sanang...?" Pag-uulit niya sa sasabihin ko. "Kung puwede, gusto ko sanang gawin kitang Assistant Secretary ko," diretsahang saad ko. Napakurap-kurap naman ang singkit niyang mga mata, "Po?" "You heard it right." "Totoo po? Hala!" Natutuwang saad niya. Agad niya akong niyakap ng mahigpit at nagtatalon-talon siya sa tuwa. Kumalas siya ng yakap at masayang tumingin sa akin. "I can't believe it, sa wakas at na-promote na rin! Yes! Yes!" Masiglang saad niya. "Yun sabi mo, eh, 7 years kana rito sa Lyxeeries tapos hindi pa tumataas rango mo rito. So ito na 'yun, gagawin kitang Assistant Secretary. Subrang loaded na kasi ako sa work lalo na't hindi ko nakakasama ang CEO at hindi rin siya nagpapakita so it's better if may katuwang ako sa trabaho, so ikaw naisip kong maging Assistant ko, okay lang sa 'yo?" Nakangiting saad ko. Nag-thumbs up naman si Blue sa akin. "Okay na okay!" Nakangiting saad niya. "Simula bukas? Game?" Atat na tanong ko. "G na G!" Natutuwang sambit niya. Ewan ko ba pero hindi ko na siya nakikitang tulala ngayong gabi, ang sigla sigla niya, kaya mas lalo siyang gumaganda. Isang oras ang lumipas at ka-chat ko ngayon si Blue. Gulat na lang ako ng bigla siyang nakipag video call. "Hoy, hindi pa ako handa, ang babaeng 'to talaga," nagpa-panic na saad at agad akong nag-ayos sa pagkakahiga ko at saka ko sinagot ang video call niya. Nakahiga rin siya at subrang liwanag ng paligid niya. Habang ako nito tanging lamp stand lang ang nagbibigay liwanag. "Ang dilim mo naman, Zac," pang-aasar na sambit ni Blue. Wala siyang make up, bare face, pero subra pa rin ang ganda niya na parang umaapaw pa rin siya sa ganda. Mapupula pa rin ang kan'yang mga labi kahit na hindi na siya naglilip stick. Bumangon ako at binuksan ang ilaw kaya lumiwanag ang paligid ko. "Matutulog kana, Zac?" Tanong niya sa akin. "Hindi pa po," nakangiting sagot ko. "Bakit ang liwanag naman ng paligid mo, Blue? Parang umaga," dugtong ko pa. "Ah, wala, wala sa ilaw lang 'to, subrang liwanag, tapos puti pa 'yung wall kaya ayon mas lalong maliwanag," paliwanag niya. "Madilim ba riyan kapag papatayin mo ang lahat ng ilaw?" Tanong ko. Umiling siya. "Mas gusto ko ngang nakapatay ang ilaw, Zac, kasi nakikita ko 'yung ganda ng kwarto ko." "Patayin mo kaya 'yung ilaw tapos patingin ng room mo," pabor ko. Umiling siya. "Not now muna, Zac, baka next time," nakangiting saad niya. "Tulog ka na, magiging Assistant Secretary pa kita bukas," nakangiting saad ko. Bigla na lang tumunog ang notification ng Messenger ko. Dakota: "@Zacxheus Trevisani and @Blue Camorra, bakit hindi na kayo nag-seseen sa gc?" Zyraine: "Tumahimik ka nga Dakota, nag-uusap 'yang dalawang 'yan sa pm, hayaan mo na sila." Antonia: "Ayieee, pumapag-ebeg na ang ameng bespren! @Blue Camorra" Blue: "Ang iingay niyo, natutulog na 'yung tao rito tapos kayo todo mention sa akin dito sa gc, notif ng notif 'yung kaingayan niyo." Zyraine: "Natutulog daw, eh, ano 'to?" Agad nag-send si Zyraine ng screenshot kung saan nakikita doon sa screenshot ang profile ko sa messenger at profile ni Blue na ngayon ay may nakalagay na "Zacxheus was on call" at "Blue was on call". Dakota: "Ay wow, kumikiring-king na ang manok natin, oh, ako ninang sa magiging anak niyo, ah! @Blue Camorra and @Zacxheus Trevisani" Cedrick: "Paki-galaw ng baso, Sir @Sean Shikigami" Agad naman nag-seen si Sir Sean sa gc nang mamention siya ni Cedrick. Sean: "Ang iingay niyo, matulog na kayo, alas onse na, oh, may work pa tayo bukas. Kayo @Blue Camorra and @Zacxheus Trevisani, magsitulog na kayo, para namang hindi kayo magkikita bukas na bukas, minor momints." Antonia: "Minor daw, BWAHAHHAHA parang 'di nag-grade 2 HAHAHAHA." Agad ni-angry react ni Sir Sean ang message ni Antonia dahil sa kay Sir Sean na message nag reply si Antonia. Antonia: "Ay hala, Ser, hindi po ikaw 'yung hindi nag grade 2, nakiki-uso lang ako sa mga pinagsasabi ng mga friends ko sa FB." Sean: "Siguraduhin mo lang, Antonia, at baka sa kangkongan ka pupulutin." Antonia: "Hindi po ba puwedeng sa poso mo na lang ako pupulutin, ser? ??" Sean: "Shut up, Antonia, matutulog na ako." Antonia: "Goodnight, Ser, sweet dreams, sana hanggang sa pagtulog mo ay napapanaginipan mo pa rin ang kasal nating dalawa, ser! ?????" Nag-thumbs up naman si Sir Sean. Antonia: "Wahhhhh, like ako ni Ser! Ommo! ????" Hindi na siya sineen ni Sir at ginawa namin siyang last chat sa gc. "Antonia talaga, ang ingay," saad ko at bumalik doon sa call namin ni Blue. "Hayaan mo na 'yan, pinanganak kasi 'yan ng kulang sa buwan kaya kulang-kulang. Tulog na ako, Zac, good night!" Kumaway si Blue sa camera at kinawayan ko na rin siya. Nauna na siyang nagbaba ng tawag at ako naman ay nilagay ang cellphone ko sa dibdib ko at ngumiti. Blue, please, don't make me crazy so much, I'm so crazy in love with you. Agad kong nilagay sa bed side table yung cellphone ko at nagpagulong-gulong sa higaan ko dahil sa kilig. Ewan ko ba, this is the best time of my life, na makilala ko siya. General POV "Ano na naman ba 'to?! Bakit bumababa na ang sales ng Oceans!" Agad napa-hampas sa mesa ang isang lalaki habang naka-harap sa laptop niya. "Nagtaka ka pa?" Sarkastikong saad nung isa pang lalaki na prenteng naka-upo sa sofa. "Lyxeeries..." Naka-kuyom ang mga kamao nung lalaking naka-upo sa harap ng table habang nakaharap sa laptop. "Exactly!" Pagsang-ayon nung lalaking prenteng naka-upo sa sofa. "Sumusubra ka na. Kung makilala ko man ang CEO ng kompanyang ito ay hindi ako magdadalawang isip na ligpitin ang taong ito. Magaling lang talaga siyang magtago, grabe, subrang galing!" Gigil na sabi nung lalaki at malakas na hinampas ang mesa gamit ang mga kamaong naka-kuyom. Zacxheus POV Dinala ko si Blue sa opisina namin. Pagbukas ko ng pinto ay nagtinginan naman ang dalawang bruha sa gawi naman. "At anong agenda ito?" Nakataas na kilay na tanong ni Dakota sa amin. "Dito na siya magtatrabaho," tipid na sagot ko naman sa kan'ya. "Ha?" Naguguluhang saad ni Zyraine. "Magiging Assistant Secretary ko na siya," nakangiting saad ko at tumingin kay Blue. "Really?" Hindi makapaniwalang sambit ni Zyraine. "Tapos, pinayagan ka ba?" Mataray na tanong ni Dakota. "Of course, malakas ako kay Sir Lucas, eh!" Umismid naman ako. "Okay, so magsisimula na ang PDA sa opisina na ito, kaya please, respect sa dalawang single dito na umaasa sa himala na maanakan ni Boss M," walang ganang saad ni Dakota at pinaypayan niya ang sarili niya gamit ang kamay niya. Agad naman napa-ubo si Blue. Agad kong hinagod ang likod niya. "Ayos ka lang?" Tanong ko sa kan'ya. Tumango naman siya sabay hawak sa leeg niya at hinaplos ito, "Ayos lang, medyo nabilaukan lang ako sa sariling laway ko, sorry." Naunang naglakad si Blue at umupo doon sa upuan ko. "Hoy bruha, sho sho, umalis ka r'yan, 'di mo 'yan upuan, kay Zac 'yan," taboy ni Zyraine sa kan'ya. "Sorry naman, hindi ko naman alam, eh!" Pagmamaktol ni Blue at tumayo na lang. "Hoy, ano, ano nga pangalan mo? Ah, Dakota, kumuha ka nga ng isang swivel chair doon sa Conference Room, ilagay mo rito, dali," utos ko kay Dakota. "Ay hala, ang kapal ng pagmumukha ng lalaking ito, inuutusan mo ako? Sa ganda kong 'to? Inuutusan mo ako? Wow!" Mataray na saad ni Dakota at pinapakita niya sa akin 'yung mukha niya. "Sige na, libre naman kita ng lunch mamaya, promise," nakangiting saad ko. "Ayan, ayan gusto ko, nanlilibre, pasalamat ka at pogi ka. Ang ganda ganda ko para utusan mo akong pahilain ng swivel chair sa Conference Room," saad niya sabay irap at padabog na naglakad palabas si Dakota. Tawang-tawa naman si Zyraine dahil sa inasta ni Dakota. "Yung babaeng 'yun talaga," napa-iling iling siya at tumawa. Pina-upo ko muna si Blue sa upuan ko, nakakahiya naman kasing nakatayo na lang siya habang inaantay namin si Dakota na bumalik. Ilang sandali pa lang ay padabog na binuksan ni Dakota ang pinto at ngayon ay hila-hila na niya ang swivel chair na may gulong. Ilang sandali pa ay nakarating na siya sa harap ko at masama siyang nakatingin sa akin. "Ayan, ayan na 'yung swivel chair mo, kainin mo 'yan," asik niya at inirapan ako sabay talikod sa akin. Hinatak ko ang swivel chair at nilagay ko ito sa tabi ng isang maliit na table kung saan doon uupo si Blue. "Dito ang puwesto mo, Blue," turo ko sa table. Agad naman siyang tumayo at umupo roon sa pwesto niya. Magkatabi lang kami pero may distansya. Binuksan na ni Blue ang laptop niya. Nandito lang ako nakamasid sa kan'ya, ang ganda niya kasi kapag naka side view. Ah, basta kahit saang anggulo ay maganda naman talaga siya. "Maawa ka naman, matutunaw na siya," rinig kong saad ni Dakota. Agad naman akong bumalik sa ulirat nang marinig ko ang boses ni Dakota. Napalingon naman ako sa likod ko at nakita ko si Dakota na tutok sa PC niya. "Yung ice ba, yung ice, ilagay na sa ref kasi matutunaw na," pagpatuloy ni Dakota at nakasimangot na nakatingin sa screen ng PC niya. General POV Ilang oras ang lumipas. Kasalukuyang na sa CR si Blue at Dakota. "Tapos ka na, Blue?" Tanong ni Dakota habang naghuhugas ng kamay. "Blue?" Napatingin naman si Dakota sa salamin at nakita niya roon si Maxine na kakalabas lang sa isang cubicle. "Bruha," bulong ni Dakota. Sumunod na lumabas si Violet mula sa isa pang cubicle. "Look who's here, a piece of trash was washing her hands," naka-ismid na bungad ni Violet. Ilang sandali ay lumabas na rin si Blue sa cubicle. "And an another trash was here, too, nasaan ba ang janitor dito at hindi man lang tinapon itong mga basurang pakalat-kalat sa paligid, nakaka-pollute ng environment," mataray na saad ni Maxine at nag-flip hair. Pareha sila ngayong apat na nakatingin sa mga repleksyon nila sa salamin. "At mayroon namang askal dito sa kompanya na tahol ng tahol na dapat sana ay nasa kalye nakatira at nagpapasanay ng bagong mga tuta para dagdag asungot sa mundo," tugon naman ni Dakota. Tahimik na nagmamasid si Blue. "Ikaw? Wala kang tirada?" Mataray na tiningnan ni Maxine si Blue sa repleksyon. "Ballpen," tipid na sagot ni Blue at umirap ng tingin. "What?" Naguguluhang tanong ni Maxine. "Yung ballpen mo, Maxine, nahulog," nakataas na kilay na saad ni Blue at nag-cross arm. Napatingin si Maxine sa baba at nandoon nga 'yung ballpen niya. "Yuck! Ang dumi-dumi na ng ballpen ko, ang mahal mahal pa naman nito! Violet, pulutin mo nga tapos itapon mo sa trashcan kung saan nakatira ang mga basura rito," utos ni Maxine kay Violet. Pupulutin na sana ni Violet ang ballpen nang magsalita si Dakota, "Magpapa-alila ka rin ba sa isang mababang klaseng aso, Violet?" Napatigil si Violet sa balak niyang gawin at napatingin kay Dakota gamit ang repleksyon sa salamin. "Saan ka ba susunod, Violet? Sa basura o ako na amo mo?" Pagtataray ni Maxine. "Syempre, sa 'yo ako susunod, Ma'am!" Nakangiting saad ni Violet at saka ay yumukod at pinulot ang ballpen sa sahig. Agad niya itong itinapon sa malapit na trashcan sa puwesto nila. "Ikaw Blue, ano ba ang ginagawa mo rito sa floor namin? Di ba taga Finance Department ka?" Mataray na tanong ni Maxine at puno ng pagkasuklam ang mukhang pinupukol niya kay Blue. "Hindi na siya roon nagta-trabaho. Katrabaho na niya ang lalaking nagugustuhan mo, Ma'am, kaya..." saad ni Dakota at umikot paharap kela Maxine, Blue, at Violet. "...'pag inggit, pikit!" Pang-aasar ni Dakota at sarkastiko niyang tinawanan ang gulat na gulat na pagmumukha ni Maxine. Agad kinuha ni Dakota ang kamay ni Blue at hinatak ito, "Hali kana, Blue. Umalis na tayo at baka makagat pa tayo ng mga askal dito, mahal pa naman pa-inject ng anti-rabies." Nang maka-alis na ang dalawa ay napasigaw si Maxine. "I told her not to get near with Zacxheus! But still! She really wants a war! Ah!" Pagdadabog ni Maxine. Ilang oras ang nakalipas. Kasalukuyang na sa lunch break ang lahat. Nagkasalubong naman ang dalawa, si Maxine at si Blue. "Look who's here, a piece of trash was carrying a tray," pagtataray ni Maxine. "E 'di sana pina-billboard mo 'yang pinagsasabi mo!" Sumbat pabalik ni Blue at nilagpasan niya si Maxine. "Hey! Hey!" Pagsisigaw ni Maxine pero hindi na siya pinakinggan ni Blue at patuloy lang sa paglalakad si Blue papunta sa table kung saan nandoon si Antonia nag-aantay sa kan'ya. Kinabukasan. Tahimik na naglalakad lang si Blue papasok sa building pero iba ang tingin ng mga ibang empleyado sa kaniya. Takang-taka si Blue dahil sa atmosphere na nararamdaman niya. "Bes! Bes!" Boses ni Antonia ang sumalubong kay Blue. "Oh, ano? Anong chika?" Tanong ni Blue nang makarating na sa harap niya si Antonia. "Bes, pina-billboard ka ni Ms. Fontana," hingal na hingal na sambit ni Antonia. Agad hinatak ni Antonia si Blue hanggang sa makarating na sila sa harap ng isang malaking LED TV na nasa first floor. Nakita nila doon si Blue na nilagyan ng kung ano-anong filter at pinaglalagay ito sa picture ni Blue. May dala-dala siyang tray at ang picture na ito ay 'yung nangyari kahapon. May nakasulat doon sa gilid ng picture na "A piece of trash was carrying a tray!" Paulit-ulit itong binabanggit at binibigkas sa speaker kasabay ng mga edited pictures ni Blue habang hawak-hawak niya ang tray. May mga nagvi-video at nagpi-picture doon sa LED TV. Ang iba ay nagtatawanan at ang iba ay nagbubulung-bulungan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD