Ilang minuto ang lumipas at hindi pa bumabalik si Blue. Nasaan na kaya iyun?
"Aalis na muna ako, guys, kakausapin ko na muna ang ibang mga bisita," pagdadahilan ko para makalayo sa kanila at mahanap si Blue.
"Sige lang, pogi, support ka namin," saad ni Antonia at kumaway sa akin. Umalis na ako at sinubukang hanapin si Blue. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero hindi ko siya mahanap.
"Hey! Where are you going?" Si Maxine ang bumungad sa akin.
"Samahan na kita kung may hinahanap ka?" Offer niya.
"No need, hindi ka puwedeng sumama sa CR ng mga lalaki," walang emosyong sagot ko sa kan'ya at nilagpasan siya.
"Hey!" Tawag niya sa akin pero hindi ko na iyun pinansin at patuloy sa paghahanap. Tumuloy ako sa CR at doon, naabutan ko si Blue. Naghuhugas siya ng kamay. Napadaan kasi ako sa CR ng mga babae nagbabakasakaling nandito siya, at tama nga ako.
Hinintay ko siyang lumabas para makapag-usap kami. Ilang sandali ay lumabas na siya sa CR at agad kong hinawakan ang kamay niya na siyang ikinagulat niya.
"Hey!" Bati niya sa akin.
"Sorry kung nagulat kita," nakangiting saad ko.
"What are you doing here? You supposed to be inside for your visitors," takang tanong niya.
"Yeah, sorry to say this, pero hinahanap kita, eh, ang tagal mo kasing bumalik sa table," nahihiyang sagot ko at yumuko.
"Talaga ba? You are looking for me?" Nakangiting sabi niya. Nakita ko kung paano siya mamula.
"You look, beautiful," diretsahang saad ko. Simple lang siya manamit pero maganda na siya. Naka plain white dress lang siya tapos kaunting lipstick at make up ay subrang ganda na niya tapos yung buhok niya ay naka-tali lang ito ng pabagsak sa likod, simple girl indeed.
Lalo siyang namula sa sinabi ko.
"Bola," mahinang saad niya na rinig ko naman.
"Let's go outside? Have some little chitchat?" Anyaya ko.
"Sure!" Masayang tugon niya.
Nakarating na kami sa garden na kung sana ay wala masyadong tao. Nandito kami sa isang maliit na table at may dalawang upuan naman na magkaharap kaya magkaharap kaming naka-upo ngayon habang naka patong ang mga siko namin sa maliit na mesa.
"Ang ganda ng gabi," putol ko sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa.
"Yes, indeed," tugon naman niya. Napatingin ako sa kan'ya na ngayon ay nakayahat ang ulo sa langit. Sa pagyahat niya ay mas lalong nahuhulma yung katangusan ng ilong niya. May lahi siya.
"Anong lahi ang mayroon ka, Blue?" Tanong ko sa kan'ya, kaya napa-balik ang tingin niya sa akin.
"Italian," diretsahang sagot niya.
"Half Italian ka?" Gulat na tanong ko.
"Yep!" Masayang saad niya.
"Ikaw? Amerikano ka ba?" Tanong pabalik sa akin ni Blue.
"Blue kasi ang mga mata mo, eh," dugtong niya pa.
"Nope, hindi ako American, we are same, whole blood Italian ako," nakangiting sagot ko.
"Oh my?! Talaga?! Isa ka ring Italian?" Gulat na gulat na sabi ni Blue sa akin.
"Wow! What a coincidence!" Manghang saad niya.
"Saan ka sa Italy?" Tanong ko sa kan'ya.
"Venice, Italy, ikaw?" Sagot niya.
"Rome, Italy ako, Blue," sagot ko naman pabalik.
"Anong dugo ang mayroon ka, Blue?" Tanong ko.
"Half Italian, one-fourth Filipino and one-fourth Chinese," sagot niya at tipid na ngumiti.
"Daming lahi, ah, kaya pala gan'yan ang mix ng mukha mo, singkit ang mga mata, brown eyes, may pagka pinoy ang mukha pero may western side din. Beautiful creation, indeed!" I praised.
"Bola na naman, Zac?" Natatawang saad niya.
"No, totoo 'to, Blue, hindi ako marunong mambola, ano ba," natatawang saad ko.
Marami kaming pinag-usapan ni Blue. Siya palagi ang nagtatanong sa akin kaya mas madami akong naichika sa kan'ya habang siya, ang alam ko lang ay naka-tira siya sa Italy dati at ngayon ay nasa Pilipinas siya kasama ang kapatid niya, 25 years old din siya katulad ko, 7 years na rin siya sa Lyxeeries at road to 8 years na rin at hanggang simpleng empleyado pa lang talaga siya, hindi man lang siya napo-promote. At 'yun lang, hindi niya ako hinahayaang magtanong tungkol sa buhay niya kaya siya itong todo tanong sa akin, para bang pinipigilan niya ako, may tinatago kaya siya? Or sadyang hindi lang siya nagsasalita tungkol sa background niya?
Natapos ang gabi na masaya ako kasi nakaka-usap ko si Blue. Nandito ako ngayon sa apartment ko habang nakatingin sa pictures naming dalawa ni Blue sa cellphone ko.
Ang ganda niya rito, subra. Bagay na bagay kaming dalawa. Nagulat na lang ako nang may chat head na lumabas mula sa messenger.
Pinindot ko ang chat head na iyon at group chat pala ito. Ang nandito ay si Antonia, Blue, Sean, Dakota, Cedrick, at Zyraine.
Zyraine Helveno added you to the group.
Antonia:
"Henlo! Welcome sa buhay ko, Zacxxxzxx!"
Zyraine:
"Tumahimik ka nga, bruha, ang ingay mo! Umaabot sa bahay ko ang boses mo!"
Sean:
"Tahimik daw, Antonia!?"
Cedrick:
"Magsitulog na kayo mga aswang! Gabing-gabi ang iingay niyo!"
Dakota:
"Anoe itong na caught on cam ko mga mare???"
Agad nagsend si Dakota ng picture sa gc at gulat na gulat akong ako at si Blue iyun doon sa picture. Kanina ito, 'yung nasa labas kami ng venue.
Antonia:
"What behavior is this @Blue Camorra and @Zacxheus Trevisani?"
Todo seen lang si Blue kanina pa at hindi siya lumalapag sa group chat.
Zyraine:
"Kayo ha, may hidden agenda kayo, selos na si @Sean Shikigami niyan."
Zacxheus:
"Abay malay ko? Bakit niyo ako tinatanong?"
Blue:
"Delete it, or else..."
Dakota:
"Yoko!"
Blue:
"One... "
Antonia:
"Little, two little three little indian."
Blue:
"Isa ka pa Antonia!"
Blue Camorra left the group.
Sean:
"Hoy, umalis na tuloy siya, i-delete niyo kasi 'yan!"
Dakota:
[Unsent a message.]
Sean:
"Good, @Zyraine Helveno, paki-add ulit si Blue, ang titigas niyo kasi!"
Zyraine:
"Yes po, Master!?"
Zyraine Helveno added Blue Camorra to the group.
Antonia:
"Weklam back, Bughaw!"
Blue:
"Ano na naman ba 'to? Umalis na nga 'yung tao pilit niyo pang binabalik, magsitulog na kayo, mga manananggal!"
Sean:
"Ma'am, yes, ma'am!"
Natahimik na rin sa wakas ang gc, ang iingay nila. Puro kabulastugan lang ang alam, ewan ko ba. Natulog na rin ako at nag-good night na kay Blue sa picture. Hehe.
Excited na akong makita palagi si Blue sa work at makatrabaho ko na siya bukas! Hindi na ako makapag-antay!
Kinabukasan. Maaga akong gumising at excited na dumating sa HQ. Pagpasok ko ay si Blue agad ang sumalubong sa akin.
"Sir!" Bati ni Blue sa akin.
Simple lang ang damit niya, naka white blouse lang siya at fitted na saya lang tapos naka-hairpin lang ang buhok niya at nakabagsak ito. Cute niyang tignan. Matangkad siyang babae, siya nga ang pinakamatangkad na babae sa mga babae rito sa company, na sa mga 6 feet siya.
"Hey!" Bati ko pabalik sa kan'ya.
"Sabi ni Sir Sean, ako raw ang susundo sa 'yo rito, so tara na po?" Nakangiting saad niya.
Tumango naman ako. Na-una siyang lumakad at sumunod naman ako. Ngayon ko lang napansin kung paano siya lumakad, ang sopistikada niyang maglakad, para siyang prinsesa kung maglakad, subrang dahan-dahan at parang nasa rhyme, nakakapagtataka lang talaga. Para siyang tao na nasa pinakamataas na posisyon kung maglakad siya, maybe, gan'yan lang siya maglakad, never mind.
Nakarating na kami sa elevator at pinindot niya ang ikalawa sa pinaka huling floor sa building.
"Diyan ba sa ika-49th floor ang magiging opisina ko?" Takang tanong ko sa kan'ya.
"Yes po," saad niya sabay tango.
"Eh 'yung opisina ng CEO, President, at VP?" Takang tanong ko sa kan'ya.
"Nasa ika-50th floor. Yung 49th floor, d'yan ang opisina ng mga secretaries, at ang Board of Directors," tugon niya.
"So you mean, 3 offices lang ang nasa 50th floor?"
Tumango naman siya bilang sagot.
"O... kay... " Awkward ulit.
"Kilala mo ba ang CEO?" Basag ko sa ilang segundong katahimikang bumabalot sa aming dalawa.
"No, hindi ko rin siya kilala, magwa-walong taon na akong nagta-trabaho pero kahit anino man niya ay hindi ko pa nakikita. Hindi nga namin alam kung babae ba o lalaki 'yung CEO, basta tinatawag lang namin siyang Boss M," tugon niya.
"Boss M? Bakit Boss M?" Takang tanong ko.
"Boss M, Boss Mysterious," simpleng sagot niya.
"Ah... Okay... "Awkward ulit. Nakarating na kami sa ika-49th floor ng building at lumabas na kami sa elevator. Nauna ulit siyang maglakad at tinour niya ako sa loob.
"This group, nandito ang mga secretaries ng mga Board of Directors, nandito si Ma'am Violet, ang secretary ni Ma'am Maxine," saad ni Blue.
Nilibot ko ang tingin sa paligid at puro busy ang lahat. Naka-hati sila sa mga divider, at may nag-iisang mesa doon sa gilid, siya si Violet, 'yung Secretary ni Maxine, hindi ko siya nakakalimutan.
Sinarado na ni Blue ang pinto ng room na iyun at saka pumunta kami sa kabilang room.
"Ito ang Conference Room ng Board of Directors. Dito nagmemeeting ang mga Directors kung may kailangan. Come with me," patuloy niya pa at sumunod naman ako sa kanya.
"This corridor, ang mga room na ito, dito ang mga opisina ng Board of Directors, at sa dulong iyon ay doon ang opisina ni Ma'am Maxine, ang Head ng mga Directors dito," turo niya sa pinaka-dulong pinto na nakaharap sa amin mga ilang metros ang layo mula sa kinatatayuan namin.
"Come with me," sumunod ulit ako.
"Lastly, this office, nandito ang opisina ng Secretary of the CEO, Secretary of the President, and Secretary of the Vice President."
Binuksan na ni Blue ang pinto at bumungad sa akin si Zyraine at Dakota na ngayon ay nagtatawanan. Ang dalawang baliw.
"Uy hala, may nagd-date!" Tili ni Dakota.
"Shut up, Laúve!" Sigaw ni Blue at sinarado ang pinto.
"Bad timing," saad niya at bumuntong-hininga.
"Continue. Ms. Dakota Laúve is the Secretary of the President and Zyraine Helveno is VP's Secretary. Hindi mo lang sila na meet and greet kagabi with their boss kasi nasa table silang dalawa at nakipag chikahan sa amin kaya si Sir Sean na ang lumapit sa iyo para maka-usap ka namin," paliwanag ni Blue.
"Oh, how 'bout you? Saan ka?" Takang tanong ko.
"Mahahanap mo lang ako sa ika-48th floor, Department Head namin si Sir Sean, just find the Finance Department at nandoon ako kasama si Antonia," nakangiting sagot niya.
"Okay, kitakits later?" Saad ko.
"It depends. Mauna na po ako," ngumiti siya ng kaunti. Nag-bow siya sa harap ko at saka tumayo ng tuwid at tumalikod sa akin.
Napabuntong-hininga na lang ako at mahigpit na hinawakan ang strap ng back pack ko. Hoo, okay, you can do it, Zac! Fight fight! This will be your first time.
Binuksan ko na ang pinto at bumungad sa akin si Zyraine at Dakota na ngayon ay nakatayo sa harap ng pinto.
"What are you guys doing here?" Takang tanong ko sa kanila.
"Ah kasi, kuya pogi..." Napahaplos na lang si Dakota sa batok niya.
"Nakikinig ba kayo sa pinag-uusapan namin ni Blue?" Natatawang tanong ko sa kanila.
"Hindi," Dakota
"Oo," Zyraine
"Ano ba talaga?" Naguguluhang tanong ko sa dalawa dahil sabay silang sumagot.
"Oo," Dakota
"Hindi," Zyraine
"Ewan ko sa inyo, tumabi kayo sa daan kung ayaw niyong bungguin ko kayo," sambit ko at agad na gumilid ang dalawa sa magkabilang side kaya dumaan ako sa harap nilang dalawa.
"Saan dito ang table ko?" Takang tanong ko at napatingin sa dalawa. Nagtutulakan ang dalawa kung sino ang lalapit.
"Mga baliw, lalapit kayo o lalapit kayo?" Ma-awtoridad kong sumbat sa dalawa.
"L-Lalapit na po," sabay nilang saad.
"Ikaw mauna," tulak ni Dakota kay Zyraine.
"Hindi, ikaw mauna," tulak pabalik ni Zyraine kay Dakota.
"One!" Ma-awtoridad kong saad sa kanila.
"Little two, little three, little indian," dugtong na kanta ni Dakota.
"Tumahimik ka nga," mahinang saway ni Zyraine sa kan'ya.
"Yung isang table po, Sir Zac, iyan yung table niyo," nakangiting sagot ni Zyraine sa akin.
"Okay, simpleng sagot lang hinahanap ko, dami pang pinagsasabi," supladong sagot ko at nilagay na sa ilalim ng mesa ang back pack ko.
"Si Dakota kasi, Sir, eh," paninisi ni Zyraine kay Dakota.
"Just stop blaming, Ms. Helveno," malamig kong saad sa kan'ya habang siniset-up ang laptop.
"Ayan tuloy..." Pang-aasar ni Dakota.
"Shut up, Laúve. You two, stop," malamig na sita ko sa dalawa habang hindi ko sila binabatuhan ng tingin.
"Yes po," sabay nilang saad at natahimik na rin. Sa wakas at matatahimik na ang trabaho ko. Ang iingay ng dalawa.
Nagsimula na ako sa trabaho ko. Seryoso ako rito kaya huwag niyo akong guluhin. Dalawang oras ang lumipas at napa-inat ako sa katawan.
"Guys!" Napahinto ako sa pag-inat at napa-ikot sa swivel chair ko paharap sa pintuan. Nandoon si Dakota at gulat na gulat ang pagmumukha.
"Ano, anong chismis?" Atat na sabi ni Zyraine.
"Ang CEO..." Hinihingal na saad niya.
"Nasa opisina siya," dugtong niya pa.