"Akala ko kung anong bago, naku naman, Dakota, sanay na tayo niyan," pa-iling iling na sabi ni Zyraine at nagpatuloy sa pag-paganda.
"Hindi, may bago nga!" Sabi ni Dakota.
"Sige, ano'ng bago?" Walang ganang sabi ni Zyraine at patuloy lang sa paglagay ng foundation sa mukha.
"Nag-uusap sila ngayon ni President," sabi ni Dakota. Gulat na gulat na napatingin si Zyraine kay Dakota at napatigil siya sa ginagawa niya. Pati rin ako, nagulat.
"Face to face, harap-harapan," dugtong pa ni Dakota.
"Seriously? As in? Si Mr. President Lucas Camero? Ang boss mo? Ang Presidente ng Lyxeeries? Nakikipag-usap sa CEO? Face to face? As in?" Hindi makapaniwalang saad ni Zyraine.
"Oo nga! Di ba pinapunta ako ni Sir sa office niya, 'di ba? Tapos naabutan ko siya roon sa opisina niya palabas na ng pinto tapos sabi niya, 'May pina-iwan akong papeles doon, dalhin mo sa table mo at paki-duplicate ng mga iyun,' tapos tinanong ko siya, 'Saan ka pupunta, Sir?' tapos sagot niya, 'Sa opisina ng CEO, nandoon siya ngayon at gustong makipag-usap sa akin,'" paliwanag niya. Nakakagulat, nakakagimbal!
"Wow! For the first time after 9 years. Nakipag-usap na rin ang CEO, wow! Wow! May progress, nagpakita na ang CEO kay Sir Lucas!" Manghang saad ni Zyraine.
"Sana all, sana all na lang talaga sa iyo, Sir! At naka-usap mo na ng harap-harapan si Boss M! Bravo! Suwerte mo!" Napalakpak na lang si Zyraine at pumalakpak ng dahan-dahan si Dakota.
"Sana all, Pres. Lucas Camero! Sana all!" Palakpak ni Dakota.
Ilang minuto ang lumipas at bumalik si Dakota roon sa taas. May sadya lang siya roon sa mga papeles na dala-dala niya. Maya-maya ay hingal na hingal siyang bumalik sa opisina.
"Oh, ano na naman Dakota? Para kang hinabol ng sampung pitbull, hingal na hingal ka, ah," saad ni Zyraine habang naka-cross arm at inikot ang swivel chair niya paharap sa pintuan.
"Nakita ko ang CEO," puno ng takot ang mukha niya.
"Ano? Papaanong?" Takang sabi ni Zyraine.
"Ganito kasi 'yun, pagdating ko sa taas ay nakita ko si Sir na palabas sa opisina ng CEO at habang pasarado na 'yung pinto may nakita ako roon sa loob, isang taong naka-itim, parang rain coat yung suot pero hindi 'yun rain coat, basta 'yung parang kagaya sa suot ni Kamatayan, basta ganun, tapos naka talikod siya. Sa tyansa ko matangkad ang taong iyun, mas matangkad kaysa kay Sir Lucas," paliwanag ni Dakota.
"So, base on your sinasabi, I have my new theory!" Saad ni Zyraine at parang may nahanap siyang bagong idea, nakita ko tuloy 'yung imaginary na bumbilyang umilaw sa gilid ng ulo niya.
"Ano naman 'yun, Zyraine?" Tanong ko sa kan'ya.
"Lalaki ang boss mo, Zac!" Natutuwang saad niya.
"Grabe, mga lalaki pala itong mga boss natin, si VP, si Pres, pati pala si CEO! Grabe!" Siglang saad ni Zyraine.
"Daming boylet dito!" Patuloy niya pa.
"Hahay, pinagpala ka nga naman Zyraine, nililibutan ka ng mga boylet, naks! Haba ng hair!" Mahanging dugtong ni Zyraine at nag-lipstick na.
"Baliw!" Sigaw ni Dakota. Naglakad papalapit si Dakota sa akin.
"Oh ito, pogi, pinapabigay ng CEO sa 'yo," binigay niya sa akin 'yung mga papeles.
"Papaanong?" Takang tanong ko.
"Okay, sige, ganito 'yun pogi, paglabas ni Sir sa opisina ng CEO, ini-abot niya ito sa akin at bilin niya sa akin na ipabigay ko 'to sa 'yo kasi yun ang utos ng CEO sa kan'ya. Kuha mo na?" Paliwanag niya at tumango naman ako.
"May isa pa pala akong chika, mas nakakagulat pato kaysa sa chika ko kanina," sabi ni Dakota at patuloy siyang naglakad papunta sa table niya.
"Oh, ano na naman 'yan, Marites?" Atat na tanong ni Zyraine.
"Sabi ni Pres sa akin kanina, hindi raw unang beses nilang pag-uusap ng CEO 'yun, palagi na raw silang nagkikita at nag-uusap, palagi sa tawag, minsan sa bahay ng CEO or 'di kaya ay dito sa trabaho, minsan nga lang dito sa work," chika ni Dakota sa amin.
"Ano?!" Sabay naming saad ni Zyraine.
"You mean, matagal na pala silang magkakilala?! Tapos ngayon mo lang nalaman na nag-uusap sila? At akala natin lahat ay unang beses pa lang na nakikipag-usap ang CEO kay Mr. Pres kanina? Unbelievable, sana all ulit Mr. Pres! Sana all ulit!" Manghang sabi ni Zyraine.
"At... Nakapunta na pala si Pres sa bahay ng CEO? Wow! Sana all ulit! Sana all ulit! Palakpakan Mr. President! Palakpakan!" Pumalakpak naman si Zyraine.
"Oo, kaso sa condo pa lang ni Boss M, hindi pa sa bahay talaga na 'yung bahay mismo," napakamot naman si Dakota sa batok niya.
"Kahit na, sana all pa rin! Sana all!" Pumalakpak ulit si Zyraine.
Kinagabihan. Lumabas ako ng opisina at plano kong pumunta sa Finance Department para puntahan si Blue. Naglakad ako sa hallway nang may mapansin akong lumabas doon sa opisina ng Head of Directors.
"Hey!" Boses ni Maxine ang narinig ko. Nagmamadali akong maglakad para hindi niya ako maabutan.
"Hey, sandali, sandali," jinawakan niya ang kamay ko.
"What?" Lumingon ako sa kan'ya.
"Dinner tayo?" Anyaya niya sa akin.
"No, I mean, may appointment ako this evening so, maybe next time?" Pilit akong ngumiti.
"Okay, I can't resist you with that," binitawan niya na ako.
"Mauna na ako, Ma'am," nginitian ko siya ng peke at tumalikod na sa kan'ya.
Narinig ko ang iritadong pagbuntong hininga niya. Pero hindi ko na 'yun pinansin at nag-iisip na ako ng plano kung paano ko i-treat ng dinner si Blue.
Nakarating na ako sa Finance Department at nakita ko si Sir Sean at Blue na magka-usap. Naglakad ako papalapit sa kanila.
"Hey, Zac!" Bati ni Sir Sean sa akin.
"Sir!" Bati ko pabalik at nag-fist bump kami.
"Kamusta araw mo being the CEO's Secretary? Nabalitaan namin dito na dumating daw ang CEO at nagka-usap sila ni Sir Lucas, nakaka-sana all na lang talaga," saad ni Sir Sean.
"Ayos lang naman, medyo challenging. Dumating din pala rito 'yung chismis, si Dakota talaga kahit ano-ano na pinagsasabi pero totoo naman lahat ng 'yun," sagot ko kay Sir Sean.
"Oh, okay... Gotta go, I have some work to do, maiwan ko na muna kayo ni Blue rito," paalam sa amin ni Sir Sean.
"Are you free later?" Nakangiting tanong ko. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko nang makita ko ang mata at mukha ni Blue sa subrang aliwalas at subrang ganda na mas lalong gumanda pa dahil nakangiti pa siya ngayon. Gosh!
Napakagat labi na lang siya at tumango, "Yeps, I'm free, very free."
"Dinner? Us?" Anyaya ko.
"Sure! Why not? Tayo lang bang dalawa?" Ngiting-ngiting tanong ni Blue. Tama na ang ngiti Blue, I can't stop my lips to curve.
Tumango ako, "Yes, two of us, only."
Isang oras ang lumipas at nandito na ako sa labas ng Department nila ni Blue. Nag-aantay sa kan'ya.
"Hey!" Isang pamilyar na boses ang parang kumakanta sa tainga ko. Napalingon ako dito at si Blue nga 'yun!
"Hey!" Bati ko sa kan'ya.
"Let's go?" Dugtong ko pa.
Sabay kaming naglakad papunta sa hallway at hanggang sa makarating kami sa elevator. Pinindot niya ang pinaka ground floor kung saan nandoon ang parking area.
Normal pa ba itong kilig na nararamdaman ko habang kaming dalawa lang ang nandito sa elevator? Nakakuyom ang mga kamao ko dahil pinipigilan ko ang sarili kong kiligin ng husto. Mas lalong nagtatalon ang puso ko nang humawak siya sa tela ng long sleeve ko doon sa braso ko.
"Saan po tayo kakain?" Takang tanong niya. Nilingon ko siya na ngayon ay puno ng tuwa ang singkit niyang mga mata.
"Kahit saan, kahit saan mo gusto, Blue," nakangiting tugon ko.
Ilang segundo ang titigan namin hanggang sa dahan-dahan akong lumalapit sa kan'ya at siya naman ay umatras ng umatras. Hanggang sa wala na siyang maatrasan pa, corner na siya dahil sa wall na ng elevator siya naka-sandal habang ang braso ko ay nakaharang sa kabilang gilid niya.
Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya at dahan-dahan naman siyang pumikit na nag-aantay kung kailan dadampi ang labi namin sa isa't isa. Mga tatlong centimetros na lang ang layo ng labi namin at parang iisang hangin na lang ang pinagsasaluhan namin dahil sa lapit na namin sa isa't-isa, na parang palipat-lipat na lang sa mga ilong namin ang hanging ibinubuga namin.
Mas lalong inilapit ko pa ang mukha ko at isang centimetros na lang ang layo ng mga labi namin. Kaunti na lang at... Panira, tumunog na ang elevator, hudyat na papabukas na ang pinto. Agad kong nilayo ang sarili ko mula sa pagkadikit ng mga katawan namin.
"Sorry," sabi ko.
"It's okay, hindi naman natuloy 'yun," walang ganang sagot niya sabay ngumiti ng tipid at naunang umalis. Dumating na kami roon sa kotse ko. Oo, may kotse ako, galing 'to sa company. Kailangan ko 'to para sa trabaho.
Pinagbuksan ko na siya ng pinto sa passenger seat at ako naman ay lumibot papunta sa driver's seat at pumasok na roon. Binuhay ko na ang makina at tuluyan na kaming umalis.
Dumating kami sa isang hindi gaano ka mahal na restaurant. Nauna akong lumabas at pinagbuksan ko siya ng pinto.
Sabay kaming pumasok sa restaurant at naghanap agad ako ng vacant seat, buti na lang at mayroon pa. Inusugan ko siya ng upuan at saka ay umupo ako sa harap niya.
Lumapit sa amin ang isang Waiter. Binigay niya sa amin ang Menu at pumili na kami roon.
"Dalawang roll ng Shanghai, pancit, at isang lobster nga po," sabi ko.
"Isang cup ng soup na sinigang at kaunting rice lang po, 'yun lang," order niya. Napa-kurap ako sa order ni Blue. Yun na yun? As in?
Maya-maya ay dumating na agad ang order namin. Nagpadagdag na rin ako ng wine at tubig.
"Blue, lalaki daw ang boss ko, sabi nila," sumbong ko sa kan'ya sabay subo sa pagkain ko.
"I see, 'yun nga rin 'yung sabi ni Dakota sa akin kanina, naniwala ka naman?" Saad niya.
"Yes, base sa pinagsasabi niya kanina, wala namang mali doon, 'di ba?"
"Well, right," natahimik ulit kaming dalawa. I just broke the silent once again and just made a joke para magtawanan kaming dalawa. Effective naman dahil tumawa naman si Blue.
Isang oras ang lumipas at kasalukuyan kami ngayong nasa park, naglalakad-lakad lang. Tanging lamig ng hangin mula sa mga puno ang humahampas sa balat namin. Umupo kami sa malapit na bench.
"7 years of working and serving Lyxeeries, hindi ka ba napagod?" Tanong ko sa kan'ya.
Umiling siya, "No, it was fun as I expected, I love my work, very much," matalinghagang pahayag niya. May kung anong pinapahiwatig ang katagang iyun sa akin.
"You know what, ang hindi ko lang talaga maintindihan, hiring a Secretary for the CEO is such a complicated," napabuntong-hininga ako sa sinabi ko.
"What do you mean?" Napalingon siya sa akin na puno ng pagtataka ang mukha.
"Look, 1 week ago, tinanggal ako sa work ko roon sa Gym as an Instructor so I decided to find a job immediately. Nakita ko namang nag-hiring ang Lyxeeries ng Secretary of the CEO sa website nila so nag-fill up ako ng form at nagbabakasakaling ma-interview. Sa nakita ko sa screen ako 'yung ika-100,000 plus na taong nag-fill up ng form sa buong mundo para sa position na iyun, subrang dami pa ng nauna sa akin at may mga sumunod pa. Pero Blue, sa daan-daang libong nag-fill up ng form ako yung pinili, ako 'yung suwerteng napili at maging Secretary ng Top 1 most Richest Billionaire and Unknown CEO of the world. Tapos ito pa, umaga ako nag-fill up at pag-check ko sa email ko kinagabihan, may email na agad akong na-receive mula sa Lyxeeries at sabi roon na in-offer nila sa akin yung trabaho at hired na ako agad-agad at mag-aantay lang sila sa akin bukas ng umaga alas 8 para sa training ko, training na agad wala ng interview pa. Like, it was a goosebumps! Hindi ako maka-paniwala, hindi ko alam paano nangyari 'yun. 'Yan talaga 'yung oras-oras na bumabagabag sa isip ko at palaging tanong ko na kahit sino ay wala pang nakakasagot," mahabang litanya ko.
"Well, base sa pinagsasabi mo, mayroong isang tao ang makakasagot sa tanong mo," sagot naman ni Blue kaya napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"What do you mean? At sino naman siya?"
"Si Boss M, malamang, siya boss mo kaya doon ka magtanong sa kan'ya, alam kong masasagot niya 'yang bumabagabag sa isip mo. Kasi sa totoo lang, pati ako, hindi ko rin 'yan alam," natatawang saad niya at tinapik ang balikat ko.
"Paano ko nga siya makakausap, eh hindi ko nga siya nahuhuli sa opisina niya at hindi ako makapasok doon kapag nandoon siya, tanging si President lang ang nakaka-usap ni Boss M?" Pagmamaktol ko.
"E 'di, kay President ka manghingi ng favor at ipatanong niya 'yan sa Boss mo at si President na sasagot niyan kapag nasagot na ni Boss M 'yang tanong mo, parang messenger si President kung baga," sagot naman niya.
"Nakakahiya kaya," napakamot ako sa batok ko.
"Bahala ka nga riyan, tinulungan na nga kita tapos ayaw mo pa, tara na nga, umuwi na tayo," saad niya at tumayo sabay hatak sa akin kaya nagpatianod na lang ako sa mga hatak niya.
Nakarating na kami sa kotse at pinapasok ko na siya roon. Umikot naman ako papunta sa driver's seat. Pagpasok ko sa kotse ay nakita ko si Blue na nakasandal ang ulo sa bintana, parang malalim ang iniisip.