Chapter 2

2259 Words
May babaeng sopistikada ang lumapit sa akin. Nakangiti siya. "Good morning, Sir, you are Mr. Trevisani, right?" Tanong niya. "Yes, Ma'am," ngiting tugon ko. "Come with me, Sir, Mrs. Buenavista, your trainer, was waiting for you at the Human Resource Department," sabi niya at naunang lumakad kaya sumunod na ako sa kan'ya. After ilang minuto na nilakad namin, nakarating na kami sa HR, nasa ika-10th Floor pa ito. "Iyan po ang opisina ni Mrs. Buenavista, Mr. Trevisani, you are free to enter now," sabi nung babaeng kasama ko at itinuro ang pinto ng isang opisina. Kumatok muna ako at saka pumasok nang marinig ko na na pinapasok na ako sa loob. Bumungad sa akin ang isang maaliwalas at tahimik na opisina. May babaeng naka-upo sa harap ng table habang busy sa laptop niya at sa harap nito ay may parang plaka na clear glass at may nakasulat. Claire Buenavista - Human Resource Department Head "Good Morning, Ma'am," bati ko kay Ma'am Claire. Ngumiti siya at saka tumayo at naglakad papalapit sa akin. "Finally, nakarating kana, Mr. Trevisani, we are glad you came!" Masayang bati niya pabalik sa akin at nag-shake hands kami sa isa't isa. "I'm Claire Buenavista, HR Department Head, I'm pleased to meet you, Mr. Trevisani," nakangiting pakilala niya. "I'm glad, too, Mrs. Buenavista." "So, I can't wait to train you, Mr. Trevisani, so are you ready?" Nakangiting saad niya at tumango naman ako. "Good, let's start. I'll train you for 1 week, and 1 week is really enough for your training. Habang nagt-train ka pa, dito ka muna sa opisina ko at after sa isang linggo, ang opisina mo ay handa na ang lahat. Puwede kana lumipat doon at magsimula ka na sa totoong trabaho mo. Ang 7-days training mo ay may kaakibat na suweldo na. For the highlight of our training, the rules, etiquette, and your responsibilities and work to-do is our focus on this training, understood?" "Yes, Ma'am." "If may itatanong ka, just don't hesitate to ask me," makangiting saad niya. "May tanong po ako, Ma'am." "Sure what is it?" "Bakit nga po pala ako awtomatikong i-train sa work na ito? At saka nag fill-up pa lang po ako ng form kahapon sa website niyo tapos kinagabihan naka-tanggap na agad ako ng email na in-offer ako ng Lyxeeries, instead of sabihin na interviewhin ako or ano pa, automatic ay hired at magt-train na ako agad, nakakapagtataka lang po, talaga," naguguluhang tanong ko kasi hindi ko talaga alam. "Uhm, it's really hard for me to answer that, Mr. Trevisani, and also, I can't answer your question, it's so very confidential, sorry," nanghihinayang na sagot niya. "Kilala niyo po ba ang Boss ko?" Tanong ko ulit. "No, walang nakakakilala sa kan'ya rito, kahit anong hanap namin at kilalanin ang boss mo pero hindi talaga, 9 years na ang company na ito, and road to 10 years na, pero hindi pa rin namin kilala ang may-ari nito," Nabibigong sagot niya. Wala, wala talagang makakasagot sa tanong ko. Hindi ko na lang din siya pinilit. Nagsimula na ang train ko at unang ipinakita sa akin ni Ma'am Claire ay ang Rules and Regulations ng Company. Marami ito, pero wala sa Rules and Regulations ang Office Romance, nakakapagtataka lang, well, hindi naman talaga maiiwasan ang Office Romance, eh. Mabilis natapos ang araw at agad-agad ay second day na. Sa ika-dalawang araw ay tinrain ako sa mga proper etiquette lalo na kapag kaharap ang mga Investors at Board of Directors. Lalo na't ako palagi ang isusulong dito dahil ako ang Secretary ng CEO. Dapat alam ko kung paano at ano ang gagawin ko sa mga bagay-bagay. Bakit ba kasi hindi nagpapakita ang CEO, ako tuloy ang na-ipit dito, pero okay lang, malaki naman ang suweldo. Nagtatrabaho naman daw ang CEO, baka sa bahay lang, pero hindi talaga sa office niya. Minsan daw, nababalitaan na lang nilang nasa opisina ang CEO pero hindi sila nakakapasok doon. Tapos ilang oras ay mababalitaan na lang nilang umalis na ang CEO. Ang sign daw na nandoon ang CEO sa opisina ay naka-lock ito mula sa loob at hindi nabubuksan gamit ang susi. Ang Secretary ng President at ang President lang ang tanging nakakapasok daw roon dahil sila ang may hawak ng susi tapos kapag gusto nilang pumasok sa opisina dahil may sadya sila roon at hindi ito nabubuksan gamit ang susi nila, hudyat ito na ang CEO ay nasa loob. Grabe, hindi talaga nila nahuhuli ang CEO at parang may sarili itong lagusan mula sa loob. Alam ko iyan dahil marites din naman pala itong si Ma'am Claire, kaya may nasasagap talaga akong chismis mula sa kan'ya. 'Yung lagusan or sariling daanan ng CEO ay sinubukan daw nilang hanapin 'yun pero hindi nila mahanap sa loob ng opisina. Pero, may isang kwarto ang opisinang iyun at ang tanging nakakapasok at nakaka labas lang doon ay ang CEO lang, baka raw nandoon ang daanan ng CEO kaya nakaka-pasok at nakaka-labas siya ng opisina niya ng hindi nila nalalaman kahit anong bantay nila sa pinto ng Office of the CEO. Ang daming mga sekretong bumabalot sa company na ito, at ang talino talaga ng CEO kasi nagpagawa lang siya ng building na kung saan ay may sarili siyang daan na hindi nalalaman ng lahat. Ang tanong, saan ito hahanapin? Subukan ko kaya, baka ako lang ang makakahanap at makakasolve sa misteryong bumabalot sa company na ito. Baka, ako lang talaga ang susi ng lahat. Awh. We don't know, baka ako lang ang magiging daan. Mabilis na natapos ang araw at marami akong natutunang proper etiquette at chismis mula kay Ma'am Claire. Ngayon, marami na akong nalalaman tungkol sa Lyxeeries, mabuti nga at may mga tanong ako na nasagot niya at kaya niyang sagutin. Mabilis na lumipas ang mga araw at tapos na ang 7-days training ko at sabi ni Ma'am Claire sa akin ay handang-handa na akong sumabak sa totoong trabaho, ang pagiging Professional Secretary ng CEO. Nagpa-kain si Ma'am Claire dahil sa akin, in-invite niya 'yung mga ka-department niya at 'yung taga-kabilang department sa kaunting salo-salo raw na gaganapin mamayang gabi. Hinanda niya raw ito para sa pag-welcome sa akin sa trabaho, award ko raw ito sa 7-days training ko na naging successful. Gaganapin ang party sa Venue Building ng Lyxeeries. Katabing building lang daw ito. Kinagabihan ay tinulungan nila akong ihanda ang sarili ko dahil ako raw ang spotlight dito, wow, grabeng pa-welcome 'to, ah. Sa party raw ay magpakilala ako sa mga tao, sa magiging ka-workmates ko, sa mga investors, sa Board, sa President at sa kan'yang Secretary. Ipapahayag ko raw ang magiging malaking ambag ko sa company na ito. At sabi ni Ma'am Claire na manonood ang CEO nito pero hindi niya alam kung papaanong paraan manonood ang CEO. So ibig sabihin, may dalawang paraan, either manonood ng live show ang CEO via livestream or live show na actual talaga, na mismo nandoon siya sa venue. Grabe, saan kaya siya sa mga tao roon, 'no? Ilang oras ang lumipas at nandito na ako sa venue, nakipag-shake hands na ako sa iba't-ibang mga superior at supervisors doon. Tinuro na sa akin ni Ma'am Claire ang mga proper etiquette sa ganitong mga ganap kaya alam ko na kung paano umakto ng tama at professional sa harap ng mga superior at supervisors kasama ang mga board at ang mga investors. Ilang minuto ang lumipas ay nagsimula na ang event, nandito na ako ngayon sa harap ng madla, nakatayo sa stage habang hawak-hawak ang award ko. Nagsimula na akong magpakilala sa mga tao at ganoon nga ang ginawa ko, sinabi ko ang Vision, Mission, Goals, and Objectives ko para sa company na ito. Nang matapos ang lahat ay nagpalakpakan naman ang mga tao. Lahat sila ay namangha sa mga pinagsasabi ko, syempre ako na ito, eh, ako na ito! Sarap mambola, pero bola nga na dapat ay tutuhanin ko. Kahit sino-sino na ang mga nakaka-usap at namemeet ko. Hanggang sa na meet ko si Mr. Sean Shikigami, isa siya sa mga Superior sa company. Pero, mas matangkad pa rin ako, na sa mga 6'2 lang siya, wala pa ring lumalagpas sa tangkad ko sa mga taong nandito. "Bro, come, ipapakilala kita sa mga taong magiging ka-workmates mo na kung saan ay palagi mong makakasama sa trabaho at palagi mong makikita," makangiting saad niya at hinatak ako papunta doon sa maliit na grupo na nasa isang table lang. "Guys, nakuha ko na rin siya," saad niya sa mga kaibigan niya. "Maupo ka, Mr. Trevisani," pina-upo niya ako sa bakanteng upuan. "Zac, this is Ms. Antonia Hera, Mr. Cedrick Altieri, Ms. Dakota Laúve, Ms. Zyraine Helveno, and Ms. Blue Camorra," pakilala niya sa mga kasama niya. "Gosh! Ang guwapo niya!" Mahinang tili nung Antonia at mahinang hinampas si Blue sa balikat. "Aray, bruha, ang sakit nu'n, ah, baka kapag ako ang makahampas sa 'yo, baka bali-bali 'yang buto mo," Pagbabanta nung Blue. Ang weird lang, parang nakita ko na siya noon, hindi ko lang alam kung saan. Base sa galawan nung dalawa ay close nga talaga itong si Blue at Antonia. Nakakatuwa silang pagmasdan, lalo na si Blue, ang ganda niya talaga, subra. Nakaka-fall, anyways, wala pa tayo riyan kaya kalma lang muna. Biglang nag-slow mo ang paligid nang makita ko kung paano ngumiti si Blue at tumawa. Grabe, ang ganda ng ngiti niya pati ang mga mata niya, ang mga mata niya parang pamilyar talaga sa akin, hindi ko alam kung saan ko ito nakita. May kamukha siya, hindi ko alam kung sino. Kay Blue lang ako nakatingin, hindi ko mapigilang hindi tumingin sa kan'ya kasi grabe nakakagayuma ang ganda niya. Parang tunaw na tunaw na talaga ako, I can't take off my eyes on her, she is so mesmerizing! Subrang ganda na lang niya talaga. Ang angelic ng boses niya, ang ganda pakinggan ng boses niya, para siyang anghel na kumakanta everytime na nagsasalita siya. Grabeng gayuma 'to, hindi ko na namalayan kung ano na ang pinagsasabi nila kasi parang nabibingi ako habang nakatingin sa kanya, na para bang kami lang ang tao rito. "Hey, hey, hey!" Nabalik ako sa ulirat nang may umupo sa tabi ko. "Nandito na naman ang bruha," mahinang saad ni Antonia na narinig ko naman, sinaway siya agad ni Blue. "Hey!" Tawag ulit sa akin nung babaeng tumabi sa akin. "Uhm, hi?" Awkward na tugon ko. "Hi, by the way, since nandito ka na rin sa circle of friends ko, so how about magpakilala ako sa 'yo?" Nakangiting saad ng babaeng umupo sa tabi ko. "Circle of friends daw, Blue, kailan pa ba natin naging kaibigan ang isang linta at higad?" Mahinang bulong ni Antonia at todo saway naman si Blue. Napatingin ang babae sa kanila at umirap lang ito. Katabi nung babae ang isa pang babae. "I'm Maxine Fontana, the Head of Board of Directors," pakilala niya sa akin. "And I'm Violet Claveria, Ms. Maxine's Secretary," pakilala nung isang babae na naka-upo sa tabi niya. "O... kay, uhm, nice to meet you, Ms. Maxine and Ms. Violet," awkward na tugon ko. Nilahad nilang dalawa ang kamay nila kaya wala na akong magawa kundi ay makipag-shake hands na lang sa kanila ngunit kakaiba ang pagkahawak ni Ms. Maxine sa kamay ko, para bang may halong pang-aakit ito kaya agad akong napahatak sa kamay ko nang magtagal na ito sa kamay niya. Maganda silang dalawa, pero mas maganda pa rin talaga si Blue. Kaya napatingin ako ulit kay Blue na ngayon ay nakatingin sa akin. Agad siyang nag-iwas ng tingin nang tumingin ako sa kan'ya. Naks, pasulyap-sulyap ka pa ng tingin, ha. At ngayon, bumalik ulit ako sa day-dreaming ko, sa ganda ni Blue parang nahuhulog ka talaga sa imagination. "Uhm, how about let's have some drinks?" Anyaya ni Maxine pero hindi ko iyun narinig kasi nakatingin pa rin ako kay Blue. "How about you, Mr. Trevisani? Want some wine?" Anyaya sa akin ni Maxine. "Hello? Want some?" Pag-uulit niya. Nagulat na lang ako nang niyug-yug na niya ako kaya napatingin ako sa kan'ya. "Bakit?" Takang tanong ko. Puno na ng irita at hiya ang mukha niya at si Antonia, Sean, Cedrick, Dakota, at Zyraine ay parang nagpipigil na sa tawa. Napatingin ako kay Blue ulit na ngayon ay naniningkit na ng husto ang mga mata niya na para bang kahit kailan ay mapapatay na niya sa tingin si Maxine. "Want some wine?" Pag-uulit ni Maxine. "Yeah, yeah... " Kinuha ko yung sarili kong baso imbes na kunin ko yung baso ni Maxine at sinalinan ko 'yung sarili kong baso at tinunga agad ang laman nito. "Done," ngumiti ako ng mapang-asar sa kan'ya. "Whatever, let's go, Violet. Naiinis na ako rito," padabog na tumayo si Maxine at umalis kasama si Violet. Nang maka-alis na sila ay siya namang tawanan ulit nung mga kasama ko. "Pahiya ang bruha, nye nye nye," natatawang sambit ni Antonia. "Whatever! HAHAHA!" Pangongopya ni Antonia at lalo pang nagtawanan kami. Si Blue lang talaga ang parang wala sa mood. "Aalis na muna ako," putol ni Blue sa tawanan ng lahat. "Bakit naman, Blue? Ayaw mo bang i-enjoy ang pagkahiya ni Maxine sa harap mo? At sa pagiging papansin niya kay Zac?" Pigil-tawang saad ni Antonia. "It's not about that, gusto ko lang mag CR," walang emosyong tugon ni Blue at umalis na sa harapan namin. "Wait Blue! Samahan na lang kita!" Tawag ni Dakota sa kan'ya pero hindi niya ito pinakinggan at patuloy pa rin sa paglalakad. Ano kaya nangyari sa kan'ya? Bigla na lang nag-iba ang mood, kanina ngi-ngiti ngiti pa siya tapos ngayon wala ng mood?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD