"Zac, pinapatawag ka ni Boss," tawag nung isa kong katrabaho. Nagtataka naman akong pumihit sa katawan ko paharap doon sa katrabaho ko.
"Bakit?" Taka kong tanong sa kan'ya.
"Hindi ko alam, puntahan mo na lang," medyo kinakabahan ako, nakakakaba kasi kapag pinapatawag ka ni Boss.
"Aalis muna ako sandali, Vaughn, pinapatawag ako ni Boss, after sa set na ito, puwede kana magpahinga," habilin ko kay Vaughn habang siya naman ay nagpupush-up. Hindi ko na siya hinayaang sumagot pa dahil focus na focus siya sa ginagawa niya at umalis na ako sa puwesto namin. Umakyat ako sa 2nd floor kung saan nandoon ang opisina ni Sir Jes, may-ari ng Gym na ito.
Nang makarating na ako sa harap ng opisina ni Sir, agad akong kumatok.
"Pasok," mahina ngunit ma-awtoridad na boses ni Sir ang narinig ko mula sa loob, mahina kasi malamang nasa loob. Pinihit ko ang doorknob at saka ay dahan-dahang binuksan ang pinto at tuluyan na akong pumasok sa loob sabay sarado sa pinto.
"Bakit po pala, Sir?" Mahinahon kong tanong kay Sir nang makarating na ako malapit sa table niya.
"Okay, so... Diretsohin na kita Zac, magtatanggal na ako ng mga trabahante rito sa gym, at... isa ka sa matatanggal," diretsahang saad ni Sir.
"Pero Sir, 3 months pa lang ako sa work na ito, Sir, kailangan ko ang work na ito, huwag niyo naman po akong paalisin," pagsusumamo ko sa kan'ya.
"End of discussion, Trevisani, umuwi ka sa Italy, maghanap ka ng trabaho doon, o saan man, pasensya na, nagbabawas na kami ng trabahante rito, pasensya na Zac. Makaka-alis ka na," ma-awtoridad na sambit ni Sir.
Malalim na buntong-hininga ang inilabas ko saka ako ay tumalikod sa kan'ya at tuluyan na akong lumabas sa opisina ni Sir. Nang masarado ko na ang pinto ay napasandal ako sa pader. No, I need this work, saan na lang ako pupulutin nito?
Bumuntong-hininga ako ulit at bumalik doon sa baba. Naabutan ko si Vaughn na ngayon ay umiinom ng tubig.
"Oh ano? Ano sabi ng Sir mo?" Bungad ni Vaughn sa akin pagkatapos niya inumin ang tubig.
"Pinapa-alis na ako rito," walang ganang sagot ko.
"Ano? Iiwan mo na ako rito? Bro, pinapangarap kong magkaroon ng katawan na kagaya mo kaya masaya akong ikaw ang instructor ko. Zac naman eh, ikaw role model ko oh, paano na ako nito? Iiwan mo na ako," pagmamaktol niya.
Pinalo ko siya ng tuwalya sa binti, "Aray!" Pahid-pahid niya ang namumulang binti niya.
"Baliw, e 'di picturan mo ako tapos ilagay mo sa wallpaper ng phone mo, sa kisame ng kuwarto mo, sa pinto ng kuwarto mo, sa salamin ng cr niyo, kahit ipa-billboard mo pa ako para palagi mo pa rin akong makikita pati itong katawan ko, simpleng bagay," napa-iling iling ako.
"Bro naman, huwag mo naman ako iwan."
"E 'di ikaw mag Sir Jes at ibalik mo ako sa trabaho, pala-desisyon," pilosopong sagot ko sa kan'ya.
"Suplado... Umalis ka na lang, shoo shoo!" Taboy niya sa 'kin gamit ang pagsenyas ng kamay niya na pinapaalis ako.
"E 'di ikaw na lang mag Sir Jes para magpa-alis sa akin dito, pala-desisyon, kaya ko sarili ko, 'no!" Tinalikuran ko na ang baliw na Ferrell na 'yun.
"Fly high, Zac! Hanapin mo ulit sarili mo! Support kita! Fighting!" Rinig kong pang-aasar na sigaw ni Vaughn habang ako naman nito ay naglakad papunta sa locker room.
"Shut up, Ferrell!" Sigaw ko pabalik at saka tuluyang pumasok sa locker room. Napa-luha na lang akong kinukuha ang mga damit ko. Naramdaman kong may tumapik sa likod ko.
"Kaya mo 'yan, Zac, pati nga rin ako tinanggal, eh," si Kuya Chad.
"Kuya..." Hindi ko na mapigilan sarili ko at umiyak na ng tuluyan. Naging pamilya ko na kasi ang mga tao rito tapos napapasaya ako sa mga katrabaho ko, masaya ako sa work na ito.
Tinapik ni kuya ang likod ko, "Gan'yan talaga ang buhay, Zac, kailangan mong bumitaw para mahanap mo ang sarili mo ulit, at baka sa bagong trabaho mo, mas sasaya ka pa roon, na kung saan puwede kang mag grow at marami kang matutunang bagay. Just trust the process, Zac, may dahilan ang Diyos kaya niya ito ginawa, baka may mabuting buhay na nag-aantay sa 'yo sa hinaharap na kung saan inaantay ka lang na i-grab ang opportunity na nag-aantay sa 'yo papunta sa magandang buhay na nag-aantay sa 'yo."
Tama si kuya Chad, kailangan ko rin mag-explore at hindi natin alam, baka mas maganda nga 'yung nag-aantay sa akin.
Narinig kong may pumasok sa locker room. Napalingon ako roon at nakita ko ang ibang mga katrabaho ko na walang buhay ang kani-kanilang mga mukha, nawala ang sigla, lungkot lang ang bumabalot sa kanila. Nakasunod sa kanila si Vaughn.
"Inom tayo mga brad! Libre ko! Ilabas natin 'yang sakit na nararamdaman niyo!" Pag-anyaya ni Vaughn. Kitang-kita ko kung paano nabuhayan ang pagmumukha nilang lahat sa narinig nila, pati rin ako, mabait naman talaga itong si Vaughn, may saltik lang talaga sa utak kaya ayon parang baliw rin minsan, I mean palagi, oo, palagi.
Gabi na, at nasa bar kami ngayon, libre ni Vaughn. Mayaman ang bruho kaya ayon nanlibre.
"Tayo'y umiyak, uminom, magsaya! Wooooo!!" Sigaw-sigaw ni Vaughn.
"Cheers!" Tinaas ni Vaughn ang baso.
"Cheers!" Sumunod kaming lahat.
"Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan~" pagkanta ko.
"Upang malunod na ang puso kong nahihirapan. Bawat patak, anong sarap, ano ba talaga ang mas gusto ko? Ang beer na 'to o ang trabaho ko~ Woooh!!" Patuloy ko at tinunga ang isang bote ng beer.
Agad sumakit ang ulo ko, sabog na ako. Umiikot na ang paligid ko. Lalo akong nahilo dahil sa mga lights, nakakahilo, hanggang sa natumba na ako at nawalan na ako ng malay.
"Zac! Brad! Bro!" Sabay-sabay na sigaw nila hanggang sa wala na akong narinig.
Kinabukasan. Napagising na lang ako dahil sa sakit ng ulo ko.
"Ah!" Daing ko habang hawak-hawak ang ulo ko.
"Gising kana pala, ito, mainom ka muna ng tubig at gamot," saad ni Vaughn at inabot sa akin ang tubig at gamot. Nakapatong ito sa tray at may pagkain na rin.
"Pinaglutuan ka ni Mama. After mo kumain ihahatid na kita sa inyo, kaya magpaka-busog ka," habilin ni Vaughn sa akin at saka siya lumabas ng kwarto.
Tama, nasa bahay nga ako ni Vaughn. Malaki ang bahay na ito, puti ang kwartong ito at minimalist lang ang design. May maliit na furniture. Subrang aliwalas tignan ang kwartong 'to.
Kumain na muna ako at saka ay uminom ng gamot. Pinahiram ako ni Vaughn ng damit after kong maligo. He is such a help, subrang bait ng lalaking 'yun, pero may pagka baliw lang.
Inihatid na ako ni Vaughn sa apartment ko gamit ang kotse niya. Buti pa siya may kotse, sana all talaga mayaman.
"Hanap kana lang ng bagong work, bro," pambabasag ni Vaughn sa katahimikang bumabalot sa loob ng kotse. Nasa labas na kami ng building ng apartment ko pero hindi pa rin ako lumalabas.
"Puwede ba ako mag work sa inyo?" Panghihingi ko ng pabor.
"Hindi puwede, eh, hindi kami nangangailangan ng bagong empleyado, hanap kana lang, kaya mo na sarili mo, malaki kana, at kung puwede umuwi ka na lang sa inyo."
"Ayaw ko," tanging sagot ko nung sabihin niyang pauwiin ako sa Italy.
"Lalabas na ako," patuloy ko pa at napabuntong-hininga at saka lumabas na sa kotse.
Sumilip ako sa bintana. "Salamat sa paghatid sa akin at pagpatuloy sa inyo, bro, hanggang sa muli," nakangiting saad ko at kumaway sa kan'ya. Nagsalute naman siya at saka ay binuhay na ang makina ng kotse niya hudyat na paalis na siya.
"Ingat!" Huling sabi ko bago na siya tuluyang umalis sa harap ko.
Umakyat na ako sa building papunta sa apartment ko. Agad akong umupo sa harap ng table ko. Binuksan ang laptop ko at naghahanap ako ng bagong papasukang trabaho.
Kahit saan-saang website na ako nakakarating pero wala pa rin akong mahanap na may hiring. I mean, mayroon namang mga kompanya na nagha-hire ng bagong empleyado pero hindi ako kontento sa suweldo.
Hanggang sa... Nakarating ako sa isang kompanya.
"Lyxeeries..." Napatakip na lang ako sa bibig ko dahil nagha-hire sila ng Secretary. Secretary ng CEO ng Lyxeeries!
Nagsimula akong mag fill-up sa form na nandoon. Natapos ko na ang ginagawa ko at nag-aantay na lang kung kailan ako tanggapin.
Kinagabihan. Binuksan ko ulit ang laptop ko at gulat na gulat akong may email na dumating.
"From Lyxeeries Group of Company!" Napasigaw ako sa tuwa dahil nag-email na sila.
"Good day, Mr. Trevisani, we are happy to offer you to become the CEO's Secretary. We are glad to welcome you right away tomorrow 8:00 in the morning as our new employee and we are happy to train you to your new work. No more interview involve, you are already hired to become a Secretary of the CEO. We appreciate your filling up the form on our website and we are waiting for you in the Lyxeeries Head Quarter tomorrow. Thank you!" Saad ng email.
Hindi ako makapaniwala! Nag-fill up lang naman ako ng online form kanina kasi nagbabakasakali lang naman akong matanggap at isa sa ma interview ng kompanyang ito! Pero hindi ako makapaniwala na hired na ako at wala ng interview interview pang magaganap, training na agad!
Lyxeeries, one of the richest company in the world. According to Google, unknown CEO ang boss ko, at kung kilala man ang taong ito, this person is the richest person in the world, mas mayaman pa ito kaysa kay Elon Musk. More than 300 Billion Dollar ang Net Worth ng CEO ng Company na ito. This person is the Top 1 of the most Richest Billionaire in the World pero dahil unknown siya at hindi kilala, hindi siya kasali sa list of billionaires sa Forbes.
Nakakapagtataka lang talaga at bakit na sa Pilipinas ang HQ ng Lyxeeries pero ang perang ginagamit ay dollars. Ewan ko ba, pero grabe, grabe, ang yaman ng boss ko! Hindi ko lang talaga siya kilala.
100,000 Pesos nga ang monthly ko. Grabe na talaga, ito na ba ang sinasabi ni Kuya Chad sa akin na magandang buhay na nag-aantay sa akin? Pinagpala nga naman ang buhay ko! Salamat talaga!
Bukas na bukas ay makakapagtrabaho na ako. Nakakapagtataka lang, hindi na sila nagpa-interview, tapos training na agad, bukas na bukas pa! Walang preno! Grabe! Tanggap na ako agad! Nakakapagtataka na lang talaga.
Maaga akong gumising dahil na-eexcite na ako, hindi ako makapag-antay sa bagong trabaho ko. Bawing-bawi 'yung 3 months kong trabaho sa gym sa isang buwan lang na trabaho sa company na ito.
Nag-ayos na ako sa sarili ko at lumabas na sa apartment ko. Paglabas ko sa building ay nakapagtataka dahil may itim na kotse na nakaparada sa labas at may lalaking nakatayo rito.
Gulat akong naglakad ito papalapit sa akin.
"You are Zacxheus Trevisani, right?" Malalim ang kan'yang boses, magkasing tangkad lang kami ng lalaking ito, we are both 6'5.
"Yes, who are you?" Tanong ko pabalik.
"I'm one of the men of Lyxeeries, and I'm here to fetch you," nakangiting sagot niya.
Napa-ubo naman ako sa tugon niya. May maghahatid sa akin papunta doon sa HQ? Wow!
"Let's go, Mr. Trevisani, your trainer was waiting for you," iginiya niya ako papasok sa itim na kotse.
Tahimik lang ang byahe namin. Awkward kasi ang atmosphere naming dalawa ng nagda-drive. Nakarating na kami sa pinaka siyudad ng Quezon City. Mabuti nga at kahit rush hour ay hindi masyadong traffic.
Huminto na ang kotse sa harap ng matayog na building, ang Head Quarter ng Lyxeeries. Sa wakas, sa wakas, makaka-apak na rin ako sa HQ ng company na ito.
Base on my research kagabi, subrang yaman ng company na ito. Kahit ano-anong businesses ang na-involve dito.
Mayroon silang Hotels, Malls, Restaurants, Banks, Hospitals, Airlines, Cruise Ships, Ports, Airplanes, Universities, Gas Stations, Book Stores, Law Firms, Cosmetics, Car Company, Cell Phone Company, Real Estates, Condo Units, Home Appliances and Furnitures, at Net Working Company. Lahat ng klaseng negosyo ay mayroon ang Lyxeeries, kaya subrang yaman talaga ng company na ito.
Nakapangalan talaga sa company ang mga negosyong ito at iisa lang ang may-ari tapos hindi pa talaga kilala. Nabalik ako sa ulirat mula sa pagda-day dream ko nang buksan ang pinto ng sasakyan.
"Let's go?" Sabi nung lalaki.
"Yes, yes," tugon ko naman.
Lumabas na ako sa kotse at tuluyan ko ng nakita ang labas. Napayahat ang tingin ko sa pinaka taas ng building, grabe, singkit na singkit na ang mata ko.
Base on my research, too, ang porma sa building ng HQ ng Lyxeeries ay parang L. Literal na letter L talaga.
Pumasok na kami sa loob at grabe, subrang luxurious ng loob, subrang modernized! Ganitong-ganito ang mga nakikita kong pagka-modernized doon sa mga company na napapanood ko minsan sa mga kdramas.
May malaking LED TV ang nasa harap namin na kung saan ina-advertise dito ang mga lipstick, bags, damit, jewelries, sandals, shoes, pants, cellphones, cars, cruise ships, hotels, gas station, and many more ang naka-advertise dito, at may mga another LED TV na may iba't ibang advertisement ng sari-saring negosyo nila.
Para akong mababaliw kaka-isip sa daming negosyo nila, hindi sila nag-stick sa isang negosyo lang, nilahat talaga nila! Grabe! Grabe kana Lyxeeries! Grabe kana talaga CEO! Grabe kana!