Chapter 3
Napakunot noo si Royce nang ibaba niya ang venetian blinds gamit ang hintuturo, at mapansin sa salaming bintana ng opisina niya na parang nakatulala at idinuduyan sa alapaap ang mga lalakeng empleyado ng TV station niya.
What's with their star struck faces? Naitanong niya sa sarili. Kasi naman ay nagkakaganoon lang ang mga ito kapag nariyan ang girlfriend niyang si Yvette Dian Wilson.
Pero iba ang hitsura ng mga kalalakihan ngayon. Halos ngumanga nang literal at kulang na lang ay tuluan ng laway ang mga gunggong. Sinong artista ang nakita ng mga ito? May bago ba?
At ganoon na lang ang panghihilakbot niya nang lakihan lalo niya ang pagkakabukas ng blinds.
What the hell! Si Enemy!
Enemy kasi ang tawag niya kay Sidney, kasi simula ng magkaisip sya ay nagbabangayan na yata sila parati. Correction, siya lang ang nang-aaway.
Shit! The woman is f*****g gorgeous with her damn attire.
Lumalabas ang dibdib nito sa suot na emerald green spaghetti heart shaped blouse, along with her white shorts na parang isa may kalahating pulgada lang ang haba mula sa lower waist nito. Naka dark moss green na low cut boots ang dalaga at ang baril ay nasa baywang. Nag blazer nga naman ito pero kapiranggot lang. Ang nguso nito ay kakulay ng pink Aventador nito na isang mahaling sasakyan, it's matte fuchsia in color, at ang mahabang buhok na wavy ay nakawagayway na di alam ang direksyon kung saan dapat, which is nasa kaliwang balikat nakasampay. But she looks so very beautiful, dangan lang ay sobrang kulit nito. Parang hindi ito tumatanda at female version talaga ng ama.
Walang duda na pinanunuluan ng laway ang mga empleyado niya.
At sa pagkadismaya niya ay kumaway pa ito na parang Ms. Universe sa mga lalaking galunggong.
Nagsalubong agad ang mga kilay niya. Kaya ayaw niya itong makakasama ay dahil parang umiedad sya nang husto sa pagiging utak bata nito. Alangan namang pabayaan niya, eh kinakapatid niya si Sidney.
Nakita niyang tumuwad ito at itinukod ang mga kamay sa mesa ng Secretary niya, na kahit babae ay natulala rin nang husto sa ganda ni Sidney. Artistahin naman kasi ang dating ng makulit.
Hindi!
Miss Universe ang dating nito kaso tiyak ay babagsak sa Q and A sa sobrang kalokohan. Sidney is not literally boba, kaya lang walang ibang alam na sabihin kundi puro mga kalokohan.
His jaws clenched when he saw how his men looked and stare at Sidney's butt. Pumilig pa ang mga ulo ng mga yun para masilip ng husto ang pwet ng dalaga.
Putang*na talaga. Ang kulit!
Nauulit ba ang sitwasyon ng mga magulang niya noon sa kanya ngayon? O baka mas malala ang kanya?
Hindi sya nakatiis ay lumakad sya papunta sa pinto at marahas na binuksan iyon.
"Sidney Steffany!" bulyaw niya sa dalaga kaya napaayos ng upo ang mga empleyado niya lalo ang mga lalake.
Kaagad na pumihit ang dalaga at kahit na galit ang mukha niya ay ngumisi ito at nanginang pa ang mga mata sa katuwaan nang makita siya.
"Destiny!!!" kulang na lang ay mapatalon pa ito sa tuwa at hindi niya napaghandaan nang sugurin siya nito at padambang yumakap sa leeg niya at kasama pati mga hita at paa, na pumulupot sa katawan niya.
"f**k s**t!" mura niya pero wala syang nagawa kundi yakapin at alalayan ito sa baywang.
"I miss you destiny!" sabi pa nito at hinalik halikan sya sa leeg.
Literal siya nitong ginagahasa.
"Bango mo!" humgikhik pa ang makulit habang sya naman ay hindi ma maipinta ang mukha.
Lalong nanigas ang mukha niya nang makita na parang naghagikhikan ang mga kababaihan doon at ang mga lalake naman ay parang nainggit sa kanya.
Umatras sya nang kaunti dahil kahit tuklapin niya ito sa pagkakalambitin sa leeg niya ay hindi ito matuklap. Daig pa nito ang tuko.
Para itong may pandikit sa katawan na nakadikit sa kanya. Hindi lang nakadikit, parang itinahi pa.
Sinipa niya ang pinto nang malakas para sumara. It's automatic anyway. Kapag lumapat na sa hamba ay automatic na naglalock iyon.
"Sidney, ano ba?!" singhal niya sa dalaga pero wala.
Talagang nagpakarga na ito sa kanya nang tuluyan.
Itinikal lang nito ay ang mukha sa pagkakasubsob sa leeg niya at tiningnan sya sa mukha.
He saw her flickering beautiful brown eyes. Her face is so perfect as hell. Walang hindi maganda sa mukha nito, utak lang ang pangit. Para itong babaeng magandang tanga.
Tumitig ito sa labi niya at sya man ay napatingin din sa labi nito dahil inaabangan niya kung ano na namang kalokohan ang gagawin nito.
Demmit!
Naalala niya kung paanong hinalikan sya nito noong nakaraang bwan lang sa isang public parking lot. At mukhang may balak na ulitin na naman nito ngayon kaya may lalo niyang pinagdikitan ang mga kilay niya.
"I'm warning you!" masungit na babala niya rito pero humahikhik lang ito at saka niya ito ipinatong sa mesa niya.
Mahirap ng maunahan na naman sya nito. Napakabilis pa namang kumilos ni Sidney. Para itong babaeng ipinaglihi sa palos. Baka bigla eh halikan na naman sya nang walang babala.
Saka niya ito binitawan at tinalikuran nang maipatong ito sa mesa. He fixed himself, his clothes. Nahilot pa niya ang batok at noo sa sobrang stress.
Anong ginagawa ng babaeng ito rito? Hindi naman kasi ito naliligaw sa opisina niya.
Kahit na sobra ang paghanga nito sa kanya ay hindi sya nito binubuntutan. Once in a blue moon nga lang sila kung magkita kaya alam niya na may sadya ito sa kanya ngayon.
Pumihit sya at pumameywang sa harap nito, pormal. Kapag ito kasi ang kaharap niya ay nawawala ang coolness niya at pakiramdam niya ay kulang na lang siya ng tungkod sa pagkatanda sa kunsumisyon sa babaeng kinakapatid niya na kung tawagin sya ay, destiny.
For Pete's sake!
Sidney even managed to cross her legs, at parang modelo ang pagkakaupo sa ibabaw ng mesa niya. Kitang - kita ang mahahaba at makinis na legs nito sa sobrang ikli ng shorts. Sobrang kinis ng balat nito dahil walang halos balahibo. Abnormal yata ito, but she could be a model actually dahil no shaving needed to show her bare skin on cam.
"What the hell are you doing here Sidney Steffany?" pormal na tanong niya rito na hindi mapalis ang ngiti sa pink na labi.
"Pakiss muna," humagikhik pa ito at nagtakip ng kamay sa bibig.
Nakagat niya ng mariin ang labi at nahilot ang sariling batok sa inis.
Umagang-umaga ay inaasar na sya. Parusa ba ito ng kalangitan sa kanya?
Pailalim niya itong sinipat ng tingin, "I'm not kidding. I'll kick your butt out of my office. I'm telling you," tila gigil na sabi niya rito.
Matakot man lang sana niya pero mukhang hindi.
She even clasp her slender arms on her chest and pouted. Straight na straight ang likod nito sa pagkakaupo at medyo nakataas ang noo, "Babalik naman ako," pang-aasar pa nito sa kanya at mukhang wala syang panalo na naman.
"Isa!" dumagundong ang boses niya sa loob pero tinawanan lang sya ng dalaga nang mahina saka umiling.
"I'll get you pregnant, that's why I'm here destiny," tumaas baba ang kilay ng dalaga kaya lalo syang nabwisit.
Mauutasan sya sa babaeng ito ng wala sa panahon.
"Demmit! Bahala ka sa buhay mo riyan!" inis na tinalikuran niya ito.
Lumabas sya ng walang paalam pero di naman sya aalis. Makiki-table lang sya sa labas. Baka sakali lumayas ito, pero bago pa man lang niya ilapat ang pinto ay nagpahabol pa ito ng salita.
"I love you destiny. Muahh muahh! Chup chup! Hugs hugs!" anito kaya nilingon niya ng nagbabagang tingin.
Nakangisi pa rin ang namumungay ang mga mata ni Sidney sa kapilyahan.
She winked at him and gave him a flying kiss.
Putik! Ang kulit talaga!