4 and 5

4088 Words
Chapter 4 Panay ang libot ni Sidney sa kabuuan ng office ni destiny niya. Para syang asong ulol na walang tigil kung amuyin ang mga diplays doon sa bawat pasada niya ng tingin. Simple lang ang office ni Royce. Wala halos mga kung anu-anong nakasabit sa dingding ang loob niyon pero naman ang koleksyon ng mga iba't-ibang miniature ng yate ay nakakalula. Ang gaganda at kumpleto ang mga iyon at tiyak na sobrang mamahal. History lover din yata ang future hubby niya. Meron kasi itong koleksyon ng pinakaunang yate na ginawa sa buong mundo at hindi niya alam kung saang lupalop ito nagnakaw ng niniature na gawa mismo sa isang lumang kahoy, o baka pasadya mismo nito. Alam kasi niyang ito ang nagmamanage ng cruise ships at ng TV network ng pamilya nito dahil wala namang hilig ang dalawang kapatid. Supposedly katriplets pala. Nakakatuwa dahil ang pamilya yata nito ang nagtataglay ng magagandang samahan ng mga kapatid at mga tiyuhin at tiyahin. Hindi nag-aaway-away ang mga Elizares sa mana at yaman kahit na lahi ito ng mga barako. And she also knows that Royce is a great sea diver and a surfer, too, at mahilig din ito sa politics tulad ng lolo nito. Parang lahat na yata ng hilig ay taglay nito. Wala nga lang itong hilig sa kanya. Hugot pa more Sidney. Nalapitan niya ang swivel chair nito at inamoy amoy yun sabay hagikhik. Dinaig pa niya ang isang aso sa tindi ng pag-amoy sa mga bagay na nasa loob ng opisina. "Ang bango ni destiny ko,” di pa sya nasiyahan ay dinampot niya ang itim coat nito, na nakasampay doon at niyakap nang sobra saka walang tigil ang amoy sabay halik. She’s so in love with this man and she doesn’t know why. Her father told her that she’s most likely like her Mommy Keiko. Patay na patay din daw iyon noon sa Daddy Lyeon niya. Nagagawa pa raw nun na umakyat ng bakod para lang makapag stalk. And she’s so inspired with that love story. Kaya lalong nagkaron siya ng pag-asa na magkakagusto rin sa kanya si Royce dahil nagkagusto rin naman ang Dadsie Lyeon niya sa Momsie Kei niya. That was the scene na inabutan ni Royce matapos maugatan sa labas ng sariling office nito. Di na yata nakatiis sa dalawang oras na paghihintay na lumayas sya kaya heto at bumalik na sa loob ang pobreng binata. "Put that back," masungit na utos nito sa kanya habang isinasara nito ang pinto. He's talking about his gaddamn coat, na ubod ng bango. Para syang tanga. She couldn't also imagine a woman as beautiful as her na matatanga sa isang lalaki. Wala eh, pamana ng Daddy niya na hindi mananakaw ninuman – hashtag kahanginan s***h kalokohan. "Inaamoy ko lang naman asawa ko. Kill joy naman nito," hinalikan pa niya ulit at niyakap bago isinampay sa swivel ulit at pinalantsa pa niya ng mga palad niya para lumapat ng husto. Kita niya ang inis na nakaguhit sa gwapong mukha ng fiancè niya but it's okay. She understands him. Alam na alam na niya ang ugali ni Royce at kilalang kilala na niya ito. Paseksi syang naglakad at ito man ay naglakad na rin papunta sa pwesto nito, kaya nagsalubungan sila pero bago pa man makatakas ang binata ay naglambitin ulit sya sa leeg nito at niyakap ito nang buong higpit. She bended her knees backwards kaya nawala nang kaunti ang balanse ni Royce kasabay ng pagpakawala ng mura. "Gaddamn Sidney. Will you behave," angil nito sa kanya pero kinilig sya ng husto nang suportahan sya nito ulit sa may likod. "I just miss you. Last month pa huling kita nakita," aniya at wala itong kawala nang hawakan niya ang magkabilang leeg at halikan na naman niya sa labi. Like the first time, inilapat lang ulit niya at ganun din ang reaksyon nito, nanlaki ang mga mata ni Royce sa ginawa niya. Sidney giggled after, lalo nang makita niya na nagtitimpi ito ng galit sa kanya kaya mabilis syang tumakbo paupo sa sofa nito. She crossed her legs and smiled happily. She saw him wiped his lips. Malamang ginawa nito iyon dahil sa lipstick niya. "Yess! Yihi! Two points for Sidney!" she bit her lower lip after saying that. Paglingon niya ay sinisipat sya nito ng tingin pailalim. "Ganyan ka ba sa lahat ng lalaki mo?" tila naiinis na tanong nito, "Grow up Sidney. Hindi lahat ng lalaki kayang magtimpi sa ginagawa mo. Kung wala akong respeto sa'yo, dito pa lang hubad ka na at kanina ka pa nakatuwad sa mesa," his fierce eyes almost threatened her, pero di sya takot. She waved her own hand as a sign that it’s nothing. "Selos ka naman kaagad. Wala pa akong hinahalikan na iba dahil ikaw pa lang. At tuwad kaagad? Anong position yun, Destiny? Google ko na para girl scout lang, laging handa." she pressed her lips and c****d her brows. Nanigas na naman ang panga nito dahil sa sinabi niya. Pilya talaga sya. Hindi nya sineseryoso ang mga sinasabi nito sa kanya. Wala rin syang pakialam kung hayblad ito sa kanya. She loves him, that's all. She has a different principle in life. Kapag mahal niya ay pinakikita at pinararamdam niya dahil sa klase ng trabaho niya, she isn't sure how long she's gonna live, kaya hangga't may panahon sya ay ipakikita at ipararamdam niya ang pagmamahal niya sa taong gusto niyang makaramdam nito. And she knows the truth to herself. Wala siyang ibang lalaking gusto kung hindi ito lamang. Royce is the only man she had ever liked and she likes no other man than him. At least mamatay man siya ay maaalala sya nito kahit sa kakulitan man lang. And he'll miss her also for sure if that thing really happens. She shifted on the couch when he didn’t speak. Hinilot lamang ng binata ang sentido gami ang hintuturo. "Wag ka ng mainis. Baka makunan ka. First baby pa naman natin yan. I'm here to work, Destiny," she said with a grin. She crossed her legs again at pinaikot ikot pa ang paa niya. Sumandal sya sa backrest at pinakatitigan ang kinakapatid na awtomatiko ang pagkunot ng noo. "What work? I don't have vacancy. Under suspension order ka ba because of your stubbornness? Walang vacancy sa extra rito." lumaban din ito ng titig sa kanya. She pouted, "Hindi ah! I'm a senior chief inspector, have you forgotten that? How come na masususpinde ako. Mawawalan sila ng maganda at sexy dun. Takot lang nila sa akin." tumaas ang isang sulok ng labi niya para ngumiti ng nakaaakit. "Then what brings you here?" hindi na masyadong masungit na tanong nito pero pormal pa rin. She shrugged, "Babantayan kita." diretsong sabi niya. Royce's brows arched thia time, "Excuse me? I can take care of myself. Baka ikaw pa ang bantayan ko kamo sa kilos mo," tila nang-aasar na sabi nito pero kung anong masamang hihip ng hangin ang bumalot sa katawan niya at halip na maasar sya ay kinilig sya. Her eyes flicked as she kept her lips before she speaks. "Talaga? Babantayan mo ako destiny? Mahal mo na ako niyan. Ayiii!" nayakap niya ang sarili na ikinapikit ni Royce ng mariin. “Seriously, I’m here to protect the father of my basketball team babies. I know about your threat and I can’t let you die. I took a leave so…I’m here! Ako ang magiging kasama mo araw at gabi.” Puno ng kumpyansa ang boses nito na para pang siguradong sigurado na tatanggapin niya ito. Wala itong katiting man na pag-aalinlangan sa mga sinasabi sa kanya at parang lahat ng lumalabas sa bibig ay kayang panindigan o paninindigan talaga. Sumasakit ang ulo ni Royce sa presence ni Sidney pero anong magagawa niya? Sya pala ang bago nitong misyon pero paanong nalaman nito na kailangan niya ng isang agent? Hindi naman bodyguard ang kailangan niya. Gusto niyang malaman kung sino ang nagsesend ng mga pananakot sa kanya. He's actually receiving threats pero walang nakakaalam nun at hindi naman sya natatakot. Mula sa pagkakatitig niya sa mukha ni Sidney ay inilipat niya ang paningin sa drawer niya malapit sa may aquarium. Perhaps Sidney might really help this time. Naroon na rin ito ay di hayaan na niyang malaman nito. Tutal tiyak niya na di naman niya ito mapapalis kahit anong gawin niya. Dalawang oras na sya sa labas ay talagang matigas pa yata sa bahay ng pagong ang ulo at paninindigan ng pasaway niyang kinakapatid. Siya rin ang sumuko dahil hindi ito lumayas sa opisina. Siya na rin lang ang pumasok ulit. Parati namang ganoon. Siya ang suko sa kakulitan nito talaga kahit noon pa. Lagi sya nitong sinasaktan noong mga bata pa sila. Kung kabayuan sya nito kapag inaasar niya eh sobra at halos panutin na ang buhok niya sa sabunot. Kahit ang paghalik-halik ngayon nito sa kanya di niya mapigilan. Nakakadalawa na ito sa kanya at naiinis sya na baka may makakita na naman eh pag-awayan na naman nila ni Yvette. Kagaya nung una na ninakawan sya nito ng halik kung saan papunta sya sa red carpet premiere ng isang bagong pelikula, na sya mismo ang producer. Nadiskaril ang porma niya nang makuhanan pala sila ng litrato ng mga reporters na tsismoso. Mabuti na lang maagap sya at hindi yun lumabas sa mga pahayagan at TV, kung hindi eh wala na sanang Yvette ngayon. Buti na rin nasabi niya na kinakapatid niya si Sidney at sanay na siya rito. He even managed to tell his girlfriend na hindi naman nga siya nagseselos sa mga kissing scenes niyon sa mga artistang lalaki o kahit light bed scene man, kaya natauhan naman at pinatawad sya. Yvette is the reverse of Sidney, in all aspects. Sopistikada ang girlfriend niya at medyo hindi masyadong showy sa madla ang relasyon nila. They keep it as secret, dahil iyon sa nakakasira raw sa chemistry ng ka love team niyong si Nicollo. Eh di sige. Payag naman sya. Sya pa ba na hindi ay dapat una niya yung naiintindihan dahil sya ang may-ari ng kumpanya at alam niya ang pasikot sikot pagdating sa network niya? Tumayo sya mula sa swivel at lumapit sa drawer sa may aquarium. He saw Sid's eyes followed him. Prente pa rin na nakaupo ang dalaga sa couch na walang pakialam kung nakikita man niya halos ang kalahatan na nito. Malamang kung ibang lalaki lang sya ay paglalawayan din niya ito pero hindi. He's not a fan of a woman na sobra sa kulit. Though alam niya na makulit din ang Mommy niya noon, iba si Sidney. UBOD ng kulit at napaka-mahangin nito kaya ang tag sa University noong high-school sila ay Ms. Coolness. Ang hilig pang mag-escape sa klase at walang katinuan. "Come here,” tinanguan niya ang dalaga at di pa man lang sya nakakailang kurap ay nasa tabi na kaagad niya ito nakangisi. Humawak pa ito sa braso niya at hinimas himas iyon pababa, paitaas. Aware kaya ang babaeng ito sa mga ganoong kilos? Kung anong epekto nun sa isang lalaki? Palagay niya ay oo kasi bali balita ay ang dami nitong boyfriend. Lahat daw ng makitang pogi ay boyfriend nito agad. Di naman marunong humalik. Tinapangan niya ito ng tingin. Ang layo yata ng mukha ni Sidney mukha niya ay isang dangkal lamang. Buti na lang matangkad pa rin syang di hamak dito dahil kung hindi ay baka lambitinan na naman sya at nakawan ng halik. "Umayos ka Sidney," warning niya rito kaya tumigil sa paghimas sa kanya pero nakayakap pa rin sa braso niya. Siguro ito lang ang gusto niya rito, masyado itong clingy at showy. Isa rin kasi syang expressive na tao pagdating sa pagmamahal. Gusto niya ay bulgaran pero in case of his Yvette, he badly understands the situation kaya okay lang na wala sila nung PDA. Sa condo lang nun o niya sila nakakapagharutan at kahit na sa opisina niya ay bihira yung mapasyal, kaya kapag nanliligaw ay di sya pumapayag na di sya makaisa. "I wanna show you something but you have to keep your mouth shut,” bilin niya sa dalagang kaharap, na itinago ang labi at izinipper pa kunwari bago tumango. He hid his chuckle. Sometimes he found Sidney so cute and adorable pero nga lang, ayaw niya sa isip at kilos bata lalo pa at pa-twenty-seven na naman ito pero para pa ring dalawang taon kung kumilos. Daig pa nito ang hindi propesyonal. Hindi mapaghahalataan na siya itong alagad ng batas. She’s so deceiving and her attitude hides her real identity as the most promising agent in their town. Hindi pa man lang sya nakakapag-busiklat sa drawer ay may lumabas na kaagad sa bibig nitong salita. Ipakikita niya sana rito ang threats niya. "Marriage contract ba ‘yan, destiny? Gagaya ka ba sa kuya Hanz mo na kunwaring pinapirma ng dokumento si Rain?” hirit pa nito at tumaas baba ang mga kilay sa kanya. Nangunot ang noo niya, "I'm dead serious here," seryosong sabi niya at bahagya pa niya itong tiningnan na nakayakap pa rin sa braso niya. "Seryoso rin naman ako. Kelan ang kasal natin? Honeymoon agad para mabuntis na kita,” tila proud pang sabi nito kaya gigil na binawi niya ang braso niya mula rito. Lumakad sya palapit sa water dispenser para uminom ng tubig. Baka limang galon ng tubig ang kailanganin niya araw-araw dahil sa presensya nito sa oras na magpumilit itong makasama siya para bantayan. She told him clearly. He’s her mission. Paano ba niya ito maididispatsa?Sumasakit ang sentido niya sa kunsumisyon, di pa man lang nakakabuong maghapon silang magkasama. Parang bata talaga! Royce drinks his water. May the Lord have mercy on him. Chapter 5 Napahagikhik si Sidney nang muling lumapit si Royce sa kanya sa may drawer. Halatang hayblad na sa kanya ang kinakapatid niya pero very cool pa rin sya. Wala syang magawa kung hindi ang titigan ang mukha nito na para sa kanya ay perpekto. Ito ang patotoo para sa kanya ang kasabihan na, the more you hate, the more you love. Bwisit kasi sya rito noon pero ngayon ay ito na ang bwisit sa kanya. Set aside na ang love story ng katriplet nito para sa kanya na si Eon. Mas grabe ang dalawang yun ni Bella kaysa sa kanila ni Royce. She opened her mouth to speak but Royce lifted his left hand, "Please, just for now, close your mouth. I have something important to show you—destiny?" he followed it with a scoff. Alam niyang iniinsulto sya nito pero kinilig pa rin siya. Hindi niya pinapansin ang mga painsultong salita nito sa kanya kaya hindi rin niya alam kung manhid ba siya o tanga. "Of course naman. Salamat tanggap mo na rin yan,” Naitago pa niya ang sariling mga labi. Royce lazily shook his head while keeping himself busy opening the drawer. May inilabas itong isang half size na brown envelope, saka ito umupo ulit sa swivel chair nito. She didn't move. She just crossed her arms and watch him right from where she stands. Nalulula na naman sya sa kagwapuhan nito talaga. "Come closer," anito na hindi sya tiningnan. "Ikaw naman. Gusto mo parati na lang tayong magkadikit but if you insist, why not hubby?" Isang matalim na sulyap ang ibinato sa kanya ni Royce pero hindi niya pinansin. Lumakad sya palapit sa binata at ipinihit nang kaunti ang swivel chair nito, at saka siya naupo sa kandungan ni Royce nang patagilid. Iniangat niya ang mga binti pasampa sa isang armrest at saka yumakap sa leeg nito. "Jesus! What are you doing Sidney?!" pagalit na asik nito sa kanya at malamang na kung hindi lang sya mahuhulog ay baka tumayo na ito bigla para layasan na naman sya. "Relax destiny," she giggled at nagawa pa niyang hilutin ang salubong na mga kilay nito, na sumunod naman at nawala ang pagkakusot pero bumuntong hininga pa rin. She finds him really gorgeous and suddenly her heart started to race. Bibihira ang mga pagkakataon na tinatamaan sya ng kaba kapag kaharap ito kaya naman ginagawa niyang playful ang bawat eksena nila, pero tuwing ganito na nakakaramdam sya ng kaseryosohan kapag kaharap ito ay kumakabog ang dibdib niya. Naiibahan siya sa eksena at totoong nagiging seryoso ang damdamin niya. It's better na ibala na lang sya sa kanyon kesa ang ganun na may kabog factor sya kay Royce. May ilang segundo na nakipagtitigan sa kanya ang nananalim nitong mga mata pero sa loob niya, she's so damn serious right that very moment. Gusto niya itong kunin sa taksil na si Yvette. Hindi man sya ang totoong magustuhan nito, wag lang ang isang haliparot na babae. Royce deserves someone better, yung hindi mahilig sa lalaki. If she isn't it, fine not just Yvette. "Okay. Anong pakikita mo sa akin?" she smiled, a more prominent one. "How can I get it kung halos mag-isa na ang mga katawan natin at nakasubsob ka sa akin? Para kang linta, di matanggal. You’re stubborn as hell," inis na sambit nito sa kanya kaya dinampot niya ang envelope at sya na rin ang nagbukas nun pero di sya umalis sa ibabaw nito. Kinuha niya ang ilang mga papel mula sa loob at inisa-isang sulyapan. Shit! Threats! Napagalaw sya sa pagkakaupo and she heard him groan. "Tang-ina Sidney, get your f*****g butt out of my lap!" galit na sabi nito at saka siya halos ipagtulakan sya paalis pero wala rito ang concentration niya kundi nasa mga papel na hawak niya. "Shh! Quiet!" galit galitan niya rito pero di niya inaalis sa mga threats ang paningin. "I'm dead serious Sidney! f**k it, tumatayo nga!" singhal na nito sa kanya kaya napahagikhik pa sya sa sinabi nito. May effect naman pala sya kahit na paano. Well, effect bilang sexy na babae pero kahit na ganoon ay hindi pa rin sya nito gusto. Iba ang may effect na pinananayuan kesa sa effect ng falling in love kaya may lust. She stood up at and formally walked towards the couch, seriously staring at the threats in her hansa. "s**t!" mahinang mura ni Royce na nagpangiti sa kanya pero hindi na sya lumingon. Naupo sya sa armrest ng solohang sofa at saka inaral ang mga hawak niya. "How do you find them?" medyo wala na ang tensyon sa boses ni Royce kapagkuwan. "I find them hot," she answered, "hotter than you, destiny," seryoso rin na sagot niya pero hindi niya ito sinulyapan. Pagdating sa trabaho ay isinasantabi niya ang feelings niya. Mas seryoso sya sa trabaho kesa sa falling in love pero pagdating kay Royce, she'll take both of it seriously. Hindi umimik ang binata sa sinabi niya. Pinaghiwahiwalay niya ang mga cards na hawak niya. Bale nasa dalawampu lahat ng mga cards na yun na may lamang death threat. Hawak niya sa kaliwang kamay ang apat, at ang labing-anim sa kanan. Naramdaman niya na palapit sa kanya si Royce. "Itutuloy mo ba ang pagtakbo mo bilang Governor?" tiningala niya ang binata na nasa tabi niya, nakahawak sa ibaba ng bewang. Tumango ito, "Yeah," anito saka sumulyap sa mga hawak niya. "Eh di governor's wife na pala ako?" humagikhik pa sya pagkasabi nun. Nahilot na naman ni Royce ang sarili nitong noo, "Sidney, please be serious okay. It's not funny," masungit na sabi na naman nito sa kanya at pasalampak na umupo rin sa kinauupuan niya. "Seryoso naman ako ah!" inakbayan niya ito at halos dumikit na ang dibdib niya sa ulo nito. "Pwede ba Sidney, umayos ka nga kasi," gigil na naman na utos nito sa kanya kaya inalis niya ang mga braso sa pagakakayapos sa leeg ng kababata. She formally fixed herself. Hindi naman sya umalis sa pagkakaupo sa armrest pero tumuwid sya nang upo. She sighed before she speaks, "I'm just trying to make it cool babe," aniya at parang sya pa ang kinilig sa tawag niya rito na babe. "I know," sagot nito. Bahagya niya itong sinulyapan, "Alam mo kung bakit ko pinaghiwalay ang mga natanggap mong threats?" tanong niya sa binata na napilitang tumingala sa kanya. He didn't answer, maybe just waiting for a better explanation. "It's because tatlong tao ang may padala ng mga ito sa'yo," she informed him. Bahagyang umangat ang mga kilay ni Royce, "Three?" Tumango sya at lumabi. "Tatlong penmanship kasi ang nakita ko. Sixteen na iisang sulat kamay, tatlong threat na iba rin ang sulat kamay at ang isa na iba rin kaya tatlong penmanship ng tao ang nakita ko," aniya rito. Hindi ito sumagot. Nakatingin lang ito sa mukha niya. Tumaas muna ang isang sulok ng labi niya para ngitian ito ng simple. Nakita niyang kumurap ito ng makailan kaya umiral na naman ang kabaliwan niya. Inakbayan niya ito at inalog alog ang balikat. "Naks! Ganoon ka nila kamahal destiny! Pero mas mahal kita kaya relax ka lang. Di kita ibibigay sa kanila! Over my dead sexy body!" she exclaimed at tinaasan pa ng kilay ang binata na umiling lang. "Umuwi ka na. I can protect myself,” salubong ang mga kilay na naman nito, “salamat sa pag-imporma mo na tingin mo tatlo ang may gawa nun.” Tumayo sya at lumakad pabalik sa mesa nito. In the corner of her eyes she knew his gaze followed her. "Kahit paulanan mo ako ng bala Royce, di mo ako mapapaalis. You're my mission and I have to fulfill it. Hindi ako umaatras sa laban, DEAD or alive," seryosong sabi niya habang isinisiksik ulit ang mga papel sa envelope. Posible rin na iisa ang mastermind sa threats at 3 tao ang inutusan na magsulat at magpadala para nga naman malito ang mag-iimbestiga. "But I'll make sure na alive ako. Baka umiyak ka kapag namatay ako, saka magkakaroon pa tayo ng basketball team na mga anak," she squeezed her lips and glanced at him, pero wala itong ibang reaksyon kundi kaseryosohan ng mukha habang nakatitig sa kanya. Sidney wonders what he might be thinking. Mas mabuti pang mag-imbestiga na lang sya ng malalang kaso kaysa ang arukin ang iniisip ni Royce, kapag ganun kaseryoso ang mukha nito at nakakatunaw pa ang mga tingin sa kanya ay nahihirapan siyang mag-analisa. Maya-maya ay umiling ito at nanunulis ang labi at napasandal sa backrest. "I don't want a bodyguard, Sid. Leave," anito pa sa kanya habang nakatitig sa center table na waring may iniisip na malalim. "You know how stubborn I am, at kahit kailan di ako susuko sa'yo Royce. So don't push me away dahil nagsasayang ka lang ng oras. Bubuntutan kita kahit saan ka mapunta," matigas din na sabi niya at saka naman sya naupo sa swivel chair nito pero di pa man lang lumalapat ang pwet niya ay sumigaw na ito. "f**k your stubbornness, Sidney! Aren't you afraid to die?! If you fail, what? Ha? Masisisi pa ako nina Ninong kapag napahamak ka!" napatayo pa ito sa sobrang inis, “Ayokong magdala ng konsensya sa buong buhay ko kapag napahamak ka.” He told her, pero hindi sya natinag. Pinag swing pa niya ang upuan pakaliwa at pakanan habang nakasandal ang ulo roon. She’s looking at him with full of determination and there’s no backing out. "Alam na nila yun na kasama ito sa trabaho ko. And Daddy he was once like me, too so he understands, and I won't fail okay. I assure you that," pagkaklaro niya rito. Hindi humihiwalay sa kanya ang mga mata ni Royce na matiim ang tingin. He wet his lips before speaking, "You're insulting me. Do you know how I feel na isang babae ang magtatanggol sa akin ha? Do you really need to show me up until this time that you're stronger than I do?" parang gusto na nitong sabunutan ang sarili at nangunot naman ang noo niya. "I'm not stronger than you Destiny. Gentleman ka lang kaya feeling mo mas malakas ako sa’yo," she winked at him that’s why he lazily shook his head and sat on the sofa again. Wala itong sagot sa sinabi niya kaya lihim syang ngumiti. It's just true. Kahit noong mga bata pa sila, hindi siya nito pinapatulan kahit kayang - kaya naman sana, at isa yun sa mga dahilan kung bakit ang inis niya rito ay nauwi sa paghanga at hindi na nga nawala pa hanggang ngayon. At sa nakikita niyang hitsura nito ngayon, mukhang umiral na naman ang pagiging gentleman nito. Mukhang panalo na naman sya sa kagustuhan na maging lady bodyguard nito. Mukhang pinagbigyan na naman sya ng destiny niya sa bagay na gusto niyang mangyari. At naiinlove na naman siya lalo rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD