Kabanata 12

1855 Words
Pagkatapos ng ilang oras ay natapos rin ang practice nila Joaquin, gabi na nang matapos 'to kaya naisipan namin na mag-dinner na lang muna kami bago kami umuwi, which is gustong-gusto naman nang dalawa kasi makakasama ulit nila si Joaquin na kumain. Itong dalawang idiots na 'to, parang nabighani na talaga ng husto kay Joaquin. Kasi naman, ayaw na ata nilang humiwalay sa isa. Siguro kung aayain sila ni Joaquin sa bahay ko, baka sumama na rin sila. Mga idiots talaga. Pumunta kami sa isang restaurant na malapit lang sa school tapos umupo na kami sa isang table na malapit lang sa entrance. Hanggang ngayon hindi pa rin kami nag-iimikan na dalawa dahil sa nangyari kanina, nagkaka-ilangan pa rin kami. Ano ba naman kasi 'yon ano. Tanging silang tatlo lang ang nag-uusap at nakikitawa lang ako kunwari sa kanila kahit na hindi naman talaga ako masyado nakikinig dahil sobrang pre-occupied ng isip ko sa nangyari kanina. Kinuha ko naman ang cellphone ko at puno ng texts. Petengene! 'Hello, Joaquin.' 'Pwede bang makipagkaibigan sayo, Joaquin?' 'Anong buong pangalan mo?' 'Saang school ka nag-aaral?' 'Ako nga pala si Stacey.' Pinagkakapiyestahan ang cellphone number ko dahil akala nila number 'yon ni Joaquin! Nakakainis. Tiningnan ko ng masama si Joaquin na nasa harap ko, buti na lang hindi siya nakatingin sa akin. Patawa-tawa lang 'tong mokong na 'to, ang laking perwisyo pala kahit papano nang pagpapasali ko kay Joaquin. Dinelete ko lahat ng mga texts na nag-aakalang kay Joaquin 'to na cellphone number saka ko binalik ang cellphone ko sa bag ko. Sana naman wala nang magtangkang mag-text, ano. Iba-block ko na talaga kapag may dumagdag pa. Napatingin kaming apat sa pagpasok ng isang grupo kasi ang ingay nila, at napakamalas nga naman! Sina Lienel na naman! Natahimik sila 'nong mapansin nila kami tapos umupo sila sa table na isang table lang pagitan sa amin. Nakaharap ako sa table nila habang nasa kabilaang gilid ko sina Divine at nasa harap ko si Joaquin kaya nakatalikod siya sa kanila, square table kasi ang mesa. Napansin kong napasulyap si Joaquin sa kanila bago ako tiningnan ng seryoso. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya parang lumaki kaonti 'yong mga mata niya. Para kaming tanga na dalawa na nag-uusap gamit lang ang mga mata namin. "Hi, Hannah!" tawag sa akin ni Josh kaya nabaling ang tingin ko sa banda nila, ngumiti rin ako sa kanya at kinawayan siya. "Ehem." rinig kong pag-uubo ni Joaquin. "Bakit, Joaquin? May ubo ka ba?" worried na tanong ni Joe. "Ano ka ba, Joe. Ubong selos 'yan," agad ko namang sinamaan ng tingin 'tong si Divine kaya natawa silang dalawa ni Joe at nag-apir na naman. Maya maya pa dumating na 'yong pagkain namin at syempre, nagdasal muna kami bago namin sinimulang kumain. Grabe, para silang sumali sa food fighting kasi ang bilis nilang kumain tapos ang dami pa kaya mabilis kaming natapos. Napailing-iling na lang ako habang eleganteng sumisipsip ng juice itong si Divine at Joe. Parang hindi lang nakipagpaligsahan sa pabilisan ng pagkain ah. Umorder pa ng desserts 'tong dalawa para mas mapahaba pa raw ang oras ng pagsama nila sa akin, pero obvious naman na si Joaquin talaga ang gusto nilang makasama at hindi ako, duh. "Alam niyo ba na 'yong ex-girlfriend ng boyfriend ko 'e OA kung magpapansin." hindi ko alam kung sinasadya ng kasama nina Claire na paringgan kami kasi parang sinadya nyang lakasan 'yong boses niya kahit na hindi naman talaga maingay dito. Napahinto din kami sandali sa pagkain pero hinayaan na namin. Wala naman siguro kaming mapapala sa kanila, no. Tsaka hindi naman kami chismos para maki-usyoso pa sa pinag-uusapan nila. "Oh, anong ginawa mo?" si Claire 'yan na mukhang susuportahan rin ata ang kaibigan niya. Kinukusinti pa. Nako talaga. "Ang sarap ngang sabunutan 'e. Kaso syempre hindi naman tayo magse-step down sa mga low standards diba?" tapos nagtawanan sila. Nagkibit balikat na lang ako nang mapatingin sakin sina Divine, si Joaquin naman, mukhang nawalan ng gana kasi iniikot niya na lang 'yong tinidor na hawak niya. Ang pogi. Charrr. Nagpaalam muna si Divine at Joe na magre-restroom kaya naiwan na naman kaming dalawa ni Joaquin, ito na naman ang puso kong kumakabog-kabog. Minsan sinusulyapan ko siya at mukhang malalim ang iniisip niya. Tahimik lang kaming dalawa kaya tiningnan ko siya pero tinitingnan niya na rin pala ako ng sobrang seryoso kaya iniwas ko ang tingin ko. Kanina pa masama ang timpla ng mukha niya, pagkatapos nilang mag-usap ni Lienel. Kakausapin ko na sana si Joaquin pero may pahabol na naman ang grupo nina Claire. Ano bang trip ng babaeng 'to at balak atang maging news caster? "Alam niyo kung anong dapat ginagawa sa babaeng desperada?" ayan na naman si Claire. "Claire, tama na yan," rinig kong saway ni Josh sa kanya. "Dapat sa kanila, iniiwan. Hahahaha!" nagtawanan pa sila pero napansin ko naman na hindi nakikisali si Josh sa kanila, mukhang hindi niya rin talaga gusto ang ginagawa ni Claire. Ano bang nakita ni Lienel sa babaeng 'yan? "Sa sobrang desperada, nang-gayuma na naman ata ng ibang lalaki. Pfft! Iiwan rin siya panigurado." parang kumulo na naman ang dugo ko, halata naman kasing ako ang pinaparinggan niya. Aakto na sana akong lalapit kay Claire pero nagulat ako nang hilahin ako ni Joaquin at napa-upo ako sa lap niya. Waaah! Ano bang ginagawa mo, Joaquin! Gago ka talaga! Feeling ko magkaka-heart burn ako sa ginawa niya. Lahat ng inis at galit na kinikimkim ko, nawala sa isang ngiti niya lang. "Wag kang mag-alala, Binibini. Hindi na nila kailangang bumaba sa kalingkingan mo dahil paakyat pa lang sila, nasa tuktok ka na," pakiramdam ko ang init init na ng mukha ko, dinagdagan niya pa ng magandang mga salita niya. Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko. Rinig na rinig siguro ni Joaquin ang t***k ng puso ko ngayon. Nakakahiya! Jusko, puso ko, mag-hunos dili ka. Kakakilala palang namin, huwag tayong speed. Mukhang napasinghap naman sila sa ginawa ni Joaquin pero dahil sa ginawa niya, hindi ko na naramdaman ang ibang tao sa paligid ko. 'Yong pakiramdam na nararamdaman ko ngayon, familiar na familiar sa akin. Parang naranasan ko na noon. -- Pagkatapos ng eksena namin ni Joaquin 'e lumabas na kami agad sa Restaurant at sina Divine at Joe na ang pinabayad ko kasi nahihiya pa rin ako hanggang ngayon. Habang hinihintay na naman namin sila Joe, lumabas naman sina Lienel. Tumalikod na lang ako sa kanila at nagkunwaring hindi ko sila nakita. Pulang-pula pa rin ata ang pagmumukha ko. Nakakainis naman kasi na Joaquin 'yon. "Ang PDA talaga ng mga tao ngayon. Buti na lang hindi tayo ganon, Love." Love? Eww nakakasuka! Tiningnan ko ng masama si Claire at halatang natakot siya kaonti sa ginawa ko kaya kumapit siya ng husto kay Lienel. "Hannah." napalingon ako at bumungad sa akin ang nakangiting si Josh. "Oh Josh, bakit?" naramdaman ko naman ang paglapit ni Joaquin kaya tiningnan ko agad siya at ngumiti ako sa kanya na para bang sinasabi kong okay lang si Josh. "Pwede ba kitang maka-usap?" tumango naman ako sa sinabi ni Josh kaya lumayo kami kaonti kay Joaquin. "Sino siya?" alam kong itatanong niya talaga sakin 'to dahil sa nangyari kanina. "Si Joaquin, kababata ko siya, at 'yong nangyari kanina...isang aksidente lang 'yon." nakayukong sabi ko. Guilty dahil alam ko namang kasinungalingan 'yon. "Aksidente? Parang hindi ata, mukhang sinadya niya 'yon. Mapagkakatiwalaan ba 'yang lalaking 'yan?" punong puno ng concern ang boses ni Josh. Napatingin pa siya kay Joaquin at mukhang tinatantya niya kung talagang mapagkakatiwalaan si Joaquin. Ngumiti naman ako sa kanya. "Wag kang mag-alala, mapagkakatiwalaan si Joaquin." Ginulo niya naman ang buhok ko, para talaga siyang Kuya. Sabagay, Tatay nga ang tawag ng mga kaklase ko sa kanya 'nong high school kami 'e. "Kapag sinaktan ka ng lalaking 'yan, wag kang magdalawang isip na tawagan ako ah? Bubugbugin ko talaga 'yan. Pasalamat lang talaga 'yang Lienel na 'yan at kapatid ko siya kaya hindi ko siya masyadong binigyan ng pasa." natatawa talaga ako kay Josh. I'm so thankful dahil kahit papaano ay may tapat pa rin akong kaibigan. "Okay lang talaga ako. At...alam ko rin namang hindi ako pababayaan ni Joaquin." sinasabi ko 'yon habang nakatingin kay Joaquin na nakasandal sa pader at nakacross arms pa. Nakatingin lang siya sa amin at mukhang binabantayan kami. "Hindi naman masyadong halata na may gusto ka sa kanya." agad kong tiningnan ng masama si Josh. Ang bibig nito paminsan sobrang pasmado talaga. Ang bilis niya naman makapansin, charrr. "Wala akong gusto sa kanya ah!" malakas na sabi ko dahilan para mapatingin sila saming dalawa. Umiwas na lang ako ng tingin at binatukan si Josh na tatawa-tawa. Baliw talaga. Ang hilig mang-asar. "Sinabi mo 'e." tapos ginulo niya ang buhok ko at nagpaalam na rin siya. Bumalik na rin ako agad kay Joaquin. Bakit ganito ang mukha nito? Parang pinagsakluban ng langit at lupa..pati na impyerno. "Anong klaseng mukha 'yan?" nakataas kilay na sabi ko sa kanya. "Wala, Binibini. Nauna ng umuwi sina Joe at Divine, hindi ka na nila nahintay kasi 'busy' ka raw kakausap sa lalaki na 'yon." Ewan ko bakit pero natawa ako sa accent niya sa 'busy.' Pfft. "Nagseselos ka ba?" wala sa sarili kong tanong na ikinatigil niya. "Ah! Wag mo ng sagutin. Umuwi na tayo at magpe-prepare ka pa sa contest! Kailangan mong manalo dahil may premyo!" Grabe 'tong araw na 'to. Ilang araw palang naman kaming magkakilala ni Joaquin pero itong puso ko sinasabi na parang ang tagal na. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa akin. Hays. Sumakay lang kami ulit ng jeep ni Joaquin at natatawa ako sa pagmumukha niya dahil mukhang hindi siya sanay sa pagsisiksikan ng mga tao. Nakakaawa naman talaga 'tong isang 'to. Nang makauwi na kami ay tinuruan ko pa siyang gumamit ng toothbrush dahil hindi naman raw siya gumagamit ng ganoon sa kanila. Natuwa pa siya dahil ang tamis daw 'nong tooth paste ko. Napasapo na lang talaga ako sa noo ko dahil muntik niya nang lunukin 'yong tubig na pinang-momog niya ng bibig niya. Hay nako, Ginoong Joaquin. Nanood pa kami ng TV na dalawa sa sala at nag-midnight snacks pa. Naka-pajama na ako at siya rin nakabihis na ng pantulog. Nanonood kami ng korean-drama at sobrang immersed na immersed na naman siya sa pinapanood namin. Naka-tagalog dub 'yong pinapanood namin kaya naiintindihan niya ng maayos. Napailing-iling na lang ako nang mapansin kong naluluha na siya kaonti. Ang babaw pala ng luha ng isang 'to. "Tama na nga yan!" papatayin ko na sana ang TV kaso hinawakan ni Joaquin ang kamay ko na pipindot na at umiling-iling. "Isang kabanata na lang, Binibini," pagmama-kaawa niya pa. Iniling iling ko naman ang ulo ko. "Mag-aalas dose na, Joaquin. Kaya dapat nang matulog, okay? Masama ang mag-puyat, diba?" nakita ko namang napa-pout siya kaya napalunok ako bigla. "Wa-Wag ka na ngang ngumuso d'yan! Oo, ito na. Isang episode na lang, ha," dali-dali akong pumasok ng kwarto ko at sinara ang pinto. Narinig ko pang nag-pasalamat si Joaquin. 'Yong lalaking 'yon talaga, mang-aabuso! Inaabuso niya ang mahina kong puso. Nakakainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD