--
Papasok pa lang ako ng school pero ramdam ko na 'yong mga matatalim na titig sa akin ng mga babae. 9AM palang kaya nag-decide ako na iwan muna si Joaquin sa bahay para makapag-prepare siya mamayang gabi. Makapag-beauty rest siya. Teka, kailangan niya pa ba 'non? Charrr. 6PM pa kasi gaganapin 'yong contest kaya mamaya ko na lang siya babalikan.
Kesa naman kasi na kasama ko siya ngayon dito sa school, baka paglalamayan na talaga ako. Naka-puting blouse pa naman ako, pwedeng pwede nang ipasok sa kabaong.
"Hannah!" napahinto naman ako sa paglalakad nang tawagin ako nina Sabrina, classmate ko. Nilapitan nila akong apat, si Sabrina, Kate, Andrea at Tracy.
"Bakit?" tanong ko agad pagkalapit nila. Tapos pansin kong may hinahanap sila, si Joaquin kaya?
"A-attend ka mamayang gabi, diba?" tanong ni Kate kaya napatango naman ako. Syempre, hindi ko pwedeng iwan mag-isa si Joaquin.
"Narinig kasi namin kina Joe at Divine kanina na childhood bestfriend kayo ni Joaquin." sabi naman ni Tracy na parang nahihiya. Napakachismosa talaga ng dalawang 'yon!
"Pwede mo ba siyang ipakilala sa amin mamaya?" HINDI! AYOKO!
"Ha? Oo naman. Hehe, wala namang problema." Ang laki kong tanga kahit kelan. Lagi na lang baliktad 'yong sinasabi ko sa iniisip ko. Sabagay, ano ba naman kami ni Joaquin? Tinutulungan ko lang naman siya.
Hays, masyado ata kaming na empty minded pareho sa mga kaganapan kahapon na nakalimutan namin 'yong point talaga kung bakit siya nandito 'e.
Umalis na rin silang apat pagkatapos nilang magpasalamat sa akin. Napakibit balikat na lang ako tapos hinanap ko na sina Joe. Nakita ko naman agad sila kasi rinig na rinig naman agad ang boses ng dalawa.
Pagkalapit ko, walang pagda-dalawang isip ko silang binatukan.
"Bakit niyo sinabi kina Sabrina 'yong tungkol kay Joaquin?" saka ako umupo.
"Bakit hindi mo kasama si Joaquin?" binalewala nilang pareho 'yong tanong ko tapos sabay pa sila dalawa na nag-pout. Napafacepalm na lang ako.
Nagmamaktol pa silang dalawa na papuntahin ko si Joaquin dito pero hindi ko na lang sila pinansin. Iniisip ko pa rin 'yong mga nangyayari between sa amin ni Joaquin. Ang daming question mark na bumabagabag sa akin. Simula nang makauwi kami kagabi, nagpatay malisya na lang kaming pareho at nag-asaran na naman kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil 'don, kasi mas nakaka-sama sa pakiramdam kapag nag-iiwasan kaming dalawa.
Bukas na bukas pupunta na talaga kami kay Tita Helen, sa ngayon, gusto ko lang manalo si Joaquin sa contest.
"Hannah! Hannah to the earth!" napabalik ako sa sarili ko nang tawagin ako nina Divine. Tapos ngumuso silang pareho sa likod ko.
"Josh!" napatayo naman ako kaagad.
"Gusto sana kita ayaing kumain ng lunch." nakangiti niyang sabi. Napatingin naman ako kina Divine tapos nagthumbs up silang dalawa.
"Okay lang naman sa inyong hiramin ko si Hannah, diba?" baling niya dalawa.
"Oo naman, pero hiram lang ha?" sinamaan ko agad ng tingin si Joe.
"Pagmamay-ari na 'yan ng iba kaya dapat pagbalik kumplito ha?" isa pa tong supportive na Divine.
Hindi ko na sila pinansin kaya naglakad na kami paalis pero di pa kami nakakalayo rinig ko pa silang kumakantang dalawa.
"Haba ng hair~ Nag rejoice ka ba, Girl?~"
Mga baliw.
--
Pumunta kami sa isang booth para kumain na dalawa. Pagka-upo ko ay agad naman siyang bumili ng pagkain at maiinom namin.
Habang kumakain kami hindi ko mapigilan ang mapa-sulyap kay Josh, medyo malaki na rin ang pinagbago niya simula 'nong huli kaming magkita. Mas naging mature na siya tapos hindi na rin siya masyadong nang-aasar.
"Pwede mo akong kuhanan ng picture para titigan na lang, baka kasi matunaw ako 'e." napatawa naman ako sa sinabi niya kaya tinapunan ko siya ng tissue.
"Baliw ka talaga."
"Kamusta ka na pala? Pasensya ka na kay Claire ha. Ayoko naman kasing makialam sa relasyon nila ni Lienel." Ngumiti lang ako kay Josh.
"Matagal na akong nakamove-on sa kanya, Josh. Masaya na ako sa buhay ko ngayon." sabay inom ko ng tubig.
"Mukha nga. Mas masaya akong marinig 'yan galing sayo. Basta kapag kailangan mo ng tulong ko andito lang ako lagi, lalo na kapag may hindi magandang ginawa si Claire sayo. Ako pa rin ang Tatay mo, diba?" natawa naman ako sa sinabi niya.
"Oo naman, ikaw pa rin ang Tatay namin. Hayaan mo ngayong summer, susubukan kong umuwi sa lugar natin." saka ako ngumiti sa kanya.
Nag-uusap kami tungkol sa mga kalokohan namin 'nong highschool nang mapadaan ang grupo nina Claire at Lienel.
"Hay nako, sumama ata ang ihip ng hangin." Pagpaparinig ni Claire.
"I-close mo kasi 'yang bibig mo nang hindi sumama ang ihip ng hangin." bulong ko na narinig naman ni Josh kaya natawa siya at tinapunan ako ng tissue.
"Love, hindi mo ba pinagsabihan 'yang magaling mong Kuya na hindi dapat siya dumidikit sa mga babaeng desperada at baka pati siya malandi ng babaeng 'yon." para namang napantig ang tenga ko sa sinabi niya kaya agad akong tumayo.
Papalapit palang ako kay Claire pero may humarang na sa harap ko.
"Oras na marinig ko pa sa bibig mong sinasabihan mong malandi si Hannah, makakatikim ka na sa amin." siga na siga si Joe habang sinasabi 'yon kay Claire. Mukha namang natakot ang loka.
"Claire, tama na 'yan. Nakakasakit ka na ng damdamin ng iba." saway naman ni Josh. Nakakakuha na kami ng atensyon ng iba kaya pinigilan ko na si Josh.
"Ikaw naman, Lienel, turuan mo nga ng magandang asal 'yang girlfriend mo." inis na sabi ni Josh saka tinalikuran sila Claire. Hinila niya rin ako paalis 'don at sumunod na rin samin sina Joe at Divine na nakita ko pang inirapan nila ng sabay.
--
Nandito kami sa D Walk ngayong apat.
"Wag mo ng isipin 'yong sinabi ni Claire, alam naman nating hindi 'yon totoo." Pampalubag loob na sabi ni Josh.
"Thank you talaga ng marami sa inyo." saka ko sila nginitian.
"Hannah, 11 AM na, hindi mo pa ba susunduin si Joaquin?" tama nga pala! May final practice pa sila mamayang 12:30.
"Oo nga, Josh, thank you talaga ha." tapos ginulo niya ang buhok at nagpaalam na ako sa kanilang tatlo.
Pagkauwi ko ng bahay nadatnan ko naman si Joaquin na nag-aaral. Sobrang ma-effort talaga ng mokong na 'to. Hindi niya naman ata napansin ang presensya ko kaya dahan-dahan akong naglakad sa likod niya.
Naririnig ko siyang nagpa-practice ng accent niya kaya napapa-tango ako kapag tama ang pagkakabanggit niya at napapa-iling kapag mali.
Nang mapansin kong concentrate na talaga siya hindi na ako nagdalawang isip na gulatin siya.
"Wah!"
"Ahhh!"
Halos hindi maipinta 'yong mukha niya sa sobrang gulat tapos natapon niya pa 'yong book na hawak niya kaya tawa na ako ng tawa.
"Binibini! Aatakihin naman ako sa ginawa mo." reklamo niya pa pero nakahiga na ako sa sahig at hawak hawak pa rin ang tyan ko sa kakatawa.
"Hahahahahaha! Napaka-seryoso mo naman kasi dyan! Hahahahaha!"
"Ah ganoon ba, Binibini?" tapos ngumiting pilyo siya.
"Waaah! Hahahahahaha! Tama na! Hahahahahha, Joaquin! Hahahahaha!" halos maubusan ako ng hininga kakatawa kasi kinikiliti niya ako.
"Ano 'yon, Binibini? Hindi kita maintindihan." Gagong mokong na 'to.
"Hahahahaha! Ayoko na! Time out! Hahahaha!" pagkatapos niya akong kilitiin ay hinabol ko muna ang hininga ko tapos agad ko siyang kiniliti na naman. Bwahahaha! Nakabawi rin ako.
Pero potek, wala siyang reaction!
"Hindi ka nakikiliti?" umiling naman siya. Ang seryoso niya pa rin. Sinubukan kong sundutin 'yong tagiliran niya pero wala pa rin. Nalipat naman ako sa paa niya at sinubukan ring guluhin pero wala pa rin.
Naningkit na 'yong mata ko 'nong hindi ko talaga mahanap 'yong kiliti niya. Hanggang sa may naisip na ako!
"Bakit, Binibini? Suko ka na?" nakangiting pilyo na sabi niya.
Bwahahaha! Akala mo lang 'yon. Pumunta ako sa likod niya at sinubukang kilitiin ang likod niya pero syempre tactic ko lang 'yon.
"Wala rin dyan, Binibini. Hindi mo mahahanap--Hahahahhaha!" ayon! Huli ka balbon! Hahahahaha.
Hinipan ko ng hinipan 'yong leeg niya sa likod kaya natatawa siya ng natatawa. Kahit hinihipan ko siya sa leeg hindi mawala sa isip ko na sobrang bango niya.
Habang hinihipan ko pa rin ang leeg niya 'e agad siyang humarap sa akin na hindi ko inaasahan at mas lalong hindi niya rin sigurong inaasahan. Kaya 'yong nakanguso kong labi na hihipan sana siya 'e nadikit sa tip ng nose niya.
Halos huminto na naman ang mundo ko sa sobrang gulat at ang bilis na naman ng t***k ng puso ko. Nanlaki rin 'yong mga mata niya sa nangyari at pareho kaming nakatingin lang sa mata ng isa't-isa.
Humiwalay na ako sa kanya at nag-iwas ng tingin pero sobrang lapit pa rin ng mukha namin sa isa't-isa, ramdam na ramdam ko rin 'yong hininga niya.
"Binibini, mahal mo pa ba si Lienel?" napatingin naman ako agad sa kanya kasi sobrang seryoso niya sa tanong niya.
"H-Hindi na, Ginoo este Joaquin." pati ako nahahawa sa pagiging magalang niya. Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Kung ganoon, kaya mo na bang magmahal ulit ng iba?"
"A-Ano?"
"Wala, Binibini. Mag-ayos ka na kasi aalis pa tayo, diba? Gusto ko ring manalo sa paligsahan para sayo." saka siya tumayo at umupo sa sofa. Ako naman dali-daling tumayo at nagpunta sa kwarto.
Hinawakan ko 'yong dibdib ko. Ang bilis na naman ng t***k ng puso ko.
--
Pagkadating namin ng school, itinext ko agad sina Divine na nasa D Walk kami ni Joaquin. Umupo muna kaming dalawa tapos nilagay ko 'yong bag na naglalaman bg nga damit niya.
"Handa ka na ba, Lalaki?" Tanong ko sa kanya pero wala lang mang bakas ng nerbyos ang mukha niya.
"Oo naman, Binibini. Hindi kita ipapahiya. Pangako." Kinindatan niya pa ako kaya napakunot ang noo ko. Saan niya naman kaya natutunan 'yon? Parang baliw.
Maya maya pa dumating na rin sina Divine at syempre, silang tatlo na naman ang nag-usap kaya hinayaan ko na rin.
Nang mag 12:20 na, nag decide na kami na pumunta ng CA 3 para sa final practice nila Joaquin. At expected, ang dami na namang fangirls. Hay nako.
Ganoon pa rin ang set-up naming apat ngayon, silang tatlo nauunang maglakad sa harap ko at ako naman nakasunod lang sa kanila. Nang mapadaan kami sa mga babaeng nasa bench 'e tili sila ng tili kay Joaquin pero di naman sila pinapansin ni Joaquin.
Dapat lang!
Pagkarating naman namin sa bandang harap lumapit na naman si Stella kay Joaquin, kelan ba siya titigil kakadikit kay Joaquin? Nakakairita.
Naupo na lang ako ulit sa dating pwesto ko tapos napansin ko sa bandang harap na si Claire lang ang nandoon at nasa bandang gitna na sina Josh at ang mga tropa nila. May mga babae rin at lalaki na dumating sa tabi ni Claire, ahh mukhang mga VIP 'yong nasa bandang harap which is mga malalapit siguro sa contestants.
Teka, papano si Joaquin?
"Si Hannah, siya 'yong soon to be girlfriend ni Adonis." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Divine. Ano daaaw?
Ang sama tuloy ng tingin sakin ni Stella dahil sa sinabi ni Divine. Hinila na ako ni Joe papalapit sa kanila nang hindi pa ako tumayo sa pagkaka-upo.
"Ah sorry pero si Joaquin lang kasi makaka-decide 'non." Sabi pa ni Stella na mukhang ayaw nga ako ang umupo sa harap. Psh.
"Si Binibining Hannah na lang, importante naman siya sakin 'e." Tapos ngumiti si Joaquin sa akin kaya sobra naman kung makasundot sa gilid ko ang dalawa.
"Doon ba siya uupo, Miss Stella?" Yong kaninang sobrang bwisit na mukha ni Stella 'e napalitan ng lagkit na lagkit na titig kay Joaquin nang kausapin siya nito. Tss.
Ang landi din ng isang 'to. Importante pero nakangiti rin naman kay Stella.
Di ko na hinintay si Joaquin at dire-diretsong umupo. Mabuti na lang 'e may pagitan sa amin ni Claire na isang tao.
Nang makaakyat sina Joaquin sa stage 'e takhang takha siya sa akin pero inirapan ko lang siya. Bahala ka sa buhay mo!
Nag-umpisa na rin silang mag-practice at magagaling silang lahat.
Habang nagpa-practice sila 'e natapilok 'yong kapartner ni Joaquin kaya nagpanic ang lahat. Ang loka, natapilok na nga't lahat nakuha pang lumingkis kay Joaquin. Bakit naman kasi magsu-suot ng ilang inches na sapatos tapos hindi naman pala kaya. Ipokpok ko kaya sa ulo niya. Tss.
Dahil sa nangyari nagkaroon ng emergency meeting ang school staffs, hindi naman siguro nila pwedeng alisin si Joaquin 'no?
"Siya na lang! We have no choice! You, Miss! Ikaw na lang magiging kapartner ni Number 8!" Parang nag-init 'yong mukha ko sa inis nang tumayo si Claire at rampa pang umakyat ng stage.
Kahit na University student si Claire wala na talagang choice dahil sa nangyari. Tatanga-tanga rin naman kasi si Number 8 Girl. Psh!
Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Pero bwisit ako kay Claire, siguro naiinis lang ako sa fact na, minsan niya na ring inagaw ang akin.
Kaya 'nong makita ko siyang lumingkis kay Joaquin, gusto ko siya sugudin.
Subukan mo lang magkamali, Claire. Hindi ako magda-dalawang isip na bawiin ang dapat ay akin.