Kabanata 11

2069 Words
Pagkapasok namin sa CA 3 'e parang may contest ata. Ang daming babae sa loob tapos puro tilian pa. Nakasunod lang ako kina Joaquin dahil hawak hawak pa rin siya nina Divine at Joe sa kabilaang braso niya. Mas okay na rin na nasa paligid niya sina Joe. Pumunta kami sa harap para mapalapit 'don si Joaquin. Nakita ko namang patakbo na lumapit si Stella kay Joaquin, ang lagkit lagkit ng titig ng ambisyosang 'to. Tss. Nakakabwisit ang ngiti niya. Akala ko hahayaan nina Joe at Divine si Joaquin na mahawakan ni Stella pero hindi, nag-insist ang dalawa na sasamahan na nila si Joaquin papunta sa stage. Wala namang nagawa si Stella kaya naglakad na lang siya. Umupo na lang muna ako sa bench at paniguradong matagal pa 'to matatapos. Nasa pinakagilid ako ng bench at medyo malayo sa mga babaeng puro tilian. Nakakarindi sa tenga 'e. Nagulat ako sa paglapit ni Joaquin sa akin tapos niluhod niya pa 'yong isang tuhod niya kaya magkapantay na naman ang mga mata namin. Nagkakatitigan na naman kami. Ito na naman 'tong baliw kong puso na gusto nang lumundag sa sobrang nakaka-attract na mata ni Joaquin. "Hintayin mo ako, Binibini. At wag kang mag-alala, hindi ako pumayag na hawakan ni Miss Stella. Sabi rin nila Divine at Joe na magagalit ka raw kapag may ibang babaeng hahawak sa akin at naiintindihan ko naman sila." Tapos inalis niya 'yong buhok ko na nakaharang sa mukha ko. Ngumiti siya sakin at nag-pat siya ng ulo ko. Ginawa pa akong aso! Speechless ako masyado sa nangyari na hindi ko napansin na nasa stage na siya, nakatingin na naman sa akin. Nakita ko naman si Lienel na sobrang sama rin ng titig sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay at inirapan. "Kyaaah! Kaloka ka, Sis. Ang haba ng haiiir~ Nagrejoice ka ba girl?~" kinanta pa ni Divine 'yon kaya natawa ako. Baliw talaga. "Ang sarap putulan ng hair mo, Dai. Tapos ikabit mo sa akin!" sabi naman ni Joe. "Mga baliw kayong dalawa. Magkababata lang talaga kami ni Joaquin, nothing else." tapos tinapik-tapik ko 'yong balikat nilang dalawa. "May mag kaibigan bang ang lagkit ng titigan?" binigyan ko ng masamang tingin si Joe. "May mag kaibigan bang ang seloso at selosa sa isa't-isa?" isa pa 'tong Divine na 'to. "May mag kaibigan bang parang laging may sariling mundo?" di ko na lang sila pinansin na dalawa at tumingin na lang sa stage. "Baka matunaw, Dai." bulong ng isang evil Joe sa kanang tenga ko. "Sayo naman 'yan di na kailangang ipagsabi." bulong ng isang evil Divine naman sa kaliwang tenga ko. "Heh! Tumigil na nga kayong dalawa." inis na sabi ko pero tinawanan lang nila ako tapos nag-apir pa. Iuntog ko kaya ulo nilang dalawa nang mabalik sa katinuan. Pagkatapos nila akong pagtripan na dalawa 'e nakisabay na rin sila sa pagtitili. "Go Adonis namin!" sigaw yan nilang dalawa. Di ko na lang pinapansin at baka ako pa ang mabalingan nila at maaasar lang ako. Nakita namin na binigyan na sila ng kanya kanyang numbers at dahil nga Hanap ng Adonis at Ganda ito at may kapartner sila. Bali 8 pairs silang lahat, girls and boys. Number 7 si Lienel at Number 8 naman si Joaquin, aba nga naman at nagkasunod pa silang dalawa. Nakita ko sa mga upuan na nasa gitna sina Josh, nandoon rin si Claire. Inalis ko na lang ang tingin ko sa kanila at ibinalik ang tingin ko kay Joaquin na wala ng ginawa kundi ang tumingin sa akin at ngumiti pero iniirapan ko siya. Aba, anong akala niya? Madadala niya ako sa pangiti-ngiti niya. Tss. Practice palang naman 'to pero parang nasa contest na dahil sa mga babaeng grabe kung makapag-audience impact. Iba't-ibang numbers 'yong sinisigaw nila. Nagform na ata sila ng formation sa likod at binibigyan ng instructions kasi medyo matagal bago sila lumabas. By pair silang lumabas at sunod sunod rin ayon sa numbers na naka-assign sa kanila. Nang lumabas si Lienel, which is Number 7 siya, ang lakas ng mga tilian kaya itong si Claire kung makatitig sa mga babaeng sigaw ng sigaw 'e halos paglamayan na sa titig niya, nakakamatay 'e. "Diba yan 'yong gago mong ex-boyfriend?" rinig kong sabi ni Joe. "Unfortunately, yes." sabay kibit-balikat ko. "Oo, at nandito rin si Claire, mukhang todo suporta ang mga hayop sa kapwa nila hayop ah." napatawa naman kaming tatlo sa sinabi ni Divine. "Hayop na 'yan!" sabi ko pa kaya mas lalo kaming nagtawanan. Natigil lang kami nang lumakas na naman ang tilian ng mga babae. Nagflying kiss pala 'yong hayop kay Claire kaya todo tukso sila Josh sa kanya. Pagkatapos ni Lienel ay susunod na si Joaquin, nagpwesto na si Joaquin at 'yong partner niya sa bandang gitna sa likod at aba ang mokong, mukhang sanay na sanay sa pagpo-pose. 'Yong partner niya rin mukhang sanay na sanay, sanay na sanay sa paglilingkis. Ahas ba siya? "Go Adonis Number 8!" sigaw nitong dalawang kasama ko at mukhang narinig naman ni Joaquin kaya ngumiti siya sa amin kaya todo kilig 'tong dalawa. Todo sigaw rin 'tong mga babae sa bench nang ngumiti si Joaquin, potek mukhang may fans na ang loko. "Pwede bang baliin 'yang kamay ng babaeng 'yan. Linta ba siya?" natawa naman ako sa inis na inis na Joe. "Oo nga, ang gandang ipatapon sa disyerto. Hindi naman kagandahan!" at ang no other than very supportive Divine. Ang sama sama na ng tingin ko sa babaeng lingkis ng lingkis kay Joaquin everytime na magkakatabi sila. Nakakabwisit, baka may virus pa 'yang babaeng 'yan at mahawaan pa ako! Ilang beses na nagpractice ng rampa sina Joaquin at pinapraktis rin sila kung papano sila magpapakilala. Halos isang oras rin 'yon bago sila nag-break time. Agad namang nagpunta si Joaquin sa gawi namin at kitang-kita ko kung paano sundan ng mga eagle eyes si Joaquin papunta sa amin. "Binibini, ayos ka lang ba?" agad niyang sabi kaya itong dalawa sa gilid ko 'e pigil na pigil sa pagtili. "Ano ka ba, Adonis, hindi naman 'yan mapapagod si Hannah kasi nakaupo lang naman kami dito." sabi ni Divine, paninindigan niya talaga ang pagtawag kay Joaquin ng Adonis ha? "Oo nga, ikaw nga dapat tanungin namin 'e." sabi naman ni Joe, pero ngumiti lang si Joaquin. "Nako, wala akong tubig na dala ngayon." sabi ko habang tumitingin sa bag ko. "K-Kami na bibili ni Divine, iwan muna namin kayong dalawa ha." nagulat naman ako sa sinabi ni Joe, seryoso ba sila? Pipigilan ko pa sana silang dalawa pero nakalayo na sila. Ang bilis na naman ng t***k ng puso ko. Bakit ba ganito 'to? Baka may sakit na talaga ako sa puso. Tiningnan ko si Joaquin na nakatayo pa rin sa harap ko. Natatakpan naman ng likod niya ang gawi nina Lienel kaya hindi ko rin alam kung anong iniisip nila na magkasama kami ng isang gwapong nilalang na 'to. "Tatayo ka na lang ba dyan habang buhay?" pagma-maldita kong sabi sa kanya kaya natawa siya. Ginulo niya naman ang buhok ko tapos umupo siya sa tabi ko. Kaya nakita ko 'yong titig nila Lienel sa akin, hindi lang siya, kundi pati nina Josh, Claire at ng mga tropang kasama niya. Mukhang chini-chismis na nila kami ni Joaquin ngayon, pati ng mga babaeng nasa bench rin 'e nasa amin ang tingin. Ano ba yan! Hindi ako sanay sa atensyon ng napakaraming tao. Humarap na lang ako kay Joaquin para hindi ako masyadong mailang sa titig ng ibang tao. Napansin ko naman ang tagatak niyang pawis at pinupunasan niya 'yon ng kamay niya kaya hindi ako nagdalawang isip na kunin ang panyo ko at ihirap ang mukha niya sa akin at punasan ito. Napasinghap pa siya sa ginawa ko at ngumiti rin naman. "Ang ganda mo talaga sa malapitan, Binibini." natigilan naman ako sa sinabi niya kaya tinulak ko palayo 'yong mukha niya. Waah! Nag-iinit na naman ang mukha ko. "So, kapag nasa malayo pangit ako ganun?" inis na sabi ko sa kanya para maiba ang mood ko at mawala ang pula sa mukha ko. Natawa naman siya sa sinabi ko. "Ikaw ang may sabi 'non, Binibini at hindi ako." aba naman talaga! Tinapon ko sa kanya 'yong panyo at lumayo ng kaonti saka inirapan ko siya. "Hahahaha! Nagbibiro lang ako, Binibini." tawang-tawa pa siya. Bwisit! Nag-iinit na naman ang mukha ko sa sobrang inis. Nakakarinig ako ng mga shutter ng camera at mukhang kinukuhaan ng mga babae 'tong si Joaquin kasi tumatawa siya. Bakit ba nila kinukuhaan ng litrato 'tong mokong na 'to 'e nakakabwisit nga 'yong tawa niya 'e. Lumayo pa ako ng kaonti sa kanya kasi baka masali pa ako sa picture at baka i-bash pa ako kapag na-upload 'yon. Ayokong mapagpiyestahan--waaah! Nagulat ako sa ginawa ni Joaquin kasi naman hinila niya ako palapit sa kanya tapos dikit na dikit talaga kami kaya nagtitilian 'yong ibang babae. Hindi ko alam kung tili sa kilig o tili sa galit? "Bakit ka lumalayo sa akin, Binibini? Gusto kong nasa tabi lang kita palagi." malumanay niyang sabi. Gago ba siya? Gusto niya bang hindi na ako makalabas ng buhay sa lugar na 'to? Kung nakakamatay lang ang tingin, baka hindi lang ako double dead dito. "Yieee! Aminin niyo na kasing magka-relasyon kayong dalawa!" napahiwalay naman ako kaonti kay Joaquin nang dumating sina Joe. Inabotan ni Joe si Joaquin ng tubig tapos binigyan naman ni Divine si Joaquin ng pagkain. "Napakabusilak talaga ng inyong mga puso. Salamat." sabi naman ni Joaquin saka kinuha 'yong bigay ng dalawa kaya todo talon talon naman silang dalawa. Mga baliw. Binuksan ni Joaquin 'yong tubig niya tapos akala ko iinom na siya pero inabot niya sakin 'yon. "O-Okay lang ako. Ikaw ang uminom baka nauuhaw ka na, hindi pa tapos ang practice niyo." naiilang na sabi ko kasi sina Joe sobra na naman kung kiligin, parang naiihi. "Para kasing namumula ng kulay pulang rosas ang mukha mo, Binibini." tapos naka-ngiting pilyo na naman siya. Gago talaga! Inirapan ko na lang siya kaya natawa na naman siya ng sobrang lakas. Potek, napaka-sexy ng tawa niya. "Waaah! Ang hot ng tawa mo, Adonis!" rinig ko pang sabi nina Joe. Di ko na lang pinansin 'yon tapos tumayo na ako. "Punta lang ako CR." paalam ko nang hindi sila tinitingnan. Nang mapadaan ako sa bench ng mga babae na puro tili kanina, hindi ako nakalagpas sa mga matatalim nilang titig pero di ko na lang pinansin 'yon at dumiretso na ako sa CR. Nasa loob ako ng cubicle nang makarinig ako ng mga babaeng nag-uusap. "Ang gwapo 'nong number 7 & 8 kanina 'no?" "Oo nga! Kaso sayang mukhang pareho na silang taken." "Hindi naman kagandahan 'yong girlfriend 'nong number 8." "Pero ang gwapo niya talaga 'no? Grabe, taga-saang school kaya siya?" "Oo nga tapos sobrang ganda pa ng katawan." Mukhang nakalabas na sila dahil nakarinig na ako ng pagbukas at close ng pinto. Pag-chismisan ba naman kami ni Joaquin?! Mga loka-loka! Lumabas na rin ako ng cubicle at pagkaminamalas ka nga naman! Pumasok si Claire sa loob at naka-ngiti pa ang loka. Hindi ko na siya pinansin at nilagpasan lang siya. "Ang bilis mo naman atang makamove-on." rinig kong sabi niya. Hindi ko pa rin siya nilingon pero napangiti ako. "Oo, 'e ikaw ba? Mukhang threaten ka pa rin sa akin ah." naramdaman ko ang pagtingin niya kaya nilingon ko siya, inis na inis na 'yong mukha niya na halos magkasalubong na 'yong sobrang kapal niyang kilay. Nginitian ko lang siya ng sobrang tamis kong ngiti at lumabas na. Sa hindi kalayuan naman 'e nakita ko si Lienel...at Joaquin na nag-uusap kaya agad akong tumakbo palapit. Nagulat naman si Joaquin nang makita niya ako. "A…Anong ginagawa niyo?" takhang tanong ko. Ang sama pa rin ng titigan nila sa isa't-isa, first time kong makita si Joaquin na ganito. "Sinasabi ko lang sa lalaking 'to na kilalanin niya kung sinong kinakabangga niya." galit na sabi ni Lienel pero hindi ko 'yon pinansin kundi hinawakan ko ang kamay ni Joaquin. "Halika na, Joaquin." aalis na sana kami pero napahinto ako sa sinabi ni Joaquin. "Sinasabi ko lang din sayo na hindi mo na siya pagmamay-ari kaya wag kang umastang sayo pa siya." kaya si Joaquin na ang humihila sa akin ngayon. Kita ko ang likod niya habang hila hila niya pa rin ako. Ano bang ginagawa mo sa akin, Joaquin? Bakit ako nagkakaganito dahil sayo? Nababaliw na ata ang puso ko sayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD