Hindi pa rin maalis sa kanya ang titig ko. Aminado naman akong wala na akong nararamdaman para sa kanya pero hanggang ngayon masakit pa rin sa akin ang ginawa niyang pagtapak sa pride ko. Sinubukan kong i-compose ang sarili ko.
"B-Bakit ka nandito?" tanong ko habang inaalis ko 'yong kamay niya. Nakakadiri naman.
"Kasama ko si Claire at sina Kuya. Si Claire 'yong nag-invite sa akin dito." sabi na nga ba't kasama niya 'yong kapatid ni Lucifer na babae na 'yon. Duh, di ko naman tinanong kung sinong kasama mo, hayop.
"Ganoon ba? Well, enjoy sa University Week namin." nakangiting sabi ko tapos tumalikod na ako. Aalis na sana ako pero nagsalita pa siya.
"Teka, can I ask you for a lunch? No strings attached." Napa-smirk naman ako sa sinabi niya at napataas ang isang kilay ko. Sa kanya pa talaga nanggaling yang 'no strings attached' ha? Kapal ng amats mo, animal.
Anong akala niya sa akin? May feelings pa ako sa kanya? Mukha niya! Pagkatapos niya akong ipagpalit sa kapatid ni Lucifer? At siya pa ang may ganang makipagbreak? Kapal talaga ng apog!
First boyfriend ko si Lienel at umabot rin ng isang taon ang relasyon namin. It WAS all perfect pero hindi naman mabubuo ang isang fairytale kung walang witch at dumating si Claire sa buhay naming dalawa. Magka-iba kami ng school habang schoolmate naman kami ni Calire. Hindi ko na alam kung papaano sila nagkakilala pero to cut the fairytale story in short, nagayuma ng witch at 'don siya sumama. Edi bahala siya. It's not my lost anyway.
Hindi ko lang talaga matanggap 'yong pagbe-break niya sakin. Kasi naman siya na ang may kasalanan 'e siya pa ang may ganang makipaghiwalay. Masakit 'yon sa pride ko. Pero syempre, wala na rin naman akong nararamdaman sa kanya. And after 5 months, dumating naman sa eksena si Sebastian, a jerk also like him.
Humarap ako sa kanya at ngumiti. Akala niya siguro ma-aapektuhan ako ng sinabi niya.
"Thanks but no thanks, Lienel. I can manage myself. At baka mag-wala pa si Claire kapag nakita niya tayong magkasama."
"I-I'm really sorry about--"
"Masyado ng matagal 'yon. At hindi na 'yon dapat pang balikan." hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumalikod na ako. Ang eksena naman masyado ng buhay ko. Parang sasabog na ang ulo ko sa mga nangyayari ngayon. Tsk.
Nawala na sa isip ko 'yong two idiots at si Joaquin hanggang sa napunta ako sa garden ng school. Maraming puno dito at napakasimoy ng hangin kaya umupo muna ako at sumandal. Kailangan ko lang kalmahin ang sarili ko. Kasi hanggang ngayon, umaapaw pa rin sa akin ang galit ko kay Lienel.
Nagbubunot bunot na ako ng d**o sa lupa sa sobrang inis ko.
"Huwag mo namang damayin ang inosenteng tanim sa galit mo, Binibini." Natigil ako sa ginagawa ko at humarap kay Joaquin na nakaupo na sa tabi ko. Ang bilis niya naman akong nahanap.
"Kung kailangan mo ng makakausap, nandirito lang naman ako. Sabi ko naman sayo, isang tawag mo lang ng pangalan ko. Dadating agad ako." ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Bakit ba nakakagaan 'tong mga sinasabi niya. Hay nako, Ginoong Joaquin, ang komplikado ng buhay.
Kaonting katahimikan pa ang namalagi sa amin at napabuntong hininga ako bago ko sinimulan ang pagke-kwento sa kanya.
"Si Lienel 'yong first love ko. Siya rin 'yong naging kadamay ko sa lahat. Masaya ako na nakakasama ko siya, ang gaan sa pakiramdam kapag yakap yakap niya ako, kapag hinahawakan niya 'yong kamay ko parang humihinto ang mundo ko. Mahal na mahal ko siya na akala ko 'e magkakaroon na kami ng happily ever after o walang hangganang kasiyahan. Pero mali pala ako."
Tiningnan ko si Joaquin na nakatitig lang sakin habang nakikinig sa kwento ko. Hindi naman siya nagsalita kaya pinatuloy ko ang kwento ko.
"Isang araw bago ang araw ng mga puso, nag-away kami na sobrang lamig ng pakikitungo namin sa isa't-isa. Aminado naman akong kasalanan ko 'yon kaya naghanda ako ng surpresa para sa kanya at magkaayos kami sa araw ng mga puso. Pero hindi ko akalain na sa araw na 'yon, iba na 'yong babaeng yakap yakap niya. Hindi na ako, kundi 'yong babaeng minsan niya ng sinabing 'hindi ko dapat pagselosan.' Tinapos namin ang relasyon na meron kami, noong una sobrang sakit at ang hirap tanggapin pero sabi nga nila 'time heals.' Kaya naging okay na ako at aminado na akong wala na akong nararamdaman sa kanya pero umaapaw pa rin sa akin ang galit na di ko matanggap na siya 'yong nakipaghiwalay sa aming dalawa. Masakit 'yon sa pride ko bilang babae. Kaya ayon, hanggang ngayon. Dala-dala ko 'yong galit at sakit na dinulot niya. At ilang buwan ang dumaan, dumating si Sebastian sa buhay ko. Na akala ko 'e iba sa mga lalaking nakilala ko, pero mali na naman ang akala ko."
Hindi nagsalita si Joaquin pagkatapos kong magkwento kaya tiningnan ko siya at nakatitig pa rin pala siya sa akin. Iniwas iwas ko yong tingin ko sa kanya bago ako yumuko.
"Mahirap talagang magpatawad, Binibini. Pero sa totoo lang, nakaka-gaan sa pakiramdam kapag binitawan mo lahat ng galit at sakit. Mas magiging masaya ka. Isa pa, walang magandang maidudulot ang galit at poot sa puso," pakiramdam ko nakikipag-usap ako sa isang Filipino na nagtime-travel para lang bigyan ako ng advice. But on the other hand, he's actually right.
"Salamat, Joaquin. Sa ilang araw na magkasama tayo, marami akong natutunan sayo." ngiti ko. Wag kayo, sincere ako. Kasi totoo naman talagang marami akong natutunan sa kanya. Pwede na siya maging Philosopher, mamo-mroblema ang mga high school student sa sobrang dami niya life lesson.
"Wala 'yon, Binibini. Basta narito lang ako palagi sa tabi mo."
Talaga? Palagi? Pero aalis ka rin naman oras na nakahanap na tayo ng paraan para makabalik ka sa isla niyo 'e.
Gusto ko sanang sabihin sa kanya 'yan pero ayoko namang iparamdam sa kanya na ayoko na siyang umalis. Luh asa siya! Tsaka duh, pakialam ko ba kung umalis siya.
"Teka, asan na nga pala sina Divine at Joe?" potek! Nawala sa isip ko 'yong dalawa. Paniguradong puro batok na naman ang abot ko sa two idiots.
"Yong dalawang Binibini ba kanina na naka-usap ko, Binibini? H-Hindi ko na rin alam 'e. Napansin ko kasing malungkot ka kaya agad kitang sinundan." Napakagat labi na naman ako para pigilan ang ngiti ko. Talagang pina-prioritize niya ako ha, sana consistent ka sa ganyang aksyon mo, Joaquin.
Kinuha ko na lang ang phone ko at tinext si Joe. Nasa D Walk raw sila at magpapaliwanag raw ako.
Nauna ng tumayo si Joaquin kaya inabot niya sa akin ang kamay niya para tulungan akong tumayo pero pagka-tayo ko naman 'e medyo na out balance ako kaya napahawak na naman si Joaquin sa bewang ko para suportahan ang katawan ko. Potek! Bakit ba lagi na lang ganito. Ang ending 'e magkalapit ang mukha namin at syempre, itutulak ko 'yong mukha niya.
"Mag-iingat ka palagi, Binibini." nakangiting pilyo na sabi niya. Mukhang nangangamatis na naman ang mukha ko. Bwisit! Gustong-gusto nya talaga na nahihiya ako sa kanya.
--
Pagkarating namin ng D walk na dalawa 'e halos maging giraffe na 'yong mga leeg ng mga babae dito dahil sa kakatitig kay Joaquin. Hinanap ko lang sina Joe at nakita ko naman silang dalawa na halos mabali rin ang leeg makita lang si Joaquin.
Lumingon naman ako kay Joaquin na nakatingin sa paligid niya at nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya 'e ngumiti rin siya ng nakakatunaw kaya halos magpi-pigil sa pagtitili 'tong mga babae dito. Nubanaman yan!
Lumapit ako kina Joe at mukhang wala pa rin silang pakialam sa akin. Nakatitig pa rin sila kay Joaquin na naglalakad palapit sa amin. Umupo na lang ako kahit di nila ako napansin. Kung ice cream lang si Joaquin at init yang mga mata nila paniguradong tunaw na tunaw na siya.
"Lalapit ba siya sa atin? Mukhang namukhaan niya ako kanina!" kinikilig na sabi ni Joe.
"Mukhang effective 'yong tactic mo, Joe!" suporta naman ni Divine. Ewan ko sa inyo, sumasakit ang ulo ko. Inihiga ko na lang ang ulo ko sa mesa, anong oras ba kami kakain ng lunch? Alas dose na kaya. Hay nako. Itinagilid ko 'yong higa ng ulo ko at pinikit na ang mata ko. Uupo rin naman siguro si Joaquin sa tabi ko.
"Binibini, masama ba ang iyong pakiramdam?" Halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng imulat ko ang mata ko at mapansing ang lapit ng mukha ni Joaquin. Mabuti na lang 'e nasuportahan niya ang likod ko kaya hindi ako nahulog.
Nang-iinit na naman ang mukha ko everytime na dumadampi ang kamay niya sa akin. Potek talaga. Salbaheng dugo 'to..
"MAGKAKILALA KAYO?" napatakip naman ako ng tenga ko sa sigaw ng nina Joe at Divine. Nakalunok ng mega-phone 'tong dalawa, jusko naman.
Inalis ko na 'yong kamay ni Joaquin sa likod ko at inilayo ko na rin 'yong mukha niya. Nakangisi na naman siya. Sapakin ko kaya 'to. Psh. Baka kung ano pa ang isipin ng iba, ano at dumugin pa ako. Nako, ayoko pang malagay sa kabaong ng buhay. Ang dami pa namang nakatitig na mga mata sa amin dahil kay Joaquin.
Hinarap ko 'yong dalawa at pina-upo sila. Nakakahiya naman kasi. Pinagtitinginan na nga kami dahil kay Joaquin tapos sisigaw pa sila. Nagmu-mukha kaming attention seeker, jusko.
"Oo, siya si Joaquin. Joaquin, si Joe at Divine mga kaibigan ko. Pwede na ba akong matulog?" sabi ko ng walang kagana-gana at inihiga ulit ang ulo ko.
Bago ko pa mahiga ang ulo ko 'e bumagsak na ito sa kamay ni Joaquin. Bakit ang bango ng kamay niya? Pareho naman kaming safeguard ang gamit ah! Maduga talaga. Psh.
"Anong ginagawa mo?" inis na sabi ko sa kanya.
"Sasakit ang ulo mo, Binibini kapag inihiga mo sa matigas na mesang ito." napabuntong-hininga naman ako at umayos na ng upo. Inalis ko na rin 'yong kamay niya.
Hanggang ngayon tulala pa rin sina Divine at Joe. Ano bang problema ng dalawang 'to?
"Hello! Joe and Divine to Earth!" tapos binatukan ko silang dalawa para mabalik sa diwa nila.
"Aray!" Pinang-singkitan nila akong dalawa kaya inirapan ko sila.
"Ano ba kasing problema niyo at di kayo nagsasalita dyan?" saka ko sila tinaasan ng kilay.
"Boyfriend mo ba siya?" tanong ni Joe na nakalapit sa akin pero nakatingin pa rin naman kay Joaquin. Binulong nya pa kunwari pero rinig pa rin ni Joaquin kasi natawa siya at umiwas ng tingin. Kinilig amp.
"Oo nga! Ang gwapo gwapo talaga ni Adonis tapos ang sweet niya pa sayo! Nakakainggit!" singit naman ni Divine na di rin inaalis ang tingin kay Joaquin.
"Hindi! At Joaquin nga ang pangalan niya, hindi Adonis." sabi ko sa kanilang dalawa. Naramdaman ko naman ang pagkulo ng tyan ko.
Nagugutom na talaga ako.
"Bibili muna ako ng makakain, pang-lunch natin. Anong gusto niyong kainin na dalawa?" baling ko kina Joe at Divine na hindi pa rin inaalis ang tingin kay Joaquin.
"Siya!" napahilamos na lang ako ng mukha sa sagot nilang dalawa. Hindi talaga matino kausap 'tong dalawa kapag lalaki ang kaharap.
"Ewan ko sa inyo. Nase-stress ako. Ikaw, Joaquin? Anong gusto mong kainin?" baling ko naman kay Joaquin na nakangiti lang sa dalawa. Mukhang natutuwa siya sa katangahan nilang dalawa. Tumingin naman siya sakin at nakangiting pilyo.
"Ikaw." Pinikit ko ng mariin ang mata ko at napa-facepalm na lang. Sina Divine at Joe naman sobra makatili at sinusundot sundot pa ang tagiliran ko, karma ko ba 'to sa ginawa ko kay Joaquin kanina? Bwisit. Isa pa 'tong puso ko na sobra kung tumatalbog! Kumalma kang, puso ka. Di natin talo yan. Dayo lang yan.
"Ewan ko sa inyo! Mga baliw. 3 idiots. Hoy, Lalaki, wag kang aalis dito at bibili ako ng makakain. Kayo naman, bantayan niyong hindi makakaalis 'tong mokong na 'to."
"Kahit wag ka na bumalik, Sis."
"Ano?!" binatukan ko ulit ang dalawa saka ako naglakad paalis. Tinawag pa ‘ko ni Joaquin pero di ko na siya pinansin. Mababaliw ako kasama ang tatlong 'yon.