Kabanata 10

2025 Words
Pagkatapos kong makabili ng pagkain naming apat 'e napatingin ako sa bulletin board. Aba naman at kasama si Lienel sa Hanap ng Adonis at Ganda Non-University Friends. Bulag siguro 'yong pumili 'don at isinali ang isang hayop. Tsk tsk. Kawawa naman 'yong pumili sa lalaking 'yon, paniguradong bulag yon. Bumalik na ako sa D Walk kung saan ko silang iniwan na tatlo. Nag-uusap na sila at buti na rin 'yon, kahit papano hindi lang ako ang laging kausal ni Joaquin. Alam ko namang hindi magku-kwento si Joaquin tungkol sa isla na pinanggalingan niya dahil hindi pala 'yon pwedeng malaman ng kahit sino kasi nga inaalagaan nila ang lugar nila. Marami rin daw kasi ang nagtatangkang pumuslit ng mga yaman nila na galing sa isla at binbentea kung saan saan, kaya mahigpit ang isla nila sa mga dayo. Nakakatakot. Naiintindihan ko naman siya kasi nga andoon raw 'yong mga dating yaman ng bansa. Napag-usapan na rin namin 'to kagabi at sasabihin niya lang na magkababata kaming magkaibigan at nandito siya sa GenSan (General Santos City)para magbakasyon. Nang makalapit ako sa kanila ay ang lapad ng ngiti nina Divine at Joe. Tinulungan naman ako agad ni Joaquin sa mga dala ko at inilapag 'to sa mesa. Tumingin siya sa akin at iginilid pa ang ulo niya. Inirapan ko na lang siya at inayos ko naman ang pagkain namin. Kakain na sana ang dalawa pero pinigilan ko sila at sinenyasang magdasal. Agad naman silang sumunod dahil napansin nila si Joaquin na nakatingin sa kanila, pagkatapos namin magdasal 'e kumain na kami. Kahit kumakain ang dami nilang tanong kay Joaquin, mabuti na lang di nila naungkat 'yong nangyari kanina samin ni Lienel. Wala namang problema sakin kung anong itanong nila kay Joaquin, bahala siya. Pagkatapos naming kumain 'e niligpit ko na 'yong mga pinagkainan namin, nasa-paper pack naman 'to kaya pwede ng itapon agad. Ako na rin ang nagtapon kasi sarap na sarap pa rin sa pag-uusap 'yong tatlo, hindi na nga ako nakikisingit. Tuwang-tuwa si Joaquin sa dalawa kasi ang daming kine-kwento na kung ano ano. Nagtanong pa sila sa akin kung san ba daw galing tong si Joaquin dahil hindi alam yong ibang terms na ginagamit nila. Kaya sabi ko na lang na sa gitna ng mga bundok nakatira itong si Joaquin kaya di masyado bihasa sa mga trendy words nila. Anyway, naghanap na ako ng basurahang malapit lang sa amin at nakita ko naman agad. Pagkalapit ko ng basurahan ay may masamang anino naman akong naramdaman. "Prinsesa...we meet again." Ay ano ba namang klaseng araw 'to. Pagka-minamalas nga naman, sabi na nga ba't masamang anino talaga ang lumapit sa akin. Tinapon ko na lang 'yong mga dapat kong itapon at di na pinansin si Lienel dahil baka mapagkamalan ko pa siyang basura at maitapon ko siya sa 'Nabubulok.' Umiinit talaga ang dugo ko sa lalaking 'to. "Hey, sandali. Kasama ko sina Kuya, gusto ka raw niyang makita." Bago pa man maging kami ni Lienel 'e naging magbe-bestfriend kami 'nong highschool. Ako, si Lienel, Si Josh--na kuya ni Lienel, si Shana, si Ken, si Melvin at si Manel. Nasira lang 'yon 'nong nalaman nila ang nangyari samin ni Lienel. Kaya kahit ayokong sumama kay Lienel gusto ko pa ring makita si Josh. We're close at para ko na rin talaga siyang Kuya. "Josh!" sigaw ko nang makita ko siya at kasama 'yong mga bago nilang tropa ngayon, kasama ang kapatid ni Lucifer. Agad naman siyang tumingin sa akin at ang lapad rin ng tingin niya. Niyakap niya naman ako agad nang magkalapit kami. Wala talagang malisya sa akin 'to kasi parang magkakapatid na rin ang turingan namin. "Namiss kitang babae ka! Hindi ka na umuuwi sa lugar natin 'e at kapag may reunion ang section natin di ka rin naman pumupunta." sabi niya pagkatapos niyang kumalas sa yakap namin. Ngumiti naman ako sa kanya. "Bakit kanina 'nong ako 'yong nakita mo di naman ganyan yang ngiti mo? Psh! May gusto ka ba kay Kuya?" tiningnan ko naman ng masama 'tong si Lienel. Ang gago lang kung mag-isip, ang sarap sapakin. "Ano bang sinasabi mo dyan, Lienel? Naririnig mo ba yang sarili mo? Para kang bata." irita kong sabi sa kanya. "Ako? Parang bata? Hoy! Ikaw kaya 'tong parang bata na kung makayakap kay Kuya 'e parang ang tagal nyong di nagkita." "Talaga namang matagal kaming di nagkita! At dahil 'yon sayo, Bata!" "Aba naman! Ako pa? Dahil pa sakin? 'E bakit hindi kayong magkita na dalawa araw-araw! Parang bata!" "Kung magkikita naman kasi kami lagi kang nakabuntot! Parang batang nawawala!" "Sige ako na parang bata pero nakakagawa naman 'to ng bata!" Pareha naman kaming natigilan sa sinabi niya. Nakakahiya potek! Kanina pa pala kami pinagtitingnan ng mga tao. Si Josh naman tumatawa lang sa tabi ko kaya pinalo ko siya. "Tinatawa mo dyan?!" inis kong sabi habang pinapalo pa rin siya. "Aray naman, Hannah. 'E kasi di pa rin kayo nagbabago na dalawa. Ang pipikon niyo pa rin sa isa't-isa." Inirapan ko si Josh sa sinabi niya at tiningnan ng masama 'tong Lienel na 'to. Nahinto lang ako nang makita ko si Joaquin na nakatayo sa di kalayuan sa amin, bakit ganon? Parang..ang lungkot niya. "Ito number ko, Josh. Itext mo lang ako kapag gumagala ka ng mag-isa at walang bata na nakabuntot sayo!" tapos inirapan ko na si Lienel at lumapit na kina Joaquin. Sana naman wag nila bigyan ng malisya 'yong nangyari, no. Nakangiti siya sakin habang papalapit ako pero ang lungkot ng ngiti niya. Nasasaktan ako... "Mukhang masaya ka namang kasama siya ah." bungad ni Joaquin. "H-Hindi 'no! Nagka-sagutan nga kaming dalawa 'e. Teka, bakit ka nga pala andito? Sina Divine?" pag-iiba ko ng usapan. "Ang tagal mo kasing bumalik kaya pinuntahan na kita, di na rin ako lumapit sa inyo kasi mukha namang masaya ka. Sina Joe at Divine naman pumunta muna ng Restroom." "A-Alam mo kung ano 'yong restroom?" aba at improving na talaga 'tong estudyante ko. "Oo, gusto ko nga sanang sumama kaso mas inisip kita kesa sa pagpapahinga ko." HANUDAW?! "Pagpapahinga?" "Oo, Kwartong Pahingahan ang ibig sabihin 'non, diba Binibini?" Napapikit na lang ako ng mariin at napa-facepalm. Binabawi ko na 'yong sinabi kong improving na siya. "Teka, bakit hindi ka na tumatawag ng Binibini kina Joe?" pansin ko kasi 'yon kanina 'e. "Sabi kasi nila dapat ikaw lang ang tinatawag ko 'non, Binibini." Ha? Bakit naman kaya? Naniwala naman siya. If I know ayaw lang nila magmukhang-manang. Di ko na siya pinansin at bumalik na kami sa kinauupuan namin kanina at hinintay na sila Joe 'don. Maya maya pa bumalik na rin sila at aba! "Ilang perfume ba ang pinanligo niyong dalawa ha?" Akala mo kung walang bukas kung mag-perfume 'tong dalawa 'to. Jusko ang sakit sa ulo at ilong. Sasagot palang sana si Joe nang may dumating na mga students sa table namin. "Hello! Ako nga pala si Stella, isa akong student officer ng school at gusto sana naming i-invite siya sa Hanap ng Adonis at Ganda Non-University Friends." Ayos! Buti na lang di na ako mahihirapang maghanap sa kanila. Palay na ang lumalapit sa manok sa panahon ngayon. "Binibini, yan ba 'yong paligsahan na sinasabi mo?" bulong sakin ni Joaquin. Tumango naman ako at ngumiti. "Sige po, sasali siya!" nakangiting sabi ko pero si Joaquin nakahawak sa braso ko na para bang natatakot. Parang baliw 'to. "Joaquin, wag kang mag-alala paniguradong mananalo ka." sabi ni Joe at kumindat pa kay Joaquin. Nagpapa-cute na naman siya. "Oo nga, Adonis na Adonis ka kaya!" isa pa 'tong supporter ni Joe. Kinuha ko na lang 'yong fi-fill upan at ako na ang nagsulat para kay Joaquin. "Miss, walang cellphone number niya? Para matawagan o mainform namin siya tungkol dito." Nako, pano ba 'to wala namang kaalam-alam sa cellphone 'tong si Joaquin. No choice, number ko ang nilagay ko. Pagkatapos kong ilagay ang cellphone number ko 'e umalis na rin 'yong Stella pero super pa rin ang pagpapa-cute kay Joaquin. Dukutin ko kaya 'yang mata niya. Tss. "Oy, selfie naman tayo!" sabi ni Joe saka inilabas ang cellphone niya. Buti na lang at naituro ko kagabi 'tong cellphone kay Joaquin para hindi siya magmukhang tangengot sa harap ng cellphone. Aba ang loko, nakangiti agad sa harap ng camera. Aminado rin naman siyang gwapo siya 'e. Tss. "Pwedeng tayo naman dalawa, Adonis?" Pag-aaya ni Divine. Tumingin pa sakin si Joaquin bago siya humarap sa camera. Sumunod rin agad si Joe sa pagpi-picture kay Joaquin. Hindi kaya mangalay kakangiti 'tong isa na 'to. Tss. Kunwaring mahiyain gustong-gusto rin naman pala! Nakakabwisit. "O kayo naman, Hannah." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Joe. "Ano? Ayoko nga." mataray na sabi ko. Tapos lalayo na sana ako kay Joaquin kaso hinila ako pabalik ni Divine at tinulak palapit kay Joaquin, sa sobrang lakas ng pagkakatulak niya 'e ang lapit na naman ng mukha naming dalawa tapos nakahawak pa siya sa bewang ko. "1..2..3!" rinig kong sabi ni Joe tapos ngumiti si Joaquin sa akin habang nakatitig pa rin siya sa mga mata ko. Nang marinig kong tumili si Divine 'e doon lang ako humiwalay kay Joaquin at itinulak ko na naman palayo ang mukha niya. Buti nga hindi siya nababahoan sa kamay ko. "Kayo talagang dalawa!" inis kong sabi sa kanila pero tinawanan lang nila ako. Bwisit talaga. "Ang sweet sweet niyo ngang dalawang tingnan 'e!" sabi pa ni Joe. Di ko na lang 'yon pinansin. 2PM palang kaya tumambay lang rin kami dito sa D Walk kasi tinatamad naman kaming maglakad lakad. Bigla namang tumunog ng cellphone ko kaya agad kong tiningnan, baka kasi sila Tita ito. From: +63945627186 Hello Joaquin! Si Stella nga pala ito, gusto ko lang sanang sabihin na meron kayong practice ngayon sa Covered Area 3. Kung hindi mo alam ang papunta doon, sabihin mo lang at pwede kitang samahan. At aba naman! Kumukulo ang dugo ko sa babaeng 'to! Ang landi landi, gusto pang samahan niya si Joaquin? Psh! "Hoy lalaki!" Napatingin naman sakin si Joaquin. "Bakit, Binibini?" Nakangiti niya pa ring sabi. Inilayo ko muna siya sa dalawa para makapag-usap kami. "May sasabihin ako kaya makinig kang mabuti.." nakatingin pa rin siya sakin at naghihintay ng mga susunod kong sasabihin. "Kapag may babaeng humawak sayo, wag mong hahayaan na hawakan ka lang kasi ano.. baka may virus o sakit sila, mahawaan ka pa. At kapag nahawaan ka, posible na mahawaan rin ako. Wag ka munang magsalita di pa ako tapos. Kapag may babaeng kumausap sayo, wag mong tatawagin na Binibini, Miss lang o kung pwede wag mo na lang kausapin kasi.. ano.. ahm 'yong pagtawag mo ng Binibini 'yong magiging basehan ko kung asan ka kung kapag nawala ka ganon para hindi ako mapagod kakahanap sayo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Umarko na naman sa mga labi niya 'yong pilyong ngiti niya. May nasabi ba akong nakakatawa? Wala naman, diba? Para rin naman sa kapakanan ko 'yon. Tss. "Ayaw mo bang lumalapit ako sa ibang babae, Binibini?" napakagat na naman ako ng labi. Potek! Ano ba namang klaseng tanong yan! Oo, ayokong nakikita kang may kasamang ibang babae! "H-Hindi 'no! Pakialam ko ba sayo. Psh." inirapan ko siya kaya natawa naman siya. "Kung ganoon, maaari rin ba kitang pagbawalan na lumapit sa ibang lalaki?" napatingin ako sa sinabi niya. Waaah! Bakit ang seryoso niya? Mas gumagwapo siya pagganoon! "B-Bakit naman?!" ay loka loka ako! Ano bang klaseng tanong yan, Hannah. Huhu, lupa lamunin mo ako. "Kasi naninibugho ang puso ko kapag nakikita kita sa ibang lalaki, Binibini." Literal na nganga. Nagseselos siya?! Pero bakit? Bakit parang...ang saya ng puso ko. "A-Ano bang sinasabi mo! Halika na nga at may practice ka pa!" hinila ko na siya para hindi niya makita ang nag-iinit kong mukha. Waaah nakakahiya talaga. "Punta tayong CA 3. May practice daw 'yong mga contestants sa Hanap ng Adonis at Ganda." sabi ko kina Divine at parang si Flash silang dalawa na hila-hila agad sa magkabilaang braso si Joaquin. Hindi naman siguro ako nagseselos diba? Hindi, kakakilala palang namin kaya imposible. Imposible nga bang gusto ko na siya? Kung naninibugho ang puso mo na makita ako sa ibang lalaki, bakit hindi mo ako hilahin papalapit sa iyo, Ginoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD