"Hoy lalaki, bilisan mo nga dyan!" sigaw ko sa gagong mokong kasi naman ang bagal-bagal gumalaw. Nakakasira ng araw.
"Paumanhin, Binibini. Hindi kasi ako marunong mag-tali nito." Nakita ko naman siyang nahihirapan sa pag-sintas ng sapatos. Naparolled eyes na lang ako at itinali ang sintas ng sapatos niya. Ang sweet, ha. Babae pa ang nag-sisintas ng sapatos. Tss.
"Saan ba tayo pupunta, Binibini?" tanong niya pero di ko na siya sinagot. Lumabas na kami ng bahay at nag-abang ng tricycle.
Habang nakasakay kami 'e napansin kong hindi pa siya sanay sa usok ng mga sasakyan. Buti na lang at dalawang panyo ang dala ko.
"O, ipantakip mo." inabot ko sa kanya habang hindi pa rin nakatingin. Maya maya lang 'e dumating na kami sa isang barber shop. Papagupitan ko 'tong mokong na 'to kasi napapansin ko na nahihirapan na siya sa buhok niya at hindi pa pantay.
"A-Ano 'to, Binibini?" tanong niya tapos nagka-tinginan na naman kami pero iniwas ko agad ang tingin ko.
"Papatanggal ko 'yang dila mo. Ang dami mo kasing tanong." Bwisit na sagot ko at pumasok na sa loob.
"Welcome, Madame and Sir!" ngumiti lang ako sa isang barber tapos hinila ko si Gagong Mokong at pina-upo na.
"Ipantay niyo lang po 'yong gupit ng buhok niya tapos pakibawasan lang kaonti. Babalikan ko na lang po siya." sabi ko sa Barber tapos tiningnan ko ng masama sa salamin si Joaquin.
Umalis muna ako 'don at nagpunta sa isang botique na hindi naman kalayuan. Naghanap ako ng isang polo na alam kong babagay sa kanya. Nang makapili ako ay agad akong bumalik.
Nang mapatingin ako sa salamin ay agad namang nagtama ang mata naming dalawa. Potek, hindi ko akalain na may ikaka-gwapo pa pala 'tong nilalang na 'to. Nang mapangiti siya ay agad ko siyang inirapan. Ewan, nabu-bwisit ako sa kanya.
Pagkatapos ng usapan namin 'nong isang gabi nagma-maldita na ako sa kanya. Hindi ko na rin siya muna sinama kahapon sa school kasi pinag-aral ko pa siya ng accents niya at improving naman siya. Feeling ko nga niloloko niya lang ako na hindi siya marunong mag-english 'e.
Bukas pa naman gaganapin 'yong sa Hanap ng Adonis at Ganda Non-University Friend kaya okay lang. Inilabas ko na siya muna ngayon para hindi siya magulantang sa bukas sa school. Yah know, ipapa-adjust ko muna siya sa environment.
"Eto, magbihis ka. Para ka kasing gangster sa suot mo." Kahit na ang totoo 'e gwapo naman talaga siya sa suot niya. Simple lang ngang tshirt 'yon pero gusto ko kasing medyo formal siya para mas kapansin pansin siya--kahit na effortless rin naman 'e kapansin pansin naman talaga siya.
Hinintay ko na lang siya sa labas ng barber shop hanggang sa makalabas siya. Aaminin kong nastar-struck ako sa kanya sandali nang makita ko siyang lumabas. I'm really fond of guys na nakasuot ng polo kasi feeling ko ang linis at formal tingnan.
"Halika na." saka ko siya tinalikuran, pagpapatay malisya ko lang kasi naman ang gwapo niya talaga. Argh, ang bilis na naman ng heartbeat ko. Kailangan ko na atang magpacheck-up talaga.
"Binibini, sandali." naramdaman ko ang malambot niyang kamay sa kamay ko na ikinatigil ko. Potek parang tumigil ang oras ko.
Napalingon ako sa kanya kaya titig na titig kami sa mata ng isa't-isa. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ang bilis bilis ng t***k ng puso ko na parang tumakbo ako ng ilang beses paakyat ng bundok. Napapalunok na ako ng ilang beses.
"Galit ka ba sa akin? Bakit parang nararamdaman kong umiiwas ka? May hindi ba akong magandang nasabi sa iyo?" natigil lang ako sa ilusyon ko nang magsalita siya. Hindi niya pa rin inaalis 'yong kamay niya.
"Ha? B-Bakit naman ako magagalit sayo? A-At a-ano naman kung umiiwas ako." ano ba naman 'to! Bakit ba nabubulol ako.
"H-Hindi ko kasi gustong iniiwasan mo ako." tapos umiwas siya ng tingin sa akin. Namumula ba siya? Pfft. Nawala tuloy lahat ng iniisip ko kasi para na namang kamatis 'yong mukha niya sa sobrang pula.
"Pfft. Oh ba't nangagamatis ka na naman? Hahahahaha!" hindi ko na talaga mapigilan. Kasi naman ang pula talaga ng mukha niya. Akala mo 'e parang nata-tae. Hahahahaha.
"H-Hindi ah!" tapos tumalikod siya sakin. Mukhang binabatukan niya 'yong sarili niya. Pfft, gagong mokong talaga.
"Dahil ba sa hinawakan mo ang kamay ko? Yieee. Kinikilig ka sakin? Yieee." Tapos sinundot sundot ko 'yong tagiliran niya kahit nakatalikod pa rin siya sakin. Hahahahahaha.
"A-Asa!" sabi niya tapos humarap siya sakin at pinipigilan ang kamay kong sumusundot sa tagiliran niya. Hindi na rin naman siya masyadong namumula.
"Ikaw nga, Binibini, ang nangangamatis ka rin nga kapag ginagawa ko 'to sayo." kung pwedeng lumabas 'yong eyeballs ko sa sobrang gulat 'e talagang lalabas.
Naramdaman ko na ang pag-init ng mukha ko. Hawak hawak niya pa rin kamay ko na kanina ay nakasundot sa tagiliran niya at halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha niya. Magkadikit na rin ang tip ng ilong namin kaya paniguradong pulang-pula ako.
"Ano, Binibini? Bakit kasing pula na ng rosas ang iyong mukha?" ramdam na ramdam ko ang hininga niya at amoy na amoy ko rin 'to. Potek, amoy close-up!
Hanggang sa umarko na 'yong labi niya. Nakangiting pilyo na naman siya! Gagong mokong talaga!
Aalisin ko na sana 'yong mukha niya kaso...
"Achooo!" napa-bahing ako sa mukha niya.
"Ang baho baho kasi ng hininga mo!" sabi ko sa kanya tapos inirapan ko siya.
"Parang hindi naman!" tapos inamoy niya 'yong hininga niya. Uto-uto talaga. Hahahahaha!
"Halika na!" hinila ko na siya tapos tinapon ko sa mukha niya 'yong panyo niya. Aba 'e punasan niya rin 'yong pagmumukha niya at baka may laway ko pa 'no. Eww.
Around 11AM nang dumating kami sa school. At aba naman talaga, puro tinginan agad ang mga students ng school. Si Gagong Mokong naman nakatingin lang sa akin at parang hinihintay na pumasok kami. Napabuntong hininga na langa ko at pumasok kami. Pinalista muna siya sa visitor's list apero ako na 'yong nagsulat ng pangalan niya kasi baka ano-ano pa ang ilagay tapos binigyan siya ng visitor's ID.
Ako naman nag-tap ng ID at siya naman 'e dumaan sa isang entrance kung saan dadaan ang mga visitors. Hinintay ko lang siya sa isang bench kasi ang daming pumapasok na visitors at talaga ichini-check 'yong mga bags.
"Alisin mo muna ang visitor's ID mo at susulatan ko." inalis niya na rin naman muna at binigay sakin.
Kinuha ko ang marker ko at nilagyan ng pangalan niya.
'Joaquin'
Nilagay ko rin ang pangalan ko sa ibabang banda kasi kailangan 'yon para kapag may nangyaring hindi maganda 'e ako agad 'yong hahanapin dahil ako 'yong kasama niyang pumasok ng school. Isinuot ko naman sa kanya agad 'yong ID niya. Bakit ba ang hilig nito tumitig sa akin. Parang baliw.
Naglakad na kami agad na dalawa pero di kami magkasabay. Nakasunod lang siya sa akin kaya parang hindi kami magkasama. Nakita ko naman ang dalawang idiots, sina Divine at Joe.
Kumaway ako sa kanila kaya agad nila akong pinuntahan.
"Woy! Alam mo bang nagsisimula na 'yong 'Hanap ng Adonis at Ganda Non-University Friends' at may tatlong lalaki na silang nakuha!" bungad agad ni Joe. Kahit kelan talaga puro lalaki inaatupad nito.
"At isa pa, may lalaking kalat sa school na ubod ng gwapo! Adonis na adonis daw kasi naman ang gwapo talaga!" at isa pa 'tong si Divine.
"Hindi ako interesado sa gwapo, okay? Mas interesado ako sa Uno kong grado." napasimangot naman ang dalawa. Sabay pa talaga sila. Hay nako.
"Bahala ka dyan magiging forever alone ka! Isinusumpa ko 'yan!" sabi pa ni Joe.
"Batukan kaya kita dyaaan!" sigaw ko sa kanya. Loka-loka na 'to. Isumpa ba daw ako.
Tinawanan lang nila ako dalawa ni Divine.
"Waaah! Siya 'yong adonis na adonis na uboood ng gwapo, diba?" tiningnan ko naman ang tinuro nila at aba nga naman. Si Joaquin?
"Waaah! Mukhang magkaka-love life na ako nito. Teka, panoorin niyo ha." napakamot na lang ako sa ulo kasi naman mukhang may kalokohan namana 'tong si Joe. Si Joaquin naman kasi nakatingin sa mga nakadisplay na mga trophies ng school at sa mga pictures ng events. Mukhang napansin niya sigurong may kausap pa ako kaya nagtingin tingin muna siya.
Napangiti na lang talaga ko habang naka-titig sa kanya.
'Hindi ko kasi gusto na iniiwasan mo ako.'
Bumalik na naman sa akin ang sinabi niya kanina. Bakit ko nga ba siya iniiwasan? Hindi ko rin alam ang sagot. Argh. Mukhang maloloka na ako sa kakaisip.
"Hoy, hoy Hannah!" napatalon naman ako sa gulat sa sigaw ni Divine.
"Ano ba! Nakakagulat ka naman 'e."
"Aba, kasi naman nakangiti kang nakatitig kay Adonis!" Napakagat labi naman ako. Nakangiti ba talaga ako? Tss.
"Ano? Hindi 'no. May naisip lang akong nakakatawa." Palusot ko ba.
"Sabi ko na talagang gagawin niya na naman 'yang laos na tactic niyang 'yan 'e." Napatingin naman ako sa tinitingnan ni Divine. Si Joe at Adonis--este Joaquin.
Sinadya ni Joe na banggain si Joaquin at nagpanggap na hindi 'to sinasadya. At ano pa bang aasahan sa maginoong medyo pilyo na si Joaquin? Parang nakaramdam tuloy ako ng pagkakakulo ng dugo nang hawakan ni Joaquin ang kamay ni Joe. Akala ko ba conservative siya? Psh. Ba't kasi di niya na lang sabihin na ayaw niya tala akong hawakan! Gagong mokong na sinungaling!
At sumunod naman 'tong si Divine para supporting actress. Ay nako, ewan ko sa inyo two idiots. Napahinto naman ako sa pagtingin kina Joe nang mapansin kong nakatitig sa akin si Gagong mokong. Inirapan ko siya at tumalikod na. Nakakabwisit. Conservative pala ha?
"Teka, Binibini." rinig kong sabi niya. Ewan ko kung sinong kausap niya. Baka sina Joe at nanghihingi na ng pangalan. Psh. Di ko siya nilingon at maglalakad na sana pero may naramdaman ako na isang pamilyar na kamay na nakahawak sa kamay ko.
Hinila niya ako paharap sa kanya. Halos manlumo ako ng sobra, bakit? Bakit bumalik ka pa? Gusto ko siyang sampalin ng sobrang lakas.
"Namiss kita ng sobra, Prinsesa."
"Lienel..."