Kabanata 2

1525 Words
Siyudad sa Heneral Santos -- "Arteries, which transport blood away from the heart, and veins, which carry blood back to the heart, are conducting vessels. Only capillaries play a role in actual exchanges with tissue cells." Minulat ko ang mata ko upang matingnan kung tama ba 'tong lumalabas sa bibig ko. "Hannah, hali ka na! 5 minutes na lang magqu-quiz na." Pagtawag sa akin ni Divine. Napakagat labi naman ako habang nakatingin sa mga aklat na nasa harap ko. Kaya ko bang mag-take ng quiz? Huhu, bakit kasi ang ganda ng korean drama na pinanood ko kagabi. Tuloy hindi ako natapos sa pagsa-study. Inayos ko na ang mga gamit ko saka umakyat na ng third floor. Kasabay kong naglakad ang isang kaklase ko at mukhang kampanteng-kampante sa pagtake ng quiz. "Nakapag-aral ka ng maayos, Marc?" tanong ko sa kanya. Hindi ko naman mapigilang matanong dahil baka ako lang 'tong nag-iisang estudyante sa classroom mamaya na hindi natapos ang dalawang chapters. "Ahm, okay lang. Ikaw? Namemorize mo na rin ba 'yong Anterior View of Heart showing major vessels?" Halos manlaki ang mata ko sa sinabi ni Marc. Petengene!! "K-Kasali ba 'yon?!" Agad namang tumango si Marc kaya dali-dali akong naupo sa upuan ko at binuksan ang aklat ko. Pisting yawa! Kung ano ano na ang tumatakbo sa utak ko tapos dadagdagan ko na naman! Baka bigla na lang sumabog 'tong ulo ko, jusko! "Hannah, may papel ka?" Rinig kong tanong ni Joe pero di ko na siya tiningnan at abala lang ako sa pagme-memorize ng anterior view ng heart. "Nasa bag ko, Joe. Kunin mo na lang." mabilis kong sabi. Fotek. Wala ng pumapasok sa isip ko. Halos lumundag ang puso ko nang makita kong nakapasok na si Prof. sa classroom. Maam, teka lang po! Huhu. "We'll start the quiz after 15 minutes." kahit na nagsasalita pa lang si Prof. ay patuloy pa rin ako sa pagme-memorize. Hindi ko na pinansin sina Divine na sobrang busy na sa pagchi-chismis at ayaw nang mag-review dahil wala na raw pumapasok sa isip nila. Hala, e pano naman kaya ako 'no? Huhu, ako talaga 'yong estudyanteng gustong mataas ang grado pero tamad. Pinilit ko ng pinilit na ipasok ang mga major vessels sa heart sa isip ko para naman kahit sa labeling lang man 'e makabawi ako. Sana naman maipasa ko 'tong subject na 'to. - "Hindi ba't pulmonary artery 'yong answer sa 10?" "Oo, same! OMG!" "E sa test 3? Anong answer niyo? 'Yong number 16." "Circumflex artery 'yon. Akala ko nga left coronary artery in coronary sulcus 'e." Ano ba yang pinagsasabi nila? Huhu. Bakit parang wala naman akong nasagot na mga ganoon? Huhu, I'm very doomed. Super duper doomed. "Tara, movie?" Tiningnan ko ng bored na tingin si Joe. Ibang klase talaga 'tong babaeng 'to. Napaka-chill sa buhay. Sana all. Hays. Sana all matapang. "Anyare sayo?" takhang tanong niya sa akin dahil sa tingin ko sa kanya. "Di ka ba nakasagot sa labeling? Ang dali nun ah. Sinend ko nga sa GC 'yong figure 'non." rinig kong sabi ni Divine. Mas lalo na namang bumagsak ang balikat ko. Parang iiyak na ata ako, huhu. "Nagkorean drama marathon ako kagabi 'e. Huhu." paiyak iyak kong sabi sa kanila. "Ayan! Kung hindi ka magkaka-anemic, magkaka-F ka naman." patawa-tawang sabi ni Joe. Gago na 'to. Nakuha pa akong asarin. "Movie na lang tayo para makalimutan mo yan. Tsaka sabi ko nga diba, pagkatapos ng isang quiz move-on agad, kasi meron ulit bukas." iiling-iling niyang sabi. Oo nga, meron na naman bukas. Waaaah! Nakakapagod namang mag-aral! Huhu. Ginusto ko 'to kaya paninindigan ko 'to. - "For your final project, you're going to find some sea weeds na ipe-present ninyo and you're going to make a report about it. Identify what is that, what family does it belong, etc. And you're going to pass your written report after the University Week." Nag-instruct pa si Prof. ng kung ano-ano at sinulat ko naman 'yon. Kahit bagsak ako sa quizzes, aba 'e sa reportings and projects naman ako bumabawi. Sea weeds? Hmmm? Tamang-tama pupunta kami ng beach ngayong linggo. Excited na tuloy ako! Hindi naman kami nag-experiment sa laboratory kundi ay binigyan kami ng time para makapag-research sa mga diffirent kind of sea weeds. At pina-early out na rin kaming lahat ng mag-alas tres ng hapon. Nag-aya namang mag-street foods muna sina Joe kaya sumama na rin ako tutal 'e wala naman akong gagawin sa bahay. Makikipagtitigan lang ako sa mga cactus ko doon. "Hannah, sama ka samin ngayong Sunday? Pupunta kaming Sarangani Beach." wika ni Joe habang kumakain ng kwek-kwek. "May lakad din kami ng pinsan ko 'e. Saka sa beach rin naman 'yon. At naka-oo na ako sa kanila." sagot ko naman saka kumagat sa fishball na nasa stick ko. "Magbo-boy hunting na rin kami. Nang hindi na amagin 'tong si Divine." natatawang wika pa ni Joe kaya nakitawa na rin ako. "Baka siokoy hunting?" saad ko naman kaya nabatukan ako ni Divine. Palagi kasing sawi sa lalaki 'tong si Divine kaya hanggang ngayon 'e single pa rin. Ito namang si Joe 'e isang foreigner ang hanap, kaya laging nasa online dating sites. "Sana all may manliligaw kasi, ano?" sagot naman ni Divine sa akin. Napatahimik naman ako dahil bigla akong nahiya. "Ba't kasi hindi mo pa 'yan sagutin, Hannah? Ikaw napaka-pakipot mo talaga kahit kelan. 'Yong palay na 'yong lumalapit sayo, Sis. Tutukain mo na lang." angal pa ni Joe at nag-aktong manok pa. Baliw. "Alam niyo namang kakakilala ko pa lang kay Sebastian 'no. Ano ba kayo." wika ko naman sa kanilang dalawa. Di naman nila ako pinansin at nag-plano na silang dalawa sa mga susuotin nila sa Sunday nang maka-attract raw sila ng mga lalaki. Ewan ko talaga sa mga kaibigan kong 'to at di ko alam kung papano ko sila natagalan ng tatlong taon. Pagkatapos naming mag-street foods ay humiwalay na rin ako sa kanila upang makauwi. Iba naman kasi ang daan na uuwian ko sa kanila kasi di naman kalayuan sa school ang tinitirahan ko kaya nag-tricycle lang ako. Pagkauwi ko ng bahay ay inayos ko na ang mga gamit ko at nagpalit na rin ng pambahay. Buti na lang talaga at isang quiz na lang ang meron ako bukas at minor subject lang naman 'yon kaya pwede ng i-cramming. Narinig ko naman ang pagtunog ng cellphone ko kaya sinagot ko agad. Tita Ana calling... "Hello, Tita?" [Hannah, nakauwi ka na ba?] "Opo, Tita. Kakarating ko lang po ng bahay." [Mabuti. Magluto ka ng gulay paminsan ha? Huwag kang mag-luluto ng pancit canton palagi, aba e baka magkasakit ka na niyan sa kidney at puro noodles na lang ang laman ng tyan mo.] "Opo, Tita. Namalengke naman po ako 'nong isang araw kaya may stocks ako ng gulay." [Mabuti naman, pero, Hija, hindi raw muna kayo matutuloy ngayong linggo nina Ate Fiona mo. Meron siyang tutor kina Prince 'e.] "Ganoon po ba, Tita? Sige po. Pakikamusta na lang ako kay Ate Fiona." [Sige, mag-iingat ka d'yan ha?] "Opo, Tita." Hindi kami matutuloy ngayong Sunday? Hays. Ayoko namang sumama doon sa dalawa kasi paniguradong hindi rin ako makakapagconcentrate sa paghahanap ng seaweeds. Okay na rin sigurong mag-isa ako para naman makapag-quality time ako sa sarili ko. Tama, ganoon nga. - Linggo na ngayon at papunta na ako sa beach kung saan 'e pupuntahan sana namin ng mga pinsan ko. Nagdala rin ako ng mga pagkain ko at mga spare clothes in case na magtampisaw ako sa dagat mamaya. Nakikita ko na ang dagat sa dinadaanan namin at kita ko ang asul na dagat at ang mga taong naliligo rito. Weekend pa naman ngayon at sobrang daming tao. Dapat ata hindi ako masyado sa mataong lugar para fresh na fresh pa 'yong sea weed na makukuha ko. Pagkarating ko sa beach ay kumuha ako ng isang cottage na nasa pinakadulo at wala na masyadong tao. Inilagay ko ang mga gamit na dala ko at mabilis na tumakbo sa dalampasigan. Ang linis ng dagat sa bandang rito dahil hindi masyado napupuntahan ng mga tao. Napaupo ako sa dalampasigan at kinuha ang kandilang inihanda ko kanina. Ipinatong ko ito sa ginawa kong maliit na bangka na gawa sa makapal na papel. Saka ko sinindihan ang kandila at hinayaang lumutang ito papalayo sa akin. Pa, alam kong nasa mabuti ka ng kamay. Alam kong maayos na ang kalagayan mo d'yan. Wag kang mag-alala, maayos lang kaming lahat rito. Isang taon na lang rin, Pa, ga-graduate na ako. Nakakalungkot lang dahil hindi mo ako makikitang umakyat sa entablado. 'Yong pinaka-pangarap mo sa akin, Pa, makikita mo na lang kung nasaan ka man ngayon. Nami-miss ka na namin, Papa. Pinunasan ko ang luha na pumatak sa mata ko saka ako tumayo at naglakad-lakad na muna. Ang bigat na naman ng pakiramdam ko kapag naaalala ko si Papa. Dalawang taon na noong mawala siya pero hanggang ngayon 'e napakahirap pa ring tanggapin. "Sea weeds!" Napahinto ako sa pag-iisip nang makita ko ang napaka-raming sea weeds sa dalampasigan sa hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Agad akong tumakbo papalapit rito. Pero napahinto ako ng hindi lang sea weeds ang makita ko. May taong nakahandusay sa dalampasigan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD