Kabanata 1

1964 Words
-- Sa Isla de Maharlika -- Masaya akong nakatanaw sa labas ng aking bintana ng makita ko ang mga batang naglalaro sa hardin ng hacienda. Naririnig ko ang mga pagtawa nila at tila ba isa itong musika sa aking pandinig. Nakadungaw lang ako sa aking bintana nang makuha ng isang Binibini ang aking atensyon. Si Binibining Gabriella Vergara. Ang isa sa pinakamagandang binibini sa isla na ito. At ang nag-iisang babaeng bumihag ng puso ko. Nang mapansin kong mapapatingin siya sa gawi ko ay agad akong nagtago, hindi ko napansin ang isang mesa sa gilid ko kaya tumama ang ulo ko rito dahilan para makaramdam ako ng sakit. "Kuya? Ano na naman bang ginagawa mo d'yan? Siguro ay napadaan na naman si Binibining Gabreilla, ano?" wika ng kapatid kong babae na si Ligaya. Patakbo siyang naglakad palapit sa bintana at dumungaw rito. Habang ako naman ay nakaupo pa rin sa sahig at himas himas ang aking ulo na tumama sa mesa. Ang sakit naman. "Magandang araw, Gabriella!" rinig kong hiyaw ng kapatid ko kaya agad kong hinila ang kanyang saya. "Ano bang ginagawa mo? Huwag mo naman akong pahiyain mahal kong kapatid." pagmamakaawa ko sa kanya habang hila hila ko pa rin ang kanyang saya. Bakit ba ang kulit ng kapatid kong 'to. "Magandang araw rin Binibining Amelia." rinig kong bati rin pabalik ni Binibining Gabriella. Napakaganda talaga ng kanyang boses. Ito 'yong boses na pakikinggan mo araw-araw at hinding-hindi ka magsasawa kahit kailanman. "Maaari ba kitang maimbitahan mamaya sa pana langin namin sa Sta. Ursula?" tiningnan ko naman ng pagtataka ang aking kapatid. Sigurado ba siya? Hindi ko akalain na interesado na si Ligaya sa pagbibigay pana langin sa mga mamamayan. "Isang karangalan sa'kin ang maimbitihan niyo, Binibini. Asahan niyo ang aking presensya mamaya sa pana langin." napangiti na naman ako sa boses ni Binibining Gabriella. "Maraming salamat. Magandang araw ulit." nang masiguro kong umalis na si Binibining Gabriella ay agad akong tumayo sa harap ng aking kapatid at pumamewang sa kanyang harap. "Anong ibig sabihin ng sinabi mo kanina, mahal kong kapatid?" nakapamewang pa rin na saad ko sa kanya. "Walang anuman, Kuya. Magpapadala ako ng sulat kay Binibining Gabriella na masama ang pakiramdam ko at ikaw na lamang sasama sa kanya. Kaya walang anuman, Kuya Joaquin." napahinto ako sa kanyang sinabi. "A-Ano? H-Hindi maaari. H-Hindi ko pa kayang--" Halos mapalundag ako nang bigla siyang humarap sakin at hinawakan ang magkabilaang balikat ko. "Makinig ka sakin, Ginoong Joaquin. Alam mo ba na nagbabalak nang umakyat ng ligaw si Ginoong Miguel kay Binibining Gabriella at kung hahayaan mong manaig ang iyong takot at hiya ay aba! Baka hindi na ako magkaroon ng pamangkin sa iyo." saka siya ngumiti sa akin ng nakakaloko. Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya at inalis ang mga kamay niyang nakahawak sa aking balikat. Matagal na akong may gusto kay Binibining Gabriella ngunit kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob upang ipagtapat ang aking nararamdaman para sa kanya. Mukhang tama nga si Ligaya, dapat ay isantabi ko na ang aking takot at hiya. "Aalis muna ako. Maraming salamat, Kapatid." Ginulo ko ang buhok niya saka ako naglakad palabas ng mansion. Pupunta ako sa hardin ng mga pulang rosas. Pagkarating ko sa hardin ay agad akong pumitas ng tatlong pulang rosas. Inalis ko rin ang tinik ng mga rosas at ayaw kong masaktan ang aking Binibini oras na mabigay ko 'to sa kanya. Pagsapit ng hapon ay agad akong nagtungo sa Sta. Ursula. Malayo palang ay tanaw na tanaw ko na ang kagandahan ni Binibining Gabriella. Napangiti ako at napatingin sa tatlong rosas na dala ko. Huminto ang kalesang sinasakyan ko sa harap ni Binibining Gabriella, marahan siyang yumuko upang magbigay galang at nang iangat niya ang kaniyang ulo ay nakangiti na siya sa akin. "Magandang araw, Ginoong Joaquin." pagbati niya sa akin. Naramdaman ko naman ang mga paro-paro sa aking tyan na tila ba kinikilig dahil sa boses niya. "Magandang araw rin, Binibini." saka ko kinuha ang kanyang kanang kamay at hinalikan ito. Iniabot ko rin ang tatlong pulang rosas na dala ko. "Tatlong pulang rosas para sa Binibining kay ganda." kinuha niya ang tatlong pulang rosas na dala ko at marahang inamoy ito. "Maraming salamat, Ginoo. Hindi ka na sana nag-abala pa." tugon niya. Ngumiti naman ako at marahang umiling. "Marapat lamang na binibigyan ka ng magandang bulaklak, Binibini dahil kasing ganda mo ang mga rosas na ito." nakangiting saad ko sa kanya. Napansin ko namang tila ba ay nahihiya siya. "Halika na." pag-aya ko sa kanya upang huwag siyang mailang. Napatango naman siya at pumasok na kami sa Dasalan. - Pagkatapos ng pagdarasal ay inanyayahan ko siyang maglakad-lakad, hindi naman siya tumanggi dahil sinabi ko ring ako na ang maghahatid sa kanya pauwi dahil palubog na rin ang araw. "Binibini, may ibig sana akong ihayag sa iyo." pagsisimula ko. Halos hindi magmayaw sa pagkabog ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba. "Ano iyon, Ginoo?" nakangiting tugon niya sa akin. Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya. "Binibini, kailanman ay hindi ako tumingin sa ibang babae rito sa isla. Hindi ako nagbigay motibo sa kahit kanino man. Ngunit, nang makilala kita, nagbago ang mundo ko. Kapag nariyan ka, lagi akong hindi mapakali at hindi malaman kung anong gagawin. Kapag naman hindi kita nakikita, palagi kitang naiisip. Nais ko sanang ipagtapat sayo ang totoong nararamdaman ko sa iyo, Binibini." aking kinuha ang kamay niya at itinapat ito sa aking dibdib. Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. "G-Ginoo..." Ngumiti ako sa kanya at hinawi ko ang kanyang buhok na nasa kanyang mukha. "Binibining Gabriella, ako ay umiibig sa iyo." Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. "Ginoo, paumanhin." napalunok ako ng paulit-ulit sa kanyang wika. "B-Bakit ka humihingi ng paumanhin?" nagtatakha kong tanong sa kanya. "Ginoong Joaquin, paumahin kung hindi ko masusuklian ang pag-ibig na inyong ibibigay sa akin." nabitawan ko ang kamay niyang kanina ay nakatapat sa dibdib ko. Bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko? Hindi ako makapagsalita. "Kasintahan ko na si Ginoong Miguel. Ilang buwan ng nanliligaw si Ginoong Miguel sa akin at totoong umibig rin ako sa inyo, Ginoo pero matagal akong naghintay. Hanggang sa dumating si Miguel at natutunan ko na rin ang ibigin siya." naiiyak niyang wika at napayuko sa aking harapan. Hinawakan ko ang kanyang mukha at iniharap sa akin. Pinunasan ko ang luhang dumadaloy sa kanyang mukha, nasasaktan ako sa nalaman kong huli na ako. Pero mas nasasaktan akong lumuluha sa harap ko ang taong mahal ko. "H-Hindi mo kailangang humingi ng paumanhin, Binibini. Paumanhin rin kung matagal bago ako nagtapat ng aking nararamdaman. Hindi ko akalain na ito ang kinahinatnan ng aking pagiging duwag." Ngumiti ako ang malungkot sa kanya. Patuloy pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha kaya wala na akong nagawa kundi ang yakapin na lang siya. Marahan kong pinunasan ang luhang pumapatak sa aking mga mata at napatingin na lamang ako sa kalangitan. - Maaga akong nagising dahil sa mabigat kong pakiramdam. Hindi na ako bumalik sa pagkakahiga at agad na nagtungo na lamang sa kusina upang magluto. "Anak? Ang aga mo naman yatang magising." napatingin ako sa aking likuran. Napangiti ako nang makita ko ang aking Ina. Inilagay ko na muna ang sandok na hawak ko at lumapit sa kanya. "Magandang umaga, Ina." bati ko sa kanya at hinalikan siya sa noo. Saka ako bumalik sa aking ginagawa. "Magandang umaga rin. Anak, ayos ka lang ba? Naikwento sa akin ni Ligaya ang nangyari kahapon." ramdam ko ang pag-aaalala ni Ina sa tono ng kanyang boses. Napakadaldal talaga ni Ligaya kahit kailan. Marahan akong tumango at tumingin sa kanya. "Ayos lang ako, Ina. Lilipas rin ito." ngumiti ako ng masigla upang mapagaan ang kanyang loob dahil alam kong hindi niya ako titigilan hangga't hindi siya nakakampante. Hinagod niya ng kaonti ang likod ko at ngumiti rin sa akin. "Nandirito lang kami, Anak oras na kailangan mo ng makakausap." wika ni Ina saka siya lumabas ng kusina. Napabuntong hininga naman ako at bumalik na sa pagluluto. Pagkatapos kong magluto ay ipinagising ko na sina Ama at ang aking mga kapatid. Pagkababa nina Ama ay agad nila akong binati kaya binati ko rin sila. Nang maupo kami ay agad na lumapit ng kaunti si Gabriel sa akin, ang bunsong kapatid namin. "Kuya, totoo ba? Talaga bang hindi tinanggap ni Binibining Gabriella ang pag-ibig mo?" agad niyang tanong sa akin kaya naman agad ko siyang tiningnan ng masama. "Aruruy! Totoo nga. Hihi, o ano, Kuya Dante? Sabi ko sayo 'e." Napailing na lang ako sa kanya at hindi na siya pinansin. "Hindi mo naman kasi tinuruan si Kuya Joaquin ng mga galawan mo 'e." wika naman ni Dante at nag-tawanan silang dalawa ni Gabriel. Napabagsak na lang ang balikat ko. Tumikhim naman si Ama dahilan para tumigil silang dalawa. "Magdasal na tayo." wika ni Ama kaya sinimula na naming magdasal. - "Joaquin, nais ko sanang sumama ka sa mga mangingisda sa susunod na araw. May mga mangingisdang nagrereklamo na sa mga dayuhang napupunta sa gawi natin at gumagamit ng dinamita upang makapangisda." Napatingin naman ako sa wika ni Ama. "Ganoon po ba, Ama? Sige po at sasamahan ko po sila upang mapakiusapan ang mga dayuhan." wika ko naman kay Ama. Mukhang mabigat na problema ito. Isa sa pamumuhay ng mga Maharlikas ay ang pangingisda at kapag may mga dayuhang nahuhuli sa lugar na sakop na ng Isla de Maharlikas ay agad namin itong dinadakip. "Dante, nais kong pumunta ka sa Cebu City upang makipag-sundo sa isang Haciendero roon." wika ni Ama kay Dante na ngayon ay ngumunguya ng pagkain niya at natigil. "Ama, m-mag-isa lang po ba ako?" halatang kabado siya base sa kanya pananalita. Natawa naman ako nang maalala kong takot si Dante sa pagsakay ng eroplano. "Oo raw, at sasakay ka ng eroplano." panunukso ko pa sa kanya at halos mamutla naman si Dante kaya kahit si Gabriel ay natawa na rin. "Joaquin. Gabriel." wika ni Ama kaya agad akong umayos ng upo at tumigil sa pagtawa. Minasahe ni Ama ang kanyang sintido at nagsalita ulit. "Sasamahan ka ni Amelia. Habang ikaw naman Ligaya, ay tutungo sa iyong Tiya Dolores at tutulong sa pag-aalaga sa kanya. Masyado nang lumalala ang sakit ng Tiya Dolores ninyo kaya dapat ay lagi niyo siyang sinasama sa inyong mga dasal." wika ni Ama kaya naman napatango kami sa kanya. "Gabriel." pagtawag ni Ama sa bunso naming kapatid. Napatigil naman siya at naupo ng maayos. "Hindi ka na muna lalabas ng mansion hangga't hindi mo natatapos lahat basahin ang librong ipinadala ng iyong Tiyo Adolfo ha?" napanguso naman si Gabriel sa sinabi ni Ama pero wala na rin siyang nagawa. - Pagkatapos naming mag-agahan ay nag-ayos na ako ng aking gamit para sa pangingisda sa susunod na araw. Rinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya napalingon ako. "Amelia, anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya habang patuloy pa rin sa ginagawa ko. "Kuya, sigurado ka na ba talagang wala ka ng balak ipaglaban ang pag-ibig mo kay Gabriella?" napahinto ako sa sinabi ni Amelia. Kahit nakatalikod ako sa kanya alam kong umaasa siyang magugustuhan niya ang magiging sagot ko. "Amelia, tapat at importante ang pag-ibig ko kay Binibining Gabriella. Pero may kasintahan na siya." Humarap ako sa kanya at ngumiti. Hinawakan ko ang kamay niya. "Hindi sa lahat ng oras kailangang ipaglaban natin ang pag-ibig natin. Nag-usap na kami ni Binibining Gabriella tungkol rito. Nakikita kong masaya siya sa kay Ginoong Miguel at wala akong karapatan para sirain ang relasyon na mayroon sila. Kung nakikita ko namang masaya ang taong mahal ko sa taong mahal niya, bakit ko pa sisirain ang kasayahang nararamdaman niya, diba? Mas masasaktan ako kung ipagpipilitan ko ang sarili ko sa taong hindi naman ako ang tunay na mahal."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD