Hanggang ngayon 'e hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa gagong mokong na pinag-tripan na naman ako. Oo, di na siya Ginoo, gagong mokong siya na mahilig mantrip. Pero sinimulan ko rin naman pero gago bakit ganito ang epekto niya sa akin. Iniling-iling ko ang ulo ko.
At hanggang ngayon, hindi mawala sa mukha niya ang isang ngising nakakaloko kahit na hindi siya nakatingin sa akin kaya pikon na pikon ako. Makakabawi rin ako sayo, Gagong mokong ka! Halos patayin ko na siya sa titig ko ngayon.
"Binibini, may bibilhin ka pa ba?" agad akong umiwas ng tingin sa kanya at nahagilap ng mata ko ang last section na dapat ay pupuntahan namin. Gago, potek, ba't di ko agad naisip na lalaki siya. Kailangan niya ng briefs and boxers!
Umiwas ako ng tingin doon sa brief and boxers section at tumingin sa mga ibang parte ng lugar.
"D-Doon." Saka ko itinuro ang brief and boxers section. Ramdam na ramdam ko na ang pag-iinit ng mukha ko. Napansin ko namang nagtakha si Gagong mokong dahil iba 'yong tinitingnan ko sa tinuturo ko. Nang makita niya ang parteng tinuturo ko 'e agad rin siyang umiwas ng tingin.
"A-Ano, hihintayin na lang kita doon sa may upuan na 'yon. I-Ikaw na ang pumili." Hindi ko na siya nilingon at dali-daling naglakad pa-upo. Pinapaypayan ko na ang sarili ko kahit na aircon naman 'tong Mall 'e sobrang pinagpapawisan ako.
Minsan 'e nagnanakaw tingin ako sa kanya at napapansin kong pinag-kukumpulan siya ng mga sales lady doon. Napa-iling na lang ako at inalis 'yon sa isip ko. Pakialam ko ba sa kanya, bahala siyang umalis doon.
Habang nakayuko ako 'e napansin ko na hindi na nakatali ng maayos ang sintas ng sapatos ko. Nang aakto na akong magsi-sintas ng sapatos ko 'e natigil ako dahil biglang may lalaking lumuhod sa harap ko at siya na mismo ang nagsintas ng sapatos ko.
Nang humarap siya sa akin ay laking gulat ko, lalo na nang ngumiti siya sa akin.
"A-Anong ginagawa mo dito...Sebastian?"
"Hinahanap ka. Hindi ka kasi sumasagot sa tawag ko kaya nag-alala ako, nang pumunta ako bahay mo 'e wala ka naman kaya naisipan kong baka nasa Mall ka, nagbabasakali lang ako pero tama pa rin ako. Buti na lang talaga at maganda ka kaya nahanap kita agad," nakangiti niyang sabi na ikina-ilang ko naman. Umiwas ako ng tingin at pinaglaruan ang mga daliri ko.
Tatlong buwan nang nanliligaw sa akin si Sebastian. Mabait naman siya at almost perfect and ideal boyfriend rin pero hindi ko talaga makita ang sarili ko sa kanya. At hindi rin kasi talaga ako 'yong babae na babagay sa ugali niya. Masyadong perfectionist si Sebastian at wala ako sa kalingkingan niya kaya ilang beses ko na rin siyang nire-reject—na hindi alam nina Joe at Divine dahil ayokong ipagbigay alam sa kanila.
Pero hindi raw siya susuko sa akin, saka lang siya susuko kapag nakita niyang wala na talagang pag-asa. Pero ayoko rin naman kasing umasa siya. 'E sa may pagka-makulit rin ang lahi nito. Napakahirap ipaintindi na wala talaga siyang pag-asa sa akin kahit kailan.
"Tara, kain tayo," nagulat na lang ako sa paghila niya sa akin at parang nagslow-motion ang lahat nang mapadaan ako sa harap ni Joaquin habang hila-hila ako ni Sebastian.
"T-Teka, Sebastian kasi--" hindi na niya ako pinakinggan at agad-agad na lang kami lumabas ng Department Store.
"Sebastian, teka lang," pilit ko pa rin siyang kinakausap pero halos wala lang siyang marinig. Nag-aalala pa rin kasi ako kay Joaquin kasi syempre, ano, ahm hindi siya taga-rito at isa pa wala siyang kakilala. Magga-gabi na rin, baka mapag-tripan pa siya ng kung sino, dayo pa naman yon rito.
"Sebastian, pakinggan mo naman ako." hinila ko na pabalik 'yong kamay ko, alam kong nagbibingi-bingihan lang siya. Ito rin ang medyo ayaw ko sa kanya, he doesn't need my opinion because his opinion will always matter the most. Ayoko ng lalaking hindi open minded, I am a kind of woman na sobrang outspoken sa mga sinasabi at iniisip, so I know that if I have a man like Seb, it would be hard for the both of us to adjust with each other's differences.
Napatigil naman siya at humarap sa akin. Nakita ko na naman ang seryosong expression niya na pinakakinakatakutan ko sa lahat pero bigla ring nagbago ang expression niya nang mapansin niyang nagulat ako.
"I really need to go back there, Seb. I'm sorry," pero bago pa man ako makaalis 'e nahawakan niya na ang kamay ko at saka hinila papuntang parking lot.
"Ano ba, Seb! Masakit!" reklamo ko sa kanya dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya.
"Wag ng makulit, Hannah. Nagugutom na ako. Let's eat, okay?" again, hindi niya ako pinansin at tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad. Nang makarating kami sa kotse niya ay pinagbuksan niya ako ng pinto pero hindi ako pumasok.
"Seb, I told you, hindi ako sasama sayo. And please, stop acting like this, hindi naman kita boyfriend 'e." I said out of frustration. Kailangan ko na nga sigurong mag-cut ties sa kanya dahil hindi pa nga kami 'e nasasakal na ako sa kanya. Papaano pa sa susunod kapag naging kami na, ayoko ng taong sobrang controlling to the point na nagiging obssessed na siya.
"What? So ano ako, Hannah ha? Takbuhan mo kapag may kailangan ka?" nagulat ako sa sinabi niya at kahit siya 'e nagulat rin sa sinabi niya. I pushed my inside cheek with my tongue, trying myself to calm because I don't want to be scandalous. But my anger really rised up dahil sa sinabi niya, it triggered me to say everything I keep.
"Bakit, Seb? Did I told you ba na kailangan ko ng tulong mo? You always insist on doing things na akala mo 'e ikakabuti but ang totoo, ikaw lang naman ang magkaka-benefit!" sigaw ko sa kanya. Wala na akong pakialam, bwisit na bwisit na talaga ako sa kanya. Nakakairita na ang attitude niya.
Ngayon siya pa ang magpapa-victim? Gago ba siya?
"Ah ganoon? Fine! Then, goodluck with your scholarship!" halos huminto ang mundo ko nang sabihin niya 'yon. Bina-blackmail niya ako.
Ang totoo kasi niyan, isa sa mga founder ng school ang Lolo ni Sebastian kaya madali akong nakapasok bilang scholar pero dahil rin naman 'yon sa pagsisikap ko kaya ako scholar 'e. Maintain ko 'yong grades ko kahit na tamad ako. At kahit na may kaya naman talaga kami, 'e kailangan ko pa ring maging scholar para naman kahit papaano 'e 'yong half ng pang-tuition ko ay mapunta na lang sa mga books.
At ano 'to? Balak niyang i-blackmail sa akin ang scholarship ko?
"What now? Gagawin mong pamblackmail sa akin 'yan? Imba ka rin talaga 'no? Gago ka nga talaga." nasabi ko na lang sa kanya at halos tumigil ang mundo ko nang higitin niya ako pasandal sa dingding na malapit.
Ang sakit ng likod ko sa pagkakadikit niya sa akin at ang sakit rin ng braso ko sa sobrang higpit ng hawak niya.
"Gago? Ako, gago? Sige, ipapakita ko sayo kung gaano ako ka-gago, Hannah." napalunok ako ng sunod sunod sa sinabi niya at saka niya akong marahas na hinalikan kahit na nagpupumiglas ako. Napapaiyak na ako sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Kaba, takot, galit, frustration…
"Ano ba, Seb! Tama na! Nasasaktan ako!" pero halos wala siyang marinig at patuloy siya sa pag-angkin sa akin. Marahas niyang hinahalikan ang mga labi ako at ang leeg ko.
Hinihiling ko na sana 'e may mapadaan sa gawing 'to o di kaya 'e sana mahanap ako ni Joaquin. Sana naman hindi niya ako hinayaang kaladkarin kanina ni Seb, sana pinigilan niya ako.
Pero imposible, kakakilala lang namin kanina. Baka nga humingi na siya sa ibang tao ng tulong. Baka nga umalis na siya.
Kahit na nagpupumiglas na ako ay nasira niya pa rin ang damit na suot ko kaya halos kita na ang dibdib ko sa kanya. Napapaiyak na talaga ako ng sobrang lakas pero halos wala lang siyang marinig at wala pang tao na napupunta sa gawing 'to.
Aalisin na sana ni Seb ang bra na suot suot ko nang magulat ako nang makita siyang nakahiga na sa sahig at nagdu-dugo na ang labi. At bumungad sa akin ang nakakagat labing si Joaquin.
Agad niyang hinubad ang damit na suot suot niya at ipanasuot sa akin. Saka niya sinuntok muli si Sebastian.
"Gago ka ah!" sigaw ni Seb at binawian naman ng suntok si Joaquin, napako naman ako sa kinatatayuan ko dahil nandidiri pa rin ako kay Seb, lalo na sa sarili ko.
Hindi naman nagpa-atinag si Joaquin kundi ay binawian ulit ng suntok si Seb. Hanggang sa nasipa na rin ni Joaquin si Seb sa tyan at hindi na makabangon agad. Susuntokin pa sana ni Joaquin si Seb pero pinigilan ko na siya.
"Umalis ka na, Seb!" kalmadong sabi ko sa kanya.
"Hindi pa tayo tapos!" saka niya dinuro si Joaquin at sumakay na sa kotse niya na mabilis niya namang pinaharurot. Halos mawalan ako ng lakas dahil sa nangyari at muntik nang matumba. Mabuti na lang 'e naalalayan agad ako ni Joaquin.
Napayakap na lang ako sa kanya at umiyak ng umiyak. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa akin ang trauma na nararamdaman ko, muntik na ako doon. Muntik na talaga. Pero kinakabahan pa rin ako dahil hindi ko na alam ang mga susunod na mangyayari sa buhay ko dahil sa nangyari kanina. Panigurado akong hindi ako titigilan ni Seb.
"Salamat. Salamat dumating ka." nakayakap pa rin ako sa kanya at naramdaman ko rin ang mahigpit niyang yakap sa akin at ang pagdampi ng kanyang mga labi sa aking noo.
-
Nakauwi na kami ni Joaquin pagkatapos nang nangyari. Hanggang ngayon 'e nag-aalala pa rin siya sakin. Nandito kami sa sala ngayon at tahimik lang kaming dalawa. Naiiyak pa rin ako kapag naaalala ko 'yong nangyari kanina. Hindi ko alam kung makakayanan ko bang umattend ng university week bukas at sa mga susunod na araw.
Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Joaquin at ang paghawak niya sa baba ko upang magkatinginan kaming dalawa.
"Alam kong mahirap kalimutan ang nangyari kanina, Binibini. Pero nais kong malaman mo na narito lang ako sa iyong tabi at handang damayan ka sa iyong nararamdaman." saka siya ngumiti. Ngiti na nagpagaan kahit papano nang pakiramdam ko.
Dahil na rin, siguro, sa dala ng bigat nang nararamdaman ko ay napasandal na lang ako sa kanya. Naramdaman ko ang pagkagulat niya pero hindi na siya nagsalita pa. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso niya dahil sa pagkakasandal ko sa kanya.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa bisig niya at ganoon rin siya. Napansin ko naman ang kamay niya na nakapatong lang sa sandalan ng sofa at parang ingat na ingat na huwag akong maakbayan. Bilib talaga ako sa pagiging conservative ng isang 'to.
Umalis na ako sa pagkakasandal sa kanya at inayos ang pagkakahiga niya. Maingat ko siyang inihaga dahil baka magising siya. Kumukha rin ako ng isang unan at kumot sa kwarto ko para sa kanya. Bago ako umalis ay tinitigan ko muna ang natutulog niyang mukha.
"Maraming salamat at dumating ka. Ako pa tuloy ang malaki ang utang na loob sayo." nakangiti kong saad at umalis na doon.
Pagkapasok ko ng kwarto ay agad akong nahiga sa kama ko. Gusto kong tumatak sa kanya na malaki ang utang na loob niya sa akin pero bumaliktad 'yon sa gusto kong mangyari. Ngayon, mas determinado na tuloy akong tulungan siyang makabalik agad sa kanila. Pero papaano?
Ni hindi ko pa rin siya nakakausap talaga tungkol sa kung papaano siya makakabalik. Ang alam ko lang 'e kailangan niya ng tulong ko para makabalik siya sa lugar nila pero hindi niya naman sinabi sa aking kung sa papaanong paraan. Hay nako.