Maaga akong nagising dahil 8:00 AM ang misang gaganapin sa school dahil nga opening day ng University Week namin ngayon. Paglabas ko ng kwarto ay tulog pa si Joaquin. Ngayon ko lang napansin na may sugat siya sa labi dahil sa suntok ni Sebastian.
Bwisit talaga 'yon. Kung inaakala niyang magmamakaawa ako sa kanya dahil sa scholarship ko pwes nagkakamali siya. Dahil hindi na ako magpapa-uto sa kanya at hindi niya na ako madadali sa mga pamba-blackmail niya.
Naligo na muna ako at nagbihis saka ako nagluto ng almusal. Pagbalik ko ng sala ay ang himbing pa rin ng tulog ni Joaquin. Kaya nagkaroon na naman ako ng chance para matitigan siya. Potek, ba't ba nagiging hobby ko na 'to.
Ang himbing-himbing ng tulog niya at para bang pagod na pagod siya. Hays, nagi-guilty tuloy ako dahil sa pagkakaligtas niya sakin. Nagulat ako nang bigla niyang imulat ang mga mata niya.
"Ahh!" napasigaw ako sa gulat at hindi ko napansin 'yong mga pinamili namin kahapon na nasa sahig pala kaya naman naapakan ko ito at na-out balance ako. Akala ko ay babagsak na ako sa sahig pero isang bisig ang kumapit sa bewang ko, sinalo na naman niya ako. Nakaka-ilan na ba ang lalaking 'to sa akin.
"Mag-iingat ka kasi, Binibini. Mabuti na ba ang iyong pakiramdam? Paumanhin kung nagulat kita." gago ba't ganito siya? Ang lambing ng boses niya kumpara sa normal niyang boses kahapon. Agad naman akong umiwas ng tingin at umayos ng pagkakatayo.
"O-Oo, mabuti na. O-Okay lang. Ahm, gigisingin sana kita kasi kakain na tayo." hindi na naman ako makatingin sa kanya at dali-daling pumunta sa kusina. Sumunod naman siya sa akin, ang init na naman ng mukha ko kaya uminom agad ako ng tubig pagkaupo ko. Iniiwasan ko ang tingin niya dahil ahm, bakit nga ba? Jusko! Nakaka-irita naman 'tong sarili ko.
"K-Kumain na tayo." Kukuha na sana ako ng kanin pero hinawakan niya ang kamay ko at umiling.
"Magdasal muna tayo, Binibini." saka siya ngumiti ng nakakatunaw. Kaya hindi na ako nagsalita at hinayaan siyang magdasal. Hindi kaya maging madre ako nito? Jusko, nakakahawa ang pagiging anghel ng lalaking 'to. Mahihiya si Sto. Niño.
Pagkatapos naming magdasal 'e agad naman kaming kumain. Wala namang may umimik sa amin habang kumakain kami. Nang matapos naman kaming kumain 'e nag-insist naman siya na siya na lang mag-huhugas ng mga pinagkainan namin.
Hinintay ko muna siyang matapos sa paghuhugas ng mga plato saka ko siya hinila na naman sa sala.
"B-Bakit, Binibini?" nagta-takhang tanong niya kasi pinaupo ko siya sa harap ko. Kinuha ko ang isang cotton ball at nilagyan ng betadine 'yon saka ko dahan-dahang nilapat sa sugat niya. Napalunok pa ako kasi, again, matitingnan ko na naman siya sa malapitan.
Medyo naiilang din siya ng una, umandar na naman siguro ang pagka-conservative niya kasi sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa. Pero mas umaapaw yong guiltiness na nararamdaman ko kaya ginamot ko pa rin siya.
"Pasensya ka na ha? Pati tuloy ikaw nasaktan nang dahil sa akin." sabi ko sa kanya habang ginagamot pa rin ang sugat niya. Ngumiti naman siya, isang ngiti na naman na nagpatunaw sa mundo ko.
"Wala iyon, Binibini. Sa totoo lang, ako'y kinabahan rin 'nong makita ko ang nangyari sayo. Paumanhin kung masyado ng huli ang aking pagdating para iligtas ka." Umiling ako sa kanya.
"Nagpapasalamat pa rin ako kasi dumating ka. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung hindi ka dumating 'e." wika ko naman. Tinanguan niya naman ako at nginitian.
Napatigil ako sa pag-lalagay kasi ang lapit talaga ng mukha namin tapos titig na titig pa siya sa akin. Mukhang mahahawaan ako ng pagiging conservative ng mokong na 'to. Napalunok ako ng madapo ang tingin ko sa mga mapupulang labi niya, jusko, ang plumpy ng labi.
"Maaari mo namang akong titigan ng matagal, Binibini pero hindi ba nangangawit ang iyong kamay?" natigilan naman ako sa sinabi niya tapos lumayo ako ng kaunti.
"H-Heh! Ang pilyo mo talaga!" potek ang init init na ng mukha ko. Tapos nakita ko sa peripheral vision kong nakangisi siya. Bwisit talaga. Mukhang pinagti-tripan niya naman ako.
"Bahala ka nga dyan." tumayo na ako at bumalik sa kwarto ko dahil sa sobrang hiya ko. Tapos narinig ko 'yong tawa niya.
Gago, ba't ang sexy pakinggan ng tawa niya? Ay hindi, gagong mokong pa rin siya. Tss. Maka-ready na nga sa pag-alis.
-
Paalis na ako ng bahay pero nagda-dalawang isip ako kung anong gagawin ko kay Joaquin. Hays.
"Lalaki, makinig ka." hinintay ko munang humarap siya sakin, na sana 'e hindi na lang dahil nakakatunaw na naman ang titig niya.
"Bakit, Binibini?" takhang tanong niya.
"Susubukan kong agahan ang pag-uwi mamaya, wag na wag kang lalabas ng bahay kahit na anong mangyari naiintindihan mo?" paalala ko sa kanya tapos takha na naman akong tumingin sa kanya kasi parang natigilan siya.
"Papaano kung nasusunog ang bahay? Hindi rin ba ako lalabas?" napahilamos naman ako ng mukha. Tanga.
"Ay gago talaga! Syempre, kapag emergency cases na lumabas ka na." beast mode na naman ako sa kanya. Binabawi ko na lahat ng sinasabi ko sa kanya.
"Emergency cases?" takhang tanong niya. Oo nga pala, hindi siya nakakaintindi ng ingles.
"Kapag ano.. ahm, teka ano nga ba tagalog ng emergency? Ah basta! Hangga't maaari at hangga't wala namang pahamak 'e wag na wag kang lalabas. Aalis na ako."
"Mag-iingat ka, Binibini." rinig ko pang sabi niya pero hindi ko na siya nilingon. Napangiti na lang ako out of the blue.
Pagkarating ko ng school hinanap ko agad sina Divine at Joe. Gusto ko sanang ikwento sa kanila 'yong ginawa ni Sebastian para hindi na nila ako ipagtulakan 'don. Mabuti na lang talaga at hindi ako nadala sa panunukso nina Divine na sagutin si Sebastian.
"Flores!" narinig kong may sumigaw ng apelyido ko kaya hinanap ko 'yon. Nakita ko naman 'yong dalawang idiots kaya agad akong tumakbo papalapit sa kanila.
"Nakapag-attendance ka na ba?" tanong ni Divine, umiling naman ako kaya sama-sama na kaming tatlo na nag-attendance sa Department at Organization namin.
--
Pagkatapos ng misa 'e wala pa namang major events kasi 2PM pa naman ang parade at puro sports lang naman ang gaganapin ngayon. Ayoko talaga sa mga events events kasi puro socializing and such.
"Tutunganga na lang ba tayong tatlo dito?" nakapalumbabang tanong ni Divine.
"Oo nga pala, may iku-kwento ako sa inyo. Tungkol kay Sebastian." pag-uumpisa ko.
"Bakit? Kayo na? Sinagot mo na siya?"
"Hin--"
"Talaga? Saan? Siguro si Sebastian 'yong kasama mong pumunta ng beach, ano?"
"Palusot niya siguro satin na pinsan niya mga kasama niya."
Napahilamos naman ako sa mukha ko. Bakit kasi ang daldal nilang dalawa?
"Makinig nga kayo muna sa akin, 'e kung hindi na lang kaya ako mag-kwento, ano?" inis na sabi ko sa kanila. Sabay naman silang nag-peace sign. Mga idiots talaga.
Nang mapansin ko naman na tumahimik na sila 'e kinwento ko na lahat. Pero hindi ko na sinabi 'yong tungkol kay Joaquin. Sinabi ko na lang na may isang lalaking napadaan sa gawi namin kaya may tumulong sa akin. Hays, hanggang ngayon nagtatayuan pa rin ang balahibo ko sa takot sa tuwing naaalala ko 'yong nangyari sa akin kahapon.
"Aba gago talaga!"
"Uupakan ko talaga 'yon kapag nakita natin!"
Natawa naman ako sa kanilang dalawa.
"Hayaan niyo na, ngayon alam niyo ng dalawa kung bakit hindi ko siya sinasagot at kung bakit ko siya nire-reject." sabi ko sa kanila na nakacross arms.
"Hindi mo naman kasi sinasabi sa amin na kampon pala ni Lucifer 'yang gagong yan. Pero wait, naintriga ako sa lalaking nagligtas sayo." Nagulat namana ko sa sinabi ni Joe, akala ko hindi niya na papansinin 'yon.
"Oo nga, baka 'yon na 'yong prince charming mo. Gwapo ba? Nakuha mo ba ang number?" napakamot naman ako sa ulo.
"Wala, hindi ko siya kilala. Nagpasalamat lang ako sa kanya. Tapos." masungit na sabi ko para tumigil na silang dalawa.
"Sungit. Siguro gwapo 'yon kaya ganyan ka. Ayaw niyang i-share sa'tin, Divine." rinig kong sabi ni Joe kaya tinapunan ko ng tissue. Baliw talaga.
"Kumain na kaya tayo? I'm sure 1PM palang pupunta na tayo ng field 'e." pag-aaya ni Divine kaya tumayo na kaming tatlo at pumunta ng cafeteria.
Kumain na kaya si Joaquin? Magta-tanghali na kasi. Marunong naman siguro siyang magluto--ay gago! Stove ang gamit ko at baka hindi siya marunong gumamit! Or worse, hindi siya nakakain.
"K-Kailangan ko pala munang umuwi." paalam ko sa kanilang dalawa at bilis bilis umuwi ng bahay. Mabuti na lang talaga at hindi kalayuan ang bahay ko sa school.
Pagkarating ko ng bahay ay agad agad akong pumasok at dumiretso sa kusina. Wala siya dito? Pumunta ako sa kwarto ko, pero wala rin. Asan siya?
Nilibot ko na ang buong bahay pero wala talaga siya. Umalis na kaya siya? Ang gagong mokong na 'yon, hindi lang man nagpasalamat o nagpaalam lang man. Tss. Ba't ba ako naiinis? 'E pakialam ko sa kanya? Mas mabuti na rin 'yon, diba? Para wala akong inaalala. Tama tama.
Hays. Napaupo na lang ako sa balkonahe ng bahay.
"Binibini?" halos lumundag ang puso ko nang makarinig ako ng isang familiar na boses kaya agad akong tumayo at humarap sa kanya.
Hindi siya umalis.
"S-Saan ka nanggaling?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sakin at may ipinakitang supot.
"Bumili ako ng pagkain, Binibini." Bumili? 'E hindi naman ako nag-iwan ng pera sa kanya.
"Saan ka kumuha ng pera?" takhang tanong ko sa kanya.
"Iniisip ko kasi kanina, Binibini, na parang magiging pabigat ako sayo kaya umalis ako kahit na habilin mong hindi ako lalabas ng bahay. At naghanap ako ng trabaho."
"Trabaho?! At saan ka naman nakahanap aber, Lalaki?" nakapa-mewang na tanong ko sa kanya. Loko-lokong mokong na 'to. 'E paano kung napahamak siya?!
"Doon lang sa kabilang kanto, Binibini. May isang Ginoo na may busilak na puso ang lumapit sa akin at tinanong ako kung 'open minded' ba daw ako. Noong una ay hindi ko naintindihan ang ibig sabihin 'non pero--"
"Wag ka ng babalik doon." kalmadong sabi ko. Mukhang nauto 'tong lalaking 'to. Bwisit.
"Pero, Binibini--"
"Hindi ka na babalik!" galit na sabi ko at napatungo naman siya. Hinila ko na siya papunta ng kusina.
"Niloloko ka lang 'nong lalaking nakilala mo. Binigyan ka niya ng pera para bumalik ka sa kanila at isipin mong tinutulungan ka nila pero hindi, kapag nagtagal ay ikaw na ang hihingian nila ng pera at gagawin mo na rin 'yong ginagawa nila." paliwanag ko sa kanya habang nag-aayos ako ng hapag kainan.
"G-Ganoon ba, Binibini? H-Hindi ko alam, paumanhin." Napabuntong hininga naman ako at tiningnan siya. Gusto niya ba talaga magtrabaho? Hmm, kung gawan ko kaya ito ng vlog tapos i-post ko sa youtube? Ay ayoko, dadagsain siya ng mga babae. Tsk. Ah eh pakialam ko ba? Pero hindi.
"Gusto kitang tulungan pero hindi ko rin alam kung papaano ka mababalik sa inyo." sabi ko sa kanya.
"Ang totoo niyan, Binibini, may isang daungan ng mga bangka na dinadaanan namin kapag pupunta kami ng ibang lugar o lalabas kami ng isla."
"Lumalabas rin kayo sa isla?" gulat na tanong ko sa kanya.
"Oo, Binibini. Pero kapag importante lamang ang pupuntahan namin. Ako, pitong taon na ang nakakaraan simula nang makalabas ako ng isla. Dahil ang kapatid kong si Dante ang laging pinapapunta sa labas dahil ako naman ang nag-aasikaso sa mga gawain sa mansion."
Wow, mansion. May mga golds rin kaya sa lugar nila? Hehe.
"A-Alam mo ba kung asan 'yong daungan?" tanong ko sa kanya.
"Hindi rin, Binibini. Nakaligtaan ko na rin kasi." malungkot na sabi niya. Sabagay kasi masyado ring malapad ang lugar na 'to at maraming daungan rito.
"Alam ko na, Lalaki! Pero hindi pa rin ako sigurado ha? Kasi may kakilala akong isang tao na mukha lang naman, may alam siya tungkol sa lugar ninyo."
Kahit na hindi kami close ni Tita Helen, wala akong choice kundi lumapit sa kanya at humingi ng tulong.
Si Tita Helen ang tita kong teacher na napakahilig sa Geography at History ng bansa. Kaya oo, posible na marami siyang alam sa mga lugar sa bansa. Sana lang talaga hindi na mainit ang ulo niya sa akin.
Kasi naman huling punta ko sa bahay niya 'e ninakaw ko 'yong isang tuta niyang pomeranian noon at ibinenta ko. Paano naman kasi hindi niya ako binigyan ng tuta 'nong pomeranian kaya kinuha ko na lang tapos binenta ko sa pinsan ko. Hehe!