Kabanata 4

1941 Words
-- Isla Hardin -- Tinitingnan ko ng masama itong si Joaquin dahil grabe na naman kung makatitig sa akin. At naiinis ako dahil nakaka-attract 'yong mga mata niya. Ang haba ng pilik mata niya, napaka-rosy ng labi at plumpy rin, ang tangos ng ilong, brownish eyes at napaka-attractive ng leeg. "Binibini? Nakikinig ka ba sa akin?" napa-iwas ako ng tingin sa kanya nang bigla siyang magsalita. Luh, baka akalain niya pang pinagnanasaan ko siya. Tss. "Hindi, at tigil-tigilan mo ang pagtawag sa akin ng Binibini, okay?" saka ko siya inirapan at tumayo sa pagkaka-upo. Mabuti na 'yong umiwas ako sa kanya para no attachment, may pagka-marupok pa naman ako minsan. Pero syempre, di naman palagi. Tiningnan ko ulit si Joaquin at sinubukang basahin ang mga iniisip niya. "Ngunit kailangang ginagalang ang isang Binibining katulad mo." tumingin siya sa akin at parang nagulat at umiwas agad ng tingin. Napakunot naman ang noo ko at tiningnan ang sarili ko. Bakit naman siya umiwas ng tingin? May mali ba sa akin? "Kanina ko pa napapansin na paiwas-iwas ka ng tingin sa akin. Nahihiya ka ba?" saka ko inilapit ang mukha ko sa kanya, na mas ikinagulat naman niya kaya natawa ako ng kaunti at inilayo ko na ulit ang mukha ko. "H-Hindi naman sa ganoon, Binibini. Ngunit sa lugar namin ay bawal naming titigan ng matagal ang mga Binibini at mas lalong hindi namin pwedeng makita ang mga maseselang bahagi ng...katawan." sinasabi niya 'yan habang naka-iwas tingin pa rin sa akin. "Ah? Dahil ba sa naka-shorts ako? 'E ano bang ine-expect mo? Naka-jogging pants ako sa beach? Napaka-conservative naman ng lugar niyo. Parang sinaunang panahon..." napatigil ako sa sinabi ko. Sinaunang panahon... hindi kaya ang Isla de Maharlika 'yong kinukwento sa akin nina Tita Helen noon? Ang Islang binabalot ng misteryo dahil sa mga anyo nito. Kwento kasi sa akin ni Tita Helen noon na may isang isla na pine-preserve ang ka-anyoan ng dating bansa noong mga panahon pa ng Kastila. May kalakihan rin ang isla kaya masagana pa rin ito kahit na ilang taon na ang nagdaan. Kung ganoon, kailangan ko ngang tulungan 'tong lalaking 'to. Tumingin ulit ako sa kanya at takhang-takha naman siya na napatitig sa akin. Kahit na hindi pa rin ako sigurado sa pagkatao nitong mokong na 'to. At kahit na naiisip ko pa ring baliw siya 'e wala na akong choice. Dahil naiintriga pa rin ako sa lugar ba pinanggalingan niya. Itong lalaking 'to ang susi ko sa aking nakaraan. - Nang napag-isipan ko ng mabuti kung ano ang gagawin ko sa lalaking ito ay napag-desisyonan ko ng umuwi. Kahit na labag sa loob ko ang magpa-tuloy ng isang lalaki sa aking bahay dahil isa 'yon sa mga pangako ko sa aking Papa na dapat 'e ang lalaking mahal ko lang at ang lalaking sigurado na akong pakasalan ang makakapasok sa bahay na niregalo niya sa akin. Pasensya na talaga, Pa. Isang tulong lang rin naman 'to 'e. At hindi naman ako interesado sa lalaking 'to. Mas interesado ako sa lugar na kanyang pinanggalingan. Nag-jeep kami pauwi at nag-tricycle, at sobrang namamangha siya sa mga buildings at sasakyan na nakikita niya. Natatawa nga ako sa kanya kasi para siyang bata na dinala sa Enchanted Kingdom at manghang-mangha sa mga rides na nakikita niya. Akala ko nga 'e mananahimik na siya buong biyahe pero nagrereklamo siya dahil sa mga usok ng sasakyan. Well, kahit naman ako hanggang ngayon medyo sensitive pa rin dyan dahil dati rin akong may asthma. "Papaano niyo natitiisan ang mga masasamang usok na ito? Hindi ba kayo nagkakasakit? Ikaw?" tinaasan ko naman siya agad ng isang kilay at mukhang nagulat rin siya sa sinabi niya. "Ako talaga ha? Well, ito na 'yong nakagawian ng lahat. At isa pa, pamumuhay na rin kasi ito ng iba." sagot ko sa kanya habang nakatingin rin sa ibang sasakyan. Napailing na lang talaga ako sa kanya. Sana totoo nga ang sinasabi niya sa akin, sana totoo ang lugar na pinanggalingan niya. Sana talaga totoo. - Pagkarating ng bahay ay napansin kong nanatili lang siya sa labas ng pinto at parang hiyang-hiya. Ano na naman kayang tumatakbo sa isip nitong isa na 'to? Kaya binalikan ko siya sa labas ng pinto at tinanong kung ano na naman ang problema. "Binibini, hindi ba't parang..." nagda-dalawang isip pa siyang sabihin at hiyang-hiya rin siya. Natatawa na lang talaga ako sa kanya kasi pulang-pula na 'yong mukha niya at parang hindi siya mapakali. Nilalaro niya pa 'yong laylayan ng damit niya na natuyo naman dahil nga sa medyo matagal rin kaming nag-usap sa cottage kanina. Speaking of damit, mukhang kailangan rin niya ng damit dahil ahm.. no comment. Basta kailangan niya ng damit na sunod sa uso. Ganun. "Parang ano?" tanong ko nang mapansin kong nagda-dalawang isip pa rin siya. "Ang totoo niyan, Binibini, sa aming lugar kasi ay bawal mag-sama sa iisang bahay ang hindi mag-kasintahan o hindi mag-asawa." sabi ko na nga ba 'e. May pagka-conservative nga pala siya. Para talaga siyang nanggaling sa nakaraan. "Hay nako, Ginoo. Paiiralin mo pa rin ba yang pagiging konserbatibo mo, aba 'e alangan naman hayaan kitang pakalat kalat sa daan. Kargo de konsensya pa kita." nakapamewang na sabi ko sa kanya. Nakamot naman siya ng ulo niya. "Handa akong panagutan ka, Binibini. Handa akong--" hindi ko na siya pinatapos pa at hinila na papasok ng bahay dahil baka may makakita pa sa amin at isumbong pa ako sa mga kamag-anak ko. Ayoko pa naman ng issue o chismis. "Kung ano pang sinasabi 'e." hila ko sa kanya, nakita ko naman ang pagkagulat niya at dahil nga sa hawak ko ang kamay niya ay mas lalo siyang nahiya at mas namula. Pinipigilan ko lang talaga ang matawa dahil baka ma-offend siya sa akin. Pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko. "Hahahahahaha. Bakit ba ang pula pula ng mukha mo? Hahahahaha, para ka ng kamatis. Hahahahaha." pagtawa ko pa rin at binitawan ko na siya. Pero bigla akong natigil sa sunod niyang ginawa. "Binibini, alam mo ba kung gaano ka ka-ganda sa paningin ko kapag tumatawa ka ng ganyan?" halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko at napalunok na lang ako ng sunod sunod dahil hindi ako makagalaw at makasalita. Mas lalo ko na tuloy natitigan ng mas matagal at mas malapit ang mukha niya. Napakaganda talaga ng mga browny eyes niya, kahit ang kapal ng kilay niya 'e bagay na bagay sa kanya, napakahaba rin ng mga pilik mata niya tapos 'yong labi niyang sobrang pula. Ay gago ano ba 'tong iniisip ko. "Heh! Loko-loko!" saka ko inalayo 'yong mukha niya sa mukha ko. Nakita ko naman siyang naka-ngisi. May pagka-pilyo rin pala 'tong mokong na 'to. Mukhang bumawi siya sa panti-trip ko sa kanya. Tss. "M-Maupo ka muna dyan at maghahanap ako ng damit na ipamamalit mo pansamantala.." saka ako dali-daling pumasok ng kwarto at hinawakan ang halos sumabog kong dibdib. Gago na 'yon, pinag-tripan ako, mukhang aatakihin pa ata ako dahil sa kanya. Napatigil ako nang maisip ko na naman ang mukha niyang kanina 'e lang halos magkadikit na sa mukha ko. Hindi ko alam kung anong sumagi sa isip ko at lumabas sa bibig ko ang mga salitang hindi ko inaasahan. "Gwapo nga siya." - "Binibini, saan tayo pupunta?" hawak hawak ko ang kamay ng mokong na 'to dahil baka kapag hindi 'e mawala siya dahil sobra pa namang daming tao sa Mall. "Ibibili kita ng mga damit." sagot ko at hindi na rin naman siya nagsalita. Nang makarating kami ng Department Store ay agad kaming nagtungo sa mga lalaking pandamit. Habang pinipilian ko siya 'e wala naman siyang ginagawang iba kundi ang mag-iikot ng tingin sa paligid na parang bata. "Eto, isukat mo, dali." sabay hila ko sa kanya sa dressing room. "Binibini, dito ako magbibihis?" napatango naman ako. Nang makita kong nagda-dalawang isip siya 'e tinulak ko na lang siya papasok ng dressing room at pinagsabihang lumabas agad siya kapag natapos na siyang magbihis. Maya maya naramdaman kong bumukas na ang pinto, hindi kasi ako umalis at hinintay lang siya sa labas ng pinto ng dressing room. Halos lumundag na naman ang puso ko nang makita ko siya. Sobrang bagay sa kanya isang black shirt na medyo fit na sa bandang dibdib niya dahil sa may pagka-makisig nga ang katawan niya. Klarong-klaro rin ang biceps niya, potek, uso rin ba ang gym sa kanila? Napababa naman ang tingin ko at nakitang bagay rin sa kanya ang short na napili ko. Mas lalong kapansin-pansin ang makisig niyang mga binti. Inalog ko naman ang utak ko. "B-Binibini, h-hindi ba nababagay sa akin?" nahihiyang tanong niya. Gago ng mokong na 'to bagay na bagay nga sa kanya, para siyang spanish na model. "O-Okay lang." sabay kibit balikat ko. "Okay? A-Anong ibig sabihin 'nun?" hindi niya ba alam ang ibig sabihin ng okay? Mukhang kailangan ko rin siyang turuan ng english para kahit papaano 'e hindi siya magmukhang walang alam hays. "Ang ibig kong sabihin, bagay sayo. Kaya isukat mo pa 'yong ibang napili ko." sabi ko sabay tulak pabalik sa kanya sa loob. Pinasukat ko pa siya ng limang shirts at shorts. At binili ko na rin 'yon lahat. Pagkatapos ay pumunta kami sa bandang mga pantalon at polo na naman. Wala talaga akong masabi sa lahat ng damit na sinusukat niya dahil halos lahat 'e bagay na bagay sa kanya. Lagi pa siyang nagre-reklamo sa akin na hindi niya na rin naman daw kailangan ang mga 'to dahil hindi naman daw siya magtatagal. Pero sabi ko mas mabuti nang handa dahil baka kung may biglaang pupuntahan kami 'e hindi ko siya pwedeng iwan mag-isa sa bahay dahil hindi siya kilala pa doon at baka mapagkamalang magnanakaw, kahit na excuse ko lang naman talaga 'yon. Oo, aminado akong hindi lang talaga dahil sa pagtulong sa kanya ang pakay ko. Kundi dahil mas may mabigat pa akong dahilan. Gusto kong matatak muna sa isip niya na malaki ang utang na loob niya sa akin kaya kailangan niya rin akong matulungan. Pero hindi ko pa alam kung papano ko sasabihin sa kanya, sa susunod ko na siguro pag-iisipan dahil ngayon 'e kailangan ko muna siyang tulungan. "Binibini, bakit parang pinagtitinginan tayo ng mga taong nakapaligid sa atin? May dumi ba ako sa mukha?" natawa naman ako sa kanya. Napansin ko ngang kanina pa kami nakakakuha ng pansin. 'Wala kang dumi sa mukha, sadyang kaagaw-agaw atensyon ka lang talaga.' Gusto ko sanang isagot 'yon sa kanya pero naka-isip na naman ako ng panti-trip sa kanya. "Oo, Ginoo. Sa bandang kanan ng pisngi mo." sabi ko sa kanya kaya kinapa naman niya, kahit wala naman talaga. "Malapit na." sabi ko pa habang kapa-kapa niya pa rin ang pisngi niya. Pinipigilan ko namang matawa dahil mukhang nagpa-panic siya dahil iniisip niyang napapahiya siya. Hay nako, kung alam mo lang, Ginoo. Ay potek, ba't ba napapa-Ginoo na rin ako sa kanya. "Hindi, hindi d'yan. Malapit na talaga. Malapit na malapit na. Malapit ka ng mabaliw." sabay hagalpak ko ng tawa saka lang nagsink-in sa kanya na mukhang pinagtripan ko na naman siya. Kaya halos mamula na naman siya sa sobrang hiya. Hahahahaha, akala niya siguro nakakalimutan ko na 'yong panti-trip niya rin sa akin kanina ha. Akala niya lang 'yon. At 'yon rin ang akala kong hindi siya babawi dahil napako na lang ako sa kinatatayuan ko ng bigla siyang bumulong sa akin. Dahil sa sinabi niya, feeling ko 'e magkaka-heart attack ako na ikina-init rin ng mukha ko at para bang dahilan ng pagtigil ng mundo ko. "Oo, malapit na nga akong mabaliw.. sa iyo, Binibini."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD