Pagkatapos kong masiguradong okay na si Joaquin sa bahay 'e bumalik na ako ng school para makahabol sa parade.
"O Hannah, saan ka galing? Buti na lang nadala namin 'tong headband mo galing ng Laboratory." hingal hingal pa akong nagpasalamat kina Joe. Sinuot ko naman agad ang headband habang habol hininga pa rin ako. Jusq naman talaga, ano ba 'tong ginagawa ko sa buhay ko?
"Nakalimutan ko kasing i-close ang stove sa bahay." palusot ko. Buti na lang talaga nakahabol ako kundi magkaka-fine ako sa major event.
Maya maya lang 'e pinalinya na kami para sa parade. Buti na lang talaga 'e naka-usap ko si Joaquin na wag na wag na siyang lalabas ng bahay dahil baka mapahamak pa siya. Binantaan ko rin siya na kapag lumabas siya ng bahay 'e hinding-hindi na siya makakapasok ulit. Natakot naman siya at nangako pa na parang timang.
Nag-iwan rin ako ng makakain sa kanya kapag na-bored siya at binigyan ko rin siya ng english-tagalog dictionary book para may mapag-aralan siya. At tuwang-tuwa naman 'yong gagong mokong kasi mahilig palang magbasa ng libro 'yon kaya kahit basic english book 'e binigay ko na rin.
May mapagkaka-libangan na daw siya at nag-promise naman siya na di na talaga siya lalabas. Takot niya na lang talaga sa akin.
"Hoy Hannah, halika na!" nabalik naman ako sa sarili ko nang hilahin ako ni Joe kaya naglakad na rin ako. Palabas na kami ng school 'e. Ang init init na nga, ipapa-parade pa kami ng school, jusq naman.
Pagkatapos naming mag-ikot ikot ay bumalik na rin kami ng school at nagtipon-tipon ang lahat sa field ng school kasi dito talaga ginaganap ang grand opening ng University Week. Marami rin ang tao kasi open ang school sa mga outsiders basta 'e may makasama ka lang na taga-University rin.
Teka, ibig sabihin pwede kong masama 'yong gagong mokong na 'yon para naman makapag-isip kami ng plano kung papano siya makakauwi. Pero ano namang sasabihin ko sa mga idiots na kasama ko? Paniguradong magtataka sila sa ikikilos ni Joaquin.
Pwede naman sigurong ipagpanggap ko siyang pipi at bingi. Tama tama. Bwahahaha! Makaka-ganti na rin ako sa kanya.
Maraming performance ang nangyari sa grand opening. Merong nag-fire dance, nag-perform ang cheering squad ng school, meron ring competition sa hiphop at dance revolution at mas nabulabog ang lahat sa spoken word poetry dahil puro patama at nakaka-relate 'yong piece ng mga nagpe-perform.
8PM na nang matapos ang event kaya dali-dali akong umuwi dahil pagod na rin ako. Pagkarating ko ng bahay 'e patay 'yong mga ilaw. Tiningnan ko sa kapitbahay ko at hindi naman brown out.
Ay potek! Paniguradong hindi alam ni Joaquin kung papano mag-on ng ilaw. Dali-dali naman akong pumasok tapos ini-on ko na 'yong ilaw kasi nasa bandang pinto lang naman ang switch.
Nadatnan ko naman si Joaquin na nakahiga sa sofa at mukhang nakatulog sa pagbabasa ng mga libro kasi may bukas na books pa sa dibdib niya. Aba ang galing ng gagong mokong na 'to. Nasa basic english volume 3 na siya. Ang bilis makapagbasa. Grade 4 na siya agad, galing ah.
Inayos ko na 'yong mga libro sa mesa at nagbihis na rin ako. Nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin napahinto ako kasi nakashorts ako at naka-sleeveless. Oo nga pala, may maria clara boy version nga pala akong kasama kaya nagpalit ako ng longsleeve na pantulog at pajama. Para lang hindi mailang sa aking yong lalaking 'yon, ako pa nag-adjust ha.
Paglabas ko gising na siya.
"Narito ka na pala, Binibini." tapos ngumiti siya. Napakagat labi naman ako kasi naiilang talaga ako sa kanya. Ewan ko kung bakit, siguro dahil lalaki siya ano, duh.
"Oo, ahm.. maghahanda lang ako ng pagkain natin tapos maya maya magdi-dinner na tayo." saka ako naglakad papuntang kusina.
"Tulungan na kitang maghanda ng dinner, Binibini." napataas naman ako ng kilay at nag cross arms ako sa harap niya.
"Aba alam mo na ang ibig sabihin ng dinner?" ngumiti naman siya atsaka tumango.
"Ang breakfast ay umagahan, lunch ay tanghalian at dinner naman sa hapunan." Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Ang bilis mo namang matutunan 'yon."
Ang lapad-lapad ng ngiti niya kaya hindi ko na siya pinansin at dumiretso na ako ng kusina. Nagluto ako ng pansit tapos ay nagsaing na rin ako.
"Binibini, anong tawag rito? Talaga bang maluluto ang kanin dito?" napatingin naman ako sa kanya. Tapos parang manghang-mangha siya sa rice cooker.
"Rice cooker ang tawag dyan. At oo, maluluto ang kanin dyan sa isang pindot lang."
Patango tango naman siya sakin. Habang naghahanda na naman ako ng hapagkainan ay napansin niya naman 'yong blower ko sa cabinet.
"Ito, Binibini? Bakit parang baril ito? Wala ba itong bala?" tapos kinalikot niya 'yong blower. Ay gago talaga. Barilin ko kaya siya gamit ng blower.
Kinuha ko 'yong blower tapos sinaksak ko. Magsasalita na sana ako at ipapaliwanag sa kanya na para sa buhok 'to at pampatuyo. Pero nakaisip ako ng pang-uto sa kanya.
"Ginagamit ito kapag nilalamig ka, Ginoo. Tingnan mo ha." Tapos ini-on ko 'yong blower nagulat pa siya kasi akala niya may lalabas rito pero isang malakas na mainit na hangin lang pala. Kaya pigil pigil na naman ang tawa ko.
Bwisit para talaga siyang bata.
"O-Oo nga, Binibini. Nakaka-init sa katawan." nakangisi naman akong umalis sa harap niya. Tapos kinuha ko 'yong curler ko naman tapos sinasak ko.
"Ito naman, Ginoo, pang luto ito ng popcorn." May isang malaking question mark na naman sa mukha niya kaya kumuha ako ng isang butil mais para sa popcorn at nilagay ko sa pagitan ng curler. Maya maya pa nag-pop na 'yong butil ng mais.
Nagulat na naman siya kaya natawa na naman ako. Tapos kinuha ko 'yong popcorn at sinubo kay Joaquin.
"Masarap ba?" tanong ko sa kanya. Nanlaki naman 'yong mata niya tapos tumango-tango siya. Hindi ko akalain na makaka-uto ako ng isang mala-Adonis. Hahahahaha!
"P-Pero, Binibini, iniisa-isa niyo ba ang pagluluto nito? Hindi naman nakakabusog agad ito." natawa na lang talaga ako sa kanya tapos hindi ko na siya pinansin at inalis na sa saksakan 'yong blower at curler.
Narinig ko pa siyang bumulong kaya mas lalo akong natawa. Hahahahaha. Baliw talaga.
"Akala ko naman napapabilis ng mga teknolohiyang 'to ang buhay ng tao pero hindi naman pala."
Tinawag ko na siya at kumain na kami. Syempre, tinuruan niya na naman ako magdasal bago kumain.
Siya na ulit ang nagprisintang maghugas ng mga pinggan kaya pumunta na lang ako ng sala at nag-cellphone. Habang nagfe-f*******: ako may nag-pop up na notification sa akin kaya agad kong tiningnan. Naka-tag ako sa isang post ng school.
"Bring your non-University friends for the 'Hanap ng Adonis at Ganda Non-University Friends Version' in this University Week and get a chance to win a prize!"
Para namang may isang malaking bell ang tumunog sa ulo ko at napatingin ako kay Joaquin. Hindi ko alam kung anong prize 'yong ibibigay ng school pero alam kong maganda ito kasi last year, latest iPhone 'yon tapos meron pang mga 1 month grocery supply o di kaya naman 'e scholarship grant, pwedeng 25% or 50%.
"Adonis--este Lalaki halika dito dali." pina-upo ko si Joaquin sa tabi ko tapos binuksan ko 'yong mga books na napag-aralan niya.
"Kailangan mong mag-aral ng english kasi may sasalihan kang contest este paligsahan." saka ako ngumiti sa kanya.
"P-Paligsahan? Saan, Binibini? Nahihiya ako." Tiningnan ko naman siya ng masama.
"Uunahin mo pa ba yang hiya mo? Kung sasali ka rito paniguradong mapapadali ang paghingi natin ng tulong sa iba para makauwi ka. Kasi paniguradong sisikat ka at magkaka-premyo pa."
"Pero--" binigyan ko ulit siya ng masamang tingin.
"Sabi ko nga, Binibini. Ang tagal mo naman kasi." Imba talaga. Ako pa ngayon? Tsk tsk.
"Ganito, para naman hindi masyadong boring 'tong gagawin natin 'e lagyan natin ng kaonting kapalit." Magsasalita na naman sana siya pero sinmaan ko siya agad ng tingin tapos nag-gesture siya ng 'quiet' kaya nag-rolled eyes na lang ako sa kanya.
"Tutal 'e napag-aralan mo naman 'to na hindi ko din talaga akalain na babasahin mo lahat 'e tatanungin kita. At kapag makaka-tama ka ng sagot hahayaan kitang magtanong sa akin ng kahit ano. Pero! Kapag mali ka, ako 'yong magtatanong sayo."
"Sige, Binibini. Gusto ko yan tapos nag-indian seat siya paharap sa akin at parang bata na naghihintay bigyan ng candy. Ang cute ay potek hindi. Gagong mokong siya na pilyo.
"Ano sa english ang salitang puno?" Akala ko 'e mag-iisip pa siya pero sumagot agad siya.
"Tree!" parang bata niyang sigaw tapos medyo natawa ako sa accent niya kasi sobrang tigas ng pagkakabanggit niya.
"Hindi 'tri' na sobrang tigas ang dulo ng pagkakabanggit 'non. 'Tri' na parang sosyal." Tapos sinabi ko sa kanya kaya sinunod niya naman.
"Pero tama naman ako, Binibini, diba?" nag-isip pa ako sandali kung ico-consider ko 'yong accent niya.
"Sige na nga. Consider ko na muna ang accent mo."
"Edi may isang tanong ako sayo, Binibini." Tapos ngumiting pilyo na naman siya kaya napakunot ang noo ko.
"O-Oo na! Anong tanong mo?"
"Ahm...Bakit ikaw lang ang nakatira rito?" Akala ko naman kung anong tanong niya.
"Kasi bili ito ng Papa ko sakin 'nong 18th birthday ko at dito ako nag-aaral habang sina Mama at ang kapatid ko ay nakatira sa totoong bahay namin." napatango-tango naman siya.
"Oh ito na sunod kong tanong, ano sa tagalog ang 'like'?"
"Alam ko 'yan, Binibini. Nabasa ko kanina sa isang aklat kapag may gusto ka sasabihin mo lang ang, 'I like you." para akong natigilan sa sinabi niya. Gago bakit ganon? Ang bilis ng t***k ng puso ko. Tapos titig na titig pa siya sa mga mata ko.
"Sabi ko naman sayo, Binibini, pwede mo naman akong titigan ng matagal pero baka mangalay ka kakatitig, ayokong nahihirapan ka." ang hina ng boses niyang 'yon pero parang ang lakas sa pandinig ko.
Inilayo ko 'yong mukha niya sakin at umiwas ako ng tingin.
"Oo na, tama ka. Kaya magtanong ka na." Hindi pa rin ako nakatingin sa kanya at sa aklat lang nakatitig ang mga mata ko.
"Sino 'yong lalaking humila sayo kahapon?" natigilan ako sa tanong niya.
"Si Sebastian, manliligaw ko siya." simpleng sagot ko kasi ayokong pag-usapan 'yong gagong 'yon. Kumukulo ng sobra talaga ang dugo ko 'e.
"Binibini, sabihin mo lang sakin kung ginugulo ka pa ng lalaking 'yon. Pangako, hindi ako magda-dalawang isip na tulungan ka." nakangiti niyang sabi kaya medyo gumaan ang loob ko.
"O-Oo na! Tatanong na ulit ako."
Nakailang tanong na ako sa kanya at nakukuha niya pa rin ng tama kaya naiinis na ako kasi halos lahat tungkol sa buhay ko 'e natanong niya na.
Kung ilang taon na ako, ilan kaming magkakapatid, ako pa 'yong panganay, bakit ako napunta 'don sa beach na unang nakita ko siya, bakit ginawa sakin ni Sebastian 'yon.
Papahirapan ko na talaga siya para ako naman ang makapag-tanong.
"Anong english ng 'dila'?" nakita ko siyang nag-isip isip. Sa wakas! Bwahahaha!
"5...4...3..2...1."
"Time!" napatalon talaga ako sa tuwa kasi hindi siya nakasagot. Bwahahahahha.
"Teka, Binibini, ahm.. eyes?" Ay gago. Napahilamos naman ako ng mukha.
"Mata 'yon!" napakamot naman siya ng ulo niya kaya ako naman ang magtatanong. Sa wakaaas!
Teka lang, pag-iisipan ko muna ng mabuti ang tanong ko. Ano kaya? Alam ko naman kung bakit siya napadpad dito kasi naikwento niya naman sakin 'yon. Alam ko na rin na may kapatid siya. Tama! Itatanong ko na lang kung --
"May kasintahan ka na ba isla?"
-- ilang taon na siya.
Gago! Bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko? Petengenee! Gusto ko ng lamunin ng lupa ngayon tapos bigla pang tumaas 'yong gilid ng labi niya at nakangiting pilyo naman siya sakin!
"Kaya ba gustong-gusto mong magkamali ako, Binibini kasi interesado ka sa buhay pag-ibig ko?" napalunok ako ng ilang beses kasi nilalapit niya ang mukha niya sakin.
"H-Hindi ah!" inilayo ko agad 'yong mukha niya. Nagiging hobby na ata namin 'tong dalawa 'e. Ilalapit niya ang mukha niya at itutulak ko naman palayo. Tsk.
"Kasi naman, ahm, syempre, nasa iisang bahay lang tayo at baka kapag malaman niya na may kasama kang ibang babae, ano na lang ang iisipin niya? Baka pagselosan niya pa ako at isa pa--"
"Wala akong kasintahan. Pero may isang Binibini sa aming isla ang bumihag ng puso ko pero--" hindi ko na siya pinatapos at nagtanong na lang ulit ako.
Meron o wala lang naman ang kailangan niyang isagot at hindi niya naman kailangang idetalye sa akin. Tss. Pakialam ko ba sa love life niya. Edi paniguradong hinahanap na siya ng babaeng 'yon! Psh. Wala daw pero may iniibig naman. Bwisit! Siya kaya bihagin ko at ipatapon sa bundok!