Kabanata 14

1508 Words
Hindi ko talaga mapigilan ang pagka-inis sa tuwing lalapit si Claire kay Joaquin, ito namang si Lienel parang walang pakialam kung halos magka-dikit na 'yong pagmumukha ng dalawa. Kapag nagpo-pose silang dalawa, laging nasa dibdib ni Joaquin ang kamay ni Claire, ang landi talaga. Hindi ba nagseselos si Lienel sa ginagawa ng girlfriend niya? Harap-harapan na siyang ginagago, duh. Flirting is also a form of cheating kaya 'no. Naka-ilang practice sila para daw maka-adjust rin si Claire, maniwala ako! Sinasabi niya lang 'yon para maka-himas kay Joaquin 'e. Bwisit. Nakikita ko pa kasing tinitingnan ni Joaquin si Claire kapag nilalagay ni Claire 'yong kamay niya sa pisngi ni Joaquin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Joaquin kaya hindi ko naman ma-judge agad ang tingin niya na 'yon kay Claire. Parang sasabog na 'yong dibdib ko sa sobrang bigat kaya tumayo na ako at umalis, pupunta muna akong Restroom. Tinawag pa ako nina Joe pero hindi na ako humarap. Magpapahinga lang ako sa Restroom, ikakalma ko lang 'tong baliw kong puso. Jusko, ano ba 'tong nangyayari sa akin? "Ako? Bothered? Ha! Bwisit na yan!" maktol ko habang papasok ako ng cubiclr. Habang naka-upo ako sa loob ng cubicle, inuumpog ko 'yong ulo ko sa dingding nang matauhan ako sa nangyayari. Gusto kong ialis sa utak ko na hindi ko pagmamay-ari si Joaquin, hindi siya sa akin at ayokong umasta na parang akin siya. Tulad ng sabi niya may babae na siyang iniibig sa isla nila. Ayokong mag-mukhang kawawa sa harap niya. Magsi-stick ako sa goal ko, ang tulungan siyang makabalik sa isla nila at ang mabalik ang alala kong kinalimutan ko na. -- Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay bumalik na rin ako sa CA 3. Mukhang tapos na sila sa practice nila, nakita ko si Joaquin na inaasikaso nina Joe kaya napangiti na lang ako ng palihim. Mukhang nagkakalapit na ang loob nilang tatlo, pero ano kayang mararamdaman nila oras na umalis si Joaquin? Tulad ng sabi ni Joaquin, hindi sila masyadong nakakalabas sa isla. Lumapit na ako sa kanila at umupo lang sa tabi ni Divine, pinapagitnaan kasi nilang dalawa si Joaquin. Takha namang tumingin sakin si Divine kaya hindi ko na lang siya pinansin at kinuha ko na lang ang cellphone ko at dinelete lahat ng texts ng mga babaeng gusto makilala si Joaquin. "Nako, wala na naman akong dalang tubig." pagpaparinig ni Joe. Kaya dali-dali akong tumayo sa harap nilang tatlo. "A-Ako na lang ang bibili." Pagpi-prisinta ko kasi ayoko munang maiwan kasama si Joaquin. Napatingin ako kay Joaquin na parang takhang-takha sa inasal ko pero di ko na 'yon pinansin at naglakad na ako papuntang mga food booths. Ang dami namang pagkain dito. Bumili muna ako ng tubig para kay Joaquin at nang pagkain para naman sa aming apat. Habang naglalakad ako pabalik nang CA 3 biglang may lalaking humarang sa harap ko, more like tinulak siya ng mga kasama niya. Non-university student siya kasi naka visitor's ID siya. Tinaasan ko siya ng kilay nang hindi pa rin siya umaalis sa harap ko. Ano bang kailangan ng lalaking 'to? "Ahm.." "Excuse me, Mister? Pwedeng tumabi ka sa dadaanan ko?" pagma-maldita ko sa kanya. Parang kasing tuod sa harap ko. Nang hindi pa rin siya umaalis, ako na nag-adjust pero hinarangan niya ulit ako kaya kumunot na 'yong noo ko. "Alam mo ba, Miss, I'm a photographer. And I've been looking for a face like yours." tumaas na naman ang isang kilay ko. "Yun oh!" rinig kong hiyawan ng mga kasama niya. Nakangiti pa rin ang loko sa harap ko kaya ngumiti rin ako sa kanya. "Alam mo rin ba, Mister. It's my dream to be a plastic surgeon and I've been looking for a face like you too." saka ko siya inirapan at naglakad na. Nakakabwisit naman 'yon. "Boom basag ka, Pre!" tapos nagtawanan 'yong mga kasama niya. Hindi pa rin naatinag 'tong lalaking 'to at humarang na naman sa harap ko. "Miss, you look like a dream." banat niya na naman. Kaya naghiyawan na naman ang mga kasama niya, hindi ba talaga siya titigil? "Then, go back to sleep, Mister." tapos binangga ko na 'yong braso niya at naglakad na ako. "Double kill! Hahahaha!" sigaw naman ng mga kasama niya. Mga baliw. Nakakasira ng araw. Pagkarating ko naman ng CA 3 nakita kong nagtatawanan sina Joe, Joaquin at Divine. Nawala naman ang pagka-inis ko, bakit ba ganito ang epekto sa akin ni Joaquin? Lumapit na ako at inabot sa kanila ang pinamili ko. "Dai, alam mo bang balak bigyan ni Claire kanina si Joaquin ng tubig kasi umalis si Lienel." bulong ni Divine sa akin kaya napataas ang isang kilay ko. Tiningnan ko naman si Joaquin, parang wala namang tubig maliban sa bigay ko. "Syempre, wag kang mag-alala hindi 'yon tatanggapin ni Adonis. Kasi bumili ka na daw. Yieee." sinundot niya na naman ang tagiliran ko kaya pinalo ko na 'yong kamay niya pero tinawanan niya lang ako. Maya maya pa may isang school officer na ulit ang nag-announce na pwede nang magpahinga muna 'yong mga contestants at dapat before 6PM nasa backstage na sila at nagre-ready. Kaya naisipan namin na tumambay na lang ulit sa D Walk. "Gusto mo ba munang matulog?" tanong ko kay Joaquin nang mapansin kong pagod siya. "Wag na, Binibini." tapos ngumiti siya kahit na halata naman sa mga mata niya na sleepy na siya. Tss. Kinuha ko 'yong bag na may mga damit niya at pinatong sa table sa harap niya. "Wag ka ng mahiya. Matulog ka na, Lalaki para mas may energy ka mamaya. Mahiga ka na dyan." tumango na lang siya at hiniga niya na 'yong ulo niya ng patagilid at paharap sa akin tapos pinikit niya na rin ang mata niya. Bakit ba ang amo ng lalaking 'to kapag natutulog? Dumating naman maya maya sina Joe at Divine na naligo na naman ata ng perfume. "Natutulog si Joaquin?" tanong ni Joe kaya napatango naman ako, at ang dalawa dali-daling lumapit kay Joaquin at pinagmasdan ang mukha ni Mokong. "Kami muna dito, Dai, siguro naman lagi mong natitingnan si Adonis matulog." "Ano?! Hindi 'no!" inis kong sabi tapos lumipat ako ng upuan. Mga baliw, titig na titig pa rin sila sa natutulog na Joaquin tapos kinuhaan pa nila ng picture. Baliw na talaga 'tong dalawa kay Joaquin. Maya maya may mga grupo ng lalaki ang dumaan sa kaliwang side namin at pagka-minamalas na naman, 'yong lalaki na naman na puro banat. Nahinto sila nang makita nila ako kaya inirapan ko sila at napatingin naman ako sa kanang side at paparating rin ang grupo nina Claire. Ay ewan! Ang sakit ni tadhana sa ulo. Lumapit na naman si Banat Boy sa akin kaya napakunot ang noo ko, pati nina Divine at Joe. Mabuti na lang natutulog si Mokong Joaquin. "Bakit ang sama mong makatitig sa akin? I can tell that you want me." Wow? Ako pa ang may gusto sa kanya? Ang kapal naman talaga ng apog ng lalaking 'to. "Yes, I want you...to leave." saka ko siya inirapan. "Triple kill! Hahahahaha!" sigawan na naman ng mga kasama niya tapos napansin kong natawa rin sina Joe at ang grupo nina Lienel. Mukhang napahiya si Boy Banat. Buti nga! Akala ko titigil na siya pero makulit ata lahi nito at bumanat na naman. "You know, Miss, I'm willing to give myself to you naman 'e. I like you." nawindang naman ako sa sudden confession niya kaya matagal bago ako nakasagot. Parang tumahimik tuloy ang paligid. "Bakit? Natameme ka na? So, you like me too?" napa-ngisi naman ako sa sinabi niya. "Yah know what, I don't accept cheap gifts and I like you to go back to hell. Jerk!" tapos tumayo na ako at lumipat ng table. Nagkakagulo na kasi sa table na 'yon at baka magising pa si Joaquin. "Legendary!" sigaw ng mga tropa niya. Mga baliw, dapat pinapasok sa Mental. Psh. Napansin ko tuloy na nagising si Joaquin, tapos parang bata niyang kinusot-kusot ang mga mata niya. Nagulat pa siya na sina Divine ang nasa tabi niya, kaya tumayo siya at hinanap ako. Nang makita niya ako hindi siya nagdalawang-isip na lumapit sa akin kaya kung makatingin ang mga tao sa paligid namin, ang OA! Tapos itong si Divine at Joe, si Jerk na Banat Boy ang kinukulit. "Akala ko umalis ka na, Binibini." sabi niya in his sleepy voice. Ang hot potek! "Hindi kita pwedeng iwan 'no! Tss." pagtataray ko sa kanya pero tumawa lang siya tapos inextend niya 'yong kamay niya sa harap ko at inihiga niya rin ang ulo niya na nakaharap pa rin sa akin. "Mahiga ka, Binibini. Gusto kong makatulog na ikaw ang huling makikita ko pagkapikit ng mga mata ko." Hindi naman siya bumabanat pero bakit ang ganda sa pakiramdam? Wala akong pambabara na maisip. Hindi ko na alam kung anong nangyari kina Banat Boy at ano ang naging reaksyon ng ibang mga tao sa paligid namin. Ang alam ko lang, masaya akong kaharap si Joaquin, na nakatitig sa mga mata ko hanggang sa makatulog siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD