Panimula

291 Words
Isla de Maharlika Ang Isla de Maharlika ay isang tagong isla na matatagpuan sa bandang ibaba ng Mindanao na pinaniniwalaang lugar ng mga mahihirap, taong-bundok o mga taong makasalanan na ipinatapon sa malayong lugar. Marami na ang sumubok na maghanap ng impormasyon tungkol sa mga tao rito pero ganoon pa rin ang laging kwentong lumalabas. Makikita raw rito ang mga taong hirap na hirap sa pamumuhay pero patuloy pa ring lumalaban at tuloy sa pag-agos ng buhay. Pero ang hindi alam ng iba, taliwas ito sa kanilang alam. Ang totoong Isla de Maharlika ay isang isla na pinakamarangyang tagong lugar sa buong Pilipinas. Isang lugar kung saan nariyaan pa rin ang kasaganahan ng dating Pilipinas. Makikita rito ang mga mansion noong panahon ng Kastila. Makikita ang mga kalesang ginagamit ng mga tao sa pang-araw-araw na pamumuhay nila. Narito rin ang mga masasaganang puno at halaman. Ang mga ngiti at masisiglang ugali ng mga Pilipino. Ngunit isa lamang ang pinaka-pagkakaiba nila, isang Donya at Don ang namumuno sa kanila. Ang pamilyang "Maharlika" ang namumuno sa Isla de Maharlika. Nais nilang ipagpatuloy at huwag kalimutan ang dating Pilipinas, at ang mga ugaling nakagawian ng mga Pinoy. Ang Donyang si Adelfa Elizalde-Maharlika at Don Antonio Maharlika ay may limang anak. Ito ay sina Ginoong Joaquin, Ginoong Dante, Binibining Amelia, Binibining Ligaya at ang bunsong si Ginoong Gabriel. Masayang namumuhay ang mga mamamayan sa Isla de Maharlika hanggang sa isang araw, isang trahedya ang nangyari. Nawawala ang panganay na anak nina Donya Adelfa at Don Antonio na si Ginoong Joaquin. At sa hindi malamang dahilan, siya ay napadpad sa Heneral Santos City, ang Tuna Capital ng Pilipinas, at nakilala niya si Binibining Hannah Flores, ang babaeng tutulong kay Ginoong Joaquin upang makabalik siya sa Isla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD